Lover Seven


Lover Seven
1989

Aleya

Nakayuko ako habang pinaglalaruan ang daliri ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko at natatakot ang ngayon. Iba't iba ang nararamdaman ko lalo na at kaharap ko ngayon si Jerome habang nasa likod kami ng studio.

"Ano ba ang sasabihin mo?" Kalmadong tanong ni Jerome.

I'm in love with him. Sobrang tagal na.

Simula pagkabata ay magkaibigan na kami dahil ang nanay ko ay dati nilang katulong. Napaka sungit noon ni Jerome at may kuya siya noon na sobra naman ang bait. Kaso may sakit ito at kailangan ma confine sa hospital. Kaya noong nawalan si Jerome ng kalaro ay agad ko siyang nilapitan para ayaing makipag laro.

Kaso... Palagi niya akong tinataboy kesyo hindi raw dapat lumalapit ang babae sa lalaki dahil desperada raw.

Pero habang tumatagal ay naging malapit kami sa isa't isa. Naging magkaibigan kahit na palagi pa rin kaming nag aaway. Palagi niyang sinasabi na ayaw niya sa akin.

Pero ako gusto ko siya. Gustong gusto.

Ang laking tuwa ko nga noong halikan niya ako. First kiss ko siya!  Sabi ko noon sa sarili ko. Hanggang sa tumagal palaging ganon at nadala na kami sa tukso na naging dahilan kung bakit ako nangangamba ngayon.

Buntis ako... paano kung hindi niya tanggap?

"Uy Ayos ka lang ba?" Nabalik ako sa ulirat nang hawakan niya ang pisngi ko.

"O-Oo,"

"Sabihin mo nga, may problema kaba Leya? May masakit ba?" Nag aalala niyang tanong.

Ayos. Sana kalmado rin siya kapag nalaman niya.

"J-jerome... Ano kasi." Kinagat ko ang ibabang labi ko. "B-buntis ako J-jerome."

Katulad ng sinabi ko ayaw niya sa akin. Sa pag amin ko sa kaniya noong gabi na nagtalik kami  naging maayos naman sinabi niya na gusto niya rin ako.

Ngayon naman nasasaktan ako sa titig ni Jerome na para bang dismayado siya.

"Hindi pwede Aleya, a-alam mo naman na hindi payag si mommy sa relasyon natin 'di ba? Alam mo rin na may problema pa kami kay kuya." Aniya na parang may gustong ipabatid.

Ang sakit.

"Anong gusto mong gawin ko Jerome?" Nangangatog ang kamay ko sa sobrang balisa hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang palad ko.

"Ipalaglag mo Aleya."

Naramdaman ko na ang tuluyang pagbagsak ng luha ko. Ang sakit sakit! Para akong dinudurog sa sinabi niya. Ayoko siyang pakawalan pero ang sakit lang na hindi niya ako kayang panagutan.

"Aleya, hindi pa tayo pwedeng magka-anak, pareho pa tayong nag-aaral pareho pa tayong may pangarap sa buhay. Pareho pa tayong may problema sa pamilya at pareho pa tayong hindi handa!" Muli kong kinagat ang ibabang labi ko.

Hindi ako handa... Oo noong una hindi, kaso nako-konsensya ako para sa bata.

"J-jerome h-hindi ko kaya." Piyok kong sabi sa kaniya. Huminga siya ng malalim habang nakakunot ang kaniyang noo. Nawala ang kalmado niyang mukha.

"Aleya... Please, ipalaglag mo nalang ang bata, hindi ko pa kayang maging ama."

Putangina anong gagawin ko!?

" Ito nalang kasi ang paraan natin, Aleya."

Wala akong maisip umuwi ako nang bahay na tulala at wala sa sarili. Pakiramdam ko pinag kaitan ako ng pagmamahal ng lalaking mahal ko. O sadyang ako lang ang nag expect ng sobra sa relasyon naming dalawa?

Lumipas ang dalawang linggo hindi ako lumabas ng bahay at mas piniling mag self study kahit na palagi akong natutulala. Marami rin akong tawag na natanggap mula kay Jerome pero, ewan ko ba. Hindi ko pa kayang sagutin.

Nagising nanaman isang umaga na panay ang suka at nakakaramdam ng hilo. Napahawak ako sa tyan ko bago ako lumabas ng banyo.

Narinig ko ang pag tawag ni papa sa labas ng kwarto ko. lumabas ako para silipin siya.

"Bakit po?"

"Si mama mo? Nasaan nanaman yun?" Tanong niya tumingin ako sa paligid at hindi nakita si mama.

"Ewan ko pa, baka po bumili lang?" Hindi siguradong sagot ko.

Tumango si papa at akmang tatalikod na nang muli niya akong harapin.

"Nga pala, may nakapag sabi sakin na may kinikita ka raw na lalaki? Kung kaibigan mo dapat kaibigan lang, ayokong makipag relasyon ka. Unahin mo ang pag aaral mo Leya."

"O-opo pa..."

Sinarado ko ang pinto at muling napa-hagulgol hinimas ko ang tyan ko at muling inisip ang sinabi ni Jerome sa akin.

Tama nga siya.

Ito nalang ang tanging paraan. Tumayo ako at mabilis na nagbihis pagkatapos ay lumabas ako ng bahay at sumakay ng jeep. Kung ito man ang tanging paraan para hindi malaman ng magulang ko na buntis ako ay baka pwede ko ngang gawin.

Ayokong masira ang pangarap ko. At ayoko rin na magsilang ng bata na hindi ginusto ng kaniyang ama. Kahit masakit siguro ay kailangan ko munang tanggapin. Ganito siguro ang kapalaran na nakalaan sa akin.

Mahal ko si Jerome, mas mahal ko ang pamilya ko at ayoko silang biguin. Ayokong itaboy nila ako bilang anak. Natatakot din akong ayawan ni Jerome.

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.

Bumaba ako sa jeep na bagsak ang balikat. Natanaw ko mula rito ang isang hospital ilang beses din akong napalunok bago muling yumuko.

"Sorry... Patawarin mo ako ha?" Hinimas ko ang tiyan ko bago mariing pumikit.

Ito na ang desisyon na alam kong pagsisisihan ko at wala na akong magagawa kundi ang gawin ito para sa ikatatahimik ng utak ko o baka mas lalo pang gumulo? Ewan ko. Ang hirap talaga.

Naglakad ako papasok sa hospital hinintay ko muna na makalabas ang ilang pasyente habang nangangatog ang aking kamay at nanlalamig sa kaba.

Kung gagawin ko ito, tatanggapin pa kaya ako ni Jerome? Hay...

"Ms. Reino?" Tumayo ako at mabilis na lumapit sa nurse mukhang nagulat pa siya. "Hinihintay kana ni Doc."

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob. Laking gulat ko nang makita ang mga kagamitan pang abortion. Mukhang hindi naman nagulat sakin ang doctor.

"Bata ka pa ah," aniya. "Mahiga ka iha." Tumango ako bago mahiga sa kama.

"Sigurado kaba sa gagawin mo? Hindi na mag babago ang isip mo?" Taong niya na nag naging palaisipan sa akin.

Sigurado na ba ako?

Mahigpit ang naging hawak ko sa sapin bago tumango.

Patawarin niyo ako.

Comment