Lover Two

1989
Aya Bueno

Hindi!

Hindi ito panaginip!

"Oh my gosh!" Kinapa ko ang katawan ko napatayo ako sa upuan ng waiting shed na malapit sa dagat. Gulat kong tiningnan ang buong paligid.

Nasaan ako?!

Puno ng kaba ang nararamdaman ko at halos hindi ako nakapagsalita nang humampas sa akin ang sariwang hangin. Binalingan ko ang dagat at nakitang mahinahon iyon. Binalingan ko rin ang lumang waiting shed.

May narinig akong tunog ng bike.

"Nasaan ako! Ano ba? Panaginip ba 'to?" Sinampal ko ang sarili at naramdaman ang sakit non.

Hindi ito panaginip! Naglu-lucid dream ba ako? Pero imposible 'yun dahil hindi ko kayang gawin yon! Isa pa. Ngayon lang ako nagkaganito.

"Sandali lang, Jerome!" Parang sirang plaka na umuulit sa pandinig ko ang pangalan na sinigaw nang babae.

"Ano? Talo na tayo Aleya!" Shit! Anak ng tupa, tinapa at lahat ng may anak!


Napunta ang atensyon ko sa babaeng naka headband at kamukang kamukha niya ang Mama ko! Habang ang lalaki na may dalang gitara ay kamukha ng Papa ko! Ano ba'ng nangyayari?


"Mama..."


"Nakakainis ka naman Eh, bakit mo ako iniwan sa baryo? Paano kung nawala ako?" Masungit na tanong ni Mama—hindi pa ako sigurado kung si Mama nga iyon.


Naglakad sila at malapit na sila sa pwesto ko. Sinundan ko lang sila ng tingin. Alam kong panaginip lang ito! Hindi nila ako nakikita. Naupo si Jerome sa upuan at ganon din ang ginawa ni Aleya.

"Mag-usap nga muna tayo,"


"May tao sa harap natin Jerome, nakakahiya 'no!" Nanlaki ang mata ko nang balingan ako ng tingin ni Jerome tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.


"Hayaan mo, jejemon naman 'yan." Mas lalo akong nagulat sa sinabi ni Jerome.


Naknang! Jejemon?!


"Ang sama ng ugali mo—uh... sorry miss pwedeng umalis ka muna?"


Hindi ako makapaniwala sa dalawang 'to!


"Huh? Excuse me? Nauna ako rito." Pagtataray ko sa dalawa nagkatinginan sila. Si Jerome ay sinamaan pa ako ng tingin bago siya tumayo sa bench at hawakan ang kamay ni Aleya.


"Umalis na nga tayo..." Muli akong tiningnan ni Jerome na parang gusto akong kitilan ng buhay. "May epal kasi."

Aba't!


Tuluyan na silang naka-alis kaya napaupo nalang ako ulit sa bench hinihintay na magising ako sa panaginip na ito. Sigurado ako na hindi ito totoo. Muli kong narinig ang tunog ng bike kaya hinanap ko kung saan iyon.

Naglakad ako paalis sa waiting shed at nakita ang nakatalikod na lalaki habang hawak ang kanyang bike at nakatingin siya sa karagatan.

Hindi ko na sana papansinin iyon pero humarap siya sa akin at ngumiti na para bang close kami. Tumaas ang kilay ko.

"Finally, andito na si Aya." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Sino ka?" Lumapit siya sa'kin dala ang bike niya.

"Hindi mo ako kilala? Hello! Classmate kaya kita, tanga ka talaga." Buong galak niyang sagot.

Okay. Pogi siya. Pero nakakainis siya ang yabang.

"Hindi ako tanga! Ang kapal naman ng libag mo!" Singhal ko tinawanan niya ako.

"Edi hilurin mo!" Nandidiri ako habang makipag-talo ng tingin sa kanya.

"Sino ka ba ha? ang lakas ng topak mo." Sana magising na ako, baka maging kriminal pa ako nito.

"Hays! Male-late tayo sa ginagawa mo e!" Sumakay siya sa bike saka tinapik ang likod non. "Sumakay ka na, Aya!"

Mabilis akong umiling. "Ayoko." Baka mamaya masamang tao siya na dadalhin ako sa kung saan. Hindi ko pa naman alam kung nasaan ako ngayon.

"Anong ayaw? Ang arte-arte mo talaga!" Singhal niya kaya nakaramdam ako ng inis.

Ako maarte? Ayoko lang lapitan ang nakakainis na lalaking kaharap ko ngayon.

"Sino ka muna?" Taas kilay kong tanong. Iritado siyang napahilamos sa kanyang mukha.

"Ako si Ino okay? Okay ka na? Pabigat ka nalang nga sa groupings natin umaarte kapa riyan."

Sinama niya ako. Inangkas niya ako sa likod ng bike. Namamangha ako sa paligid sobrang daming puno at malinis pa ang kalsada. May mga taong dumadaan at puro pang 90s ang pormahan.

"Nasa panahon ba ako ng mga aesthetic na ferson?" Takang tanong ko kay Ino.

"Aesthetic? Ferson?" Natatawa niyang pagbalik sa tanong ko. "Nag shabu ka ba?"

Napangiwi nalang ako at hindi siya sinagot huminto kami sa isang school. Bumaba ako sa bike kasama siya.

Nakakamangha talaga. Ibang-iba ito sa henerasyon ko.

"Anong taon na ba?" Wala sa sariling tanong ko naramdaman ko ang presensya ni Ino sa likod ko.

"1989, kakatapos lang ng bagong taon." Sagot niya muli ko siyang tiningnan at parang may humimas sa puso ko nang matitigan ko siya.

"1989 na talaga?"

"Oo nga, may sakit ka ba?" Natatawa niyang tanong umiling naman ako. "Tara na sa loob." Hinawakan niya ang kamay ko. May kakaiba akong nararamdaman.

1989... naalala ko ang hiling ko bago ako makatulog. Imposible...

Hindi yon pwedeng mangyari...

Nag time travel ba ako?

Sa panahon ng 1989?

"Mag kaklase talaga t-tayo?" Tanong ko tumango siya bilang sagot.

"Alam mo ba ang Wattpad?" Huminto siya sa paglalakad. Nagulat ako nang bigla nalang niyang pisilin ang ilong ko.

"Hindi. Nakakain ba ang Wattpad na tinatanong mo?"

So... Totoo nga?

Nasa 1989 nga ako. Wala pa'ng wattpad, Facebook, Instagram o kahit na TikTok.

Naging totoo nga ang hiling ko. Pero bakit? Anong gagawin ko sa taong ito?

Huminto si Ino kaya pati ako ay napahinto.

"Aya..." Umangat ang tingin ko sa kanya seryoso ang kanyang mukha.

"B-bakit?" Hinawakan niya ang balikat ko saka huminga ng malalim.

"Di ba ang sabi mo, gusto mong malaman ang love story ng Mama at Papa mo? Hiniling mo yon na sana magawa mong baguhin ang past. Ito na yun."

Gusto kong tumakbo palayo kay Ino. Nakakatakot siya paano niya nalaman ang hiling ko?

"Sino ka ba talaga?" Ngumiti siya at binitawan ako.

"Quino also known as Ino, ako ang magiging guide mo sa past love life ng mga magulang mo. Kaya h'wag kang pasaway kung gusto mo ng maayos na buhay."

"Are you joking?"

"Nope, totoo ang sinasabi ko. Narinig ko ang hiling mo. At ito na 'yon." Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. "Bilisan mo na , hihilurin mo pa ang libag ko."

Naglakad siya palayo habang ako ay nanatiling nakatayo at pinagmamasdan pa rin ang paligid.

Ito na 'yun? Mababago ko ba ang past? Posible pala yun? Napangiti ako nang makaramdam ng excitement. Ang saya! Hello 1989!

Comment