Lover Twenty

Lover Twenty
1989

Quinno

"Bago na naman boss?" Nakanguso kong tanong sa panahon. Kamot ulo akong bumangon sa higaan ko.

May babae kasing bigla nalang pumasok sa panaginip ko isang taong humihiling na naman sa past nila. Isang blink lang ay dinala na ako kaagad ni boss sa 1989 Island kung saan ko palaging sinusundo at hinahatid ang mga taong pumupunta sa past life nila.

Ewan koba sa mga taong ito. Pagod naba sila sa mga buhay nila? Bakit gustong-gusto nilang balikan ang mga nakalipas na? tapos iiyak kapag nakarating na sa dulo.

Tumaas ang kilay ko nang makita ang babaeng mukang naguguluhan ngayon. Kusa nalang akong napangisi.

Ano 'to past nila Aleya Bueno at Jerome Bueno. Magasawa sila sa future ah.

"Tama ba ako boss?" Walang sumagot sa akin.

Silence means yes.

Nilapitan ko sila pati ang babae na anak nila. Si Aya Bueno ang pasaway na anak nina Jerome at Aya. Ang kulit niya nakikita ko ang future niya at suwail siyang dalaga.

Nakausap ko si Aya at nakakatuwa siyang asarin palaging namumula ang pisngi niya na parang siopao. Inamin ko sa kaniya ang kaya kong gawin kaya kitang-kita ko ang pagkamangha sa kaniyang itsura. Noong gabing tinanong niya ako kung bakit ako nasa past sinagot ko iyon kahit hindi ako sigurado.

Hindi ko rin talaga alam kung bakit naging ganito ang kapalaran ko. Naisip ko siguro may malaki akong kasalanan sa future kaya pinarusahan ako ng ganito ni Boss. Dinala niya ako sa lumang panahon at binura ang alaala ko.

Napangiti ako nang makita ko si Aya na mahimbing na natutulog habang nakanganga.

"Feel na feel mo naman ang kama ko," sambit ko bago kunin ang kumot at ikumot iyon sa kaniya.

Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Napahawak ako sa aking dibdib dahil parang kumirot iyon, nakakapagtaka dahil ngayon ko lang ito naramdaman. Mabilis akong umiling bago iwan si Aya sa kwarto.

Kinabukasan pagka-gising ko ay tulog pa rin si Aya kaya tumabi ako sa tabi niya at kusa nalang gumalaw ang katawan ko para yakapin siya.

Naramdaman ko ang paggalaw niya at pagyakap sa akin pabalik.

"Aya..." Isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko kaya napalunok ako.

Ang likot niyang matulog.

"Aya gising na." Hindi pa rin siya nagising kaya hinayaan ko nalang.

Ang misyon ni Aya ay ang baguhin ang tadhana nang kanyang Ina at ama sa kasalukuyan.

"Boss hindi ko yata kaya." Sambit ko habang nakaharap sa dagat.

Isang bulong ang narinig ko. Pero hindi ko maintindihan. Tinulungan ko si Aya sa misyon niya kahit na nahihirapan akong dalawin ang future niya. Nagsinungaling ako na hindi ako pwedeng magpunta sa future. I can travel to the future but only for a short time. Katulad ng sinabi ko wala rin akong alam kung bakit ako nabubuhay sa nakalipas na panahon.

"Aray ko Aya!"

"Bakit ba tabi ka ng tabi sa akin?!" Singhal niya habang nakatakip sa dibdib. "Siguro—"

"Wala akong balak sa'yo, katawan mo 'yan Aya. Gusto ko lang mahiga sa tunay kong kama." Unti-unti niyang inalis ang kamay niya sa dibdib.

Pinaningkitan niya ako ng mata bago tapikin ang tabi ng kama napangisi naman ako bago humiga natahimik kaming pareho.

"Ino?"

"Hmmm?"

"Liligawan mo talaga ako?" Napatingin ako kaniya. Bakas ang pag-asa sa mukha niya.

"Oo naman,"

"Bakit?"

"Kasi gusto kita Aya." Gustong-gusto na nga e, kahit bawal... Hindi pwede pero ginugusto parin kita.

Lumipas ang mga raw sa past at mas lalo akong napalapit kay Aya, iyong tipong ayaw ko na siyang ibalik sa panahon niya. Tuwing pipikit ako palagi kong naririnig ang hiling ng mga tao at hindi ko iyon tinutupad dahil kay Aya.

Masama ang ginagawa ko dahil malaki ang magiging epekto nito kay Aya pero kasi, hindi ko mapigilan.

"Boss... Gawin mo naman akong normal." Pagsusumamo ko habang nakaharap sa dagat
makulimlim ang kalangitan.

"Alam mo kung anong hindi pwede at ang pwedeng mangyari." Rinig kong pagkausap sa akin ng panahon.

"Handa ako, pakiusap 'wag si Aya." Hindi na ako sinagot ng panahon matapos kong makipag usap sa kaniya.

Pagbalik ko sa bahay ay naabutan ko si Aya na nakatulala habang namumugto pa rin ang mga mata. Nasasaktan nanaman siya dahil sa ayaw panagutan ni Jerome si Aleya.

"Hanggang 2000 lang ang pwede nating puntahan, ano G ka ba?"

"Sino ang tatanggi?" natawa ako kay Aya.

Pinapikit ko si Aya at napatingin ako sa labi niya. Nakaguhit ang ngiti sa labi niya kaya napangiti ako bago dampian ng halik ang labi niya.

Mababawasan ang panahon.

""Teka! Hinalikan mo ba—" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil nakarating na kami sa 200.

Sinama ko siya sa panahong ito para makita niya ang sarili niya bilang bata. Kapalit nito ang pagbawas ng panahon ni Aya sa past, mababawasan ang pananatili niya rito at dahil doon maari siyang maglaho, maari kaming magkalayo.

Makakalimutan niya ako.

" May mga bagay na hindi pwedeng ipilit Aya." Nakakainis! Wala akong magawa para matulungan ko si Aya.

Dumating ang punto na hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Muli kong binalikan ang dagat habang ang ulap ay makulimlim. Nakita ko kaninang umaga si Aya na unti-unting naglalaho senyales na malapit na siyang mawala sa panahong ito.

"Kahit ngayon lang! Pigilan niyo ang mangyayari. Pakiusap boss, gagawin ko ang lahat pagbigyan mo lang ako." Humahagulgol kong pakiusap sa panahon.

Kumulog ng malakas tila ba galit ang mundo sa pagtataksil ko na hindi magmamahal ng taong nabubuhay sa tunay na mundo.

"Kung makakalimutan niya ako, kung iyon lang ang paraan. Handa kong tanggapin basta dalhin niyo ako sa kasalukuyan." Paulit-ulit kong sambit habang hinihintay ang pagdating ni Aya.

Ito na ang tamang panahon para ibalik ko na si Aya sa panahon niya.

"Bakit ka nag so-sorry?" Takang tanong ni Aya matapos ang paghalik ko sa kaniya.

"Hindi ko pala kayang baguhin ang lahat."

"Aya, ang hirap, ang daya ng panahon." Niyakap ko siya ng mahigpit. "Hindi kita pwedeng mahalin, hindi ako pwedeng mahulog sayo kasi hindi naman ako totoo. Pero puta! Hulog na hulog na ako sa'yo Aya, mahal na mahal kita. A-at dahil don ipinagkait ka sakin ng panahon."

Ipinagkait sa akin ng panahon na mabuhay ako ng normal. Ayos lang naman kung ipapanganak nalang ako na may problema sa isip o hindi kaya ay inaapi ng mga tao. Ayos lang sa akin basta huwag lang sa ganitong klaseng panahon. Ayoko ng ganito.

Ang tagal bago ko maisip ang tunay kong pagkatao. Hindi ako katulad ng mga tao na tumatanda, nilikha ako ng panahon para sa mga misyon ng tao na baguhin ang past nila o hindi kaya'y humingi ng tawad sa mga taong nasaktan nila noong past.

Isa lamang akong instrumento ng panahon para sa mga taong may past and future—may past ako ngunit walang future kaya ang hirap pakawalan ni Aya dahil alam kong pagkatapos nito ay mabubura na sa ala-ala niya ang Ino na nanligaw sa kaniya.

"Sinungaling ka Ino, sabi mo sasamahan mo ako." Halos pabulong kong sabi. "Mahal kita e, mahal na mahal kita. Pati ba naman sa ala-ala mawawala ka?" Parang sinaksak ang puso ko nang marinig ko ang salitang iyon sa kaniya.

Shit naman! Bakit kasi ganito?!

"Masaya ako kasi ikaw ang babaeng nahalikan ko sa unang pagkakataon ikaw ang unang niligawan ko sa panahong ito at ikaw rin ang babaeng minahal ko. Sobrang salamat kasi mahal mo rin ako Aya. Baguhin mo ang hinahanarap pangako ko nakasubaybay pa rin ako sayo." Hinalikan ko siya.

Mawawala ako bilang kaparusahan sa pagmamahal ko kay Aya.

"Ako rin ang maswerteng manliligaw mo sa panahong isang libo't siyam na raan at walumpu't siyam. I'm proud to date you in 1989, If you haven't been there for me in these years... remember that no matter how many years have passed, you are still the one I want and I love."

Kahit mawala na ako sa mundo hinding-hindi ko makakalimutan ang araw kung kailan ko minahal si Aya. Wala na akong nagawa nang maglaho na si Aya at bumalik sa tunay na panahon kung saan siya dapat namumuhay.

Tumingala ako sa kalangitan.

"Last na boss," panimula ko. "Hahanapin ko si Aya—"

Kumulog ng malakas. Napangisi ako wala nang kaba sa dibdib ko. Wala akong pakealam kung hanggang saan ako dadalhin ng panahon o kung ano man ang kaparusahan ko.

Comment