Lover Four


1989
Lover Four

"Congrats!" Tuwang-tuwa ang grupo nina Jerome dahil nanalo sila sa naturingang contest. Hawak nila ang trophy habang nag pi-picture gamit ang camera. Hindi ko alam kung anong klaseng camera iyon pero mukang normal lang naman sa panahong ito.

"Isang linggo lang tayong nag rehearsal pero nakuha natin ang first place." Proud na sabi ni Nathan habang inaayos ang mga instrument nila.

Nabaling ang tingin ni Jerome sa akin nagtaka ako nang ngitian niya ako bago lumapit.

"Uy, anong meron sa inyo ni Ino?" Tanong niya feeling close pa nga eh.

"Wala."

"Anong wala?" Biglang sumulpot si Ino sa tabi ko. "Nililigawan kita remember?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Nakakaloko siyang tumawa.

"Lume-level up kana pala pre," sambit ni Jerome.

Tatay kita in the future Jerome! ’wag kang ganiyan.

"Ako pa, malapit na akong sagutin niyan." Muling pagmamayabang ni Ino kaya inirapan ko lang siya.

"Kayo na ni Aleya?"

"Kami?" Nagtatakang tanong ni Jerome. Kahit ako ay nakinig na rin.

"Oo kayo, anong ganap sa inyong dalawa? Mag kaaway pa rin ba kayo?" Mapanuksong tanong ni Ino.

Tumango naman si Jerome. "Ayoko sa kanya, siya ang lumalapit sa akin. "

"Asus! Pansinin mo na kasi, malay mo kayo talaga para sa isa't isa. "

Nakakainis! Parang desperada ang mama ko kay Jerome. Ganito ba nagsimula ang lovestory nila sa pagiging desperate?

"Hindi ako papayag. Ayoko sa kanya. "Bigla nalang kaming tinalikuran ni Jerome at muling binalikan ang mga kaibigan niya.

"Ayaw daw, pero mahal na niya." Natatawang sambit ni Ino.

He knows everything?

***

Saan naman kaya pupunta? Pagod na akong maglakad walang kwenta ang bike na dala ni Ino dahil nasira raw ang pedal non. Kaya heto kami ngayon at naglalakad sa dis oras ng gabi.

"Medyo malayo pa ang bahay ko--"

"Ano?! Dadalhin mo ako sa bahay mo?!" Gulat kong tanong. Huminto ako sa paglalakad ayos lang kung sa kalsada ako matutulog ’wag lang sa bahay ni Ino baka kung ano pa ang gawin niya sa akin.

"If you think I'm going to do something bad to you, you're wrong. I'm not like men who are eager for women." Aniya habang naiiling. Napanguso naman ako sa sinabi niya.

Wala pa nga na-english tuloy ako. Pero ’di bale kahit paano ay may natutunan naman ako about self defense magagamit ko iyon kung may gawin man siyang hindi karapat-dapat.

"Sa panahong ito, uso ba sa mga tao ang ma-inlove sa korni na paraan?" Kuryusidong tanong ko. Tumigil sa paglalakad si Ino.

"Kapag in love ang tao hindi na nila alam kung ano ang mga nasasabi nila at nagagawa sa isa't isa. Normal lang na maging korni walang nagmamahal na hindi naging korni." Aniya.

" Sus! Nasasabi mo lang 'yan." Puna ko naman bigla nalang niyang pinisil ang ilong ko.

"Ang tigas ng ulo mo!" Natatawa niyang tanong pero malaki ang impact non sa'kin, naalala ko ang sinabi ni mama.

Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa sinasabi niyang bahay. Namangha ako nang makita ang isang malaking bahay at mukang pang-mayaman may mga sasakyan din sa labas.

"B-bahay mo ito?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango naman siya. " Yap! Bahay ko ito sa future, ako mismo ang nag design." Laglag panga akong napatingin sa kanya.

"So, may future ka rin pala?"

"Ewan ko, basta ito ang nasa imagination ko in the future kaya nabuo siya dahil sa akin." Lalong kumunot ang noo ko.

"Huh?" Bumuntong hininga si Ino na parang naiinis na sa akin.

"Ako ang dahilan kung bakit ka nakapunta sa past! Bawat hiling ng mga tao ay tinutupad ko. Basta konektado past life na gusto nila. Pero syempre hindi ko magagawang baguhin ang past nila kasi sila mismo ang gagawa non, in short makapangyarihan ako sa past ay kaya kong lumikha gamit ang imaginations ko." Hindi ko maiwasang mamangha sa kaya niyang gawin.

Sa past lang siya nabubuhay? Ano kaya ang future niya?

Wala na akong tinanong sa kanya dahil naakit na ako sa ganda ng lugar na ito. Pakiramdam ko ay narating ko na ang dream house ko.

"Ikaw pala ang pinaka mayaman sa panahong ito?" sambit ko habang kumakain kami.

"Ikaw palang ang nakakakita sa kaya kong gawin," sagot naman niya.

Ang galing talaga!

"Pa'no ka nakilala ni mama at papa sa past?" Taas kilay kong tanong.

"Kasi nilikha ko sa isip nila na kaibigan nila ako. Don't worry hindi nila ako kilala sa future." Sagot niya pa sabay kindat.

Nakaramdam ako ng panghihinayang sa sagot niya. Kung gano'n makakalimutan na siya ng magulang ko?

"Bilisan mo nang kumain, pag gising mo birthday na ni Jerome."

Tumango ako at pagkatapos kong kumain ay natulog na ako. Nakakatakot na baka pag gising ko ay nasa future na ulit ako. Pero mali ang naisip ko. Pagkagising ko ay nasa ibang lugar na ako may naririnig akong tawanan kaya inangat ko ang ulo ko at nakita ang isang park.

"Good morning," masayang bati ni Ino.

Umawang ang bibig ko nang makita ang magandang park kung saan makikita ang malinis na mga damo at may mga taong nag pi-picnic may mga bata rin na naglalaro.

"Nasaan tayo?" Takang tanong ko kay Ino.

"Sa picnic park ng manila." Napa ahhh naman ako.

Nakita ko si Jerome na masayang nakikipag kulitan sa mga bata habang si Aleya ay nasa hindi kalayuan at kumukuha ng litrato.

"Birthday na ng papa mo, January 20, 1989. Sa buwan kung saan in love na ang mama mo sa papa mo. Gano'n din ang papa mo sa mama mo. Ayaw lang nilang aminin sa isa't isa dahil sa family problem na kailangan nilang solusyonan." Sabi ni Ino na bumuo sa iniisip ko.

May family problem din sila? Kung gano'n alam ba nila ang nararamdaman ko in the future?

"Paano ko naman mababago ang lovestory nila? "Tanong ko kay Ino.

"Kapag nabuo ka na sa sinapupunan ni Aleya."

Ang sarap pakinggan na nabuo ako sa sinapupunan ni Aleya, kung tutuusin parang ka-edad ko lang si mama sa panahong ito.

Magiging masaya ba siya kapag nalaman niyang magkakaroon siya ng anak?

Comment