Epilogue

Epilogue
Present

"Kapalit ng muli kong pagka-buhay ay binura nga ng panahon ang ala-ala ko." Ang sariwang hangin ay humahampas sa balat namin. "I hear whispers and it tells me to remember everything, isang mahinang bulong ng babae sa panaginip ko. Naguguluhan ako kung bakit habang tumatanda ay mas lalo akong nakukulong sa panaginip na iyon—"

"Totoo ang lahat Ino." Niyakap ko siya at naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin pabalik.

We were also separated for almost a few months after our last conversation about his memory. I let him think of everything while I acted to fulfill my dreams. Muling nabalik ang BuenoMusica at ginawa iyong studio para sa mga bata, matanda, at mga teenager.

Maraming kanta ang na-release ng ibang artista na nakapangalan ng studio namin kaya kahit paano ay naging business na namin iyon.

Matapos ang pag-uusap namin ni Ino ay napag-desisyonan namin na bumalik na sa studio naabutan ko pa sina papa na kumakanta kasama ang mga bata habang si mama at ang asawa ni Tito Chris ay nagku-kwentuhan sa gilid.

Mga marites din e.

"Ay nandito na pala ang pogi kong anak e," biglang sabi ni Tita agad namang sumimangot si Ino. " Sus pa-humble lang 'to Mars!"

Hinila naman ako ni mama. "Itong anak ko naman ang ganda."

"Aba'y syempre ako na'to Ma..." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ino kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Tinatawanan niya lang ang ganda ko?! Hello, marami kaya ang nanligaw sa akin pasalamat nalang talaga si Ino dahil patay na patay ako sa kan'ya.

"Ma, mamaya niyo na kami ipagmayabang." Hinila ko si Ino bago palayo sa kanila narinig ko pa ang sigaw ni Mama.

Bahala kayo diyan, akin lang si Ino.

"Ang possessive naman ni Aya." Pang-aasar ni Ino kaya kinurot ko ang tagiliran niya ang loko tumawa pa talaga.

****

"Congratulations!"

"Well done Aya!" Nakangiti akong lumapit kay Ino.

"Galing ko ba?" Ngumuso si Ino na parang iniisip pa ang sagot niya. Hinampas ko siya sa braso.

"Bwisit ka! Graduate na ako sa college kaya pwede na akong mag-asawa." Pinitik bigla ni Ino ang noo ko.

"Edi sana hindi kana lang nagaral."

"Bakit namimitik?!" Pinitik niya ako ulit.

"Tsaka kana humanap ng asawa kapag may trabaho kana." Pangaral nanaman niya akala mo hindi boyfriend kung makapagsalita.

"So hahanap pa ako ng lalaking aasawahin ko? Hindi ikaw?" Singkit matang tanong ko. Pinisil naman niya ang ilong ko.

"Subukan mo lang."

"Aya! Ino! Picture na tayo!" Lumapit kami kay Papa na may hawak na camera.

Nakangiti kaming lahat sa harap ng camera matapos ang araw na iyon ay pinalagay namin ni Ino sa frame ang picture at dinisplay sa pader ng condo ni Ino. Madalas na akong nasa condo niya.

Naabutan ko siyang nagluluto ng almusal habang suot ang apron na ginawa ko para sa kaniya. Nakikinig din siya ng tugtog sa radyo at sinasabayan pa ang beat nito.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood ko ang lalaking nakilala ko sa past ng mga magulang ko. Ang daming nangyari sa amin at hindi na ako papayag na hindi siya ang lalaking para sa akin. Kahit paglayuin pa kami ng mundo ay hahanapin ko parin siya.

"Ang yummy ko ba?" Mayabang niyang tanong habang hawak ang niluto niya.

"Kadiri,"

"Kadiri ka riyan!" Tinawanan ko siya nilapag naman niya ang pagkain sa hapag at pinaupo ako.

Nag makaupo ako ay binigyan niya ako ng halik sa pisngi. "Good morning Aya ko."

Shit! Ang gwapo niya. Sinong hindi mababaliw?!

"Good morning," Ngumiwi lang si Ino "Mahal ko yieee."

Kinagat niya ang ibabang labi niya bago umiling at nagsimulang kumain. Puro kami asaran habang kumakain. Pagkatapos ay pumasok na ako sa trabaho ko gano'n din ang ginawa ni Ino. Uuwi kami na kahit pagod ay masaya naman.

Weekend nang ayain ako ni Ino na pumunta sa 1989 island nagdala kami ng pagkain. Dinala rin ni Ino ang pang paint niya. Nagawa niyang tapusin ang kursong fine arts at ang ilan sa gawa niya ay nilagay sa isang art gallery.

"Ayusin mo Ayatot!" Utos ni Ino inirapan ko siya bago ko ayusin ang pose ko sa dagat.

Nakita ko pa ang pag ngisi niya. "Ang sexy mo! Sarap mong asawahin."

"Ino!" Narinig ko ang halakhak niya habang ako ay nagiinit ang pisngi sa sobrang hiya.

Lumipas ang oras at naging seryoso na si Ino sa ginuguhit niya habang ako ay nakaupo sa dalampasigan at nakatingala sa kalangitan. Pumikit ako at ngumiti.

"Salamat.... Binigay mo si Ino." Mahina kong bulong habang inaalala ang mga nangyari sa amin.

Tila ba nabuhay kami para paglaruan ng mundo. Pinagtagpo kami at pinaglayo ng panahon nagawa din naming kalimutan ang isa't isa. Nagawa akong itaboy ni Ino dahil sa gumugulo sa isip niya, gano'n pala kami katibay para talunin ang parusa sa amin.

Wala namang masama sa pag-ibig.

"Aya ko." Nilingon ko ang lalaking nakangiti ngayon sa akin. Naupo siya sa tabi ko dala ang ipininta niya pinakita niya iyon sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang sarili ko habang nakatanaw sa dagat malapit sa waiting shed. Sinandal ko ang ulo ko sa braso ni Ino naramdaman ko naman ang paghalik niya sa ulo ko.

"Ang ganda Ino,"

"Syempre maganda yung model e." Natawa ako.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinimas ang daliri ko matagal niya iyong tinitigan. Napatingin din ako sa kamay namin na magkahawak.

"Pakasal na tayo Aya." Gulat ko siyang tiningnan, kahit kailan talaga hindi siya nabigong patibukin ang puso ko ng mabilis.

"Sigurado ka?"

"Ako nga dapat ang magtanong niyan sa'yo. Sigurado kaba sa akin? Baka mamaya may agam-agam kapa riyan o sama ng loob, baka kinukulam mo na ako para ma-inlove ako sa'yo ng sobra-sobra." Natawa ako sa kaniya.

"Singsing muna." Ngumisi si Ino bago ilabas ang isang box sa bulsa niya. "Ino... "

"Akala mo hindi ako handa?" Binuksan niya ang box kaya tumambad ang kumikinig na singsing at may maliit pa na diamond doon.

Pinakita niya sa akin ang loob ng singsing. "Pangalan mo at pangalan ko ang nakalagay diyan. Aya Bueno pwede na kitang pakasalan? Kahit ilang taon pa 'yan handa akong maghintay kung hindi kapa ready, basta ako lang ang lalaking pakakasal—" hindi ko na siya pinatuloy at agad siyang hinalikan sa labi ng paulit-ulit.

"Oo na oo! I love you Ino, mahal na mahal na mahal kita!" Gumuhit ang ngiti sa labi ni Ino bago ako muling halikan ng marahan at puno ng pagmamahal.

"Mahal din kita Ayatot."

"Ang bantot naman ng tawag mo sa'kin!" Natawa siya kaya hinampas ko ang braso niya sinuot naman niya sa akin ang singsing.

"Ang kapal talaga ng libag mo!" Singhal ko muli niya akong hinalikan.

Nasarapan pa.

"Edi hilurin mo." Pareho kaming natawa dahil para kaming baliw iiyak tapos tatawa.

Hindi naman kami ikanasal agad dahil naging abala rin kami sa aming buhay ngunit nagawa pa rin naming magpakasal sa simbahan at bumuo ng sarili naming pamilya. Gumuhit naman si Ino nang isang pantasya na tungkol sa time travel. Binili ito ng isang sikat na artist at nilagay sa malaking art gallery sa ibang bansa.

Ang daming nagbago sa buhay namin.

At ang masasabi ko lang.

No matter how many hours, days, seasons and even some obstacles in life, I will never forget the time where it all started.

I am Aya Bueno, Quinno's wife saying goodbye in 1989.

Comment