[ 94 ] Festival

Mandy's P.O.V

Kinakabahan ako ngayon dahil ngayong araw na kami mag pe-perform ni Kurt. Napaka memorable sakin nito pero natatakot ako na baka biglang may sumira nito.

Kakatapos lang ng birthday ko kahapon kahit papaano ay naging masaya ako, lalo na sa regalo ni Audrey na gagamitin ko mamaya para sa performance namin.

Wala rin kaming practice ni Kurt bago kumanta, hindi ko alam kung dapat ba 'kong mabahala o hindi. Pero sa ganda ng kanyang boses ay sigurado akong magiging maayos ang pag kanta namin.

Busy ang lahat ng mga estudyante, wala kaming klase ngayon. Nasa room lang ako habang ang ibang kaklse ko ay nag sasaya sa mga booths. Sila bakla naman ay nakasilip lang sa bintana, mamaya na daw sila makikigulo.

Habang ako ay kinakabahan kahit mamaya pa namang gabi ang performance namin. Si Kurt ay nandito din sa room kasama ang F5, hindi kami nag uusap tungkol sa kakantahin namin. Ang sabi niya lang ay basta pumunta ako.

Dala dala ko rin ang regalo ni Audrey sakin na gitara, nasa locker ko 'yon at hindi pinapakita kila bakla. Gusto ko silang gulatin para mamaya dahil ito gagamitin ko ito mamaya.

Hindi na ako makapag hintay para mamaya. Kaya nang sumapit ang gabi ay sobrang saya ko, unang beses kong makakasama si Kurt. Nasa backstage kami, sinabi ko na rin sakanya na ang ang mag gigitara.

"Ipinapakilala, Mandyson Zein Valdez and Kueon Travis Castro!" sigaw ng host at sinenyasan kaming lumabas na, nag katinginan muna kami ni Kurt ngunit ngumiti lang siya bago naunang lumabas at sumunod ako. Napangiti ako sa lakas ng tilian ng mga tao.

"This is it! This is it!"

"OMG 'yung ngiti!"

"'Yung crush mo beh!"

"Baklaaaaaaa!"

"I'm rooting for you, Mandy and Kurt!"

"Bestieeee!"

"Hoy anong hawak ni Mandy?"

Mas lalo akong napangiti ng mapansin nila Ken ang hawak na gitara at umupo sa upuan, habang si Kurt ay nasa gilid ko, may hawak siyang mike.

Nang namatay na ang ilaw at napunta sa amin ni Kurt ang spotlight ay biglang tumahimik ang lahat. Sinimulan ko ng patugtugin ang gitara ko at lumapit sa mike.

"Everybody loves the things you do, from the way you talk To the way you move." pag kanta ko kasabay ng pag pikit ko ng mga mata ngunit bago ko maipikit ang mata ko ay nakita kong nakatingin sakin si Kurt habang nakangiti. "Everybody here is watching you 'Cause you feel like home You're like a dream come true."

"But if by chance you're here alone Can I have a moment?
before I go? 'Cause I've been by myself all night long hoping you're someone I used to know. . ." dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at timingin sa mga tao, lalo na kila bakla na nakangiti sakin. Ang iba ay mag kakayakap at nakangiti sa amin.

"You look like a movie
You sound like a song
My God this reminds me, of when we were young."

"Let me photograph you in this light In case it is the last time
That we might be exactly like we were Before we realized
We were scared of getting old It made us restless It was just like a movie It was just like a song." Nang matapos kong kantahin 'yon at tumingin ako kay Kurt na may ngiti tumango naman siya na

"I was so scared to face my fears
Nobody told me that you'd be here
And I'd swear you moved overseas
That's what you said, when you left me..." mas lalo akong nahuhulog sa ganda ng kanyang boses."You still look like a movie You still sound like a song My God, this reminds me, of when we were young."

"Let me photograph you in this light In case it is the last time
That we might be exactly like we were Before we realized." sabay na naming kinanta ito habang nakatingin sa isa't isa, hindi ko pinapansin ang pag bilis ng tibok ng puso ko. "We were sad of getting old It made us restless It was just like a movie It was just like a song. . ."

Natapos namin ang kanta na may ngiti sa bawat labi, pinaulanan kami ng malalakas na papakpakan at hiyawan ng matapos ang aming pag kanya. Nag pasalamat din kami at mabilis na umalis ng stage dahil may mga susunod pang mag pe-perform. Pag ka pasok namin ng backstage ay handa na sana akong umalis pero mabilis siyang nag salita.

"Mandy w-wait." aniya kaya mabilis akong napalingon sakanya.

"Bakit?"

"C-can we talk?" bakit siya nauutal?

"Pwede naman, about ba saan?" tanong ko at iniharap ang katawan sakanya.

"Sa garden tayo. . ." aniya. Mabilis naman akong pumayag at sumunod sakanya papuntang garden, pag namin do'n ay walang tao ngunit bukas ang buong ilaw kaya ang ganda pagmasdan. Lalo na ngayong gabi, iginaya ako ni Kurt sa isang bench. Pinaupo niya muna ako bago siya umupo sa tabi ko, nakaharap kami sa mga bulaklak at halaman.

Napalingon ako sakanya ng bigla siyang tumikhim.

"Ano palang sasabihin mo?" tanong ko dahil napatagal ang pag tingin ko sa mga bulaklak sa ganda nito ngayong gabi.

"I just want to say that i like you, that I like you so much. . ." napantig ang tainga ko sa narinig ngunit siya ay nananatili parin ang tingin sa akin. "I like you so much Mandy, wala akong pakialam kung hindi mo na 'ko gusto pero gusto ko lang malaman mo na gustong gusto kita.."

"Kurt-" agad niyang pinutol ang sasabihin ko.

"I know you won't believe that i like you, so I'll do everything to make you believe. . . Nag sisisi ako sa pananakit na ginawa ko sa'yo no'n."

"Kurt-"

"Natatakot talaga akong mag confess sa'yo kasi baka wala ka ng nararamdaman sakin pero wala na akong pakialam pa-"

"Kurt gusto pa rin kita!" matinis kong sigaw dahil hindi niya 'ko pinapasalita. Siya naman ang nakatulala sa akin habang naka awang ang labi. Basang basa ko ang gulat sa kanyang mga mata.

"W-what? Say it again."

Huminga ako ng malamim bago siya tignan.

"I like you, i still like you Kurt. I'm still your number one fan."

Nagulat ako ng makitang namumula na ang kanyang mata pero bago pa 'ko mag salita ay hinigit niya 'ko papalit sa kanya at mahigpit na niyakap.

"I'll court you Mandy. Is that okay with you?" bulong niya sa tainga ko.

"Oo naman, pero may kailangan pa 'kong tapusin." bulong ko pabalik.

"What is it?"

"I-i can't say yet. . ." naramdaman ko ang pag tango niya. "Okay, i understand..." bulong niya habang mahigpit parin ang yakap sa akin.

Sobrang saya ko no'ng gabing 'yon, maraming kinuwento sakin si Kurt kung paano niya 'ko nagustuhan. Madaldal siya lalo na kapag close mo na.

Ayos lang naman sakin na ligawan niya ko pero natatakot ako na baka madamay siya sa gulo 'ko kaya kinabuksan no'ng araw na 'yon ay kinausap ko si Steven.

Pumito ako ng ilang beses sa room para malaman niya na gusto ko siyang makausap, ito ang pinag-usapan namin na kapag may sasabihin kami sa isa't isa na importanteng bagay ay pipito kami sa isa't isa. Mabilis niyang nakuha ang ibing kong sabihin kaya pag uwi ay mabilis akong pumunta sa Silver's Lion House at maya maya ay dumating din siya.

"Anong gusto mong pag usapan?" nahihimigan ko ang pag ka seryoso sa kanyang boses.

"Tengo algo que decir.." mabilis siyang nagulat sa pag sasalita ko ng español, hindi ito ang unang beses na nag salita ako nito sakanya at alam niya ang ibig sabihin nito lalo na't may lahi silang español.

"Acerca de?" tanong niya kaya sinimulan ko ng mag salita ngunit pa español basang basa ko ang gulat sa mga mata niya at galit. Marami din siyang tinanong sakin.

Pag katapos ko siyang kausapin ay iniwan ko na siya do'n, kaya ako nag español ay ayokong may ibang makaalam ng pinagusapan namin. Natuto din ako mag salita ng español dahil kay Lola na bihasa sa pag sasalita nito.

Mabilis ang pag preno ko ng sasakyan ng makita si Audrey na hinaharas ng isang matanda sa isang kanto. Agad akong bumaba ng sasakyan at mabilis na lumapit sakanila.

"Let me go!" Sigaw ni Audrey dahil hinahatak siya ng matanda. Agad akong lumapit at inalis ang kamay ng matanda sa pulsuhan ni Audrey, agad silang dalawa nagulat dahil mabilis ko lang iyon natanggal gayong ang higpit ng kapit ng matanda. May naiwan pang marka ng kamay ng matanda sa balat ni Audrey.

Kakausapin ko pa sana ang matanda ngunit mabilis itong umalis na parang bula.

"Nasaktan ka ba?" tanong ko sakanya, nandito kami sa 7/11 dahil niyaya ko siya. Nakasimangot lang siya habang kinakain ang cup noodles na binili ko, akala ko tatanggihan niya iyon pero dahil nagugutom daw siya ay tinanggap niya na lang.

"Obvious naman diba." aniya at umirap sakin.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Gabing gabi na oh."

"Huwag mo 'kong pakialaman. Ikaw nga nasa labas kahit gabi.." aniya.

"Tsk." nasabi ko na lang dahil sa pag susungit niya. "Salamat pala sa regalo mo. Ginamit ko 'yon sa pag perform.."

"Nakita ko nga." aniya at tumingin sakin. "Hindi ka na ba galit?"

"Kanino?" tanong ko, nakakunot ang noo.

"Malamang sa akin!"

"Ah hindi naman ako nagalit sa'yo eh. Nakakainis lang na hindi mo sinasadyang masira ang gitara ko pero at least may bago na ulit." hindi siya sumagot. "Paano ka nakahanap ng ganoong gitara?"

"Basta. Binili ko lang 'yon, huwag ka ng maraming tanong baka bawiin ko pa 'yan." aniya na kinatawa ko.

"Are making fun of me?" inis na tanong niya.

"Hindi, masaya lang ako na nag uusap tayo ng casual ngayon.." ani ko na nakangiti.

"Whatever.." aniya at inirapan na naman ako bago bumalik sa pag kain.

---
Song used : When We Were Young by Adele

Comment