[ 63 ] Invited

Mandy's P.O.V

"Hindi parin ako maka move on, grabe ang love story mo Bakla ka!" Hinatak pa ni Ken ang buhok ni Jewel. Kinabukasan ay agad namin pinilit si Jewel na mag kwento kung anong nangyari, kumain daw sila at nag usap.

Sana all.

"Ano naniniwala na kayo sa ganda ko?" Ngumisi si Jewel.

"Sus, pero happy kami sayo Bakla, sana talaga kayo na." Sambit ni Maggie. Ngumiti naman si Jewel.

"Buti pa ako, gayahin niyo ako cellphone lang sapat na." Si Chelsie na nag cecellphone na naman.

"Malamang sapat na 'yan sayo nakakausap mo si Niven gamit 'yan eh." Pangaasar sakanya ni Ken.

"Akala ko pa naman Jewel wala ka nang pag-asang mag ka jowa ulit." Ani ni Leo.

"Sana all nga eh." Si Ryker.

"Hoy!" Tawag ko sakanya. Lumingon naman siya sa akin.

"Ayos ka na? Broken ka raw sabi ni Mate." Tanong ko.

Tinignan niya ng masama si Mate.

"Anong pinagsasa sabi mo?! Kailan pa ako ma broken?" Sunod sunod na tanong niya.

"Bwahahahahaha simula noong na engage si Audrey." Tumawa lang si Mate.

"You like that girl?" Tanong sakanya ni Kevin.

"H-hindi no! Fake news lang 'yan si Mate." Nagkunwari siyang naiinis.

Sus ka.

"Hahahahaha okay hindi mo nga siya gusto, hindi ka nga nag inom eh, kakalimutan ko nalang ang mga 'yon." Ani ni Mate habang tumatawa, napailang nalang ako bago bumaling sa cellphone ko dahil sa tumunog 'yon. May tumatawag,

Unknown number.

Natahimik naman sila sa pag aasaran at nakuha ang atensyon ng tumatawag sa cellphone ko.

"Who's that?" Tanong ni Kevin.

Umilang ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Steven ng tumayo ako habang hawak ang cellphone. Sumenyas lang ako na huwag silang sumunod at lumabas ng room free time namin ngayon kaya walang teacher., nadaan ko ang F5 na may kanya kanyang ginagawa. Nag tama ang mga mata namin ni Kurt ay agad akong nag iwas dahil nag uusap sila ni Audrey.

"Hello sino 'to?" Tanong ko, nandito ako sa garden wala masyadong tao.

"Girl! Omg! Mandy! Omg! Are you alright?! Mag iinom tayo kung gusto mo!" Boses ni Vy 'yon sa kabilang linya, manager ng F5.

"Vy! Ikaw pala, kamusta ka? At anong mag iinom?" Aniko.

"Alam kong nabalitaan mo na ang balita tungkol sa alaga kong si Kurt! Ano ayos ka lang ba?! Hindi ko maintindihan kung anong pumasok sa ulo ni Kurt at papakasalan niya ang babaeng 'yon. Kahit n'ong nasa photo shoot palang kami! Arghhh hindi ko gusto ang ugali!" Sunod sunod niyang sabi.

"Kalma Vy! Hindi ako okay sa totoo lang, hindi ko gusto ang engagement na 'yon at kahit kailan hindi ko ma gugustuhan. Maraming tanong sa isip ko na hindi nabibigyan ng kasagutan tulad nalang ng bakit niya papakasalan 'yon mahal ba niya? Pagkakaalam ko ay wala silang naging relasyon kaya gulong gulo ako."

"Kaya nga! What's your plan anyway?"

"Aalamin ko muna kung mahal nila ang isa't isa kasi kapag nalaman kong hindi ako mismo ang sisira sa engagement na 'yan."

"Pano kung mahal nila ang isa't isa?"

"Wala akong magagawa kundi tanggapin kahit masakit sa akin 'yon. Tatanggapin ko nalang na hindi niya talaga ako magugustuhan."

"Ewan ko ba diyan kay Kurt at hindi ka niya nakikita. Dapat nga hindi ikaw nag f-first move ng ganito mga lalaki ang dapat na gumawa ng ganito tsk."

"Kilala mo ba ang ex niya Vy? 'Yung pinerahan daw siya." Tanong ko ng ma alala.

"Oo si Camille! Grabeng sakit diyan ni Kurt! Nakakainis ang babaeng 'yan Mandy nako, malaman ko lang na ganyan din ang gagawin ni Audrey kay Kurt nako nako."

"First love ba ni Kurt 'yan?"

"Oo, first love kaya ayon handang mag pakatanga, ilang beses ko na siyang sinabihan na iwanan niya na 'yon pero ayaw parin mag pa pigil. Harap harapan na siyang pineperahan ayaw parin, tsk tsk kaya ayokong ma inlove eh."

"Pano nalaman ni Kurt 'yon? I mean 'yong break up nila paano nangyari?"

"Bukod kasi sa pineperahan niya ang alaga kong si Kurt, niloloko niya rin ng patago! Gaga diba?! Karmahin sana 'yon. Nakita ni Kurt may ka date na ibang lalaki pero binaliwala lang 'yon ni Kurt dahil ayaw niyang isipin na lalaki 'yon ni Camille pero ilang beses namin sinabi na baka nga lalaki ni Camille 'yon pero nagagalit siya sa amin kapag sinasabi namin 'yon. Pero isang araw bumisita si Kurt sa condo ni Camille na si Kurt din ang nag bayad! Garapata talaga no?! Tapos ayon na nga, nahuli niya sa kwarto! Natutulog si Camille at ang lalaki nito! Shutangina hirap na hirap ni Kurt sa pag move on sa babaitang 'yon tapos malalaman ko engage si Kurt?!"

"Kaya ba ganoon? Hindi naniniwala si Kurt na gusto ko siya, kaya ba hindi na siya naniniwala sa mga ganoon? Takot na siya?"

"Ay 'yan ang hindi ko alam, pero kung totoo ngang takot siya bakit engage siya ngayon?"

"Bakit nga ba?" Bulong ko.

Kurt's P.O.V

Kaninang umaga ay kinausap ko si Shamaya, at ngayon ay okay na.

"Hindi mo kasalanan 'yon okay?" I said.

"But still Kuya hindi ko nagawa ang tungkulin ko sa kompanya, naiinis ako sa sarili ko, nag pabaya ba ako? Saan ako nag kulang? Naiinis ako hindi na ako makapag focus sa mga bagay bagay." Umiyak na naman siya, agad ko naman siyang niyakap. Si Ate Pia muna ang na mamahala ng kompanya hanggat hindi pa maayos si Shamaya, at dahil flight attendant si Ate Pia humingi siya ng break para makapag focus sa kompanya. Babalik nalang siya kapag maayos na.

"Pero Kuya totoo ba 'yon? Engage ka na? Bakit ang bilis naman?" Tanong niya.

"Yes that's true." Ani ko.

"P-pero bakit? Sigurado ka na ba diyan? Hindi biro ang pag aasawa Kuya."

Tumawa ako bago guluhin ang buhok niya.

"Just trust me okay? Trust your Kuya."

"Hey babe, mamaya ko na i papamigay ang invitation para sa engagement party natin." Sambit ni Audrey.

"Okay." Ani ko,

Napatingin ako kay Mandy nag lalakad siya palabas ng room at may hawak na cellphone mukhang may tumatawah dahil tumutunog 'yon, agad naman siyang nag iwas ng tingin  at tuluyan nang lumabas ng room.

Bakit kailangan pang lumabas para sagutin ang tawag? Is that important?

And why the hell i care?

"Naks, buti naman umamin ka na kay Jewel." Napatingin ako kay James, nakangisi siya kay Alex.

"Sino kaya ang susunod na aamin." Sumipol si Rendell.

"Nililigawan mo na?" I asked Alex.

"Oo, sayang naman kung hindi diba? Sobrang sayang, sayang talaga." Aniya.

Napakunot naman ang noo ko.

"Oo nga eh, buti talaga niligawan mo na! Sayang 'yon sayang." That's james.

"Oo nga sayang." Ngumisi si Rendell.

"Sayang 'yong kill!" Si Lorenzo na busy sa cellphone. Tsk.

Ano ba kasing sayang?!

Mandy's P.O.V

"Bakit?" Tanong ko kay Audrey. Uwian na at hinarangan niya ako.

Ngumiti siya.

"Invited ka sa engagement party namin sa linggo, punta ka ha?" May inabot siyang invitation, kinuha ko naman 'yon.

"Bakit mo ako invited?" Masasaktan lang ako roon.

"Bakit ayaw mo? Masasaktan ka ba? Hahahahahaha—"

"Wala naman akong sinabing hindi ko gusto, ang tanong ko lang bakit ako invited?" Tanong kong muli.

"Invited kasi ang buong klase, unfair naman kung hindi ka kasama diba?" Ayos nga lang sa akin kahit hindi ako kasama, mas gusto ko 'yon.

Tumango nalang ako para matapos na.

"At mag dala ka ng ka date mo."

"Bakit required?"

"Oo, hindi ka kasi papapasukin kapag wala kang kasama, bye see you." Ngumiti siyang muli at umalis na. Nahihirapan akong tumingin sa invitation. Sakit.

Sino naman ang isasama ko?

Comment