[ 66 ] Hard

Mandy's P.O.V

Isang linggo na, isang linggo na ang lumipas pero bakit. Pero bakit ang hirap parin tanggapin. Hindi ko kaya, hindi ko talaga kaya. Kahit pa man inaalam ko pa kung mahal ba nila ang isa't isa roon palang ang sakit sakit na.

Sabay silang kumakain kapag lunch time, pati pag uwi!

Maraming kinikilig na sobrang nakakaasar. Kahit ganoon kailangan ko parin mahal nila ang isa't isa, marinig na mag sabihan sila ng 'I love you' na sobrang dudurog ako kapag alam kong mangyari 'yon.

Sa isang linggo rin non lagi akong dumadalay kay Clyber lalo na kapag wala ang Mama niya dahil sa trabaho. Sa isang linggo na 'yon mas lalo ko siyang nakilala hilig niya talaga ang pag dra-drawing ng kahit anong bagay, may kadaldalan din siya.

Pero nahihirapan siyang kumakain minsan kasi wala raw siyang gana kaya kahit talagang pinipilit ko siyang kumain kasi hindi pwedeng walang laman ang tiyan niya. Pinapainom na rin siya ng vitamins.

Kinabukasan naman ng engagement party na 'yon hindi ako tinigilan ni Kuya kakaasar dahil sa sinagot ko sa reporter.

Tama naman diba?

At ngayon sabado may nag add bigla sa akin sa Facebook si Flynn, syempre inistalk ko siya wala namang kakaiba sa account niya wala rin siyang picture. Naka only me lang ang profile picture niya.

Naisipan kong makipag kita sa kanya ngayon dahil mukhang may alam siya sa gang na 'yon.

"Miss mo ako Mandyson?" Napataas ang kilay ko sakanya.

"Asa." Sambit ko pero tumawa lang siya. "At please Mandy hindi Mandyson."

"Bakit sa Facebook mo Mandyson naman nakalagay doon ah?" Pag dadahilan niya, may ngisi sa labi.

Inirapan ko nalang. Nandito kami sa 7/11.

"Anong gusto mo?" Tanong ko.

"Nothing." Tumingin siya sa akin. "Bakit mo pala ako pinapunta dito?"

"Dederetsuhin na kita. May alam ka ba sa gang na 'yon—"

"'Yong may paro-parong tattoo sa pulsuhan?"

Tumango ako.

"Death Nightmares ang pangalan ng grupo nila." Saad niya sa mababang boses. Napatiim ang panga ko.

So Death Nightmares pala.

"Pwede ko bang matanong? Anong atraso nila sa'yo?" Tanong niya. Tumitigan ko siya sa mga mata.

"Mapag kakatiwalaan ba kita?"

Napa ngisi siya.

"Oo dahil ilang beses ko nang nailigtas ang buhay mo." Proud niyang saad. "At saka hindi ka naman makikipag kita sa akin kung wala kang tiwala sa akin diba Mandyson?"

Umirap ako. Pero totoo 'yon bakit ako makikipag kita sakanya kung wala akong tiwala? Alam ko namang tanga ako pero marunong naman akong makaramdaman ng mga bagay bagay, kung dapat bang pagkatiwalaan o hindi.

Muli akong tumingin sakanya at sinimulang kinuwento sakanya ang pag kidap sa amin ni Lola hanggang sa huling hininga niya.

Pero hindi ko sinabi na lider ako ng gang.

Hindi siya makapagsalita ng matapos ako sa pag kwento.

"Kaya nga noong may nakapagsabi sa akin na... Pumapatay sila ng walang rason, sobra akong nagalit."
kinuyom ko ang kamao ko.

"Alam mo sa unang kita ko sayo alam ko nang matapang kang babae. Hindi ka basta basta nag papatalo, sa pag sasalita mo palang, pag mumura mo, sa mga ngisi mo pero hindi ko alam na ganito pala ang dinadanas mo."

"Ako lang 'to." Biro ko, napailang naman siya.

"May plano ka bang gantihan sila?"

"Hindi ko alam.." Halos pabulong kong ani. "Makita ko palang mga mukha ng kumidnap sa amin kumukulo na dugo ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung anong mangyayari kung makaharap ko na sila."

"Noong may nakaharap tayong isa sa mga garapata nila? Buti nakapagpigil kang saktan 'yon."

"Matinding pag pipigil ang ginawa ko no'n gusto ko siyang bigwasan tangina niya."

"Hayaan mo sasamahan kitang mahanap ang hustisya ng Lola mo.."

Napatitig ako sayo bago ngumiti.

"Maraming salamat Flynn."

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko kila bakla, nasa kwarto ako nang bigla silang dumating.

"Inuman tayo bukas." Si Ken.

"Bawal ako, 17 palang ako minor pa." Saad ko. Malakas na tumawa si Maggie.

"Tigilan mo kami!" Aniya

"Buti pa ako may love life lang." Napatanga kaming lahat kay Jewel.

"Anong connect?!" Si Chelsie na nag cecellphone. Mukhang napilitan nga lang 'tong sumama dahil pinilit nika Bakla.

"Wala, iniinggit ko lang kayo sa love life ko." Ani ni Jewel.

"Hindi ka naman ni reveal sa media." Pangaasar ni Ken. Napasimangot naman si Jewel kumalat nga ang balita na si Jewel ang ka date ni Alex noong engagement party, hindi naman nag salita si Alex tungkol doon.

"Tanungin mo si Alex kung private relationship ang hanap." Si Chelsie ulit.

"Para sa akin lang ha. Mas maganda 'yong hindi kayo nag tatago, hindi kayo mahihirapan." Ani ko.

"Balak ko palang kausapin si Alex sa bagay na 'yan." Sagot ni Jewel.

"Sana all ano? Naka bingwit ng isang famous singer." Tumawa si Maggie. "Anong gayuma ang ginamit mo?"

Umirap sakanya si Jewel.

"Duh purong kagandahan lang ito." Nag tawanan kaming lahat sa sagot niya.

Hindi man namin aminin pero randam ko kila Bakla na masaya sila para kay Jewel, lalo na ako. Hindi ko rin maiwasan isipin na sana sila na talaga.

"Pero bukas ha? 7 pm sa bar nila  Baklang Jewel?" Si Ken.

"Oo na oo na." Sagot ko..

Comment