Lover Eighteen

Lover Eighteen
Present

"Stop smiling." Napanguso ako habang pinagmamasdan ang daan na tinatahak namin ni Ino.

Excited talaga ako kapag kasama siya!

"Ang bango ng kotse mo." Hindi siya sumagot focus siya sa pag d-drive.

"Uhmm... Anong kurso ba ang kinuha mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Fine arts." Tipid niyang sagot tumango naman ako.

"Ako naman ay BSBA." Tumango lang siya kaya muli akong napanguso "wala kabang friends?"

"Ang dami mong tanong—"

"Ay nga pala! sabi mo kilala mo ako 'di ba? N-naalala mo na ba ako?" Tuloy-tuloy kong tanong saglit niya akong sinulyapan.

Please... Sumagot ka!

"Baka hindi ikaw 'yon."

Bagsak ang balikat ko. Tumahimik nalang ako dahil mukang iritado nanaman siya baka mamaya ay hindi na niya ako isama. Mahaba ang naging byahe namin kaya nakatulog ako. Nagising lang ako nang makarinig ako ng hampas ng alon.

Pagdilat ko ay nakita ko ang nakabukas na pinto ng kotse ni Ino mula rito ay kitang-kita ko ang isang dagat na may puting buhangin.

Tumibok nanaman ang puso ko nang mabilis. Lumabas ako ng kotse at nakita si Ino na nakatalikod at parang malalim ang iniisip. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar at nakita ang isang pamilyar na waiting shed.

Putangina.

Yung waiting shed.

Muli kong tiningnan si Ino bahagya pa akong nagulat nang makita ko na nakatingin din siya sa akin.

Umiling siya. "Ino..."

"Malapit na tayo kay Daddy." Seryosong aniya bago maglakad palapit sa kotse pinagmasdan ko lang ang ginagawa niya.

Kumuha siya ng isang sigarilyo at sindihan iyon. Nakatingin siya sa malayo at tila ba may malalim na iniisip hinintay ko siyang matapos bago ko siya lapitan. Sumandal ako sa pinto ng kotse.

"Ayos kalang?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya.

Nakatitig parin ako sa seryoso niyang mukha, hindi parin nagbabago ang postura niya kung anong itsura niya noong una ko siyang nakita ganoon parin ngayon. Ang laki ng pinagbago ko simula nang makilala ko si Quinno sa past life ng mga magulang ko. Siya iyong natatawa pa kahit may nagaaway na sa harapan niya.

Palaging niyang inuuna ang kapakanan ng iba bago ang kaniya. Nasabi niya sa akin na wala siyang mga magulang at nabuhay nalang sa past ng iba't ibang tao. Ang hirap non ramdam ko na nahihirapan siya at nalulungkot. Pero ngayon na nandito na siya pakiramdam ko ay ang layo niya parin.

Naging tahimik kami hanggang sa makarating sa resort kung nasaan si Tito Chris, may mga bata roon galing daw sa orphanage at sinama rito sa Isla para magbakasyon.

Tumindig ang balahibo ko nang malaman ko na ang pangalan ng Islang ito ay 1989 Island, nakakatuwa lang dahil hindi kona kailangang mangamba kung totoo ba o hindi ang nangyari sa akin noon.

"Kumain na muna kayo, mukang napagod kayo sa byahe ah." Nakangiting sabi ni Tito habang sinasandukan kami ng pagkain.

"Hindi naman po masyado,"

"Naku! Baka inaway ka nanaman nitong si Ino, magsumbong kalang sa'kin Aya." Natawa nalang ako sa kaniya. Ganito niya kamahal si Ino.

"May topak talaga iyang si Ino," sambit ni Tita Elena ang asawa ni Tito Chris.

Tiningnan ko si Ino na nakaupo ngayon sa buhangin malayo sa amin. Nakita kong humangin ang polo niyang suot.

"Close po ba kayo ni Ino?" Tanong ko kay Tito at Tita.

Tumigil ang mag asawa. "Oo naman, mas close si Ino sa Dad niya, spoiled na spoiled kasi kay Christian." Natatawang sagot ni Tita.

"Syempre kapag pogi kayo magkakasundo talaga." Presko namang sambit ni Tito natawa nalang ako.

"Pero... minsan na naming nakita si Ino na kinakausap ang sarili niya." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tita. "May binabanggit siyang pangalan pero hindi namin marinig ng malinaw, noon nga naabutan namin 'yan dito sa Isla akala namin nawala na siya yun pala nasa waiting shed nakayuko at umiiyak."

"Sayo lang namin ito sinabi Aya, ayaw kasi naming mapagkamalang baliw ang anak namin." Sabi pa ni Tito malungkot ang kaniyang mga mata.

"Madalas siyang bangungutin kapag tinatanong namin kung anong panaginip ang meron siya ang sagot niya lang ay malabo... Malabo raw ang nakikita niya."

***

Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi nila Tita tila ba pinaparusahan kami ng panahon kahit wala naman kaming ginagawang masama. Ang unfair lang bakit si Ino pa?!

" Hinahayaan nalang namin siya baka kasi kapag tumagal mabalot na siya ng pagkawala sa sarili."

Pinipigilan ko ang sarili ko na maluha sa kwento ni Tita at Tito. Nakatitig ako kay Ino at tsaka ko lang na-realize na hindi ko manlang siya tinanong kung ayos lang ba siya kung mawawala ako.

Ang ikli ng panahon na ibinigay sa amin.

Muntik na akong mapatalon nang bigla nalang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Iniluwa non si Ino na may dalang unan.

"Unan mo." Sabi niya sabay bati sa'kin ng unan nasalo ko naman ito.

"S-salamat! Sa kabilang kwarto kaba?"

"Uhuh." Psh sungit niya talaga.

Sinara niya ulit ang pinto mabilis naman akong nakatulog dahil sa lamig ng aircon gabi narin kasi at kanina habang kumakain ay hindi manlang ako tinapunan ng tingin ni Ino. Siguro kung jowa ko siya ay sinusuyo na niya ako ngayon. Kaso hindi e, ang pangit kasi ng destiny namin masyadong malabo.

Kinabukasan paggising ko ay sinalubong kaagad ako ng ingay ng mga bata katok sila ng katok sa pinto at sumisigaw pa.

"Oo na sandali lang!"

"Ate! Ate! Nagagalit na si Kuya!" Kamot ulo kong binuksan ang pinto nakangiti naman ang mga bata sa akin ang isa ay may dala pang gatas.

"Bigay po ni Kuya, ligo kana daw po kasi bike daw kayo hihihi." Napa-awang ang bibig ko nanlaki ang mata ko bago umupo para mapantayan sila.

"Sinabi ni Ino yun?" Gulat kong tanong tumango naman ang batang lalaki.

"Opo te, ganda, sabi panga po baho daw hininga mo e." Inamoy ko ang sarili ko tumawa naman sila. "Joke lang po hahaha!"

"Loko kayo!" Singhal ko tumakbo sila habang tumatawa. Parang tanga naman aasa pa naman sana ako walanghiya ang mga batang iyon!

Umirap ako sa kawalan bago lagukin ang gatas at pumasok muli sa kwarto ko naligo lang ako at nag ayos tutal nasa beach naman kami ito na ang tamang oras para mag swimming.

Ang malas kasi nakasalubong ko pa si Ino palabas ng hotel, naka shorts lang siya at sando kaya kitang-kita ng mga mata ko ang napaka yummy niyang abs. Hays namiss ko ang abs niya—namiss tingnan. Huy!

"Tsk. Muka kang manyakis." Napakurap ako nang lampasan ako ni Ino matapos niyang sabihin iyon.





Comment