[ 62 ] Shock

Mandy's P.O.V

"I just want to clarify to everyone and to my fans, that Yes, it is true that I am already engaged to Audrey Jessie Salud, don't believe the fake news that is spreading now dahil walang katotoohanan ang mga 'yon, Sa ngayon hindi pa po muna kami mag bibigay sa detalye tungkol sa engagement."

Inis akong tumayo mula sa sofa at madaling umakyat ng kwarto. Huwebes na ngayon, naka uniform na ako at hinihintay nalang sila Bakla, nag chat kasi si Jewel kahapon na susunduin niya kami ngayon gamit ang sasakyan niya.

Aayaw pa ba kami? Shuta mahal ang gas!

Nanonood ako sa TV tapos biglang nag balita na may post si Kurt sa twitter niya kahapon, so totoo? Sa lahat talaga ng nangyayari ngayon ang gusto kong malaman ay

Paanong nangyari 'yon?

Kinuha ko ang phone at nag scroll sa facebook, dati puro mga meme's ang nasa newsfeed ko tapos naging fan lang ako ng F5 puro sila na, at ang mas malala puro patungkol pa sa engagement ni Kurt ang pinga uusapan.

Hindi ko maiwasan mag basa para tignan kung ano ano ang opinion ng bawat isa. Pinindot ko ang isang post ng isang Super Fan ng F5, ang post na 'yon ay sinasabi na engage na ang isa sa mga member ng F5 which is si Kurt.

Nag basa ako ng mga comments.

Shutangina totoo ba ito?!

Naiiyak ako.

HAHAHAHAHAHAHAHHA gagi, kawawa naman Ate ko, umiiyak, fan kasi niya si Kurt.

Seryoso ba 'yan? Hindi ko type si Girl.

Ayoko ng maging fan ni Kurt, Hindi ko gusto si Girl.

So you're no longer a fan of Kurt because you don't like that girl? respeto naman.

Bakit naman nambibigla? Bakit engage agad? Baka hindi nila pinublic ang relationship nila.. Hahahahahahaha sakit.

Seryoso ba ito? Baka perahan lang 'yan ni Gurl tulad ng dating relationship ni Kurt.

Kaya nga mhie! Nakakatakot. Shutaaa.

Hindi naman siguro kasi diba? Bakit papakasalan ni Kurt 'yan kung hindi niya pa kilalang kilala? Ulul ano 'yan arrange marriage? HAHAHAHAHAHA

Baka naman buntis si Girl.

Ang labo be ha, pero nakakagulat parin ang balita isipin niyo si Kurt? Walang hilig 'yan sa babae tapos biglang ganto? Susko ayoko nalang mag talk.

Bahala kayo diyan, kay Alexanian ako eh.

Kurtianian ako.

Lorenzanian ako beh skl.

Rendellian ako hehehehehehe penge ka late night talks mamaya.

Jamesanian akooooo!

Sumakit yata ulo ko. Kanya kanya pala sila ng mga opinion, pero kahit ganto ako, kahit patuloy kong pinipilit ang sarili kong huwag paniwalaan na totoo 'yon, kahit nag sabi na si Kurt na totoo. Hanggat ko na lalaman na mahal nila ang isat isa, may chance parin ako at hindi ko 'yon sasayangin.

Pero kahit ganoon, hindi ko parin maiwasan masaktan.

Minsan napapaisip ako, may karapatan ba akong masaktan? Hindi ko alam. Bakit ako masasaktan kung hindi naman ako gusto ni Kurt? Eh ayon nga ang pinakamasakit sa lahat.

Hindi niya ako gusto. Pero hindi ako titigil. Hanggat kaya ko mag papatuloy ako.

Pero kung malaman ko na. . .na mahal nila ang isat' isa.. Tama na..tama na 'yon, tanggapin ko nalang... May tamang pag kakataon para sa lahat ng bagay. Hindi man ngayon, pero maaring sa susunod.

Nakuha ng atensyon ko ang isang message galing kay Jewel, nandito na raw sila. Agad kong kinuha ang bag ko at gomora na.

"Anyare diyan?" Tanong ko sanay nguso kay Jewel na nakangiti habang nag dridrive.

"Hindi ko nga rin alam Bakla, baka nag comeback sila ng ex niya." Tumawa si Ken.

Napairap ako, impossible hindi marupok 'yan.

"Gaga impossible 'yan, baka naman may good mood lang siya diba?" Sabat ni Maggie, diba? Malabo talagang mag comeback sila.

"Manahimik nga kayo nag lalaro ako eh, baka naman may bagong nag papasaya sakanya." Si Chelsie nakatutok ang mga mata niya sa cellphone na naman.

Walang kapagurang pag cecellphone.

"Kung makapag usap naman tayo parang wala dito ang pinaguusapan natin." Tumawa si Ken bago bumaling ng tingin kay Jewel bago nag salita. "Hoy Bakla mag kwento ka nga baka mapagkamalan ka naming baliw!"

Lumingon naman sakanya si Jewel bago muling ibinalik ang paningin sa kalsada.

"May ano... Nag confess sa akin.." Aniya. Napakurap naman kami, sila Bakla naman ay napatili dahil sa pagkagulat.

"Sino sino?!" Si Chelsie. Matamis na ngumiti muli si Jewel bago mag simulang mag kwento.

Sana all kayang ngumiti ng ganyan. Mahirap lang kasing ngumiti ngayon.

Jewel's P.O.V

"Bakit mo pala ako pinapunta dito?" Tanong ko kay Alex ay naupo sa isang upuan siya ay nasa kabila, may lamesa sa gitna namin. Nagulat ako kaninang mag chat siya sa akin, sinasabing pumunta ako rito sa park, wala naman siyang sinabi kung bakit.

Nilibot ko ang paningin sa park, wala naman gaanong tao, papalubog na rin ang araw. Muli akong lumingon kay Alex, nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Tumikhim siya bago umiwas ng tingin, nakasuot siya ng isang jacket, may dala siyang mask at sumbrero na naka lapag sa lamesa.

"Uhm did I disturb you?" Aniya.

Umilang ako.

"Hindi ah, bakit mo pala ako pinapunta rito? May problema ka ba? Are we good?" Sunod sunod kong tanong.

"Jewel." Pagtawag niya.

"Hmm?"

"Una beses kong kita sayo noong Concert namin noon sa Florida. Nasa unahan ka kaya kitang kita kita kayo ng kaibigan mo wala pa si Mandy noon sa pagkakatanda ko..."

"Ah oo last year ito diba? Month of november." Sagot ko, tumango siya hindi parin inaalis ang tingin sa akin.

"You were shouting, you were shouting my name, you were shouting how good I was at singing and I blushed that time. Hindi na kita makalimutan pagkatapos no'n.."

Parang may bumabara sa lalamunan ko na nagdadahilan para hindi ako makapagsalita.

"Then we had a mall show again. I was waiting for you then. Our Manager even scolded me, nawawala kasi ako sa sarili. Hindi ko alam ganoon pala ang epekto mo sa akin." Tumawa siya.

Ang tawang 'yon, nakakapag pabilis ng tibok ng puso ko.

"You didn't disappoint me, pumunta ka nga. Nakasuot ka ng jummper noon. Pero hindi lang 'yon hahahaha may kasama kang lalaki, mag ka holding hands kayo boyfriend mo ata."

"Oo si Javen 'yon, kasama ko siya noon."

"I don't know, that night there I first felt hurt for reasons I can't explain. I tried to date so i could forget you, pero.. pero hindi ko magawa dahil kapag may mga mall show's kami lagi kang pumupunta. Hindi ko makalimutan ang maganda mong mukha."

Natulala ako sa mga binibigkas niyang mga salita.

"I just saw myself always looking forward to you at our mall show's. Pero hindi ko alam nahuhulog na pala ako sayo kada segundo."

Gulat akong napatingin sakanya, kinakabahan at malakas ang kabog ng dibdib.

"A-alex—"

Pero pinutol niya lang ako

"Noong mall show na kasama mo si Mandy, sigaw ka ng sigaw no'n, tili ng tili, hindi ko maiwasan tumingin sayo. Tuwang tuwa ka no'n pinagyabang mo sa mga kaibigan mo na tinignan kita. Ako naman, tinatago ang kilig."

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Noong may pagkakataon na kaming mag pumasok sa school na hindi ko alam.. Doon pala ka pala nag aaral. Maraming nangyari, araw araw mas nakikilala kita. Masaya ako dahil nakilala, masaya ako dahil naging fan kita. Ngayon.." Ngumiti siya. "Can i court you?"

Mukhang kailangan ko nang sundin 'tong matagal nang sinasabi ng puso ko..

Mandy's P.O.V

Sana all.

Sana all. Isa pa.

Sana all.

Luch time na ngayon at hindi parin kami maka move on sa nangyari.

Sana all talaga.

"Putangina." Mura ni Ken, kinikilig parin.

"Wow, niyaya mo kaming ikaw mah hahatid sa amin tapos mamayang uwian hindi mo kami i hahatid dahil sa sasakyan ka ni Alex sasakay?" Si Chelsie, tumawa naman si Jewel.

"Sa sasakyan ko na kayo sumakay, si Maggie mag dridrive." Sagot niya.

May date ata 'to.

"Sana all talaga." Naiiyak na si Ken.

Sana all nga talaga. Bakit kasi sa love story naming dalawa ni Kurt ako ang kailangan mag first move?

Nang mag uwian..

"Sana all!" Sigaw namin sa sasakyan ni Alex na papalayo.

"Ingatan mo 'yan ha! Makakatikim ka sa 'kin." Pambabanta pa ni Chelsie. Napailang nalang ako.

Comment