Lover Ten

Lover Ten
1989

"Traveling into the future is easy. Traveling into the past is hard — but maybe not impossible. Sabi sa nabasa ko." Pag ku-kwento ni Ino habang nasa studio kami.

Nakapamilog ang mga kabanda nina Jerome alam na nila na buntis si Aleya at si Jerome ang ama.

"Totoo ba'yan? parang kwento lang naman 'yan ng mga scientist." Sambit ni Ryan ang drummer nila.

"Oo pre! Sinabi 'yan ni Albert Einstein sa theory of relativity." Sang-ayon naman ni Christian ang guitarist nila.

"Sus 'di yun totoo!" Pakikipagtalo rin ni Jerome habang nakayakap sa likod ni Aleya.

Okay. Sweet na kung sweet.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ino nakatingin siya sa akin na para bang sinasabi na shunga ang mga kaibigan ni Jerome pati na si Jerome.

"Feeling ko naman ay totoo ang time travel, naniniwala ako—pero hindi sa scientist minsan kasi puro hula lang ang sinasabi nila tungkol sa past and future." Sambit din ni Aleya nakita kong tumango si Jerome.

Nagsalita ulit si Jerome. "Naniniwala pala ako."

Natahimik sila kaya kumunot ang noo ko. Nakatingin na pala sila sa akin.

"Ikaw ba Aya, naniniwala ka ba sa time travel?" Naningkit ang mata ni Ryan na para bang pinag pupustahan nila ang magiging sagot ko.

"Uhm..." Nabaling kay Ino ang tingin ko. Taas baba naman ang kaniyang kilay. "Medyo oo."

Bagsak ang balikat nina Ryan at Christian sa sagot ko. Nakakatuwa mukhang hindi na peke ang nararamdaman ni Jerome kay Aleya dahil palagi niya itong inaalalayan sa tuwing tatayo ito o may gagawin.

"Bibili lang muna kami ng pagkain. Aya ikaw muna kay Aleya ha? Bantayan mo 'yan kapag nasaktan si Aleya..." Tinaasan ko ng kilay si Jerome. "Lagot sa'kin si Ino."

Natawa nalang ako bago tumango-tango lumabas ang mga boys sa studio para bumili ng pagkain. Habang si Aleya ay todo ngiti habang nagsusulat sa kaniyang notebook.

"Ano 'yan ma—I mean, bakit ka nakangiti?" Taka kong tanong.

Lumapit sakin si Aleya. "Excited na akong makita ang first baby namin ni Jerome." Pati ako ay napangiti.

Excited siyang makita ako?

"Alam mo Aya, kung hindi dahil sa'yo at kay Ino malamang pinagsisisihan ko na ngayon ang abortion. Actually aalis na dapat ako non gusto kong tumakbo." Kumunot ang noo ko. "Hindi ko kasi kaya na may inosenteng bata akong pagkakaitan ng buhay, ginusto kong makipagtalik kay Jerome. When I found out that I was pregnant, I was so afraid that Jerome would leave me and be rejected by my own family. Hindi ako iniwan ni Jerome pero yung mga magulang ko? "

"Hindi ko alam kung tatanggapin nila ako. Hindi ko rin alam kung tatanggapin ba ako ng pamilya ni Jerome."

Naalala ko bigla. May asawa si papa sa future. Hiwalay sila ni mama kung gano'n bakit? Bakit sila hiwalay? Paano ko nagawang kalimutan ang bagay na iyon!?

" Salamat Aya! Pinalakas mo ang loob ko." Naiiyak na sambit ni Aleya bago ako yakapin.

Parang may humaplos sa puso ko, It's been a long time since I've been hugged by mom and I just felt a mother's hug again.

Hindi ako papayag na ipagpalit kami ni papa in the future! Kailagan may gawin ako.

Ilang oras ang lumipas nang dumating ang mga boys sa studio dala ang mga pagkain. Pinagsaluhan namin iyon habang katabi ko si Ino inaasar pa nila ako na kinikilig kay Ino kahit si Ino nga itong pulang pula sa aming dalawa.

"May laban kami sa sabado!" Anunsyo ni Jerome.

"Sa Yamada's Arena. Manood kayo ha?"

"Oo naman manonood kami ng wifey ko." Sagot ni Ino sabay yakap sa akin dumikit pa ang pisngi niya sa kabilang pisngi ko.

Putcha naman! Kinilig ako!

"Ang kapal mo." Bulong ko sumimangot naman si Ino.

" Kiss kita diyan e, " bulong niya din na nagpainit sa pisngi ko. " Yieee kinilig." Aniya sabay tusok sa pisngi ko.

"Ehem." Mabilis akong lumayo kay Ino narinig ko ang mahinang pag tawa ni Aleya.

"kitakits sa sabado!"

"Pinag-iispan ko kung isasama ko ang girlfriend ko." Kamot ilong sabi ni Chris. Tinapik naman ni Jerome ang balikat niya.

"Isama mo na para makilala namin siya."

"Buntis e, baka madisgrasya, first baby boy pa naman namin yun." Nakanguso niyang sabi.

"Iba talaga kapag gwapo, nakakabuntis." Natatawang sabi ni Ino kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ready na ako sa pamilya, mas matanda naman ako sa inyo at nasa tamang edad narin ang babaeng pakakasalan ko. Hinihintay ko lang ang baby boy namin." Nakangiting sabi ni Christian habang si Ryan ay kunwaring nagpupunas ng luha.

"Nakaka-proud ka Daddy."

***

"Hay... Kapagod." Nahiga ako sa kama at pinilit ang mata ko.

"Ako lang dapat ang pumapagod sa mahal na Reyna." Napadilat ako nang marinig ang boses ni Ino.

Potakti! Bakit wala siyang damit!? B-bakit ang ang laki ng katawan niya at may anim na pandesal?

"Busog ka naba?" Tanong niya.

Umiwas ako ng tingin habang ang mukha ko ay paniguradong namumula na sa sobrang init.

"Mag damit ka nga! Ang dugyot mo naman."

"Wow... Dugyot ako? kaya ba halos tulo laway kana Mahal na Reyna, Aya? Kunwari ka pa gusto mo lang hawakan ang abs ko." Mayabang niyang sabi kaya binato ko siya ng unan.

Nasalo niya!

"Ang kapal talaga ng libag mo!" Singhal ko.

Tumawa si Ino sa akin. "Edi hilurin mo." Ang walang kwenta niyang linya.

Tatayo na sana ako para sugurin siya pero hindi ako makagalaw sa higaan. Mas lalo akong nainis kaya sinamaan ko ng tingin si Ino. Bwisit siya! Naka short lang ako at baka kung ano pa ang makita niya!

"Ano ba! Sasapakin kita!" Humalaklak pa ang mokong bago maglakad palapit sa'kin.

Napalunok ako nang bigla nalang siyang pumaibabaw sa akin habang ako ay hindi makagalaw gawa ng mahika niya. Siraulo talaga! Hihimatayin ako sa sobrang kaba.

"Palagi nalang mainit ang ulo mo bebs." Biro niya.

Shit! Ang bango nya! Galit ako. Galit dapat ako.

"Umalis ka at alisin mo ako rito para hindi uminit ang ulo ko." Sarkastiko kong sambit.

Ngumisi siya kaya hindi ko maiwang pagmasdan ang mukha niya na sobrang lapit lang sakin. Ang tangos ng ilong niya at ang pula ng mga labi, makinis din si Ino at ni isang tigyawat ay wala kang makikita kumpara sa akin. Aaminin ko nakakahumaling talaga siya at parang siya lang ang gwapo sa paningin ko.

"Ano mahal mo naba ako?" Biglang tanong niya.

Mahal? mahal ko naba siya?

Palaisipan din sakin ang tanong na'yan. Sana lang ay 'wag akong hayaan ng tadhana na mapahal sa lalaking saglit na panahon ko lang makakasama.

"Hindi kita mahal." Ngumiti pa rin siya.

"Mamahalin mo rin ako,"

"Hindi Ino." Umiling siya. "Alisin mo ako sabi—" hindi na natuloy ang sasabihin ko nang halikan niya ako sa labi.

May kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko. Saglit lang iyon at naramdaman ko na ang katawan ko na nakalaya sa mahikang ginamit niya.

Mukanh nagulat din si Ino sa ginawa niya kaya mabilis siyang tumayo at hindi manlang makatingin sa akin.

"Uh..." May gusto siyang sabihin pero natutuliro siya. "Labas nako? Hehe tawag ka nalang Aya. Bye!"

Lumabas siya sa kwarto ko pero bumalik din para sa kaniyang pahabol na salita. Ngumiti siya sa akin ng malapad.

"Hihintayin ko na mahalin mo rin ako." Aniya sabay kindat.

Potiks. Sabi ko hindi ko siya pwedeng mahalin pero... Mukang malabo na.

@Av :(⁠っ⁠.⁠❛⁠ ⁠ᴗ⁠ ⁠❛⁠.⁠)⁠っ

Comment