Lover Nine


Lover Nine
1989

Tulala ako habang pinagmamasdan ang alon ng karagatan. Nakaupo ako ngayon sa lumang waiting shed kung saan ko unang nalaman na nasa past ako. Matapos ang nangyari kanina ay lumabas ako ng hospital dahil hindi ko kinaya ang sakit na nararamdaman ko kahit pa sinabi ni Jerome na pakakasalan niya si Aleya.

Noong bata ako palagi kong kasama sina Mama at Papa at palagi rin kaming gumagala pero ni isa sa mga iyon hindi ko masasabing masaya. Kahit na magkasama kami nag aaway pa rin sila. Palagi kong naririnig ang sisihan nila tungkol sa nakaraan.

Na kesyo raw, katulad ako ni mama noong kabataan niya. Kesyo katulad ako ni papa noong kabataan niya. Na curious ako. Ano bang klase silang bata noon? Anong klaseng binata at dalaga ba sila?

And now, I get it. Everything that happened to them they did not like.

Bumaling ang tingin ko sa lalaking tumabi sa tabi ko.

"Ano okay kana idol?" Tanong ni Ino sa maamong mukha.

Pilit akong ngumiti at tumango. Isa pa siya sa dahilan kung bakit parang ayoko nang lisanin ang nakaraang ito. Wala pa ako sa future pero nasasaktan na agad ako.

Bakit ganon? Ang bilis ng lahat. Hindi ko naman siya gusto pero iba ang sinasabi ng puso ko.

"Salamat Ino." Tanging nasambit ko sa kaniya narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Ang galing mo kanina ah, hindi ko in-expect na gano'n ka magalit. Nakakatakot ka pala maging asawa." Natawa din ako sa sinabi niya.

Tinap niya ang ulo ko kaya parang tanga nanaman ang puso ko na sumisigaw sa kilig.

"May sasabihin ako sayo."

"Ano ’yon Ino?" Umayos siya ng upo at inabot ang kamay ko. Pinaglalaruan niya iyon habang ang mga mata niya ay nakatingin sa dagat.

"Palagay ko... Nagbago na ang future ng mga magulang mo--but I'm not sure about this. I had no idea that something like that happened to your parents. " Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Wala siyang alam sa nangyari? ibigsabihin hindi niya alam na may pangyayaring ipapalaglag ni Aleya ang sarili niyang anak?

Ang weird.

"Pero okay lang naman 'yon, at least nagbago ang future, congrats Aya!" Kinuha niya ang kamay ko at pinag apir iyon. Bahagya akong natawa sa ginawa niya.

"Baliw ka talaga,"

"Hays! Ano kayang magandang gawin ngayon?" Tanong niya iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil pakiramdam ko unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya.

"Pumunta kaya tayo sa 2000?" Napakurap ako sa masiglang sinabi ni Ino.

"Pwede yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango naman siya.

"Hanggang 2000 lang ang pwede nating puntahan, ano G ka ba?"

Sa damuhan? Joke.

"Sino ang tatanggi?" Na e-exite ako. Gusto kong makita ang panahon ng 2000.

Sumama ako kay Ino hindi kami umalis sa pwesto namin pero pinapikit niya ako narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa at may kung ano akong naramdaman sa noo ko.

"Teka! Hinalikan mo ba—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bumungad sa akin ang isang kalsada kung saan may mga taong dumadaan mga naka 20s outfit na sila.

Naririnig ko rin ang kantang Yellow by Coldplay.

"Hello! 2000!" Sigaw ni Ino napanganga nalang ako sa sobrang pagkamangha.

Nakakatuwa! Ang kaninang lungkot ko ay kusa nalang na nawala. May mga taong pinag  titinginan kami ni Ino kasi pang 1989 pa ang suot namin, pero wala na akong pake sa kanila. Ang importante ay nakarating kami sa taong ito!

"Aya!"

"Uy Aya!" humarap ako kay Ino muntik pa akong matapilok dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

"B-bakit?" Isang dangkal nalang...

Ngumiti siya sa akin. "Huwag kang haharap." Bulong niya at sinunod ko ang sinabi niya.

"Ahhhh Mama! Yung toy ko kinuha nila!" Rinig kong sigaw ng isang bata.

"Hayaan mo na Anak, ibibili kita ng bago." Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig naman ang boses ni Papa.

"Ayaw ko! Gusto ko yun! Ayon lang." Muling pagmamatigas ng bata.

"Haynaku, maraming mas magandang laruan kesa dun anak." Kusang tumulo ang luha ko sa malambing na boses ni Mama.

Hindi ko na sila narinig pero nanatili pa rin akong nakaharap kay Ino. Nabalik lang ako sa ulirat nang pitikin niya ang noo ko at punasan ang luha ko gamit ang palad niya.

" Ang soft hearted naman ng baby Aya namin." Pang-aasar niya pa mabilis ko namang inalis ang kamay niya sa mukha ko.

"Ang gaspang ng kamay mo!" Natawa siya bago muling Ibalik ang kamay niya sa mukha ko.

"Mas okay ang magaspang." Aniya sabay kindat. Kinurot ko ang tagiliran niya na naging dahilan ng pagdaing niya.

"Ano?" Taas kilay kong sagot.

Ang kamay niya ngayon ay nasa tagiliran niya. "Ang sakit mong magmahal."

"Tarantado!"

Tinawanan lang ako ng walang hiya. Nilibot niya ako sa taong 2000 at iniwasan niyang gumamit ng kahit na anong mahika. Mas gusto niya raw na parang nasa normal na lugar lang kami at normal na panahon.

Kumain kami ng sorbetes o yung ice cream na tig limang piso. Pagkatapos ay nagpunta kami sa parke para tanawin ang magandang tanawin.

May mga batang naglalaro din at hindi ko alam kung nasaang lugar ba kami.

"Dito naba tayo sa panahong ito?" Tanong ko kay Ino habang kumakain ako ng ice cream. Umiling naman siya.

"Isang oras nalang at babalik na tayo sa 1989,"

"Huh? Bakit ang ikli naman?" Taka ko pang tanong. Humarap siya sa akin.

"Ang goal sa panahon mo ay ang 1989 hihintayin lang natin ang bagong taon bago ka makabalik sa 2023 o sa kasalukuyan." Natulala ako sa sagot niya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at tiningnan nalang ang ice cream na kinakain ko. Unti-unti na itong natutunaw.

Mygosh! Gaano naba ako katagal sa past? Bakit ko ba sinanay ang sarili ko na makasama si Quinno?

I couldn't stop it, it's his fault. He is too kind to me and he always teases me as time goes on I fall for him.

Puta.

Hindi ko na mapigilan. Gusto ko siya, Ayoko nang umuwi. Gustong gusto ko na si Ino.



Comment