Lover Nineteen


Lover Nineteen

"Ino sandali lang!" Shit! Madadapa pa yata ako Neto! anong laban ko naka-bike si Ino habang ako naka-paa.

Huminto ako habang naghahabol ng hininga inirapan ko si Ino na palayo na nang palayo. Hinubad ko nalang ang suot kong t-shirt at mabilis na lumusong sa dagat. Nahimasmasan ako dahil kanina ako init na init dahil sa sikat ng araw. Nangingitim na ako.

Pikit-mata kong dinama ang malamig na tubig dagat habang tinatanaw si Ino na nagba-bike sa puting buhangin, umikot siya para balikan ako at nang makalapit na malapit sa dagat ang bike niya ay bumaba siya at taas kilay akong tiningnan.

"Bakit ganiyan ang suot mo?" Kunot noo niyang tanong kaya taka kong tiningnan ang suot kong two-piece.

"Malamang nasa dagat tayo, anong expect mo na suotin ko gown habang naliligo?"

"Try mo," amp! Pilosopo talaga siya! "Bilisan mo—Aya!"

"Hahahaha!" Muli kong sinaboy sa kanya ang tubig kaya basang-basa na ang suot niyang sando at shorts.

"Stop!"

Hindi ako tumigil. "Ligo na ang baho mo na Ino!" Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako pero parang nakita kong ngumiti si Ino.

Lumusong din siya sa tubig at winasikan din ang mukha ko kaya halos malunod na ako sa ginagawa niya pero tuloy parin akong lumalaban.

"Ang kulit mo! " Sigaw niya kaya natawa ako.

"Ang sungit mo naman!" Narinig ko ang mahina niyang tawa.

Sana ganito palagi... Sana ganito kami kung sa parehong panahon lang kami unang nagkita sana sa kasalukuyan nalang niya ako niligawan.

Ang sakit...

Napayuko ako at napansin nalang ang paghinto ni Ino sa pagwisik sa akin ng tubig. Unti-unting bumagsak ang butil ng luha ko. Nakakainis ang hina ko! bakit ako umiiyak sa harap niya?!

"Are you okay?" Mahinahon niyang tanong. Walang inis, walang galit.

Peke akong natawa, naiinis talaga ako sa panahon! naiinis ako bakit kasi ganito pa ang nangyari sa amin? kung kami talaga para sa isa't isa bakit kami ginagago ng tadhana?

"Ino... "

Ayoko na. Ayoko nang umasa at masaktan, ayoko nang ibalik ang nakaraan dahil alam kong wala na talagang pag-asa. Kung hindi talaga kami... Tatanggapin ko nalang, pero kahit sa pagkakataong ito gusto ko siyang makasama katulad ng una naming pagsasama sa nakalipas na panahon.

"Miss na kita Ino... Sobra." Sambit ko tsaka pinunasan ang luha ko inangat ko ang ulo ko kaya nagtama ang tingin namin nakita ko ang nangungusap niyang mga mata.

"Uuwi na ako bukas, ingat ka ha? Wag kang masyadong masungit hindi bagay sa'yo. T-tsaka ang cute mo ngayon infairness hahaha!" Seryoso parin siya.

Tinitigan ko ang mga mata niya bago ako ngumiti at muli siyang wisikan ng tubig. Tumayo ako at naglakad paalis sa tubig. Kinuha ko ang t-shirt ko at muling sinuot.

Nakabalik ako sa cottage naabutan ko sina Tita na namimigay ng laruan sa mga bata. Naupo ako sa sa upuan at tumulong narin sa kanila.

Nakakatuwa ang mga batang ito ang daming alam sa social media lalo na sa TikTok. Noon puro lang TikTok ang inaatupag ko pero ngayon ang laki ng pinagbago ko.

Kinabukasan ni-ready ko na ang mga damit ko pauwi. Tinulungan naman ako ni tita ang sabi niya magstay daw sila dito sa Isla ng mga tatlong araw pa. Pinahatid niya rin ako kay Ino.

"Ingat kayo ha? Drive safe." Ngumiti ako kay Tita at nagmano gano'n din ang ginawa ko kay Tito.

"Ikamusta mo ako kay Pareng Jerome."

"Opo Tito, bye Tita, Tito. Ba-bye mga chanak!" Natawa ang mga bata sa sinabi ko.

"Bye Ate!"

Walang imik akong pumasok sa kotse ni Ino maski siya ay tahimik habang nasa byahe kami. Hindi ko inalis ang tingin ko sa daan halos Isang oras ang lumipas kumunot ang noo ko nang ihinto nanaman ni Ino ang kotse sa waiting shed. Lumabas siya ng kotse at umikot para pagbuksan ako ng pinto.

"B-bakit?"

"Baba, Aya." Sinunod ko siya at nang makababa ako ay naglakad siya papunta sa buhanginan nakasunod lang ako.

"Bakit tayo huminto?"

"Sino kaba talaga?!" Singhal niya na ikinagulat  ko.

"H-ha?"

Humakbang siya palapit sa akin at ramdam na ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Namamawis din ang kamay ko. Kinuyom ko nalang ang kamao ko galit ang mga mata niya at salubong ang kaniyang kilay.

"You're confusing me. Always. Your voice drives me crazy and a big part of me wants to know what connection you have with my life!" Napakurap ako sa sigaw niya.

Nakakatakot si Ino... Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maluha ibang iba na siya sa nakilala ko. Sabi ko ay susuko na ako pero bakit ngayon parang mas gusto ko nalang siyang mahalin ulit?

"Hindi kita ginugulo,"

"Talaga? E, bakit ikaw ang lumalabas sa panaginip ko? Simula nang magpunta ka sa bahay namin luminaw ang lahat ng nakikita ko sa panaginip. Ikaw palagi! hinahabol kita at palagi mo akong iniiwan!" Basag ang kaniyang boses kaya mas lalo akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.

Ako ang nasa panaginip niya?

"Ino hindi moba talaga naalala?" Halos manginig na ang boses ko.

"Simula pagkabata ko ikaw nalang palagi... Palagi kitang nakikita sa lugar na ito, nakangiti at masayang nakikipag usap sa akin. Nasasaktan ako sa tuwing aalis ka, miss na miss kita kahit hindi naman kita kilala. Palagi akong naguguluhan kung nababaliw na ba ako para mapanaginipan ka palagi?"

"Pero hindi e, totoo ka nga! Habang tumatagal nagkakaroon ng linaw ang babaeng nasa panaginip ko. Nagkakaroon ng boses ang pag-uusap namin... Aya, Aya ang pangalan niya."

"Sabihin mo sa akin Aya, sino ka? bakit ganito?"

Sa pagkakataong ito nawala ang takot ko sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit at naramdaman ko ang luhang tumulo sa balikat ko galing sa kaniya. Pareho kaming nasasaktan. Pareho kami ng nararamdaman.

"Bakit nasayo ang larawan ko sa lugar na ito?"

"I love you Ino!" Natigilan siya sa sinabi ko. "Alalahanin mo please, mahirap mang paniwalaan pero mahal kita simula nang dalhin mo ako sa panahon ng isang libo't siyam na raan at walumpu't siyam. Bumalik kana Ino pagod na pagod na akong habulin ka, samahan mo ako sa kasalukuyang ito."

Comment