Lover Thirteen


Lover Thirteen
1989

"WHAT!?"

Narinig ko ang mahinang tawa ni Ino sa likod ko. Kahit kailan talaga baliw ang lalaking ito kahit sobrang intense na ng usapan namin.

"Oo buntis si Aleya at si Jerome ang ama, kaya please lang ikaw na mismo ang umatras sa kasal." Seryoso kong sabi mapakla naman akong tiningnan ni Luella.

"Akala mo madali 'yon? You thought it was that easy to let go of Jerome? I've loved him since we were in high school and we were really meant to be. So, you have no right to command me because I love Jerome!"galit niyang singhal sa akin.

Wala paring malay si Tito Jerico gawa ng gamot na pinainom sa kaniya para makatulog.

"Kahit ilang dekada pa iyang pagmamahal na sinasabi mo, kung hindi ka mahal nung tao wala kang magagawa." Puna ko.

" You're crazy! "

"Alam ko. Kaya nga kita pinapalayo kay Jerome 'di ba? "Taas kilay kong sambit.

"Kaninong anak kaba? ang kapal mong pagsalitaan ako."

Ngumisi lang ako bago tumayo at talikuran siya. Tumayo lang din si Ino at pinagbukasan ako ng pinto.

"Basta, para sa lahat itong ginagawa ko, mahal mo si Jerome—pero ang tanong mahal karin ba niya?" Huling sinabi ko bago tuluyang lumabas sa kwartong iyon.

Nang makalabas kami sa hospital ay isang malalim na buntonghininga ang binitawan ko. Hinarap ko si Ino na ngayon ay seryoso habang nakatingin sa daan.

"Ino!" napukaw ko ang atensyon niya.

"Hmmm?"

"P-pwedeng dalhin mo ako sa kasal nila Luella? kung sakali man na tuloy iyon baka sa mismong kasal nalang ako umawat." Hiling ko kay Ino.

Nakatitig lang siya sa akin na para bang malalim ang kaniyang iniisip. Hindi siya nakasagot kaagad kaya nakaramdam ako ng kakaiba sa kaniya.

"Ayos ka lang?"

"Hindi kasi pwede Aya." Seryosong sagot niya.

Bagsak ang balikat ko habang ang puso ko ay walang tigil sa kaba na nararamdaman. Iniisip ko kung anong klaseng paraan ba ang gagawin ni Jerome.

"Hintayin muna natin ang resulta ng pagawat mo kay Luella." Wala akong nagawa kundi ang tumango kay Ino.

Seryoso parin siya hanggang sa makauwi kami sa bahay. Ilang buwan na kaya ako dito sa past? hindi sinasabi ni Ino kung kailan ako makakabalik sa future pero ang sabi niya matagal pa kaya may oras pa akong baguhin ang lahat at may oras pa para makasama ko si Ino.

Hindi naging madali ang future ko. Pero ngayong nasa past ako mas naging mahirap pa yata. Pero kailangan kong sikapin na mabago ang past nina Aleya at Jerome.

Gusto ko ng pamilya na may totoong pagmamahal.

At sa tulong ni Ino mukhang magagawa ko iyon. Speaking of Quinno, yung nararamdaman ko sa kaniya hindi na bilang kaibigan.

Nakatitig ako sa kanya habang nagluluto siya ng pagkain at kumakanta pa. Kinurot ang puso ko nang mapagtanto na saglit na panahon ko lang siya makakasama at sa panahong iyon siya lang ang manliligaw ko na tumagal. Si Ino kakaiba siyang lalaki, ewan ko ba! ang saya ng puso ko kapag nandiyan siya. Kapag gigising ako siya kaagad ang bubungad sa akin pati ang tawa niya at nakakahulog na mga ngiti. Hindi ko kakayaning kalimutan siya.

Mahal ko na si Ino.

"Kain na." Imbis na kumain ay tumayo ako sa upuan at mabilis na lumapit kay Ino para yakapin siya.

Nabigla siya sa pagyakap ko pero kalaunan ay tinaggap niya rin iyon at niyakap ako pabalik. Naramdaman ko ang pag halik niya sa ulo ko.

"Ino... wag mong buburahin ang ala-ala ko ha?" Piyok kong pakiusap kay Ino.

Tumawa nanaman siya.

"Hindi pwede Aya." Kumalas ako sa pagkakayap sa kaniya.

"Bakit hindi?! Lahat nalang ba hindi pwede?" Inis kong tanong tuluyan nang tumulo ang luha ko kaya mabilis ko itong pinunasan.

Namutla si Ino at hinawakan ang kamay ko.

"May mga bagay, Aya na hindi pwedeng ipilit." Aniya.

Kung ganon makakalimutan ko rin siya? ang unfair ng mundo! bakit kailangan sa ganitong sitwasyon pa?

Naging tahimik ako habang hinihintay ang pagbabago kina Jerome at Aleya. Hindi narin masyadong nagkikita ang mga kabanda ni Jerome kaya hindi ko alam kung ano na ang naganap sa kanila.


"Aya!" Napatingin ako kay Ino bakas ang excitement sa muka niya nang lumapit siya sa akin.

"Tara! makakapunta na tayo sa kasal." Nabunutan ako ng tinik nang sabihin iyon ni Ino.

"What do you mean? ikakasal talaga si Luella at Jerome?" Gulat kong tanong.

Bwisit na babae talaga!

"O-Oo e, nakita ko sa panaginip ko kagabi." Napangiwi ako sa sagot niya.

"Panaginip lang 'yan Ino." Muli akong nalungkot.

Panaginip ibigsabihin hindi totoo. Hays... Nakakairita talaga paano kung ikakasal talaga si Jerome at Luella? Paano na si Aleya!? Paano kami ni mama? Ibigsabihin lang ay hindi ko talaga mababago ang future nila dahil hindi ko mabago ang past.

"Sa panaginip lang din kita unang nakita Aya."

Marami pang katanungan sa isip ko pero ngayon ay kailangan ko munang unahin ang dapat unahin. 

Umalis kami ni Ino para puntahan si Aleya ang kaso hindi niya kami kinakausap mukang ayaw niya na sa amin at nawalan na ng tiwala. Nakita ko rin kung gaano na kalaki ang tyan niya.

"Umalis na kayo." Walang ganang pagtataboy sa amin ni Aleya habang may hawak siyang panyo.

"Makinig ka muna—"

"Hindi na kailangan Aya! ikakasal na si Jerome ngayon. Wala na akong pake dahil mas pinili niya ang babaeng mayaman." Halos pumiyok na sabi ni Aleya sa akin.

Napalunok ako at tiningnan si Ino. Nangungimbinsi ang mga tingin niya.

"Kung mahal ako ni Jerome bakit ikakasal na siya 'di ba?" Bigla nalang tumulo ang luha ni Aleya. "Sana nandito siya ngayon kung mahal niya talaga ako. Ako lang naman itong tanga at umaasang babalik siya sa akin."

Napatitig lang ako kay Aleya. Oo nga siguro kaya hindi masaya ang pamilya namin dahil mas pinili ni papa na sumama sa ibang babae. Siguro kung nandito siya ngayon para pakasalan si Aleya siguro ay magiging masaya ang pamilya namin sa kasalukuyan.

Wala na akong maisip na paraan.

"We will take you to Jerome." Nakangising sambit ni Ino.

Napangiti ako habang si Aleya ay nag aalinlangan pa na sumama sa amin. Gosh! Ino! Baliw na baliw na ako sayo. Masyado kang mabait, ikaw lang talaga ang gusto ko.

Comment