[ 65 ] Engagement Party

Mandy's P.O.V

"Mama naman ang aga aga pa oh? Mamaya na ang make up." Saad ko at inis na napakamot ng ulo, 3 palang ng hapon gusto na akong make-upan eh 8 pa nang gabi mag sisimula ang party.

Mas excited pa si Mama kaysa sa akin, siya nalang kaya pumunta. Tutal naman labag 'to sa loob ko, ayoko talagang pumunta masasaktan lang ako.

"Pero Mandy mas magandang maaga mag make up okay? Para hindi ma-late—"

"Mamaya na 'yan Ma." At sa wakas nakinig din siya, lumabas siya ng kwarto at iniwan ako. Sabi ko huwag na bumili ng dress pero ayan bumili parin, dark green ang kulay nito na agad ko namang nagustuhan. Dropped dress 'yon.

Agad kong kinuha ang cellphone ko ng tumunog 'yon may tumatawag agad kong sinagot ang tawag ng makitang si Ate Pia 'yon.

"Hello Ate Pia?" Saad ko ng masagot.

"Hello Mandy! Kamusta ka?? Alam kong ayaw mong pumunta sa engagement party ng kapatid ko kung gusto mo huwag ka nang pumunta." Aniya mula sa kabilang linya.

"Ayos lang naman ako Ate, pupunta parin ako."

"Ewan ko ba kay Kurt bakit niya papakasalan 'yon. Ang sabi niya lang kasi pagkatiwalaan namin siya kaya bahala siya, sorry talaga Mandy ha—"

"Hindi Ate huwag kang mag sorry, disisyon niya 'yon tsaka sinabi narin naman niya na hindi niya ako gusto aasa pa ba ako?"

Syempre naman aasa ka! Marupok ka eh!

"Sige na nga, see you later Mandy!"

At ibinaba niya na ang tawag. Wala na 'tong atrasan pupunta ako.

Kanina nag chat ako kay Clyber kung kamusta siya, medyo nahihirapan daw siyang makatayo kanina pero ngayon maayos na, sinabihan ko rin siya na kumain ng gulay para lumakas siya pansin ko kasing namamayat siya.

Nakausap ko kagabi ang Mama niya sa cellphone, umiiyak siya, naawa siya sa kalagayan ni Clyber sinabi ko naman na lakasan niya ang loob niya dahil sa panahon ngayon mas kailangan siya ni Clyber.

Kahit naman ako naawa ako sa kalagayan ni Clyber pero kailangan lumaban walang impossible.

Nang sumapit ang 5 ay sinimulan na akong lagyan ng make up, sus kahit naman wala akong make up maganda ako duh.

Kumuha pa si Mama ng professional make up artist para lang sa party na 'to.

Ako ba ang fiance, sa akin ba 'tong engagement party? Hindi talaga ako nauubusan ng kabitteran sa katawan.

"Ayan ang lalo kang gumanda Girl!"  Pag puri ng baklang make up artist, naka lugay ang buhok ko na kinulot ang dulo suot ko narin ang dropped dress, may nilagay din si Mamang kwintas sa leeg ko, balak pa niya sanang mag lagay ng hikaw pero hinindian ko nalang kahit may butas naman ang tainga ko.

Ayoko mag hikaw, hindi kasi ako 'yong babaeng mahilig sa alahas ayoko ng gano'n.

Tinignan ko ang sarili sa salamin, kumikintab ang suot kong dress, nag heels din ako pero hindi kataasan. Sanay naman ako sa heels pero ayoko ng masyadong kataasan matangkad naman ako kaya ayos lang.

"Mandy! Nandiyan na ka date mo!" Sigaw ni Mama mula sa baba, kinuha ko ang hand bag dahil nandoon ang pera at cellphone ko. Agad na akong bumaba nakita ko si Ken nakasuot nang black suit.

"Ganyan sana gusto kong suotin!" Sambit niya ng makalapit ako sa kanya napailang nalang ako.

"Gaga! Pogi mo nga sa suot mo." Tumawa ako ng makitang naka wax ang buhok niya.

"Ganda naman ng anak ko." Napalingon ako sa nag salita si Papa, ngumiti ako sakanya syempre naman ng mapatingin siya kay Ken. "Oh Ken mag papakalalaki ka na ba?"

"Hahahahahaha hindi Tito! Lalaki ang gusto ko!" Tumatawang saad ni Ken.

"Pangit mo pa rin." Tumawa si Kuya na kakababa lang galing sa kwarto niya.

Inirapan ko lang siya, nang sumapit ang 7 ng gabi ay agad kaming umalis ng bahay sakay sa sasakyan ni Ken.

"Omg Bakla! Marami sigurong fafa doo!" Kinikilig niyang sabi. "Mag hanap ka nalang ng pamalit kay Kurt!"

"Hindi napapalitan si Kurt ng kahit sino." Saad ko habang nakatingin sa bintana ng sasakyan, ang layo naman ng venue ng party na 'to.

"Ay wow! Mahal na mahal? Matanong nga kita!"

"Ano 'yon?"

"Yong pag mamahal mo kay Kevin noon iba? Kaysa kay Kurt?"

"Oo."

"Bakit?"

"Kasi may mga bagay akong hindi ginagawa noon na nagagawa ko ngayon dahil kay Kurt."

"Hmmm hmmm, pero sinong mas malalim ang pag mamahal mo? Oo nga at move on kana kay Kevin pero ang pag mamahal mo kay Kurt? Malalim na ba?"

"Siguro malalim na.. Na baka hindi na ako makaahon ulit kung malaman ko na mahal nila Audrey ang isa't isa kakayanin kong kalimutan ang itong nararamdaman ko. Dapat nga noong una palang pinigilan ko na.. Noong una palang pero wala akong panghihinayang sa feelings na 'to ginusto ko rin naman."

"Kaya ba Bakla hindi ka masyadong nasasaktan dahil hindi ka naniniwala sa engagement na 'yon?"

"Nasasaktan ako ng sobra sa mga naririnig ko palang sa social media punit na 'tong puso ko, manggaling pa kaya kay Kurt na mahal nila ang isa't isa? Gagi baka durog 'to." Tumawa ako.

Bawal umiyak sayang make up.

"Grabe ayoko nang mag mahal."

"Hindi mo naman mapipigilan 'yan. Hindi mo maiiwasan."

Nang dumating kami sa venue ay napakaraming tao pinapasok kami ng guard dahil nag pakita kami ng invitation ang daming reporters sa labas at nag kalat na mga fans.

Si Ken naman at nakahawak sa braso ko. Baliktad ano?

"Shutaang daming gwapo, lawyer ata 'yon! Mukhang doctor naman 'yong isa, siguro business man 'yon? Ganda ng kilay eh! Ay ayon sure ako engineer ang ganda ng panga ampota." Sabi sabi niya, napailang nalang ako.

"Hoy! Mga bakla!" Napalingon ako sa tumawag sa amin, tumigil din kami sa pag lakad.

Sila Jewel.

"Good evening." Bati ni Alex sa amin, ngumiti ako.

"Ay putcha Ken lalaki ka na ba?" Ani ng Ate ni Maggie na si Ate Maureen.

"Ate naman 'yong bunganga mo, maging babae ka nga kahit isang beses." Naiinis na sabi ni Maggie sa Ate niya, agad naman siyang nakatanggap ng hampas galing sa kanyang Ate.

"Hoyyy!" Si Chelsie kasama si Lorenzo.

Wow.

"Ay wow bakla! Pumunta ka?! Ang ganda ng spaghetti dress mo!" Pinakyuhan naman ni Chelsie si Ken.

"Good evening." Bati ni Lorenzo.

"Siya ka date mo?" Tanong ni Maggie.

"Oo bakit? May angal ka? Sipain kita ng takong ko." Nag tawanan naman kami sa sagot ni Chelsie.

Sa sumundo naman ay nakita namin si James at huwag kayo si Zybiana ang ka date niya na naka all black dress.

"Sana all kasi isa sa F5 ang ka date!" Pag rereklamo ni Maggie.

"Bakit ayaw mo sa akin?" Nanlilisik ang mga mata ni Ate Maureen. Tinawanan lang siya ni Maggie.

"Galing mo naman James nakapag first move ka na agad." Puri ko kay James ng hindi nakatingin si Zy.

"Oo naman, sayang eh mawala pa." Ngumisi pa siya.

Sunod naman dumating sina Rendell kasama si Obrie Smith na naka partnet niya rin sa photo shoot nila. Sunod naman ang Grupo na may kanya kanyang ka date, ka date ni Steven ang kapatid niya na si Stefanie, 16 years old na certified fan ng F5. Si Leo, Mate at naman ay may kasama din na babae, hindi pamilyar sa akin. Si Ryker naman ay ka date si Wesly.

"Bakit naman si Wesly pre?" Tumatawang sabi ni Leo.

"Gago hindi kasi kami babaero." Sagot sakanya ni Wesly, iniingatan daw kasi ni Wesly ang girl friend na niya ngayon na nasa Texas.Si Ryker naman ay gusto lang pumunta.

Sina Allen at Yuan naman ay ka date ang isa't isa habang sina Danica at Lerwil ay ka date rin ang isa't isa, pati narin sina Kevin at Nixcey na naka one shoulder dress.

Sabay sabay kaming lahat pumasok sa loob, maraming tao, ang theme nila ay pinag samang kulay silver at gold kaya pati ang mga upuan ay ginto, iginaya kami nila James sa upuan agad naman kaming sumunod katabi ko sa upuan si Ken syempre.

Sakit ka date ko siya pero lingon ng lingon ng mga gwapong nakikita.

"Wala pa ba sina Kurt?" Tanong bigla ni Nixcey.

"Mamaya pang 8:40 ang dating nila." Sagot ni James.

"Tara kuha tayo pagkain." Parang asong sumunod si Yuan kay Allen na pumunta doon sa lamesang napakahaba ay nadoon ang mga pagkain.

"Bakit parang gutom na gutom ang mga 'yon?" Natatawang sabi ni Jewel.

"Hindi talaga sila kumain nang pumunta dito para daw marami silang makain." Sagot ni Leo.

Hahahahahahaha

Napatingin ako sa mga taong sumasayaw sa gitna habang tumutugtog. Bigla kong naisipin kung kailan kaya ako masasayaw ni Kurt?

Sana naman kahit 'yon lang magawa ko.

Maya maya ay tumahimik na ang paligid naiba din ang kanta at nakatutok ang ilaw sa may pintuan, bumukas ang pinto at pumasok sina Kurt at Audrey.

Lihim akong napahawak sa dibdib dahil sa nahihirapan akong huminga.

Ang bilis din ng tibok ng puso ko habang pinapanood silang nag lalakad ng sabay, nakahawak si Audrey kay Kurt habang may ngiti sa labi habang si Kurt naman ay hindi mo makikitaan ng kahit anong emosyon sa mukha.

Can you feel my love baby? Say yes say yes.

Cause i need to know,

Answer me that you love me too say yes say yes

Bakit naman ganyan 'yong kanta DJ oh?

Will you marry me baby? Say yes say yes.

Promise me that we still love each other until the rest of our lives.

Umupo sila sa isang malaking upuan at sabay na uminom ng wine nag cheers pa sila.

Ang sakit ha.

Nag karoon ng sayawan, details kung kailan ang kasal at kung sino daw ang mga pumunta ngayon kasama na rin daw sa kasal.

Syempre aattend ako hindi pwedeng mawala ang bride.

Hindi ko alam kung paano ko pa nagagawang mag biro sa mga oras na 'to.

Kumain narin ako kinalimutan na muna na nasa engagement party ako nila Kurt, nakipag kwentuhan ako kay Vy, Shamaya pati narin kay Ate Pia at sa iba pa. Nakipag picture din ako sa ilang mga artistang nadoon ang babait nila sa personal.

Nagulat ako ng bigla akong hilain ni Leo, nag papa interview sila sa isang reporter.

"Hi Miss pwede ka bang ma interview?" Hindi na ako nakaalis pa dahil agad na akong tinanong ng reporter. Tumango nalanga ko.

"Anong pangalan mo Miss?" Tanong niya.

"Mandy po." Saad ko.

"Fan ka ba ng Fastastic 5 o mas kilala bilang F5?"

"Opo."

"Anong masasabi mo sa engagement nila Kurt at Audrey?"

Bata pa po sila dapat pag aarala ng inaatupag nila.

"Uhm ano po... Stay strong sakanila." Nakakahiya Mandy!

"Bakit stay strong?"

"Kasi diba? Uso ang cheating sa panahon ngayon, kaya stay strong sakanila." Peke akong ngumiti sa camera bago umalis.

Narinig ko naman sila Yuan.

"Reporter ako! Interviewhin mo rin!"

"Ako din! Pogi kaya ako una!"

Kukulit.

Napatingin ako kay Kurt dinaga ang dibdib ko ng nakatingin din pala siya sa akin, walang emosyon ang mukha. Hindi ko inalis ang tingin ko sakanya. Ngumiti ako. Isang matamis na ngiti walang halong ka plastikan.

Gagawin ko ang lahat para sa huli ay tayo.

Comment