Lover Six


1989
Lover six

Ganito pala sila mag rehears ng kanilang kanta nakakamangha dahil wala pa silang auto tune. Napatingin ako kay Aleya na nakaupo ngayon sa tabi ko kanina pa siya parang tuliro.

"Kumanta ka naman Ino!" Nabalik ang atensyon ko sa grupo ng mga lalaki na may hawak na music instruments.

"Pass baka ma-inlove kayo." Seryosong sagot ni Ino na may halong kahanginan. Tumingin siya sa akin at kumindat.

Ang landi niya.

Nakatayo si Ino sa harap maliit na stage kung saan nag re-rehearse ang banda nila Jerome. Nakapamulsa pa ito at parang seryoso talaga ang peg niya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Aleya.

Ano bang problema niya? Kanina pa siya ganiyan at parang walang gana habang nanonood hindi rin mapinta ang mukha niya parang malalim ang iniisip.

"Ayos ka lang?" Buong buhay ko ay hindi ko nagawang tanungin ang mama ko kung ayos lang ba siya.

Wala kasi akong alam. Ang hirap.

Nanlulumo ang mga mata niya nang tumingin siya sakin binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti bago tumango.

"L-labas lang ako saglit." Paalam niya tumango naman ako.

May problema nga siya. Shit! Bakit ngayon ko lang na-realize na hindi ako mahilig mangamusta sa mga magulang ko? Gano'n ba ba ako kasama?

Lumabas si Aleya sa studio kaya sinundan ko siya pero mabilis siyang maglakad kaya hindi ko siya naabutan. Babalik na sana ako sa studio nang makarinig ako ng iyak ng babae mula sa likod ng studio kung nasaan ang lagayan ng basura. Humakbang ako nang dahan-dahan at sumilip nakita ko ang mama ko (Aleya) na nakayuko habang umiiyak ang kamay niya ay nakatakip sa kaniyang bibig na para bang pinipigilan ang pag iyak.

"Ma--Aleya,"

Mukang nagulat siya sakin kaya mabilis siyang tumalikod. Ang sakit. Ang sakit makita ang sarili kong nanay sa future na umiiyak sa hindi malamang dahilan. Bakit ang tanga ko? Bakit ngayon ko lang 'to naramdaman?

"Bumalik kana sa loob, baka hinahanap ka ni Ino." Utos niya. Ganitong ganito siya sa future kung mag utos.

Hindi ko alam kung ano ang nag udyok sakin para lapitan siya at yakapin ramdam ko ang pagkagulat niya. Pero kalaunan ay muli siyang umiyak at mahigpit din akong niyakap.

Ang mama ko... umiiyak hindi ko alam kung bakit.

Hinayaan ko siyang umiyak sakin habang pinipigilan ko ang sarili sa pagluha. Nakakalungkot lang dahil sa tagal ng panahon ngayon ko lang naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang Ina. Siguro nga araw-araw saking pinaparamdam ni mama na mahal niya ako pero ako itong pusong bato. Hindi ko manlang siya nasabihan ng I love you.

Gusto ko nang bumalik sa future kung saan ako nararapat. Pero may parte sakin na gustong manatili rito.

Tumahan si Aleya at bumitaw sa yakapan namin. Pinunasan niya ang kaniyang luha.

"Mangako ka sakin Aya, wala kang pagsasabihan nito okay?" Kumunot ang noo ko.

"Nang alin ang pag iyak mo?" taka kong tanong umiling siya bago muling huminga ng malalim.

"B-buntis ako..."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Shit!

"At... si Jerome ang ama, pero hindi niya pa alam---"

"Oh my G!" hindi ko na napigilang takpan ang bibig ko at patagong tumili. Am I the child in her womb?!

Mahina niya akong hinampas.  "Huwag kang maingay! A-ano kasi... nakalimutan kong m-mag pills."

"Bakit hindi mo sabihin kay papa!?" Singhal ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"H-huh?"

Saka ko lang na-realize ang sinabi ko kaya mabilis akong umiling.

"I mean sa magiging papa?" Hindi siguradong dahilan ko. Pero mukang naintindihan naman niya ang palusot ko.

"Ayaw niyang magka anak kami." Ouch.

Ayaw ni papa? (Jerome) ayaw niya samin?

"Mahirap ipaliwanag Aya, sinabi ko sayo ito kasi hindi ko rin alam kung bakit, basta kakaiba ang nararamdaman ko sayo alam kong hindi mo ito sasabihin kay Jerome o sa kahit na sino, magtitiwala ako sa'yo."

Matapos ang pag-uusap namin ay halos hindi na ako makatulog sa kakaisip sa sinabi ni Aleya. Naguguluhan ako at nasasaktan dahil sa kadahilanang ayaw ni Jerome na mabuntis siya pero inangkin na niya si Aleya.

Nakakainis!

"Oh, kape. Ayos ka lang?" Kinuha ko ang kape na inabot sakin ni Ino saka ito ininom.

"Buntis na si Aleya. Ang gara! Bakit ayaw ni Jerome?!" Inis kong singhal habang nasa balcony kami.

Sumandal siya sa sliding door at naka cross arm habang nakatingin sa akin.

"You should think better before you get irritated." Tugon naman niya.

"Ang naisip ko lang ay hindi niya totoong mahal si Ale--"

"Hay... Sa tingin mo ba ganon kasama ang ugali ni Jerome?" Taas kilay niyang tanong. Tumango naman ako dahil iyon ang naisip ko.

"Alright, kung gano'n nga! Baguhin mona ang lovestory nilang dalawa--pero bago yun kiss mo muna ako." Tinuro niya ang kaniyang labi kaya mabilis ko siyang binatukan.

"Mema ka!"

"Mema--kiss?" Nakangisi niya pang biro.

Shit 'tong lalaki na ito! Masyadong pa-fall wala siguro siyang ideya na baka mabaliw ako kung mahulog man ako sa kaniya. Baka mabaliw ako kung nasa past siya at babalik din ako ng future. Nakakalungkot, Parang mas gusto ko nalang mabuhay sa past ayoko na sa future masyadong magulo ang mga tao. Toxic at kung minsan ginagawang biro ang pagkawala ng mga magulang lalo na ang pagkamatay ng ibang tao. Ayoko sa future.

"Wag na nga. Baka bustedin mo pa ako." Aniya at tinap pa ang ulo ko.

Kaya ko ba siyang bustedin? Hmp! Nakakainis na Ang cringe!

"Ah basta! Gagawin ko ang lahat para matanggap ni Jerome na magkakaroon na sila ng anak at ako yun!" Bumungisngis si Ino at tumango tango.

"Goods 'yan, pero date muna tayo please." Nakanguso niyang sambit habang nakatitig sakin.

Grabe. Hindi ako makapaniwala na nag e-exist siya sa past. Hindi ko inaakala na pwede ko siyang makasama sa past.

"Saang lugar mo ba ako ide-date?"

Ngumisi si Ino bago ilahad ang kamay niya sa harap ko. Inabot ko iyon at nag blink ang buong paligid. Umawang ang bibig ko nang makita ang ganda ng lugar kung nasaan kami ngayon.

This is fantasy.

Comment