[ 26 ] Mall show

Mandy's P.O.V

"Mandy?" Pagtawag sakin ni kuya habang kumakain kami. Tumingin ako sakanya.

"Sabi mo kagabi nakaharap mo ang isa diba? Pano?" Tanong niya.

"Sa taxi, driver siya, nag taxi ako papunta sa school kasi mag reretreat nga kami. Tas nakita ko may tattoo siya." Kwento ko. Tumango tango naman siya.

"Kuya." Tawag ko, lumingon siya sakin.

"Huwag kang gagawa ng mga bagay na ikakapahamak mo." Seryosong sabi ko.

"Wow. Ako pa? Dapat nga sayo ko sabihin yan eh hahahaha!" Tawa niya.

"Seryoso ako kuya." Buong boses kong sabi, napaayos naman siya ng upo.

"Hindi ko mapapangako. Pero gagawin ko." Sabi niya. Sana lang dahil ayoko nang may mamatay pa kaka protekta sakin.

Napalunok na naman ako. Tangina kanina pa'ko lunok ng lunok, dadaan kasi ako dito sa Moon Road.

Ano ba kasing naisip ko at gusto kong dumaan dito.

Na'ka patay ang makina ng sasakyan ko. Nag iisip pa ko kung dadaan ba'ko. Hindi naman mapapalayo ang pag pasok ko sa school kung dito ang dadaan. Pero minsan lang talaga ko diyan dumaan. Wala lang.

Sa huli, muli kong pinaandar ang sasakyan at mabagal natinahak ang Moon Road.

Tangina para naman akongnasa horor movie.

Mabagal at kinakabahan ganyan ang pag drive ko. May namatay daw dito ah. Muli kong hininto ang sasakyan at sumilip sa bintana. Kalsada lang ang nakikita ko. Diba kapag may mga patayan na nangyari may mga police dito kahit kahapon lang yon dapat may harang padin ang daan nato.

Ibang klase.

Muli kona sanang papaandarin ang sasakyan ng may mahagip ng paningin ko ang isang lalaki. Na'ka hoody siya na blue. May surgical mask at

Nakatingin sakin?

Sakin nga ba? O dito lang sa sasakyan ko. Alam ko hindi niya ko dapat kita dahil hindi naman nakabukas tong bintana pero kung makatitig siya parang kita niya talaga ko. Bumaba ang tingin ko sa pambaba niyang suot.

Nakapang hospital ang suot niya.

Teka?

Surgical mask?

Hospital.

Nanlaki ang mata ko at tumingin sa harapan ko.

Moon Hospital.

May hospital nga pala dito! Muli kong tinignan ang lalaki laking gulat ko ng wala na siya sa kinatatayuan niya. Kahit na'ka mask sya mukha siyang 15 or 16 years old.

Ang creepy.

Muli ko nang pinaandar ang sasakyan patungo sa school, hindi na ko dumaan doon. Tulala padin ako sa nangayari. Kung makatingin kasi yung lalaki akala mo, akala mo? Ewan.

Pasyente siguro siya sa hospital na yon. Pero bakit nasa labas siya? At Nakatingin pa sakin.

Teka?

Ano bang pake ko doon.

Pagpasok naming lima sa room iba ang awra nila steven. Tahimik din ang lahat at parang nakikiramdam sa kung anong mangyayari. Umupo nalang ako sa upuan na nakalaan para sakin. Wala pa ang F5. Napatingin ako kay steven na'ka yuko sya may kung anong iniisip.

"Hayss. Nakakabagot." Humikab si jewel. Na nasa tabi ko lang.

"Mag jowa ka nalang kasi ulit." Pangaasar ni ken.

"Tsk hindi pa yan nakaka move on." Nakangising sabi ni chelsie. Hindi ako nag sasalita pero nakikinig ako.

"Ano? Matatawag bang break up yon? Pero oo pwede nadin." Tumawa ng malakas si maggie.

"Wala na kayo ni javen??" Gulat na tanong ni leo.

Chismoso.

"Ano namang nakakagulat doon?" Tanong ko.

"Syempre nakakagulat yon mandy." Sagot niya. "Palibhasa kasi walang shota.." Bulong pa niya na hindi naka lampas sa tenga ko kaya agad ko siyang binatukan.

"Bakit pala kayo nag break?" Tanong ni leo.

"Mamaya. Sasabihin ko kapag lunch." Sagot ni jewel.

"Sa lahat ng member ng gang?"

"Oo.."

"Woa! Mag papa-lunch si jewel naks!" Nakangising sabi ni leo.

"Oo! Ikaw na bahala mag sabi sa mga iba." Agad na tumango si leo. Bago nag paalam na mag C-Cr.

"Nakaka-disappointed padin talaga yung ginawa ni javen." Bulong ni maggie.

"Oo. Pero hayaan natin. Nasabi kona din sa kila mama yung nangyari." Si jewel.

"Anong sabi?" Tanong ni chelsie.

"Nalungkot sila. Balak pa nga nilang kausapin si javen kaso pinigilan ko nalang. Sabi ko nagkausap na kami ni javen." Kwento niya.

"Arghhh! Nakaka stress naman yang love life mo bakla!" Iritang sabi ni ken at nag tawanan sila. Natawa ako ng mahina habang pinapanood sila.

——

"Sinong bibili?" Tanong ni jewel. Nasa cafeteria na kami kumpleto na'din

"Kami na!" Sabay na sabi nina leo at mate. Inabutan sila ni jewel ng pera pagkatapos ay umalis na sila. Pagkabalik nila.

"Yes!"

"Sana araw araw ganto!"

"Oo nga!"

"Sarap."

"Hehehehehehe."

"Hoy! Mga gago! Kaya nga paganto si jewel dahil sasabihin niya kung bakit sila nag break ni javen!"

Natahimik sila sa sinabi ni leo.

"We? Wala na kayo?" Tanong ni allen. Mabilis na tumango si jewel.

"Pano?" Si ryker.

"Kumain muna tayo." Sabi ko habang nag sisimula na nang kumain. Agad din naman silang nag simula.

"Kaya kami nag break.." Halos pabulong na sabi ni jewel. Huminto silang lahat sa pagkain, hinihintay intuloy ang sasahihin ni jewel. "Nag cheat siya sa akin, hindi ko alam kung ilang buwan o araw na niyang ginagawa 'yon, ayoko ng alamin."

"The fvck!"

"Hala."

"Tangina naman non!"

"Teka teka? Pano?" Kunot noong tanong ni wesly. At kinuwento na nga ni jewel.

"Grabe naman!"

"Putanginang yon!"

"Seyoso? Nagawa pa niyang mag chat?! Hayop na yon ah!"

"Okay kana ba ngayon?" Tanong ni danica. Nakangiting tumango si jewel, hindi ako naniniwala Jewel.

"Parang hindi nanggaling sa break up ah." Si leo

"Yan! Nga din pinagtataka namin nila bakla eh! Pero ayos na yon! Kesa naman umabot pa ng ilang buwan bago maka move on." Si ken.. Maya maya tumingin sila sakin.

"Ano!?" Iritang tanong ko. Nag tawanan lang sila.

"Kung iisipin niyo parehas kami ng pinag daan ni Mandy pag dating sa pag ibig, nag cheat sakanya ex niya gano'n din sa akin. Pero.." Pinutol ni Jewel ang sasabihin niya. "Oo aaminin ko, nasaktan ako. Pero parang ano, pag katapos kong umiyak ng umiyak feeling ko okay na ako.. Hindi ko alam.. Manhid na ba ko?"

"Pwede pero baka.. baka hindi mo na mahal?" tanong ni Ken, napakunot naman ang noo ni Jewel. "Paliwanag ko bakla, nasaktan ka kasi nag cheat sayo, nasaktan ka dahil minsan mo na rin siyang minahal. Pero ngayon kaya mabilis kang nakabawi dahil hindi mo na siya mahal? O hindi mo na talaga siya mahal pero hindi mo lang napapansin 'yon dahil nasanay kayong dalawa na minsan wala kayong update sa isa't isa."

Natahimik naman si Jewel, nag iisip. Agad nilang iniba ang topic.

"May plano kana ba?" Tanong ni lerwil, tukoy niya sa mga taong may tattoo.

Tumahimik naman sila.

"Mukhang mahirap makahanap ng info tungkol sakanila." Walang emosyong sabi ni steven. "Nag hanap ako, nag tanong tanong pero wala talaga umiiwas ang lahat sa mga tanong o kaya naman iniiba ang tanong halatang may tinatago.

"Si harvey? Kinausap mo ba? Magaling pa naman yon mag hanap." Suhesyon ni allen.

"Tsaka na. Ako kakausap sakanila, pag dating ng second anniversary natin." Sabi ko.

"Oo nga pala no. Saan ba?" Tanong ni leo.

"Wala pa'kong naisip basta sasabihin ko nalang." Mag sasalita pa sana ako nang mapuno ng tilian at sigawan ang buong cafeteria.

"Kyaaahhh!"

"Nandyan na sila mary ann!"

"Omygod!"

"Makapal ba lipstick ko?"

"Kahit mag lipstick ka di kamapapansin ni kurt!"

"Ginaganahaan na ko kumain shit!"

"F5!"

"Rendell! Tapakan mo ko ako mag sosorry!"

"Mas madumi pa nga ata mukha mo kaysa sa paa niya!"

"Jamess!"

"Renzoo! Pa picture!"

"Tanga! Pumunta yan dito para kumain! Bobo nito."

"Alex love you!"

"Noo! Hindi! Alex! Kyaaahhh!! Ang gwapo mo kahit pawisan kana—" Tinakpan ko'na bibig ni jewel dahil ba'ka marinig pa ni alex jusko.

"Kakagaling mo lang sa break up, kakagaling lang." Sabi ko pa bago siya bitawan.

"Tsk! Mas gwapo pa'ko diyan eh!" Napalingon kaming lahat sa nag salita.

Si lerwil.

"Kadiri naman!"

"Kumakain naman!"

"Ano ba naman yan!"

"Hahahahaha matagal na tayong magkaibigan lerwil ha? Pero ang sinabi mong mas gwapo ka'pa sa'ka nila isang kasungalingan yon." Malakas na tumawa si leo.

"Gago hahahaha sinasabi ko lang naman ang totoo." Natatawang sagot ni lerwil.

"Buti di fan si danica ko sa f5 nayan." Dugtong pa niya.

"Di mo sure!" Sigaw ni maggie. Namumulang yumuko naman si danica.

"Ang gwapo ni rendell.. Pero mas gwapo pa rin sa paningin ko." Halos pabulong na sabi niya, agad naman namula si lerwil sa inis at tatayo na sana kaso pinigilan nina mate at leo na tumatawa.

Nag paalam ako na mag C-cr saglit lang. May 30 minutes pa naman bago ang susunod na klase. May bumangga sa balikat ko si audrey, tinignan ko lang sya ng masama tangina uunahin ko pabang awayin yon sasabog na pantog ko.

Nang matapos makaihi, nag lalakad na ko pabalik sa cafeteria ng may tumawag sa pangalan ko.

Si james.

"Mandy." Pagtawag niya.

"Oh. James bakit?" Tanong ko.

"May mall show kaming mamayang 8:00 pm sa Tejares International Mall punta kayo." Hinihingal niyang sabi. Sa mall nila niven.

"Sige. Sige!" Nakangiting sabi ko.

Nang maguwian sinabi ko kila bakla yon.

"We? Talaga?" Si ken.

"Oo nga!" Sabi ko

"Kami din sinabihan!" Sabay na sabi nina chelsie at jewel.

"Sinabihan din kayo ni Fafa james?" Takhang tanong ni maggie.

"Tangik si alex nag sabi sakin, si renzo naman kanya." Iritang sabi ni jewel.

Nag punta na'din kami sa mga club, pumasok na si ma'am shena nag pasensya din siya samin dahil sa araw na wala siya na naiintindihan naman namin sinabi nadin niya kung kailan ang second task namin.

"Sa araw ng mga puso ang second task niyo, kukuha lang kayo ng mga pictures at ganoon ulit ang gagawin i-priprint, natuwa ako sa mga nag pasa ng first task nung nakaraan ang gaganda ng mga kuha niyo, sa mga hindi pa nag papasa alam niyo na!"

Pagkatapos ng club, nauna na kong umuwi dahil mamimili pa'ko ng susuotin, kalat nadin sa school yung tungkol sa mall show ng f5 at parang lahat pupunta.

Mandy's P.O.V

"Alis ka muna dito duke." Sabi ko habang bunubuhat si duke paalis sa kama, Naabutan ko siyang natutulog.

Bastos na kung bastos haha.

"Arf! Arf Arf." Tahol niya nang ilapag  ko siya sa sofa. Mukhang nagising

Bahala ka diyan.

Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Pagkatapos ay tumakbo ako papuntang balcony.

"Maaa! Nasan si max!" Sigaw ko nakita ko siyang may bago na namang tinatanim.

"Ayon oh! Nag lalaro tawagin mo!" Sinundan ko ng tingin ang tinuro niya, nakita ko nanglalaro si max ng bola kaya nakahinga ako ng maluwag.

Pagkatapos ay nag martsa ako papunta sa walk-in closet at nilabas ko lahat ng dress magkatapos ay hinagis ko lahat sa kama para pagpilian.

Oo yes kaya ko pinaalis si duke para dito.

Pinasadahan ko ng tingin lahat ng dress, halos lahat color dark ang kulay, may dark blue, dark green, dark violet.

Sa huli pinulot ko ang kulay dark green na dress, may mha kumikinang kinang doon, binili ko to last year new year. Hinanda ko nadin ang boots ko na niregalo ni lola itim yon.

Nang sumapit ang 6:00 pm, agad akong naligo pagkatapos magbihis ay tinignan ko ang sarili sa salamin.

Wow. Mall show lang diba?

Ang ganda ko! Hahahahaha

——
7:19 pm

Nag chat na si Jewel na nasa baba na raw sila kinuha kona ang hand back nilagay ko ang phone bago lumbas ng kwarto. Pumunta muna ako sa kusina para magpaalam kay mother.

"Ma—"

"Pupunta ka sa mall show ng F5 ano?" Putol niya sakin.

"Opo pano mo nalaman ma?"

"Tsk. Nagpaalam ako kanina sa papa mo napupunta sa mall show ng f5 eh kaso hindi naman ako pinayagan.."

"Hahahahaha selos lang 'yon." Humalik ako sakanya bago tuluyang lumabas ng kusina. Nag lalakad na ko palabas ng gate ng may sumigay.

Si kuya.

"Hoy! Mandy saan ka pupunta bakit ganyan suot mo!?" Lumingon ako sakanya. Nakaupo siya sa mini bench sa harap noon ay ang di kalakihang lamesa at may kape sa ibabaw non. Na pinagawa ni mama lahat iyan, tapos nadin ang garahe pero bukas ko pa ilalagay sasakyan ko doon.

"May ka date ako.." Nakangising sabi ko at nag lakad ulit.

"Aba! Sige wala ka nang uuwian dito!" Sigaw niya.

"Hahahahaha charot lang! May mall show ang f5!" Sigaw ko bago isara ang gate. Nakarinig ako ng busina at alam kong sila bakla nayon.

"Ano yang dala niyo?" Kunot noong tanong ko habang nakatingin sa mga dala nila.

"F5 light stick to mandy." Si ken ang sumagot.

"Saan naman nabibili yan?"

"Mas maganda sa online ka bumili kasi kapag sa mga mall maaga palang ubus na." Sabi ni jewel na nag dridrive na.

"Pahiram nga." Sabi ko at agad naman inabot ni ken ang F5 light stick niya. Lahat talaga sila may ganoon. Nang mahawakan tinignan ko tong mabuti. May picture ng f5 sa hawakan pinindot ko ang kulay puting botton ang nagliwag ang stick.

Kulay blue. Wow..

Makabili nga nito.

——

"Kyaaahhh!!"

"Shuta ang gwapo mo!"

"Handsome handsome."

"Huuuwahhhh!"

"Notice me Kurt! Notice me!"

"Jamesss!"

"Shit ang cute niya!"

"Rendell sabon reveal!"

"Kyaaahhh!"

"Alex! Ang hot mo kahit gabi na Arghhhh!" Sigaw ni jewel. Parang tapos na siya sa moving on stage.

Nandito na kami sa mall show ng f5. Nahihiya akong sumigaw sa totoo lang nasaunahan kasi kami tapos kilala pa kami nila james sinong di mahihiya doon no? Siguro ako lang nakakaramdam dahil sila... Tsk

"Shutangina! Pinapainit mo gabi ko Fafa james!"

"Kyaaaaaahhhh rendell!"

"Lorenzoo! Galingan mo!"

"Kyaaahhhh! Ayan! Na ayan na mag uumpisa na! Alex!"

Tumahimik na ang lahat ng mag umpisa nang patugtugin ni james ang gitarang hawak niya. Kasabay ng pagtahimik ay ang pag bukas ng mga light stick na hawak ng mga tao kasama na sila bakla. Weew. Sana all.

"Ano yung kinakanta nila?" Kunot noong tanong ko, hindi kasi ako pamilyar sa kanta pero ramdam na ramdam ko yung lyrics at sinasabi ng kanta. May sinabi pa si Ken pero hindi ko narinig dahil sa tilian at sigawan ng mga fans,

Napatitig ako kay kurt habang kumanta sakanya lang ang mata ko. Seryoso syang kumakanta animoy may pinapahiwatig. Hanggang sa biglang bumagal ang lahat at sya lang ang nakikita ko na kumakanta, kahit ang tilian ng mga fans o nila bakla ay wala akong marinig. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko.

Give me your hand

Shit. Alam ko na to, hindi to pwede.

Mabilis akong pumikit at nagmamadaling lumabas palayo roon. Kahit nahirapan dahil ang dami talagang tao ay pinilit kong makalabas. Hindi to pwede.

Naririnig ko padin silang kumakanta kahit nakalayo na ko ng bahagya, umupo ako sa isang bench na nakita at napahawak sa dibdib. H-hindi hindi yon pwede. Huli kong naranasan yon ay kay kevin. Meaning non ay—hindi hindi baka nahilo lang ako kaya nag slowmo ang paligid at si kurt lang ang nakikita ko diba?? Diba??

Shit.

Nag chat ako sa gc at sinabi kung nasan ako. Naasar pa sila bakla bakit daw ako biglang nawala hindi ko daw napanood yung dalawa pa nilang kanta sabi ko nalang nahilo ako bigla na agad naman nilang naintindihan.

Tama naman nahilo lang ako.

Nahilo kalang mandy walang meaning yon.

Wag mo bigyan ng meaning yon mandy. Huwag.

Pagkauwing pagkauwi ng bahay. Agad akong dumiretso sa study table at dinampot ang poster na nakarolyo. Kumuha ako ng papel at lapis pagkatapos ay mag simulang gumuhit.

Comment