Lover Fifteen

Lover Fifteen
Present

Hawak ko ang mga rosas habang ang mga estudyante ay nakabilog sa amin ni Richard kumunot ang noo ko nang makita ang lalaki na nakaluhod sa harap ko.

Parang nangyari na ito.

"Aya Bueno, pwede ba kitang ligawan?" Nagsalubong ang kilay ko. Parang may nagsasabi sa isipan ko na wag siyang sagutin kaya binitawan ko ang bulaklak.

"Sorry Richard." Tumakbo ako palabas ng school rinig ko pa ang pagkadismaya nang mga kapwa ko estudyante. Saktong pag labas ko ay nakita ko si mama na galit ang itsura habang inaabangan ako sa labas.

"Ma..."

"Magpapaligaw kaba sa lalaking iyon?" Tanong niya.

Nilingon kong muli ang nga estudyante na kasalukuyang dinadamayan si Richard.

"Hindi po," sagot ko naman huminga ng malalim si mama bago tumango.

"Okay sige, tara na at naghihintay ang papa mo sa bahay."

Umuwi kami sa bahay at parang may gumugulo sa isip ko. Hindi maintindihan ang nararamdaman ko na sakit at parang may hinahanap ako na kung sino. Ang sakit sa ulo! nagising ako kaninang umaga na mugto ang mga mata ko.

At si Richard... parang nangyari na ang eksenang iyon.

Ang weird.

Nang makauwi sa bahay ay naabutan ko si papa na nakadungaw sa bintana tila ba may malalim itong iniisip. Pagkapasok namin ni mama ay umayos siya nang upo tipid na ngiti lang ang ginawad ni mama.

"Kumain kana ba Aya?" Tanong agad sakin ni papa.

Ang weird talaga! bakit parang may nagbago? anuba!

"H-hindi papo..."

"Pasensya na at ngayon lang kita nabisita ha? Naging busy kasi papa nitong mga nakaraang araw kaya-"

"Hindi mo kailangang magpaliwanag sa anak ko, Jerome." Malamig na sambit ni mama bago maglapag ng pagkain sa mesa. " Kumain kana Aya."

Tumango ako bago maupo muli kong narinig si mama.

"Wag ka munang magpapaligaw Aya hanggat wala pa ang gusto mong pangarapin. Ang pag-ibig ay nandiyan lang pero kung uunahin mo iyon kesa sa pangarap mo baka... magsisi ka sa huli. " Makahulugang sambit ni mama wala akong naging sagot kundi ang pagtango.

Naupo si papa sa tabi ko at narinig ang mahina niyang buntong hininga.

Anong nagayayari? bakit parang may kakaiba sa pangyayari? hindi ko alam kung bakit pero may hinahanap talaga ang puso't isipan ko ngayon.

Sino bayun?

"May n-nanligaw ba kay Aya?" parang nahihiya
pa si papa na magtanong kay mama.

Tipid na tango naman ang sinagot ni mama. Natapos akong kumain kaya umakyat na ako sa kwarto ko para maligo at magbihis pagkatapos ay nanguha ako ng walis para maglinis.

Binilin sa akin ni mama na maglinis ako ng bahay at parang naging deja Vu talaga ang sinabi niya.

Habang naglilinis ako sa kwarto ay pumasok si papa dala ang isang kahon. Kumunot naman ang noo ko.

"Saan ka pupunta papa?" tanong ko sa kaniya.

Pilit siyang ngumiti sa akin bago maupo sa kama tinapik niya pa ito para tabihan ko siya.

Tumabi ako kay papa binuksan naman niya ang kahon at nakita ko ang maraming lumang litrato at mga sulat.

"Mga gamit ko ito noong highschool, kukunin ko na at itatapon." Bakas ang lungkot sa boses ni papa.

"Pa... iiwan mo na talaga kami?" pinigilan ko ang sarili ko na pumiyok.

Halos ilang taon narin simula nang iwan niya kami ni papa at sumama sa tunay niyang asawa hindi ko maintindihan kung paano siya naging asawa ni tita Luella. Ang alam ko lang kasal sila noong isilang ako.

"Anak, hindi ko kayo iiwan, kayo pa rin ang uuwian ko. Kailangan lang umalis minsan ni papa."

"Bakit kasi dalawa ang inuuwian mo? wala naman kayong anak ni Tita Luella kaya bakit sa kaniya ka parin? Iwan mo na siya pa!" Tuluyan nang tumulo ang luha ko.

Naramdaman ko naman ang palad ni papa sa pisngi ko para punasan ang luha ko. Hinawi ko iyon sa sobrang inis.

"Minahal mo ba ang mama ko?! bakit dalawa sila? pwedeng kami muna? pwedeng si mama nalang?!" Sigaw ko pa.

Nakita ko ang kaunting luha na pumatak sa pisngi ni papa agad siyang tumalikod para punasan iyon.

"Bakit... Papa bakit hindi naging kayo ni mama ngayon?"

"Mahal na mahal ko ang mama mo Aya, kaya ayoko kayong iwan, kaya palaging kayo ang inuuwian ko kapag umaalis ako ng bansa. Kaso kailangan kong humanap ng tyempo para sa annulment na matagal ko nang gusto sa Tita mo Luella. Gustong-gusto kong pakasalan ang mama mo anak."

"Anak, ayaw na sa akin ng mama mo. Pero umaasa ako na bumalik yung dating pagmamahal na pinaparamdam niya sakin noon. Umaasa ako na maging buo na tayo at magkasama. I don't want to ruin our family dahil lang sa kasal ako ibang babae. Sa ngayon kailangan ko munang ayusin ang lahat kasi ubos na ubos na ang papa mo anak... wala na ang pangarap ko dahil mas pinili ko ang mama mo pero ayos lang. Kahit paulit-ulit pa akong mabigo hindi ko susukuan ang mama mo hindi ko kayo susukuan kaya... hintayin mong maayos ito ni papa okay?" Matapos niya iyong sabihin ay niyakap niya ako nang mahigpit.

Niyakap ko si papa at pinaramdam ang pananabik ko sa yakap ng isang ama. Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung bakit niya pinili ang iba kesa sa sarili niyang pamilya.

Habang nakayakap ako kay papa ay naagaw ng atensyon ko ang isang larawan ng lalaki sa Isang dagat. Nakatalikod ito at may hawak na bike.

"Pa... sino 'to?" kinuha ko ang picture kasabay ang pagtibok ng puso ko. Sobrang bilis non.

Bumitaw si papa sa yakapan namin ay kinuha sa akin ang picture kumunot ang kaniyang noo.

"Hindi ko alam, ngayon ko lang nakita ang picture na'to." Aniya hinalungkat ko pa ang ibang pictures at nakita ang picture na may punit.

"Ito?"

"Kami 'yan ni mama mo at mga kabanda ko noon nasi Chris at Ryan kaso... Napunit noong nag away kami ng mama mo." Sagot naman niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang ang luha ko at tuloy sa pagbagsak. Shit lang! bakit ako nasasaktan sa lalaking nakatalikod?! Sino ba siya?!


Comment