[ 7 ] Move on naba this?

Mandy's P.O.V

Tinititigan ko yung sarili ko salamin pag katapos ko maligo di ko nga alam kung bakit ang aga ko nagising ngayon siguro dahil excited ako na kakanta ulit ako or para ipakita kay kurt na marunong ako kumanta

Pwede both?

Bago ko bumaba pumunta muna ko sa walk-in closet ko nandun kasi yung gitara na binigay ni lola nung 17 birthday ko di ko na nagamit nung nag break kami ni kevin. Nang makita ko kinuha kona agad alam ko naman walang alikabok to e nilagay ko sa balikat ko yung case ng gitara at yung bag ko nasa kabilang balikat.

Pag baba ko nandun sila ako Lian papa mama at kuya lahat sila gulat nang makitang may dala akong gitara unang tumayo si papa nang makabawi sa gulat.

"Good morning anak mukhang good mood ka ah?" Nakangiting sabi niya ngumiti naman ako at umupo na sinusundan parin ako ng tingin nila kuya.

"Manndyy!.Kakanta kana ulet!??" Pa sigaw na tanong ni mama habang kunwaring nag pupunas ng luha sa mata.

"Opo ma." sagot ko.

"Aba mandy! Bago yan ah." natatawang sabi ni kuya habang humihigop ng kape.

"Oo nga mandy, may bago na ba?" Tanong naman ni ate lian habang may nakakakong ngiti.

"Wala ate na pasubo ako eh hindi talaga ko dapat kakanta si maam shena kasi ang dami naman pwede gawin yun pa, actually by partner to si kurt sana partner ko yung sa f5." paliwanag ko sakanila habang kumukuha ng sandwich.

"Kyahhh si kurt! Eh bakit naman sayang eh bakit nga ba di mo siya naging partner?" Tanong ni mama.

"Eh kasi wala daw sa mukha ko na kumakanta kaya ayun wala akong ka partner.." napangisi pa ko habang inaalala kung pano niya sinabi yun kahapon.

"Oh? Hahaha nagkakamali pala siya by the way classmate mo pala yung kapatid kong si randell" sabi ni ate lian.

"Mag kapatid kayo?" Tumango naman si ate.

"Oo mag kapatid yan sila. Gaganda't gwapo nila 'no?" Si Mama

"Oo gwapong binata iyon si Rendell pero wag kang mag feeling na teenager.." iritang sabi ni papa kaya nag tawanan kami.

"Anyway mandy anak pwede ba lumuwas ka sa baranggay Santa Anna kila tita mo emma kunin mo yung document na inihanda ni tito jake mo.." sabi sakin ni papa.

"Sige pa pwede ko sama sila bakla?" Tanong ko sakanya habang umiinom ng tubig tapos na ko kumain.

"Sige lang gamitin mona lang yung SUV diyan sa garahe kahit sa lunes na kayo umuwi.." nakangiting sabi ni papa yes naman maganda kaya kila tita emma

"Sige Pa ,Ma, Kuya, Ate,una na ko" paalam ko sakanila habang inaayos ang bag ko.

"Sige galingan mo ha." mama

"Ayieee alam ko makaka move on kana mandy" si ate

"Mandy ha!"Kuya

"Sige mandy alis na galingan mo ha?" Papa tumango naman ako at lumabas na sa bahay.

Habang nag dri drive ako papuntang school di ko alam kong anong nararamdaman ko, okay ba pa yung boses ko? nag bago ba? Baka kasi nag bago baka mapahiya lang ako sana lang talaga hindi, di rin naman ako nag practice kagabi dahil pagod ako schocks!

Pag dating ko sa parking lot ng school nag-park muna ko at dali daling lumabas ng kotse ko sinusuklay ko pa yung hanggang balikat na buhok ko habang papasok, tanaw na tanaw kona silang apat kaya kumaway ako.

"Oh my god ka bakla tino-totoo mo nga!" Tili ni ken nang makita dala ko yung case ng gitara ko.

"Tsk may isang salita ako eh." sagot ko sakanila at ngumiti.

"Pwede pa mag back out mandy kung gusto mo?" Sabi ni chelsie nang makapasok na kami at nag lakakad papuntang room.

"Hindi na siguro tama na yung two months para mag pahinga ang boses ko." sagot ko.

"Oo nga mandy daming na apektohan no eh lalong lalo na yung pag kanta mo akala ko nga di madadamay yah eh pero nadamay parin pala. Galingan mo mamaya ah!" Masayang sabi ni jewel habang umakbay pa sakin.

"Pero teka nga bakla!..Kakanta ka na ulet ngayon edi naka move on kana?" Tanong naman ni maggie.

"Uh.. Hindi pa eh siguro papapunta palang ako don." sagot ko at ngumiti.
Wala pa kami sa room pero naka rinig na ko ng sigaw ng pamilyar na boses.

"BESSTIEEEE!" Sigaw ni allen na tumatakbong papunta sakin kasama niya si yuan. Hala kingina na miss ko sila!..Niyakap agad ako ni allen nang maka lapit siya sakin yumakap naman ako pabalik na miss ko siya.

Lalaki po silang dalawa ni yuan at allen ha.

"Kailan ka naka uwi? Bakit hindi ka nag chat sakin!?" Tanong ko sakanya habang naka tayo parin kami.

"Kung alam mo lang bestie bagot na bagot na ko sa korea wala akong magawa don si mommy lang nakapag saya don" kwento niya sakin.

Galing kasi siya sa korea kakauwi niya lang kaya ngayon lang siya naka pasok.

"Hoy al pasalubong namin." biglang sabi ni chelsie.

"Nandoon sa bag ko may mga imported na chocolates doon pero una ko munang bibigyan si bestie na miss ko to eh, syempre kayo rin." nakangiting sabi niya.

"Uy kala ko ba wala kang pasalubong?" Tanong ni yuan habang naka nguso pa.

Yang si yuan alfonso 17 years old na yan pero yung utak pang 4 years old. Ngayon lang din siya nakapasok dahil nasa Singapore sila. Tsaka yung height niya hanggang baba lang siya ng dibdib ko haha.

"Hahaha syempre alam ko uubusain mo yun eh." natatawang sagot ni all.

"Tara na pasok na tayo para tayong timang na tayo dito." Sabi ko kaya pumasok na kami papunta sa room.

"Oy bestie balita ko kakanta kana ulit?"  Tanong ni all nang maka upo na kami.

"Yeah, pano mo nalaman?"

"Abay syempre bestie balitang balita kaya sa buong high school, pero totoo ba!?" Tanong niya kaya pinakita ko sakanya yung case ng gitara ko.

"Sabi nga ni bakla may isang salita siya,hahaha" sabi ni maggie.

"Kinausap ko si maam shena kanina sabi ko kami nalang ni yuan mag ka partner" sabi ni all.

"Anong kakantahin niyo?" Ako.

"Di ko pa alam pero bahala na mamaya hahah" sabi niya sabay tawa pa loko to oh.

Comment