[ 48 ] It's Flynn not Mr. Singit

Mandy's P.O.V

Pagkatapos ng Club ay nag lakad na 'ko papunta sa Parking lot. May nga sumisigay padin sa labas pero hindi na tulad ng marami katulad kaninang umaga. Buti nga nakaabot pa ako sa Club, medyo late pero at least pinayagan akong pumasok ni Ma'am Nica.

Wala pa namang binibigay o pinapagawa si Ma'am. Pero nag tuturo pa rin siya. Parts of cameras, how to edit mga ganyan.

Napalingon ako sa babaeng sumisigaw, dito pa rin sa tapat ng Gate.

"N-no to F5!" Paulit ulit nyang sigaw. Bumaba ang tingin ko sa cellphone nya, bumukas kasi yon. May nag chat pero hindi yon nakuha ang atensyon ko kundi ang lock screen wallpaper nya.

Picture ng F5.

Mabilis nyang kinuha ang phone at pinatay. Napatanga ako. Bakit?? Halata naman na fan siya ng F5 pero anong ginagawa niya rito. Lumapit ako sa isang lalaki na malapit lang sakin, may hawak siyang placard.

"Mr. Kilala nyo ba 'yon?" Tanong ko sabay turo don sa babae. Tumango siya.

"Oo si Skyla Mernis yon." Sagot nya. Tumango lang ako.

Skyla. Nice name.

Handa na sana akong pumasok sa sasakyan ko pero, mabilis ang pagtingin ko sa lalaking tumatakbo, kita kita ko ang paro-paro nyang tattoo sa pulsuhan nya. Nakahoody siya na itim natatakpan ang mukha nya.

Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko ng mawala siya sa paningin ko. May kalayuan na rin ang namamaneho ko ng muli ko siyang makita mabilis kong binilisan ang pagmaneho sa sasakyan ng lumingon siya sa gawi ko. Pero huli na dahil muli siyang lumiko sa isang iskinita.

Tangina nito!

Mabilis kong pinatay ang makina at lumabas ng sasakyan. Hindi naman mawawala yan, kaysa naman madamay pa yan sa mangyayari. Tumatakbo akong lumiko sa iskinitang pinasukan ng lalaki.

Isang mabaho at maraming basura sa gilid gilid ang tumambad sakin. Huminga ako ng malalim bago pinakiramdaman ang paligid.

Mag ingat ka Mandy mag isa ka lang tandaan mo 'yan.

Binilisan ko na ang lakad pero patuloy pa din na nakikiramdam sa paligid. Mamaya sasakin nalang ako sa tagiliran wala manlang akong palag.

Tumakbo na ako ng mapansing tahimik na ang paligid. Ang baho ng lugar na ito!

Nang maka alis doon ay isang kalsada naman ang dumambad sakin. Walang mga sasakyan at tahimik lang.

Nasan na kaya yung lalaki?

"Anong ginagawa rito ng isang dilag na kagaya mo?" Mabilis akong tumingin sa likod ko. Galing sila sa iskinita na dinaanan ko. Lima silang lahat at hindi maayos ang mga itsura nila.

Malibis na bumaba ang kanan kong mata sa mga palupulsuhan nila. Mabilis din akong nag iwas ng wala roon ang hinahanap kong tattoo.

Tumikhim ako.

"May nakita po ba kayong lalaking naka hoody?" Tanong ko sa maliit na boses.

Bahave lang Mandy.

"Hahahahaha wala Miss eh. Mukhang gutom kana gusto mo ba kaming saluhan?" Tanong ng isang Lalaking mahaba ang baba. Nakaturo ang isa nyang daliri sa gilid ko. Mabilis akong napa atras ng makita ang isang lamesa at may patay na aso na hiwa ang gitna. May mga bote rin ng alak na walang laman.

Mabilis akong umiwas ng tingin.

Mabilis akong napatakip ng bibig. Nasusuka ako! Ito pala yung mabaho! Mabilis akong tumakbo sa isang basurahan pero agad napa atras dahil may mga kuting na patay doon. Pinatay, inuuod at lasog lasog, masangsang ang amoy non.

Naisuka ko sa kalsada ang kanina ko pa pinipigilan.

Kadiri! Mga hayop sila! Mga walang puso!

"Oh Miss? Anong nangyayari sayo? Hahahahahahahah mukhang ayaw nya sa pulutan natin!" Tumawa ng malakas ang isa sa kanila. Kinuha ko ang panyo sa bulso ko at pinunasan ang bibig.

"Mga gago kayo!" Inis kong sigaw.

"Hahahahahahaha pero gwapo?? Pano ba yan Miss nag sasawa na kami sa pulutan namin baka pwede ka?" Tanong ng isa tapos dahan dahang nag lakad.

"Ako muna pre!" Sigaw ng isa at nag sabay sabay na silang lumakad papalapit. Mabilis nakatikim ng suntok galing sa akin ang unang lalaking lumapit sakin. Agad napaupo ang lalaki dahil sa lakas non.

"Aba! Hahahahaha may lakas ka pa lang babae ka ha!" Sigaw ng isang pang lalaki, mabilis kong kinuha ang isang kahoy at tumakbo papunta sakanya at mabilis na hinampas iyon sa likod nya. Napaluhod siya habang nakahawak ang isang kamay sa likod sa parteng tinamaan.

"Ohhh!! Arghh!"

"Putangina ka!" Mabilis kong sinangga ang isang suntok ng isa pang lalaki gamit ang isang kaliwang kamay. Binwelo ko ang kanan kong kamay na may hawak na kahoy at mabilis na hinampas yon sa tyan nya.

"Arrghhhh!!" Sigaw nya sa sakit.

Dalawa nalang!

Mabilis kong hinampas sa tuhod gamit pa rin ang hawak kong kahoy sa naka pulang damit. Napaupo siya habang namimilipit sa sakit. Pero hindi ko alam pag lingon ko may hawak palang isang kahoy ang pang huling lalaki, pumikit nalang ako para hintayin na tumama sa akin 'yon pero lumipas ang ilang sigundo wala akong naramdaman na sakit.

Dumilat ako para tignan kung anong nangyari pero nakita ko nalang si Mr. Singit na nasa harap ko. Tumingin ako sa tinitignan nya. Nakahiga na ang kaninang mag tatangkang humampas sakin.

Wow. Nice timing Mr. Singit. Ang galing mo talagang sumingit!

"Ayos ka lang?" Tanong nya, tumango ako bago tumayo.

"Salamat pala Mr-"

"It's Flynn." Sagot nya.

"Huh?"

"Flynn Donnovan Ajax ang pangalan ko, sayo?" Tanong niya

"Mandyson, mandy-"

"Mandyson nice name." Nakangising sabi nya.

"Mandy for short." Sabi ko ulit.

"Mas gusto ko Mandyson." May ngisi pa rin sa labi nya.

"Mandy nga eh!" Naiinis na na sabi ko. Napasimangot ako.

"Hahahahaha kain tayo Mandyson?" Tanong nya.

Ang kulit!

"Hindi ako gutom-" naputol ako ng biglang kumulo ang tyan ko.

"Hahahaha tara na!"

--

"Are you a fan of them?" Tanong ni Mr. Singit este Flynn. Nakatitig kasi ako sa poster ng F5, actually kay Kurt talaga.

"Oo.. Bago bago lang." Sagot ko bago humigop ng cup noodles. May kabaitan din pala itong si Flynn. Mabait naman talaga siya ilang beses nya na kong tinulungan.

Napatingin ako sakanya naka suot siya ng itim na T-shirt fit na fit 'yon sakanya, magulo ang buhok may kakapalan ang kilay matangos ang ilong at dark brown na nga mata. Maputi at may katangkadan-

"Baka may gusto kana saakin Mandyson ah?" Tumawa siya.

"Gago kadiri! Huwag mo nga kong tawagin sa Mandyson, Mandy na nga lang!"

"Mas gusto ko nga yon.."

Comment