Lover Seventeen


Lover Seventeen
Present

"Sino ka?"

Kumurap ako siya naman ay bahagyang lumayo sa akin kaya nagawa kong tumayo.

"Uh... Aya Bueno." Mahina kong sagot lalong kumunot ang noo niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Bueno? Familiar but you are not familiar to me." Malamig niyang sambit naging seryoso ang kaniyang mukha.

"Pasensya na. Hinahanap ko lang si Tito Chris," hinanap din kita.

" Alright, maghintay ka nalang." Aniya tipid lang siyang ngumiti bago umakyat ng hagdan.

Muli akong napaupo at napahawak sa dibdib ko. Sobrang sakit. Ang buong akala ay kilala niya ako ang sakit dahil ang tagal ko siyang hinintay nagawa ko siyang kalimutan pero ngayon na naalala ko na siya... siya naman itong nakalimot.

O baka hindi niya talaga ako kilala sa kasalukuyan?

Hindi ko na hinintay na dumating si Tito Chris kinabukasan ay normal akong pumasok sa school nakikita ko si Richard na may kasamang babae sa department nila. Sumuko narin siya sa akin.

Ang kaibigan ko naman ay naging abala din sa pag-aaral dahil baka raw bumagsak siya kung puro crush ang iisipin niya—pero ang dami niyang lalaki na kinikita. Maganda naman kasi si Vanessa maloko nga lang sa pag-ibig.

Noong nag summer ay nagpaalam ako kay mama na magbabakasyon ako kina Tito Chris kilala na ako ni Tito dahil nagpunta siya noon sa bahay namin para bumisita kay papa. Hindi ako sumuko nabuhayan ako ng pag-asa na baka pwede pa kami ni Ino kaya ako na ang gumawa ng paraan.

"Sana hindi ma-boring sa bahay namin," sabi ni Tito Chris.

Anak mo lang ang gusto king makita Tito.

"Hindi naman po siguro."

____
Nang makarating  kami sa bahay nila ay muli kong nakita si Ino nakakunot ang noo niya habang hawak ang cellphone.

"Anong ginagawa niyan dito?" Kunot noong tanong ni Ino.

Tangina ang sakit! napaka sungit niya.

" Magbabakasyon siya dito, itrato mo na parang kaibigan si Aya." Serysong sagot ni Tito bago iabot ang gamit ko sa katulong.

"Wow, first time?" Sarcastic na ani Ino.

"Hindi ah! Uhm... Maganda kasi dito sa inyo kaya dito muna ako!" Lakas loob ko namang sagot inirapan niya lang ako bago ako lagpasan.

Tinapik naman ni Tito ang braso ko. "Ikaw na ang mag adjust—namana yata sa papa mo yung pagkasuplado." Natatawang sambit ni Tito.

Hinatid lang ako ni Tito sa kwarto ko dahil mamaya daw ay uuwi ang Tita ko—asawa niya. Hindi ko lubos akalain na makakarating sa ganitong sitwasyon at mas lalong hindi ko inakala na may bagay sa buhay ko na hindi kapani-paniwalang ikwento katulad ng time traveling.

Nakakainis lang talaga ang tadhana.

Nilabas ko ang picture ni Ino at nilagay iyon sa study table bago ako pumasok sa Cr para maligo pagkatapos ay nahiga muna ako sa malambot na kama at nakatulog.

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang pagmumura ng kung sino. Dumilat ako at nakita si Ino na hawak ang picture niya na nilagay ko sa study table.

Napa-awang ang bibig ko nang makita ko siyang nakahawak sa ulo niya habang nakatitig sa larawan.

Mabilis kong kinuha ang picture.

"That's me!" Inagaw niya sa akin ang picture.

"A-lam ko..." Hindi mo ba ako kilala Ino?

"Bakit nasayo 'yan?" Inalis niya ang kamay niya sa ulo. "Posible namang ibigay sa'yo yan ni Daddy, are you stalking to me?"

Inabot ko ang picture pero tumayo siya at nilayo iyon sa akin. Masyado siyang matangkad.

"H-hindi ako stalker! baliw! akin na. Sa akin 'yan!" Singhal ko habang inaabot ang picture frame pero mas lalo niya lang iyon nilayo.

"Ako ito, kaya akin 'to." Sabi niya bago ako iwan sa loob ng kwarto.

Bwisit! hindi naman gano'n ang ugali ni Ino ah? ang sama ng ugali nang Ino sa future! Oh God ibalik niyo si Ino sa akin.

Lumipas ang ilang araw na pananatili ko sa bahay ni Tito nakilala ko rin ang asawa niya. Mabait silang pareho at malayo ang ugali sa kanila ni Ino.

Palaging galit si Ino sa akin halos araw-araw niya akong sinisinghalan kapag wala si Tito may mga oras nga na gusto ko nang sumuko dahil naiinis na ako sa kaniya. Pero gusto ko parin subukan kung babalik pa ba ang Ino na minahal ko.

Gusto kong malaman kung siya ba talaga ang Ino na nakilala ko noong 1989.

Natapos akong maghugas ng plato.

"Ito pa."

Napakuyom ako ng kamao. "Kanina kapa," inis kong sabi kay Ino ngumisi siya sa akin.

"May reklamo kaba? kung meron umuwi kana sa inyo." Umiling ako at kinuha ang pinagkainan niya.

Shit! Bakit ba niya ako pinahihirapan ng ganito? Akala ko ay umalis na siya nang matapos akong maghugas ay natigilan ako nang makita kong titig na titig siya sa akin.

"May iuutos kapa?" Taas kilay kong tanong.

Napalunok ako nang hindi siya nagsalita at nanatili parin na nakatitig sa akin. Inisang hakbang niya lang ako bago siya yumuko at titigan ako sa mata.

"Sino kaba talaga?" Mahina ngunit sapat na para marinig ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"H-ha?"

"Kilala kita... Pero paano kita nakilala?" Natulala ako sa sagot niya.

Nagtagal kami sa ganoong posisyon at naputol lang iyon nang lumayo siya sa akin narinig ko siyang napamura bago ako talikuran hindi pa rin siya umaalis.

"Pupunta tayo bukas sa Isla, susunduin si Daddy." Iyon lang ang sinabi niya bago ako iwan sa kusina nang tulala.

Kilala niya ako? Muli akong napahawak sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok non. Napangiti ako kasabay nang pagtulo ng luha ko.

Sabi ko na. Dapat hindi ako sumuko may pag-asa pa sigurong makilala niya ako ng lubos at maalala ang nakaraan. Kung totoo man na nandito ang Ino na nakilala ko sa past baka... Baka ito na ang tamang panahon para magawa kong ayusin ang kapalaran ko. Hindi ko nagawang baguhin ang nakalipas pero ngayon malakas na ang pakiramdam ko at alam ko na sa kasalukuyan ko makakamtan ang gusto ko.

Hindi natuloy ang pagmamahalan namin ni Ino sa nakalipas na panahon... kaya ituloy ko iyon ngayong nasa bago na kaming panahon.







Comment