Lover One

This story doesn't have many chapters, it's just made by my mind and hands, so I hope you'll still enjoy reading it, thank you very much—also This story is a fiction, all events, places and characters are just imagination. It also doesn't have matured content or bed scenes, so if you don't like it, I won't force you to read it.

2023
Aya Bueno

"Ma! Manliligaw ko 'yun!" Singhal ko habang si Mama ay bitbit ang bag ko.

"Ano naman? Ano'ng mapapala mo sa lalaking iyon? Aya, mag-isip ka naman!"

"Nag-iisip ako! Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko!" Umiling siya tsaka nilapag ang gamit ko sa kama nakita ko naman si papa na nakakunot ang noo habang nasa labas ng kwarto ko.

I hate my family!

"Anong sakit ng ulo nanaman ang ginawa mo, Aya?" Seryosong tanong ni papa kaya mas lalo akong nainis.


Wala akong kalayaan sa bahay na ito.

"Sakit pala ako sa ulo, edi sana pinabayaan niyo nalang ako!" Muli kong singhal habang lumuluha. Nakita ko kung paano mairita si mama kaya napayuko ako.

"Ayan! Ayan, ang namana niyan sa ugali mo Jerome! Matigas ang ulo! Mahirap pagsabihan at parang bato ang puso!" Humarap si papa kay Mama.

"Ako pa talaga ang sinisi mo Aleya? Bakit hindi mo tingnan ang sarili mo? Masyado mong pine-pressure si Aya kaya siya nagka-ganyan!"

Heto nanaman. Sisihan na naman. Wala nang naging matinong usapan ang pamilyang ito. Sirang-sira na kami una palang kahit bata palang ako. Bakit hindi sila tumitigil?

Ayoko sa kanila!

Muli akong hinarap ni Mama.

"Ayokong magpaligaw ka Aya! Layuan mo si Richard, sisirain niya lang ang pangarap mo. Wala kang mararating kung uunahin mo ang pag no-nobyo." Dinuro ako ni Mama na para bang hindi niya kausap ang anak niya.

Kung sa bagay, hindi ko naman naramdaman ang pagmamahal nila bilang isang magulang. Wala akong kalayaan.


"Hayaan mo siya Aleya, It won't end if you yell at our daughter--"


"My daughter! pwede ba umuwi ka nalang sa asawa mo! umalis ka na!"


Tinalikuran kami ni Mama kaya tuluyan na akong napaupo sa kama ko. Nasa harap ko pa rin si papa at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.


"Bakit kayo ganiyan?" Nanghihina kong tanong.


Walang sagot na binigay sa'kin si Papa. Kalaunan ay lumabas lang din siya ng kwarto ko kaya wala akong nagawa kundi ang mag mukmok sa kwarto tulad ng palagi kong ginagawa.


Magaling naman ako sa academics at malapit na akong grumaduate sa highschool. Alam ko naman ang ginagawa ko bilang teenager gusto ko lang makalaya sa reyalidad na ito. Gusto kong matapos na ang problema ko sa pamilya. Kahit na nandito pa ang mama at papa ko pakiramdam ko ang layo nila sa akin.



Ang tigas ng puso nila.


Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng away nila ako siguro ang dahilan non, pero bakit parang ang sakit? Pinipilit ba nila na pakisamahan ako? Mahal ko sila pero bakit parang hindi nila ako mahal? psh bakit ko pa tinatanong ang sarili ko e, nagawa nga ni papa na samahan ang first love niya kuno.


Ang hirap mabuhay sa panahong ito. Napaka gulo, napaka komplekado ng mga tao. Kaunting galaw mo lang kailangan ay perfect ka kapag may mali ka huhusgahan ka na nila na parang hindi mo alam ang ginagawa mo.


Katulad ng magulang ko.

***

"Aya! Lumabas ka riyan, linisin mo ang bahay dahil aalis ako. May bisita tayo mamaya." Inis akong bumangon at lumabas ng kwarto ko.


"Sino naman po ang bisita natin?"

"Tita mo."

"Kapatid mo?" Takang tanong ko. Ngumiti siya at umiling.


"Hindi, best friend ko 'yon. Bilisan mo na!" Na-curious ako bigla. Ngayon lang ata nabanggit ni mama na may kaibigan siya.


Minsan talaga hindi ko siya maintindihan. Habang naglilinis ako ng bahay ay sobrang lakas ng tugtog na pinapakinggan ko sa Spotify. Sumasabay narin ako sa kanta habang nag wawalis.

"My love, you are the content of my page, You are a dream that cannot be erased, even if I am weak, I will stand up so that we can meet again... My world let's meet again— "

Kumunot ang noo ko at nilipat ang kanta pero laking pagtataka ko dahil ayaw nitong malipat. Hindi ko naman alam ang kantang ito! Isa pa. Sino ba ang kumanta nito? Mygosh! Kung ano-ano nalang talaga ang pauso ng mga singer.


Binuksan ko ang TikTok app ko at naghanap ng magandang kanta ro'n para makapag video.

"My stupid heart don't know, I've tried to let you go. So many times before~" pagkanta ko sa using kanta ngayon sa TikTok.


Pagkatapos kong maglinis at mag TikTok ay nanood muna ako sa facebook dumaan nalang bigla sa news feed ko ang video ng bata kasama ang Nanay at Tatay niya. Vlog ito sa Baguio kung saan masaya silang nag bo-bonding.

Bagay na never kong naranasan.

Minsan iniisip ko, kung ano kayang pakiramdam na close ka sa magulang mo at kasama mo sila? Buhay pa ang Mama at Papa ko pero magkahiwalay naman sila. May pamilya na ang Papa ko sa ibang babae habang ang Mama ko naman ay galit sa mga lalaki.

Nanligaw daw kasi noon kay Mama at nalaman nalang ni Mama na may nobya na si Papa that time. Pero ewan ko ba may parte sa akin na ayaw maniwala.

May asawa na ngayon si Papa at si Luella iyon. Mayaman sila kaya siguro siya pinili ni papa, nakakainggit at nakakainis sila!


Uso pala ang mga cheater noon? So, nabuo ako kasi taksil ang Papa ko at nilandi si Pama? ako ang naging bunga ang malas ko naman.


Bigla kong naalala... hindi bagay sa'kin ang magdrama.



Tumayo ako at nagtungo sa kusina para magluto ng pancit canton. Habang hinihintay itong maluto ay naghugas narin ako ng plato pagkatapos ay pinatay ang kalan at nagsimula nang timplahan ang pancit canton. Naupo ako sa mesa habang kumakain at hawak ang cellphone ko. Bigla nalang lumabas ang message sa'kin ni mama.

Mama:

Nalinis mo na?

Me:

Yes ma.

Mama:
Nubayang replay mo may tuldok! Hindi naman 'yan sentence.

Kahit sa text madaldal ang mama ko. Hindi ko na sana ito papansin nang mag message nanaman siya sa akin.

Mama:

Wait mo'ko diyan, kasama q si Tita mo. Susunduin niya lang daw ang anak niyang babae.

Nag reply lang ako ng okay bago muling bumalik sa pagkain ko. Pagtapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko. Makalat ang kwarto ko at kailangan nang malinisan kaya naman kumilos ako kaagad dahil baka makita pa ito ni tita at sabihing tamad ako. Nakakahiya yon.

Habang naglilinis ako ay binuksan ko ang lumang cabinet ni mama at bumungad sa akin ang alikabok at lumang mga damit. Napangiti ako nang makita na magaganda ang tela non kaya kinuha ko ang isa at sinuot.

Over sized t-shirt at jeans. Halatang pang 90s ang mga iyon. Ganitong style ang uso ngayon para masabing aesthetic ka pumorma. Naagaw ng atensyon ko ang isang libro—album pala hindi lang siya basta-basta na album kundi music album ito.

BuenoMusika

Bueno? Apelyido ko yun ah. Curious ako kaya kinuha ko iyon at binuksan puro lamang old CDs ang laman no'n hanggang sa may picture na nahulog mula sa album kaya pinulot ko iyon.

Punit na ang litrato. Pero picture iyon ni mama noong dalaga pa siya may kasama siyang lalaki sa kanan at kamukang kamuka iyon ni papa. Dahil sa punit ay hindi ko na nakita ang kasunod na larawan.

Para silang nasa isang band dahil may mga gitara sa background at drums may mic din at pang old outfits ang suot nila tulad ng napapanood ko noon sa tv.

Mas lalong namuo ang kuryusidad sa aking isipan. Iniisip ko kung paano kaya nagkakilala sina Mama at Papa? Masaya ba sila noon? Paano siya niligawan ni papa at anong dahilan ng pag aaway nilang dalawa.

Nahiga ako sa kama habang hawak ang picture. Tiningnan ko ang likod non ang nakita ang petsa kung kailan iyon kinuha.

May iba pa akong nakita na mga papel na may mga pangalan na nakalagay.

Christian, Ryan, and Jerome.

Aleya:
January 20, 1989 happy birthday Jerome<3

Mukhang masaya sila noon. Ibang iba na kasi ang henerasyong kinagisnan ko. Puno ng problematic na tao katulad ko. Nakakasakal na minsan ang pagiging istrikto ni mama.

Nakaramdam ako ng antok habang hawak ko pa rin ang picture. Mabilis akong nakatulog. May dagat... May dagat akong nakikita at isang waiting shed.

Panaginip ba ito?

Comment