Lover Eight


Lover Eight
1989

Aya Bueno

"Sheesh grabe 'yon!" Nakipag apir si Ino sakin matapos kong ma-shoot ang bola sa ring.

"Ano mas magaling na ako sa'yo." Mayabang kong sabi saka pinatalbog ang bola.

"Magaling daw..."

"May reklamo kaba Ino?" Ngumiti siya nang malapad bago kunin sakin ang bola.

"Wala mahal na Reyna." Sagot niya sabay irap natawa nalang ako inasta niya.

Oo na! Ganito ako kababaw e, bakit ba? nakakatuwa naman talaga siya. Ang sarap niyang tirisin.

"Laro pa, miss ma'am!" Tumango ako bago niya ipatalbog muli ang bola. Naka-ilang shoot din si Ino at tumigil lang nang lumapit sa amin si Jerome.

Hinihingal siya at pawis na pawis.

"Pre..." Inalalayan siya kaagad ni Ino.

Naiinis pa rin ako sa kaniya, lalo na at ang manhid ng puso niya. Nakakainis ang papa ko.

"Buntis si Aleya... buntis siya!" Nanlaki ang mata ko sa sigaw ni Jerome. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko ngayon. Humahagulgol si Jerome habang si Ino ay naka-alalay sa kaniya ako naman ay nakatayo sa harap nila.

"Buntis siya... Sinabi niya sakin nakaraan 'yon, p-pero naguluhan ako sa sarili ko! Pre hindi ko makontak si Aleya! Baka kung anong gawin nun." Parang kinurot ang puso ko sa sinabi ni Jerome.

"Tinaggap mo ba ang bata?" Tinaggap mo ba ako?  Kung hindi edi sana walang Aya na mabubuhay sa mundo. Pero gusto ko paring malaman kung anong nangyari.

"Hindi." Nakaramdam ako ng galit sa tipid niyang sagot.

Nilapitan ko siya at kaagad naman akong hinawakan ni Ino sa kanang braso ko. "Hindi? Anak mo yun bakit hindi mo tanggap!?"

"Iyon nanga e! Sabi ko ipalagalg niya--" nagulat ako nang bigla nalang siyang sapakin ni Ino.

Nakita ko ang pagtulo ng dugo ni Jerome pero hindi yun naging dahilan para kaawaan ko siya sa sitwasyong ito.

"Bobo ka ba?" Kalmadong tanong ni Ino. "Bakit kayo nagsasayang ng buhay ng bata kung kayo naman ang dahilan kung bakit sila nabuo!?"

"Ino hindi mo ako naiintindihan---" muli siyang sinapak ni Ino kaya napaatras ako.

Napatingin ako kay Ino na nanatiling kalmado ang mukha. Ngayon ko lang nalaman na Amy ganito siyang side. Nawala nalang bigla ang inis ko kay Jerome at napalitan ng awa.

Nakakairita! Tatay ko pa rin si Jerome in the future. Kaso ang sakit lang malaman na ayaw niya pala sakin.

Muli kong narinig ang paghikbi ni Jerome. "Aakuin ko. Pananagutan ko si Aleya. Kaso puta! saan ko siya hahanapin? Wala siya sa bahay nila... B-baka ituloy niya ang sinabi ko, pre tulong naman oh."

Mariin akong pumikit at hinilot ang sintido ko. Wala akong ibang maisip kundi ang pagka inis kay Jerome. Masyadong red flag ang papa ko. Gayun pa man kailangan kong gampanan ang misyon ko sa past life nila.

Kailangan kong mabago ang lovestory nila. Kailangan mabuo ako.

Tinulungan namin si Jerome na kontakin si Aleya pero hindi pa rin ito sumasagot sa telepono. Ito yung lumang telepono noon na hinuhulugan pa ng barya.

"Sa tingin mo saan nagpupunta ang mga ayaw magsilang ng sanggol?" Tanong ko kay Ino.

"Hospital o 'di kaya sa mga birth center." Sagot niya.

Tumingin ako kay Jerome na patuloy pa rin na naghuhulog ng barya. Kinalabit ko siya at kahit masama ang loob ko sa kaniya ay kinausap ko pa rin siya.

"May malapit ba na hospital dito?" Tanong ko hindi siya kaagad nakasagot tila ba may iniisip ito.

"Sa Rivera Street meron. Iyon ang pinaka malapit." Kalmado na siya ngayon hindi katulad kanina.

Muli kong hinarap si Ino. "Sa Rivera tayo." Ngumiti siya at tumango.

Pagkarating namin sa Rivera Street at may malaking building doon kung saan nakasulat ang Rivera Hospital. Kaagad akong pumasok sa loob kasama sina Jerome at Ino tiningnan ko ang ibang tao sa upuan. Wala pang masyadong maayos na upuan dito.

Mabilis kong nilapitan ang isang nurse. "Saan ang kwarto para sa abortion?" Napahigpit yata ang pagkakahawak ko sa kaniya.

Naka-awang ang bibig ng nurse bago niya ituro ang pangatlong pinto ng mga kwarto. Base sa nakikita ko mukhang public hospital ito at luma pa ang mga kagamitan.

Hindi na'ko nagpaligoy-ligoy pa. Mabilis kong tinungo ang kwartong iyon at nakasunod naman sa'kin sina Jerome at Ino.

Lubos ang galit ko nang makita ko ang doctor na may hawak na kung anong bagay ito yata ang sinasabi nila na ginagamit for abortion. Ang kinagagalit ko lang ay parang wala lang kay Aleya na mawawalan siya ng anak.

Kumuyom ang kamao ko bago hablutin ang hawak ng doctor nagulat pa siya sa ginawa ko at dumilat naman si Aleya. Kitang-kita sa mukha niya ang pagka-gulat.

"Nababaliw kana ba!?"

"Aya--"

"Ipapalaglag mo talaga ang bata!?" Naramdaman ko ang luha na pumatak sa pisngi ko pati ang paghawak ni Ino sa kamay ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita ang luhang pumatak sa mga mata ni Aleya nabaling ang tingin niya sa lalaking nasa tabi namin.

"J-jerome..." Sambit niya sa pangalan ng Tatay ko.

"Baliw kayo," muli kong usal. "Hindi kayo nag iisip! Puro lang sarap ang nasa utak ninyo! Hindi niyo iniisip ang mangyayari! buhay yang sasayangin niyo--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Ino.

"Tama na Aya," bulong niya sa akin.

Nakita ko naman ang paglapit ni Jerome kay Aleya yumuko siya sa babae at hinalikan ito sa noo. Ang doctor naman ay lumabas ng kwarto habang ako ay nanatiling nasa bisig ni Ino.

Ang sakit!

Alam kong mas nasasaktan sila ngayon pero bilang anak... Hindi ko kayang tanggapin na handa nila akong ipalaglag para sa kanilang kabutihan.

Paano kung walang pumigil sa kanila?

"I'm sorry! Sorry, tumayo ka Aleya."

Hikbi namin ang namayani sa buong kwarto. Habang si Ino ay nakatingin lang sa labas ng bintana habang nakayakap sa akin. Kumalas ako sa kaniyang bisig at kinumutan siya ng noo.

Sinenyasan niya ako na manahimik.

"Pananagutan kita okay? Sorry kung ang tanga ko na hinayaan lang kita, napaka selfish non Aleya. Sorry kung natakot ako para sa pangarap ko. Pangako magiging mabuting Ama at Asawa ako sa inyong dalawa ng magiging anak natin."

"Aleya... Pakakasalan kita."

Comment