Lover Fourteen


Lover Fourteen
1989

Niyakap ako ng malamig na simoy ng hangin habang nagdidilim ang langit. Maski ako ay hindi nagustuhan ang naabutan ko sa simbahan.

Mga taong nakangiti habang pinagmamasdan ang dalawang tao na nasa tapat ng altar. Para bang nawalan ako ng gana.

"U-umuwi na tayo." Akmang aalis na si Aleya nang hawakan ko ang kamay niya.

Ito naba ang wakas? wala na ba akong mababago?


Nakatayo kami labas ng simbahan habang pinagmamasdan sina Jerome ay Luella na kinakasal sa harap ng maraming tao. Kusa nalang tumulo ang luha ko habang si Aleya ay umiiyak narin.

"Mas pinili niya si Luella, wala talaga akong laban." Bakas ang sakit sa kaniyang boses.

"Pipiliin ka niya. Tiwala lang Aleya." Sambit ni Ino.

Ang lakas niya talagang mag motivate ng isang tao.

"Paano Ino? Huli na nga e,"

Pinunasan ko ang luha ko. "Bakit ba sobrang concern niyo sa aming dalawa ni Jerome? hindi naman ganiyan sina Christian at Ryan ah." Biglang tanong ni Aleya kaya napalunok ako.

"Kasi buntis ka." Si Ino na ang sumagot. "Kung hindi ka buntis edi sana hinayaan ka namin na magmukmok ngayon dahil sa broken hearted ka—pero kahit hindi ka buntis hindi ka namin matitiis." Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang pag ngiti.

"Salamat Ino."

Tumango si Ino kaya medyo nawala ang alinlangan sa puso ko. Huminga ako ng malalim bago humakbang papasok sa simabahan.

"Aya—"

"Sandali lang!" Huminto ang padre na nagkakasal sa dalawa.

Naagaw ko ang atensyon nila kaya gulat na napatingin sa akin si Jerome at Kay Aleya. Akmang lalapit siya sa pwesto ko nang pigilan siya ni Luella.

Nakita ko rin sa gilid nila si Tito Jerico na naka wheel chair at salubong ang kilay na nakatingin sa akin.

Akmang magsasalita na ako nang biglang nagblink ang paligid. Nalaglag panga ako nang makita na nasa waiting shed ako nakaupo.

"Shit! Shit! Ino!"

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang pagiyak. Naiiyak ako! ako lang magisa rito, wala si Ino o kahit si Aleya, kanina lang nasa simbahan ako pero bakit ako ibinalik sa lugar na ito?

"Ino!" Sigaw ko habang ang dagat ay malakas ang alon makulimlim din ang kalangitan.

Nasaan si Ino?

Naglakad ako para hanapin si Ino panay ang hikbi ko habang naiinis sa panahon. Bakit nila ako dinala sa lugar na'to?

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang isang lalaki na nakatalikod habang may hawak na bike ang kaniyang polo ay ginagalaw gawa ng malakas na simoy ng hangin.

"Ino..." Naglakad ako palapit sa kaniya. Nakita kong nakapikit siya habang dinadama ang simoy ng hangin.

"Aya... sorry," sambit niya habang nakapikit.

Kumunot ang noo ko. "Ino anong nangyari?" Dumilat siya at tinitigan ang sa mata na puno nang kalungkutan.

Binitawan niya ang bike niya at humakbang palapit sa akin hinakawan niya ang balikat ko at sa mabilis na pangyayari ay naglapat ang mga labi namin.

Malumanay lang ang halik niya na para bang may gusto siyang iparamdam sa akin. Damang-dama ko ang lungkot sa bawat halik niya. Pinunasan niya ang luha ko matapos ang halikan namin.

"Bakit ka nag so-sorry?"

Nakatitig siya akin at ganon din ako sa kaniya. Gusto kong malaman ang dahilan niya.

"Hindi ko pala kaya na baguhin ang lahat." Aniya.

Lalong kumunot ang noo ko.

"Aya, ang hirap, ang daya ng panahon." Bigla nalang niya akong niyakap. "Hindi kita pwedeng mahalin, hindi ako pwedeng mahulog sayo kasi hindi naman ako totoo. Pero puta! Hulog na hulog na ako sa'yo Aya, mahal na mahal kita. A-at dahil don ipinagkait ka sakin ng panahon."

Naramdaman ko ang luha niya na bumagsak sa balikat ko. Naluha rin ako at mas matinding sakit pa ang dahilan non.

"B-babalik naba ako Ino?" Piyok kong tanong.

Ayoko pa. Please ayoko pa.

"Kung hindi mo mababago ang past, baguhin mo ang future Aya." Aniya hinarap niya ako at kita ko ang luha sa kaniyang pisngi.

"Hindi ko kaya..."

"Aya, kaya mo. May tiwala ako sayo—"

"Hindi ko kaya kung wala ka! iiwan mona ba ako? hindi kaba sasama sa akin?!" Natigilan siya sa sigaw ko habang ako ay patuloy na umiiyak.

Ang sakit! bakit ganito ang panahon sa akin?

"As I said I did not exist in the world, only in the past. Hindi naman ako ganito sa mga taong bumalik sa kanilang past. Sayo lang ako nahumaling Aya at iyon ang hindi pwedeng mangyari dahil oras na mahalin kita, babalik ka sa future at hindi na mababago ang past." Paliwanag niya.

"S-sayo anong mangyayari sa'yo? "

"Mawawala na ako Aya..." Nanlumo agad ako nang marinig ang sagot niya.

Gusto ko nalang murahin ang lahat. Kahit hindi ko na mababago ang past mas gusto kong makasama si Ino. Nakakainis bakit ang daya nang lahat? Bakit kailangan masaktan ang mga tao sa paligid? Not physically but emotionally.

"Ino wala nabang ibang paraan?"

Halos magmakaawa na ako sa kaniya. Mahigpit ang kapit ko sa kaniya.

Umiling si Ino. "Aya, buburahin ko ang ala-ala mo—"

"Ayoko!" tinawanan niya ako na para bang ayos pa ang lahat hinampas ko ang dibdib niya.

Yung tawa ni Ino... Yung kabaliwan niya na kahit umiiyak ako ay tatawa pa siya, sobrang mahal ko siya kaya bakit sa maling panahon pa kami nagka-kilala?

"Sinungaling ka Ino, sabi mo sasamahan mo ako." Halos pabulong kong sabi. "Mahal kita e, mahal na mahal kita. Pati ba naman sa ala-ala mawawala ka?" Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya habang walang humpay sa pag iyak.

Nagtagal kami sa ganong posisyon pareho kaming tahimik habang ang hangin ay patuloy na humampas sa amin ang karagatan naman ay patuloy sa pag-alon ng malakas. Hindi ko matanggap na sa isang kasal matatapos ang lahat ng pinaghirapan ko. Hindi ko manlang nalaman kung paano ko nakasama ang mga magulang ko sa panahong 2000 nakita ko kasi sila na pinapatahan ako dahil sa isang manika.

Kahit gaano pa kasaya ang isang pangyayari sa buhay ay napapalitan din ito nang matinding lungkot. Kung hindi ko man mabago ang nakalipas baka sa hinaharap mabago ko pa... nang mag-isa.

"Mahal kita Aya... 'wag mo akong kakalimutan." Bulong ni Ino habang ang puso ko ay patuloy na nagluluksa.

Inangat pa ni Ino ang mukha ko kaya nakita ko ang ngiti sa kaniyang labi at lungkot sa kaniyang mga mata.

"Masaya ako kasi ikaw ang babaeng nahalikan ko sa unang pagkakataon ikaw ang unang niligawan ko sa panahong ito at ikaw rin ang babaeng minahal ko. Sobrang salamat kasi mahal mo rin ako Aya. Baguhin mo ang hinahanarap pangako ko nakasubaybay pa rin ako sayo." Hinalikan niya ako.

"Ako rin ang maswerteng manliligaw mo sa panahong isang libo't siyam na raan at walumpu't siyam. I'm proud to date you in 1989, If you haven't been there for me in these years... remember that no matter how many years have passed, you are still the one I want and I love."

At sa mga huling salita niya ay namulat ako sa kasalukuyan.

Comment