Lover Five

1989
Lover Five

Napakamot ako sa aking ulo habang nakasunod kay Ino na nakasakay sa kanyang bike. Nakakainis! Hindi manlang niya ako inangkas.

"Boring na boring ka na 'no?" Natatawa niyang tanong inirapan ko naman siya.

"Taray." Rinig ko pang sabi niya.

Bumaba siya sa kanyang bike at lumapit sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay nang sumilay ang nakakaloko niyang ngiti may tinuro siya sa hindi kalayuan nanlaki ang mata ko nang makita si Aleya at Jerome sa ilalim ng puno.

Malapit na sila sa isa't isa.

"Kaunting push nalang magki-kiss na ang dalawa," nakangising sambit ni Ino habang pinagdi-dikit ang kanyang palad.

"Bakit mo pinapanood?!" Singhal ko.

"Hala! Inosente ka ate gurl?" Natatawa niyang tanong sa akin.

"Hindi. Pero moment nila yun panira ka masyado" sagot ko sabay irap sa kanya. Inakbayan naman ako ni Ino at pinatalikod nakatalikod na kami ngayon kina Aleya at Jerome.

"Birthday ni Jerome sa tingin mo walang himala na mangyayari sa kanila?" Mapanukso niyang tanong kaya kumunot ang noo ko.

"What do you mean?" Taka kong tanong inilapit niya ang kanyang mukha sa malapit sa tenga ko.

Para akong nakiliti nang maramdaman ang mabango niyang hininga sa leeg ko.

"May milagro mamayang gabi gusto mo manood tayo?" gusto ko siyang tadyakan dahil wala siyang kwenta kausap.

Inalis ko ang braso niyang naka-akbay sa akin sabay kurot sa tagiliran niya. Humalakhak pa ang loko!

"Baliw ka!"

"Joke lang! Syempre ayokong manood ng live habang ginagawa ka nila." Tinakpan ko ang tenga ko habang si Ino ay namumula sa katatawa.

Inirapan ko siya at iniwan sa lugar na iyon na parang nababaliw. Narinig ko naman ang sigaw niya sa pangalan ko hindi ko siya nilingon.

Yung totoo saan ba pinaglihi si Ino? Puro siya tawa, wala namang nakakatawa sa pinagsasabi niya! Nakakairita siya!

"Sandali lang!" Narinig kong sigaw niya.

Bahala ka sa buhay mo!

"Ito naman gagaret agad... Pft wahahaha!"

"Tigilan mo ako Ino!"

"Ang cute mo palang magalit." Huminto siya sa pagtawa at muling umakbay sa akin akmang aalisin ko ang pagkaka-akbay niya nang bigla niya akong iharap sa isang bilihan ng cotton candy.

"Hayaan na natin ang nanay at tatay mo sa moments nila. Let's make our own moments" hindi pa ako tumatango nang tawagin na niya ang nagtitinda ng cotton candy.

"Dalawa po," nakangiting ani Ino kay manong napakurap ako nang ngumiti sa akin ang manong.

" Imagination ko lang si manong." Napatingin ako kay Ino nang ibulong niya iyon sa akin.

Ang galing talaga.

Sabay naming kinain ang cotton candy habang naglalakad. Hindi ko maiwasang kilabutan sa imaginations ni Ino napaka realistic kasi ng mga ito.

Pagkatapos naming kumain ay parang nag blink lang ang araw dahil lumilipas ito ng mabilis hindi katulad ng reyalidad. Gusto kong magtanong kay Ino kung bakit ang bilis lang ng araw sa past na ito. Siguro nga kaunti lang ang oras ko para mabago ang lovestory nila mama at papa. Pero bakit ba kailangan ko pang baguhin yun?

Dahil sa gusto kong magkaroon ng maayos na pamilya?

"Naiinip kaba kaya ka tulala?" Binalingan ko ng tingin si Ino. Naupo siya sa tabi ko habang nasa bench kami dito sa school.

"Hindi naman."

Nginitian niya ako sabay pisil sa pisngi ko, inirapan ko siya dahil parang may kung anong epekto siya sa akin. Paano kung bumalik na ako sa future makakalimutan ko rin ba siya?

"Ino..." gusto ko lang magtanong dahil sa kuryusidad ko.

"Bakit?"

"Paano ka nakakapasok sa past ng ibang tao?" Tanong ko sa kanya. Simple siyang ngumiti sa akin.

"Bihira lang ang taong napagbibigyan ng time travel. Minsan ang mga matatanda na malapit ng mamatay ang nakakabalik sa past nila para balikan ang mga taong mahal nila.
I live for other people's lives. Without me, people would lose their past memories. I am the one who keeps their memories of their past lives. Ako ang dahilan kung bakit may mga taong nabubuhay sa future na kayang alalahanin ang mga nangyari sa kanila sa past." Sagot niya ngunit bakas ang lungkot sa mga mata niya kahit nakangiti pa siya.

Bakit parang...ang hirap?

"Gusto ko rin ng future. Nakakasawa na kasi sa panahong ito puro luma ang mga bagay at lugar. Gusto kong makita at maranasan ang buhay na may future. Kaya sa tuwing may humihiling sa akin na sana mabago nila ang past ay kusa nalang akong napupunta sa past nila para tulungan sila. May ilang nabigo at may ilan din na nagtagumpay. Nakakainis lang yung mga taong gustong baguhin ang past nila." Aniya pa.

"Hindi nila alam na ang lungkot, saya, pag-ibig at galit sa past nila ay nagiging daan para maging matatag sila in the future." Parang may kung anong pumitik sa akin nang sabihin niya iyon.

"Gusto mo bang... sumama sa future ko?" Tanong ko kay Ino saglit siyang natahimik sabay tawa ng malakas.

"Baliw alam ko na future mo," aniya na ikinabigla ko.

"A-ano?"

"Ako ang future mo, ayieeeee."

Lord, pwede ko ba siyang sampalin?

" Wag nalang pala." Tinawanan niya lang ako.

Natahimik kaming dalawa at heto nanaman ang parang blink lang. Nagbago na ang lahat madilim na ang paligid at gabi narin may mga bituin. Napangiti ako nang makita si mama at papa na nagtatalo.

"Pang ilang araw ko na ito?"

"Tatlong linggo." Napalunok ako at tumango naramdaman ko ang paghawak ni Ino sa kamay ko.

"Liligawan talaga kita Aya." Nagulat ako sa sinabi niya tumingin siya sa akin nang seryoso.

"S-sinasabi mo?"

Bahagya siyang lumapit sa akin. "Hindi ko rin alam. Basta... Gusto kong maranasan na ligawan ang isang katulad mo, kahit sa panahong ito lang."

Bakit parang may parte sa akin na nalulungkot? Ano bang pakiramdam ito?

"Ino..."

"Kung mabago mo man ang lovestory nila bago ka bumalik nh future gusto ko munang iparanas sa iyo ang isang panliligaw ng Quino Twain sa panahong ito." Nakangisi niyang sabi bahagya akong natawa sa sinabi niya.

"Quino Twain?"

"Uhm... Wala akong maisip na apelyido e, kaya Twain nalang." Mas lalo akong natawa sa kanya kaya ngumuso si Ino.

Makakalimutan ko naman siya sa future 'di ba? At saka hindi naman ako mafa-fall sa kaniya.

"Sige Ino, ligawan mo ako."

Comment