Lover Sixteen

Lover Sixteen
Present

Noong dumating si mama kasama ang tita ko kuno ay puro lang sila kwentuhan tungkol sa mga kalokohan daw nila noong kabataan nila. Habang si papa ay umuwi sa kaniyang asawa.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nang grumaduate ako imbis na maging masaya ay nagkulong lang ako sa kwarto ko at doon binuhos ang iyak ko. Nasasaktan pa rin sa hindi malamang dahilan may parte sa akin na gustong nakilala ang lalaki sa larawan dahil sa tuwing nakikita ko iyon ay parang pinipiga ang puso ko.

3rd year college na ako at nagfocus nalang ako sa pag-aaral ko kahit na medyo mahirap ang college ay hindi ako nagpatinag sa sakit na nararamdaman ko.

"Aya, nakita mo ba yung hot boy doon sa engineering department? shocks! ang gwapo!" kinikilig na sabi ni Vanessa.

Tinawanan ko lang siya habang inaayos ko ang mga requirements ko na ipapasa. Kilig na kilig pa rin siya habang kumakain ng fishball.

"Beh! Beh! iyon pa pogi! Ahhhh! Meron pa!" Turo niya sa likod ko kaya kumunot ang noo ko at tumingin sa likod ko.

Oo nga ang dami ngang gwapo ngayon sa plaza. Nagkibit balikat lang ako bago muling ituon ang atensyon sa requirements.

"Ayy wala lang sayo?" Nakasimangot na tanong ni Vanessa.

"Wala akong panahon sa kanila, Van."

"Sa kanila ba talaga o dahil ayaw mo lang?" Pang uusisa pa niya.

Ayokong sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko sa lalaking nakita ko lang noon sa litrato na dala ni papa. Ayokong sabihin na parang konektado ako sa taong iyon dahil baka sabihan pa ako ni Vanessa na inlove sa picture.

Kada umaga kapag gigising ako hindi mawala ang lalaki sa ala-ala ko pero hindi ko naman alam ang pangalan nito.

"Aya?" Nilingon ko si papa ngumiti siya sa akin bago ilapag ang pagkain na dala niya.

"Nag abala kapa Papa." Sambit ko nilapag niya sa study table ko ang pagkain.

"Baka magalit ang mama mo kapag hindi kita pinakain."

Natawa nalang ako sa kaniya halos dalawang taon narin simula nang mai-annul siya kay Tita Luella mabuti nalang at sa pagkakataong iyon ipinaglaban kami ni Papa kahit itinakwil pa siya ng pamilya niya.

Kinuha ko ang pagkain na bigay ni Papa napatingin naman ako sa pinto nang pumasok si Mama nakanguso ito.

"Kinalimutan mo yung juice." Nilapag ni mama ang juice sa study table ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti.

Pinagpatuloy ko ang PowerPoint na ginagawa ko habang sina Mama ay nililibot ang tingin sa kwarto ko.

"Huh? may picture ka pala ni Ino?" Napatigil ako bigla.

Kunot noo kong tiningnan si Mama ganon din si papa. Sa pagkakataong ito nakaramdam nanaman ako ng kakaiba.

"I-ino ang pangalan niya?" Nagtataka kong tanong.

Tumango-tango naman si Mama naningkit pa ang mata niya. "Hindi ko siya kilala." Ani Papa habang nakatitig sa picture.

Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. "Ano kaba! Si Ino iyong anak ni Chris yung kabanda mo noon."

"May anak na pala yun?" Nagtataka paring sambit ni Papa natampal nalang ni Mama ang noo niya habang ako ay natulala sa PowerPoint na ginagawa ko.

Shit!

Ino...

Quinno...

"T-teka bakit ka umiiyak Aya?"

Shit! Si Ino! Kilala ko siya! Unti-unting bumabalik sa akin ang lahat. Ang nakalipas kung paano ko nakilala si Ino ang unang pagkikita namin sa waiting shed na nasa tabing dagat. Ang bike niya at ang mga ngiti niya si Quinno ang lalaking niligawan ako nang walang pahintulot sa mga magulang ko. Siya yung lalaking nagustuhan at minahal ko. Si Quinno paano ko siya nagawang kalimutan sa mahabang panahon?

"N-nasaan po si Tito Chris?" Tanong ko habang pinupunasan ang luha ko.

"Nasa pampanga siya ngayon, bakit kaba umiiyak?" Hindi ko na nagawang sagutin si mama nagmadali akong lumabas ng kwarto ko.

"Mahal kita Aya... 'wag mo akong kakalimutan." 

I'm sorry. Nakalimutan kita Ino. Nakakainis bakit kita kinalimutan?

Wala na akong pakealam kung maubos ang allowance ko ang nasa isip ko ngayon ay ang pagpunta sa pampanga nagpapasalamat naman ako dahil tinext sa'kin ni mama ang address ni Tito Chris kaya hindi ako nahirapang hanapin ito.

Kinakabahan ako habang palapit nang palapit sa lugar na pupuntahan ko hindi ko alam kung kilala pa ako ni Ino o ako nalang ang nakaka-alam sa past naming dalawa.

I hope he still remembers me, I hope he still likes me, I hope he doesn't push me away if I ever introduce myself to him.

Huminto ang taxi sa isang malaking bahay kaya sunod-sunod ang naging paglunok ko. Gustong umatras nang katawan ko pero iba ang gusto ng puso ko. Huminga ako ng malalim bago pindutin ang doorbell.

Sana... sana Ino ako pa rin.

Nakayuko ako nang bumukas ang gate umangat ang tingin ko sa katulong.

"Ano pong kailangan nila?" Tanong nito bahagya akong umatras.

"Si Tito Chris po?"

"Ay si Sir! pauwi palang po e, pasok po muna kayo ma'am." Tumango ako at sumunod sa kaniya.

Nilalamon parin ako ng kaba habang naglalakad papasok sa bahay nila. Paulit-ulit akong humihinga ng malalim habang nililibot ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila.

Ang yaman na pala ni Christian. Naalala ko noong sabihin niya sa amin na siya ang mas matanda sa Banda nila na-realize ko rin na ang sinasabi niyang baby boy noon ay malamang na si Ino.

"Maupo po kayo, kukuha lang po ako ng inumin." Umupo ako sa sofa habang hinihintay si Tito Christian.

Ang tagal kong nasaktan sa lawaran ng lalaking hindi ko kilala. Ngayon alam ko na. Totoo ang lahat nang naranasan ko at hindi iyon panaginip. Kung si Ino man ang lalaking hinahanap ko baka ito na ang panahon para mabago ko naman ang future. Nabigo ako sa past at hindi ako papayag na muling mabigo ang kapalaran ko sa pag-ibig gayong nasa future na ako.

Nilapag nang katulong ang juice kaya nilagok ko iyon kaagad sa sobrang kaba. Halos magkakalahating oras na akong naghihintay nakaramdam ako ng antok kaya isinandal ko muna ang ulo ko sa sofa.

"May bisita?"

"Opo sir, Tito niya raw po si Sir Chris." Kumunot ang noo ko habang nakapikit.

"Tss. Baka nakikitulog lang? next time 'wag lang magpapapasok nang kung sino-sino sa bahay." Tuluyan ko nang idinilat ang mata ko kaya bumungad sa akin ang lalaking naka sando habang seryosong nakatingin sa akin.

Nasa harap ko siya at mukang kanina pa ako tinitingnan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang matagal ko nang hinihintay ay nasa harapan ko ngayon.

Pero kasabay non ang pagkadurog ng puso ko sa tanong niya. Hindi ko inaasahan. Ang daya.

"Sino ka?" Tanong ni Ino habang salubong ang kilay.



Comment