Lover Twelve


Lover Twelve
1989

"Tito... Tita, magkaka-anak na kami ni Aleya." 

Napatakip bibig ang mama ni Aleya habang ang kaniyang papa ay salubong ang kilay ngayon. Umigting ang panga nito bago mabilis na sunggaban si Jerome.

"Pa!"

"Tarantado ka!" Sigaw ni Lolo Cessar kaagad ko namang tinulungan na makatayo si Jerome habang si Ino ay pinipigilan si Lolo.

"Tito, pananagutan ko si Aleya pakakasalan ko siya—"

"Ano kamo?" Si Lola Ana naman ngayon ang galit habang palapit kay Aleya. Hinawakan niya si Aleya sa braso.

"Pakakasalanan mo ang anak ko? Anong akala mo sa amin tanga?! sobrang tagal kong nanilbihan sa mga magulang mo. Alam ko kung paano sila mag-isip lalo na ang daddy mo na si Don. Joseph." Kumunot ang noo ko.

Don. Joseph? bakit hindi ko siya kilala?

"Ano bang problema sa sinabi niya ma?! Pananagutan niya ako. Mahal niya ako. Magpapakasal kami!" Hindi ko magawang magsalita parang may pumiligil sa akin.

Lumuluha ngayon si Aleya. Nag aalala ako sa pagbubuntis niya.

"Hindi 'yon totoo Leya! Anuba! Ikakasal si Jerome sa ibang babae hindi mo ba yun alam!? kapag dumating ang panahon na bente anyos na si Jerome ikakasal na siya sa anak ng mayaman! Ayos lang kung ibang lalaki ang mananagot at magpapakasal sa'yo, yung mahal ka at wala nang iba pa. Ayos lang sa akin yun anak. Pero kay Jerome?" Tumingin ang mama ni Aleya kay Jerome na kasalukuyang nakayuko ngayon.

"Ayokong apihin ka ng mga Bueno, matapobre sila. Ayokong maranasan mo ang mga masasamang salita ng mga mayayaman, anak ayokong masaktan ka. Ayokong ipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo."

Lahat kami ay natahimik.

Si Aleya... Si mama...

Tangina. Bakit ngayon ko lang 'to nalaman?

Nagsalita si Aleya dahilan para makaramdam ako ng awa sa kaniya.

"Ma... kaya ko. Kung totoo man na magpapakasal na si Jerome. Ako na ang lalayo, bubuhayin kong mag isa ang anak ko." Mariin na sambit ni Aleya habang masama ang tingin kay Jerome.

Walang nakapag salita sa amin nang umalis si Aleya sa loob ng bahay. Pati ako ay nakaramdam ng galit at pagkamuhi kay Jerome.

Paano niya nagawang magsinungaling? Ang galing. Ang husay niyang magpanggap.

BAKIT PAPA!?

"Mahal ko si Aleya!" sigaw ni Jerome tumayo siya at hinarap ang papa ni Aleya. "I love her! I can do everything just to be with her! sinabi ko naman po yun 'di ba? magpapakasal kami. Wala akong pake kung... itaboy kami ni mommy basta mahal na mahal ko ang anak ninyo."

Sa pagkakataong ito nakita ko ang galit sa mga mata ni Lola Ana.

"Tsaka mo na sabihin 'yan kapag maayos na ang pamilya mo, wag mong idamay ang anak namin Mr. Bueno."

Bumuntong hininga ako.

" Anong gagawin ko Ino?" Tanong ko kay Ino habang nasa rooftop kami ng school.

Matapos ang pagtatalong naganap sa bahay nina Aleya ay hindi ko na ito nakitang pumasok sa school. Mukang nagkulong talaga siya sa bahay nila. Si Jerome naman ay umuwi sa kanila para harapin ang mga magulang niya at ang babaeng nakatakdang ikasal sa kaniya.

Nag pangalumbaba si Ino. " Hmmm. Ang weird talaga, wala akong ideya sa nangyayari." Aniya.

"Baka may problema sa system mo?" Tinawanan niya lang ako.

"Ano ako robot? patawa ka e, 'no?" Napanguso ako sa sagot niya. Kahit kailan talaga wala siyang kwenta kausap!

Pinisil niya ang ilong ko kaya inis ko siyang hinampas sa braso. Loko talaga! seryoso ako tapos ganon lang ang isasagot niya?

"Bwiset ka!" Tumatawa parin siya kahit na halos mabaliw na ako kakaisip kung paano ko mababago ang lahat.

Ang hirap naman kasi!

"Wala kabang kakilala na may koneksyon sa papa mo in the future?" Tanong niya.

Napaisip naman ako. Sino nga ba ang may koneksyon kay papa? Bukod sa mga ka-trabaho niya sa opisina... ang asawa niya!

"SHIT! SHIT! SI LUELLA! SHIT TALAGA!" nagmamadali kong sigaw hinakan ko ang kwelyo ni Ino at inilapit siya sa akin.

"A-anong meron kay Luella kuno?"

"Siya  yung asawa ni papa! siya yung asawa niya in the future! baka siya yung ikakasal kay papa. Kailangan natin siyang mahanap, Ino!" Tinanggal ni Ino ang kamay ko na nakahawak sa kwelyo niya.

Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa bago siya ngumiti sa akin. Tunaw na tunaw nanaman ako titig niya.

"Hahanapin natin ang sinasabi mo." Sabi niya kaso...

"Saan natin hahanapin si Luella?" Naka-simangot kong tanong.

Tinap ni Ino ang ulo ko.

"Maraming paraan Aya."

Nagpunta kami sa hospital kung saan naka-confined ang kuya ni Jerome na si Tito Jerico. Malaki pala ang hospital at mukhang ito palang ang private na nakikita ko. May elevator nadin kasi. Pumasok kami ro'n at paglabas ay hinanap ang room ni Jerico.

Huminto kami sa room 308 at akmang bubuksan ni Ino ang pinto nang biglang may magsalita na babae.

"Sino kayo?" Malumanay niyang tanong.

Ni-head to foot niya kami at bakas ang pagtataka sa kaniyang mukha. Maganda rin siya at maikli lang ang buhok niya mukang anak mayaman.

"Kaibigan kami ni Jerome at Jerico." Sagot ko sabay ngiti.

Kumunot ang noo niya at parang hindi naman naniniwala sa sinasabi ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Quinno and Aya." Sambit ni Ino unti-unting nagbago ang ekspresyon ng babae sabay tango.

"Ahh okay,  I'm sorry I just saw you come here, I'm Luella by the way." Nilahad ni Luella ang kamay niya.

Siya si Luella!? Ang asawa ng papa ko, ang babaeng pinakasalanan at pinili niya in the future. Kusa nalang akong nalungkot habang iniisip ang kaganapan sa future. Galit na galit ako kay papa dahil ang buong akala ko cheater siya.

Ni hindi ko manlang siya natanong kung mahal niya ba talaga si mama. Masyado akong naging pasaway sa mga magulang ko.

"Aya," rinig kong sambit ni Ino sa pangalan ko. Tiningnan ko siya na ngayon ay seryoso. Hindi ako sanay na seryoso siya.

"Pumasok na tayo."

Sabay kaming pumasok sa loob ng kwarto ni Jerico kaya nakita ko kung anong itsura ni Tito noong kabataan niya. Ang gwapo niya at kahawig niya ang papa ko.

"I'm Luella Del Pilar, fiancé ni Jerome."

I know. I know you.

Comment