[ 51 ] Silip

Mandy's P.O.V

"Anong ginagawa niyo rito? Ang aga aga ha." Tanong ko kila Bakla. Naupo silang apat sa sofa. Wala si Mama at Kuya nag grocery.

"Pupunta tayong Juest Forest!" Nakangising sabi ni Ken. Napapitlag naman ako sa upuan.

Ano raw?

"Ano?? Hindi ko nga alam kung saan 'yon tsaka bawala ako." Hindi ka bawal Mandy.

"Alam namin!" Si Maggie.

"Bawal ako..tsaka sinabi na rin diba? Bawal ang mga Fans." Pag dadahilan ko. Hindi naman talaga ayaw ko. Ano lang.

"Ayaw mo bang malaman kung anong ginagawa nila don? Baka nag—"

"Walang ginagawa si Audrey kay Kurt!" Iritang sabi ko.

"Kalma bakla!" Natatawang sabi ni Ken.

"Pinilit din naman ako ni Ken." Asik ni Chelsie.

"Ulol! Pag kasabi ko pa ngalang pupunta tayo nag ready kana ka agad." Nakangising pangaasar ni Bakla.

"Ilang araw ba tayo ro'n?" Tanong ni Jewel.

"Bukas uwi na rin tayo." Sagot ni Maggie.

"Ano? Saan tayo matutulog sa damo?? Sa mga puno? Ayoko nalang." Angal ni Chelsie, natawa ako.

"May malapit na hotel kami doon huwag kang mag panic tsaka ayoki ding matulog sa damo noh. Hindi naman talaga malapit, mga kalahating oras ang bwahe para marating." Sabi ni Ken

"Sigurado na ba talaga kayo?" Paninigurado ko. Kasi naman.

"Pano kung paalisin tayo ron?" Dadag kong katanungan.

"Hindi 'yan gagawa tayo ng paraan para masilip mo si Fafa Kurt!" Sabi ulit ni Ken.

Talagang 'to.

Nagpaalam muna ako kay Papa na pupunta kami doon. Pumayag siya basta mag ingat lang daw.

Bukas naman uwi eh. Kumuha ako ng bag nag lagay ng ilang pirasong mga damit. Silip. Ayos na 'yon pero hindi ko talaga mapapangakong mananatili akong nakatingin kay Kurt habang may kung anong katarantaduhang ginagawa si Audrey.

Yung sa school palang na nakita ko silang nag usap. Nag aalab na 'ko sa galit..

"Yan na lahat ng dadalhin mo bakla?" Tanong ni Ken.

"Okay na 'to hindi naman tayo be-beach."

"Baka gusto mo mag dala ng telescope. Para kitang kita mo aga si Kurt."  Tumawa si Maggie, napailang nalang ako bago sumakay ng van, si Jewel ang driver nito.

"Mahaba ba ang byahe?" Tanong ni Chelse, nasa hot gun seat siya habang sina bakla ay nasa likod ko.

"3 hour's lang." Sagot sakanya ni Jewel at pinaandar na ang makina.

"Wala ka na bang balita sa nakakaloka mong ex Jewel?" Tanong sakanya ni Maggie. Umilang si Jewel.

"Wala na. Tsaka focus ako—"

"Focus ka nalang kay Fafa Alex?" Tumawa si Ken. Napailang nalang si Jewel.

"Ano palang mga club na sinalihan nyo?" Biglang tanong ko, na alala ko kasi hindi ko pa alam kung ano ang mga sinalihan nila.

"Sa Drawing Club kami nitong si Maggie, dahil nandoon sina Fafa James at Rendell." Sabi ni Ken.

"Sa baking club naman ako dahil—"

"Dahil nandoon si Fafa Alex?" Putol ni Maggie kay Jewel.

"H-hindi ah mahilig kasi ako mag bake—"

"Ulol! Lokohin mo na ang manloloko pero hindi ka mahilig mag bake." Putol sakanya ni Ken, nag tawanan naman kami sa madilim na mukha ni Jewel habang naka tingin ang mata sa kalsada napairap pa siya.

"Sa book club ako." Sagot ni Chelsie.

"Seryoso Chelsie?! Hahahaha hahahaha mahilig ka na pala sa libro!" Tawa ko ibang klase talaga ang pag hanga sa isang tao.

Tumatawa rin si

"Nandoon si Lorenzo eh." Pag tatapat niya.

"Mahilig pala 'yon sa libro." Si Jewel.

"Yep yep."

Natahimik kami bigla dahil kanya kanya na kaming nag cecellphone habang ako binabasa ang nga comments sa post ko. Syempre proud ako sa F5 Light Stick ko kays pinost ko 'yon sa page ko na may caption na.

Ang ganda niya!😭💚

Ang mga comments naman ay.

@LiAnie
Ang gandaaaa!

@Mils ksks
Sana all mhie.

@Bentong D'Minahal
Omg bhe ang ganda wheeeennn

@Din
Look oh!😭 @Jamj sabi ko sayo mag hanap na tayo ng sugar daddy eh!

@Jushia
Sana all kahit ito nalang lord huwag na love life.

Nang biglang may nag pop na notification kaya agad kong pinindot yon.

Clyber Sincia sent you a friend request

Napataas ang kilay ko bago ko inaccept inistalk ko ang account nya. Ang profile nya ay nakatalikod siya sa balcony habang ang background nya ang papalubog na araw.

Gwapong bata mine niyo na.

Napangisi ako ng bigla siyang mag chat.

Clyber :
H3lL0 WH3R3 Ar3 ¥OU AtE mAD$$

: Me
Gago ayusin mo typings mo. Nasa bwahe ako papunta sa Juest Forest.

Clyber :
Hahahahahhahaha sana all pwedeng maka gala:(

: Me
Tsk. Kaya nga mag pagaling kana para makapunta ka na sa mga gusto mong puntahan.

Cyber :
Yes of course mag kaka girlfriend pa ako hahahahahhahaha.

Ang batang 'to tsk!!

__

"Tangina nyo pag tayo nahuli dito ha!" Inis kong sabi habang nag papatuloy sa pag gapang.

Ang kati!

Nakarinig naman ako ng tawanan nila Bakla. Ang mga 'to!

"Kalma bakla! Hindi nga tayo makaraan sa entrance nitong gubat dahil may mga guards na nag iigtingan ang mga panga!" Dinig kong sabi nya. Napairap nalang ako sa kawalan. Maingay ang paligid dahil may mga fans na gustong pumasok sa entrance nitong gubat, buti nga naabutan pa namin ang F5 dahil bukas daw ay lilipat na ulit sila ng mag shoshootan.

"Kasya ka ba?" Tanong ni Chelsie, tumango si Ken. Hindi kami makadaan sa entrance kaya itong dalawang baklang 'to gumawa ng paraan. May nahanap silang butas dito may kalayuan sa entrance. Makakapasok kami sa gubat kapag nakadaan na kami dito.

"Ano bayan." Bulong bulong ko pa bago pumasok. May kasikipan pero kaya naman.

"Woaa. Ang ganda naman pala rito!" Pag pupuri ni Maggie.

"Oo maganda gumawa ng milagro. hahahahahahaha." Tawa ni Ken.

"Kadiri, dito talaga? Ang cheap ha. Pwede naman sa—"

"Tigilan niyo na ang topic na 'yan." Putol ni Chelsie kay Maggie, nag tawanan naman sila.

"So? Paano natin hahanapin ang F5 sa gitna ng gubat?" Tanong ni Jewel.

"Doon! May nakikita akong mga tent." Tumango nalang kami kay Ken.

Ang bakla 'to pag kami naligaw.

"Anong problema mo?" Tanong ko kay Jewel, lumapit ako sakanya para magkasabay ang lakad namin. Si Chelsie at Maggie busy sa pag pipicture ng paligid.

Nakasimangot kasi si Jewel.

"Kasi naman." Inis siyang napakamot ng ulo. "Kagabi pa ako napapaisip kasi diba? Jenniza? Tapos yung post ni Alex na J tapos may heart pa nakakainis.. Pwede namang ganon meaning non J, jenniza. Tsaka may mga commenter na iniisip na ganon meaning pero ang dami paring hindi na niniwala."

Tumawa ako bigla.

"Huwag kang mag overthink. Paniwalaan mo ang si Alex huwag ang iba. Tsaka nilinaw naman niya diba? Na Juest Forest ang meaning non."

At sa huli.. Ngumiti siya. Talagang 'to. Iba talaga nagagawa ng paghanga mo sa isang tao.

"Nandito na tayo." Bulong ni Ken.

"Gago huwag kayong maingay." Bulong ni Chelsie. May mga tao kasing nag tatawanan. At may sa biling ki sampung tent ang nandito. Nakatago lang kami sa mga puno.

Nakakahiya kapag nakita kami pfft.

"Nasan si Kurt? Nakikita niyo?" Tanong ko.

"Hindi eh. Pero nakikita ko sina Alex, Rendell, at Lorenzo. Nasan ang iba?" Tanong ni Jewel.

"Tangina ang ganda nung Lenbanie." Bulong ni Chelsie. Pasimple akong sumilip at nakita ko ang ang tinutukoy nya. Halata naman kami sa mukha.

"Parang model." Bulong ko.

"Ayon bakla yung si Janniza." Nginuso ni Ken ang babaeng nakaupo sa duyan at may kung anong ininom. Maputi ito at maganda nga.

"Oo siya yan. Nakita ko mukha nyan pakalat kalat sa Fb." Bulong naman ni Maggie.

Pero nasan si Kurt?

"Hoy Bakla saan ka pupunta?" Tanong ni Ken ng makitang nag lalakad ako.

"Susubukan kong hanapin si Kurt." Bulong ko. Tumango naman sila habang may kung anong ngisi sa labi.

Bahala kayo riyan. Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko na sisilayan si Kurt. Nag lakad lang ako ng normal.

Nasan ba kasi siya?

Pero baka naman nasa loob ng tent? Kinakabahan ako ah. Hangang sa pag lalakad hindi ko napansing nakapunta ako sa isang maliit na falls.

Handa na sana akong bumaba para sana mag hugas ng kamay pero napahinto ako at nanlamig ang katawan sa nakita.

Si Kurt. Naliligo. Naliligo si Kurt.

Naka upo siya sa isang bato at nakapiit. Hinahayaan nyang bumagsak sa katawan nya ang tubig na ng gagaling sa itaas. Hindi naman buong tubig ang tumatama sa katawan nya. Kaya hindi siguro siya na sasaktan.

Nakapikit siya, basang basang ang buong katawan. Ang puti niya rin kapag walang T-shirt.

Parang may sariling utak ang mga mata ko na bumaba ang mga mata ko sa katawan niya. Wala siyang abs pero may hubog. Halatang nag wowork out.

Hindi ko man nakikita sarili ko sa salamin pero alam kong nangangamatis ang buo kong mukha.

Hindi na 'ko makagalay sa kinatatayuan ko! Kailangan ko ng umalis. Bawal ako rito!

Tumakbo na 'ko bago pa niya buksan ang mga mata niya. Tumakbo lang ako ng tumakbo.

"Bakla!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Ken.

"Nakita mo na si Fafa Kurt?" Tanong niya. Hinihingal padin ako.

"O-oo." Sagot ko.

Hindi ko lang basta na silayan ang gwapo niyang mukha. Pati narin ang katawan niya.

Comment