Intro

Some of the chapters have not been edited yet.

Intro

Do you believe in time travel?

Kung papipiliin ka anong panahon ang gusto mong mapuntahan? Ako kasi gusto ko sa panahong hindi pa uso ang mga toxic na tao. Sa panahon na uso pa ang kantang pag-ibig at ang panahong uso pa ang mga lalaking nililigawan ang babae mapatunayan lang ang pagmamahal nila.

Ako...gusto kong mabuhay sa panahon kung saan ko unang nasaksihan ang pagmamahalan ng mga magulang ko. Kakaiba hindi ba? Siguro sa panahon ito ay hindi na kapani-paniwala ang time travel mas paniniwalaan nalang nila na nahihibang ka. Pero para sa akin ang the best time travel sa buong buhay ko ay ang mapunta ako sa panahong hindi ko inaasahan.

Sa panahong uso pa ang ligawan.

Ang kantahan.

Ang panahon kung saan tunay ang pagmamahal...sa panahon kung kailan ako isinilang.

Ang panahon ng isang libo siyam na raan at walumpu't siyam, panahong hindi ko makakalimutan ang lalaking nagdala sa akin sa panahong iyon.

_

____________________________

Disclaimer:
This story is just a work of the author's imagination with the places and events which is also derived from struggles in life not only in love.

NOTES :
it is important to read the disclaimer to avoid mistakes or be a reminder of what can be triggered in the story. if there is any problem you can tell me and that will help to improve my writing. thanks a lot!

read at your own risk.

Comment