Lover Three


1989
Lover Three


Wala akong maintindihan sa lesson na tinuturo ng teacher. Ang alam ko lang ay boring! Sobrang boring ni cellphone wala.


Paglabas sa school ay tawang-tawa si Ino sa akin. Ilang beses din akong napairap nakakairita kasi ang tawa niya ang sarap palunukin ng malaking bato.

"Saan naman tayo pupunta ngayon?"


"Sa Mama at Papa mo." Sagot niya bago sumakay sa bike. Sumunod naman ako sa kanya.

"Magkaibigan ba si Mama at Papa?" Tanong ko nang magsimula na siyang nag pedal.

"Hmmm... sa pagkaka-alam ko magkaibigan silang dalawa."

"Ilang taon na sila?"

"Si Mama mo 17 habang si Papa mo ay 18." Napa-tango ako sa sagot niya.


Ang galing talaga! Nakikita ko ang lugar ng 1989. walang masyadong usok may mga poster ng larawan ni Celine Dion at may mga talipapa akong nakikita.



Napansin ko na iba ito sa nakita ko kanina. Kanina lang ay nasa Isang dagat kami ngayon naman ay nasa highway kami at may dumadaang mga jeep.

Ang weird naman.

Huminto ang bike sa isang building. Sinundan ko lang si Ino sa pagpasok sa loob. May nasalubong pa akong gwardya na nakikinig ng radyo at ang building na ito ay wala manlang aircon.


Lumiko kami sa isang pasilyo may hagdan na sumalubong sa amin.

"Dito tayo dadaan?" Gulat kong tanong.


"Oo, walang elevator e." Sagot naman ni Ino.


Sobrang haba ng hagdan at feeling ko wala pa sa kalahati ay mapapagod na ako. Hindi pa ako nakakahakbang nang hilahin ako ni Ino.

"Tara na! Sinasayang mo ang oras." Aniya kaya inirapan ko siya.


Sa huli pagod na pagod ako nang makarating kami sa fifth floor tumawa nanaman si Ino kaya inis ko siyang tinignan at akmang sisinghalan siya ng makita ko ang isang elevator. Mas lalo akong nainis habang siya ay halos mamatay na sa kakatawa.


"Baliw ka! May elevator naman pala!"


"Sino ba nagsabi na wala?" Tumatawa niyang tanong kaya hinila ko ang tenga niya. "Aray!"


"Mokong ka!"

"Wag mo akong hawakan baka ma-
in love ka sa'kin—aray ko!" Mas lalo kong diniinan ang pagkurot ko sa tenga niya.


"Antipatiko!" Singhal ko pa. Pero tinawanan lang ako ng mokong na ito.


Maya-maya ay narating na namin ang isang recording studio at talaga namang nakakamangha yon. May mga lumang CD's sa pader na nakadikit at naroon din ang iba't ibang artista. Mga posters nga lang.



"Jerome!" Nabaling ang tingin ko sa tinawag ni Ino.


Ngumiti si Jerome at nilapag ang kanyang gitara nakipag yakapan siya kay Ino. Siguro kung nasa panahong 2023 sila ay pinagkamalan na silang BL.


"Kamusta? Hindi kita naabutan kahapon ah?"


"Nasa dagat lang ako," sagot ni Ino nabaling sa akin ang tingin ni Jerome.


"Ikaw yung babae--" hindi na natuloy ni Jerome ang kanyang sasabihin dahil inakbayan siya ni Ino.


"Magaling 'yan kumanta pre," nanlaki ang mata ko sa mayabang na saad ni Ino kay Jerome.


Tiningnan naman ako ng mga tao dito sa studio kaya napayuko ako. Baliw ba siya? Ni hindi ko nga nagawang kumanta sa public e!


Haynaku! Nakakahiya talaga si Ino.


"Talaga magaling siya?" Biglang sumulpot sa loob ng studio si Aleya. Tumango naman si Ino habang ako ay napapailing. "Parinig kami."


Hindi ko sila matingnan si Ino ang sinamaan ko ng tingin habang siya ay nakangisi sa akin. Anong babaguhin ko sa love life ng mga magulang ko? Ni hindi ko nga alam kung paano sila nagkakilala.


"Mahiyain kasi si Aya," biglang sambit ni Ino.


"Sayang naman pala. Di bale, may susunod pa naman." Nakangiting sabi ni Aleya nakita ko kung paano siya tingnan ni Jerome na para bang dismayado.


Galit ba ang Papa ko kay Mama?


"Oh siya! Maghanda na kayo, kayo na ang susunod na mag pe-perform sa stage."


Mabilis na kumilos ang mga ka-grupo ni Jerome habang ako ay nasa Isang sulok lang at pinagmamasdan ang ginagawa nilang paghahanda. Ang iba ay nag kabit na ng gitara habang si Jerome ay pinapraktis ang kanyang vocal.


Ang ganda pala ng boses ng Tatay ko.


"Pst!" Nilingon ko ang lalaki.


"Ano na naman Ino?" Taas kilay kong tanong. Lumapit siya sa akin.


"Ito na yun," nakangising aniya kaya nagtataka ko siyang tiningnan. "Dito magsisimula ang love story ng Mama at Papa mo."

***

It's amazing because nowadays there are no toxic people. Hindi katulad ng panahon kung saan ako nagbibilang. Kaunting piyok mo lang sa pagkanta ay pagtatawanan ka na at gagawin pang memes lalo na kung pangit ang tingin nila sa'yo. Hindi na uso ang mga kantang may malalim na kahulugan sa panahon ko puro nalang may mura ang naririnig ko sa kanta bihira nalang yata ang mga kantang pag-ibig.



Simple lang ang mga tao sa panahong ito. Ang mga babae ay hindi masyadong naka make-up maninipis pa nga ang kilay ng iba. May mga natural lang ang ganda. At ang mga lalaki ay simple lang din at walang lipstick ang labi.


Nakakamangha.



"Bumibilib na ba ang makulit na si Aya?" Mapang-asar na tanong ni Ino kaya inirapan ko siya.


"Tigilan mo ako." Sambit ko. "So, anong mangyayari kay Mama at Papa?" Tanong ko sa kanya.



Tinuro niya ang stage. "Mahuhulog ang Mama mo sa stage. Mahuhulog si Aleya at kasabay non ang pagka-hulog nila sa isa't isa ni Jerome." Parang kinikilig niyang sagot.


Nakaka-curious lang, paano kaya napunta si Ino sa past na ito? Paano niya ako napunta rito.


"Ang korni pala ng lovestory nila."


"Hindi ah!"


"Anong hindi? Napanood ko na ang eksena na mahuhulog kunwari kumbaga yung love at first sight? Uso kaya 'yon sa mga palabas sa T.V," pakikipag talo ko pa sa lalaki. Binasa niya ang kanyang ibabang labi saka tumango-tango.


"Kung sabagay, may point ka naman." Aniya " siguro na love at first sight ka sa'kin ’no?"


"Yuck! "


"Ay ang arte, ako na 'to." Turo niya sa kanyang sarili.



Muli ko siyang inirapan habang siya ay mukang na enjoy ang pang-aasar sa akin. Katulad ng sinabi niya nang matapos ang kanatahan ay nakita kong nahulog si Aleya sa stage dahil sa pagkadulas nito. Agad naman siyang nasalo ni Jerome at napansin ko ang matagal nilang pagtitig sa isa't isa.


Ang korni talaga nila.

Comment