[ 20 ] Day 2 Puting Bato "Boating"

Mandy's P.O.V

"Ang likot likot mo kagabi bakla punyeta ka para kang kinikilig" Sabi ni ken kumakain kami ngayon dito sa tent.

"Tsk may surot kasi kumot mo." Sabi ko naman at tinuon ang pansin sa kanakain pero charot lang yon hindi lang talaga ko nakatulog ng maayos ewan.

"Hoy! Hindi kaya bagong bili ko yan no." Sabi naman niya at inirapan ako.

"Gago si lerwil eh naka nakaw samin ng 100 points." Iritang sabi ni chelsie.

"Hahahaha diba ka-group mo yon Maggie?" Tanong ni jewel.

"Oo pero shuta nanakawan din naman kami." Sagot ni maggie.

"Kaasar si Sheila eh arte! Sarap ingudngod sa lupa!" Si jewel halata nga sa boses niya na inis siya.

"Sus naasar ka kasi dikit ng dikit si Sheila kay Fafa alex kala mo di ko nakita pa irap mo ha kulang nalang sabunutan mo!" Kwento ni ken.

"May jowa ka!" Paalala ni Maggie. Inirapan lang siya ni jewel.

"Buti pa sa group namin ayos lang." Sabi ni chelsie.

"Maniwala sayo chelsie nandoon si yuan!" Mabilis kong sabi.

"Baka nga puro cellphone ginawa mo eh." Si ken.

"H-hindi ah ano yung pauwi na kami don lang ako nag l-laro." Pahina ng pahinang sabi ni chelsie.

"Hindi naman pala bakla nag cellphone eh hahahahah." Natatawang sabi ni maggie kaya inirapan siya ni chelsie, tumahimik muna kami dahil itinuon muna ang pansin sa pagkain nang magsalita si ken dahilan para mabulunan ako.

"Pag yumaman ako papagawa ako kipay." Sabi niya the fuck! Agad naman akong kumuha ng tubig, sila chelsie naman ay umubo ubo si maggie naluwa pa ang kaning kinakain.

"A-no ba naman yan ken!" Si chelsie ang unang nakapagsalita.

"Punyeta bakla kumakain eh!" Sunod naman na nagsalita si jewel.

"Tsk pero totoo mag papagawa ko." Pagtataray niya at hinawi pa ang imaginary hair niya

Taray mo girl!

"Grabe! Hindi ko pinangarap mag karoon ng kipay." Si maggie.

"Aba ngayon palang mangarap kana kung gusto mo makapag uwi ng mga boylet's tas papagawa nadin ako boobs—"

"Kenji!" Pigil ni jewel kay ken.

"Bat ba Jewelyn Trixie!?" Iritang sabi ni ken.

"Tss kadiri talaga second name ko." Halos pabulong na sabi ni jewel hahaha kaya nagtawan kami.

"Bakit trixie? Maganda naman ha?"
Pangaasar pa ni maggie.

"Para kasing pangalan ng aso." Dahilan naman ni trixie—este jewel haha.

"Bat ba may mga problema kayo sa pangalan." Natatawang tanong ko napalingon naman sila sakin at umarteng nauubo.

"Weew! Nag salita ang ayaw tawagin sa buong pangalan." Si ken.

"Hi mandyson!" Nakangising sabi ni maggie.

"Uy bakla wala kaya kong problema sa pangalan ko." Sabi naman ni chelsie..

"Wala daw yung nickname mo nga eh hahahaha Siesie" Si jewel.

"Chel ng pagong hahahaha!" Pangaasar sakanya ni maggie.

"Suso! Iyoock!" Napalingon kami kay ken.

"Hoy bakla wala kaya komg nickname na suso! Kadira ka!" Mabilis na sabi ni chelsie.

"Wala ba hehe, edi balik tayo sa topic na kipay—" Hindi na namin pinatapos sa sasabihin si ken dahil ang uunahan na kaming lumbas ng tent habang nag sasalita.

"Bahala ka kausapin mo sarili mo."

"Tangina kipay nanaman."

"Umay! Bakla"

"Wala talagang preno bibig mo ken!"

"Bwisit naalog na ata utak no." Rinig ko pang sabi ni chelsie. Habang nakapila kami at binabalik ang platong pinagkainan.

"Baka naman hindi naka tulog, hoy ikaw bakla! Ang likot likot mo daw kagabi ha?" Napalingon ako kay maggie, dinuro pa ko aba anong kinalaman ko diyan.

"Hindi kaya, baka seryoso kasi talaga siya magpagawa." Pagtatangol ko sa sarili hindi naman ako malikot kagabi ah hindi nga ba?

"Ay ewan, pero kung gusto niya yon support naman natin ha." Nakangiting sabi ni jewel kaya napangiti nadin kami tama suportahan nalamg namin siya para maging ganap na babae na excited na tuloy ako.

"Mag bibilangan na tayo sure akong bilang niyo na kung ilang points ang nakuha niyo. Bilisan na natin para gawin na natin ang second activity." Paliwanag ni ma'am, magkakasama kaming lima ngayon nila james kaming mag kaka grupo kahapon.

"Ilang points kayo?" Tanong ni ma'am sa group nila jewel.

"3016 po." Sagot ni alex, gagi ang laki.

"Wow, okay? Sinong may mas malaki pa sa 3016!?" Tanong ni ma'am.

"3025 ma'am!" Sigaw ko para marinig niya.

"3025! Sino pang mas mataas diyan!?" Tanong ulit ni ma'am.

"Sana pasok tayo sa first place." Bulong ni ryker.

"4089!" Napalingon kami lahat sa grupo nila maggie ng sumigay si lerwil. Kanya kanya naman react ang iba pang grupo.

"Wala na may panalo na!"

"Nangunguha kasi si lerwil eh!"

"Uwian na!"

"Nakakuha nga samin si lerwil ng 500 points!"

"Same! Samin naman 237 points!"

"Nahimik class! Hahahaha aba diskarte ni lerwil yon kaya sila naka 4089! Mayroon pa bang tataas sa 4089!?"

"6075!" Napalingon ang lahat sa grupo nila Kein Ventura!

"Woahh!! 60759 may tataas paba!??" Sigaw ulit ni ma'am, grabe! 6075! Aba ang sipag naman ng grupo nila.

"8045.." Natahimik lahat sa sinabi ni Daryl.

"8046!? May tataas pa ba? Meron pa?" Tahimik ang lahat sa tanong ni ma'am, lumipas ang isang minuto na tahimik padin bago nag salitang muli si ma'am.

"May nanalo na! Ang ating First place ay ang grupo nila Daryl at ang ating second place naman ang grupo nila Kein! At ang pang third place naman natin ay ang grupo nila lerwil!" Announce ni ma'am.

"S-hit! Singapore im coming!"

"Yes! 50k!"

"Congratulations!"

"Boracay!"

"Chix!"

"Yessss!"

"Oh. Edi sana all may 50k." Bulong ko. Habang nakatingin kila bakla na tuwang tuwa, papalibre nga ko.

"Tahimik muna, makukuha niyo ang price niyo pag uwi natin sa school! Pero sa ngayon gagawin muna natin ang second activity na boating!" Sabi ulit ni ma'am.

"Ma'am? Wala naman pong dagat dito?" Tanong ni sanya.

"Nope meron pero hindi dagat ha! kaya bumalik muna kayo sa mga tent niyo para makapag ayos nadin at 12:30 lumabas kayo kasi sasabihin kona ang instructions ng mangyayaring activity!" Tumaya na ko sa sinabi ni ma'am at nauna nang pumasok sa tent.

Tahimik lang kaming lima mag kakasama kami nila jewel, chelsie, at ken dito sa sulok habang si maggie nasa higaan niya na mukhang masayang masaya kasi hindi kami napansin aba..

"Ehem! Ehem!" Kunwaring ubo ni ken.

"Jewel anong bibilhin mo kapag may 50k ka?" Tanong ni chelsie kay jewel.

"Bibili ako ng mga makeups, bags, shoes, ano kung ano ano pa." Sagot naman niya.

"Tangina mo buti talaga hindi ka nanalo, hindi mo manlang kami ililibre!" May kalakasang sabi ko.

"Kingina mo bakla! Manhid ka di mo ba nakikitang nag paparinig kami!??" Sigaw ni ken na mukhang asar na.

"Ano ba kayo mga bakla! Rinig na rinig ko hindi ako bingi! Aba syempre ililibre ko kayo." Sagot ni maggie, kaya napangiti kaming apat libre eh.

"Gusto niyo?" Tanong ko kila bakla at nilabas ang mga chichirya na binaon ko agad naman silang nag kukuha.

"Wow, may prutas ka pala penge ah." Sabi ni ken at kumuha ng apple at kinain agad.

"Wala pa ngang hugas ken kinain mona!" Sabi sakanya ni chelsie.

"Ayos lang hindi naman ako mamatay dahil doon eh hahaha, ikaw nga kinakain muna yung grapes di pa hugas." Sagot sakanya ni ken pero tinawanan lang siya ni chelsie. Napatingin ako sa nakapa ko na damit color black iyon na may nakasulat na.

Don't fall

Napabuntong hininga nalang ako ng bumilis ang tibok ng puso ko.

"Uy! Bakla ang ganda niyan! Suot mo yan mamays ha!" Sabi ni ken na nakatingin din pala sa damit.

"Sige." Sagot ko nalang.

"Kumpleto na ang lahat? Wala nang naiwan ha! Sumunod na kayo sakin."  Nag simula na kaming maglakad habang sinusundan si ma'am ano ba kasing activity gagawin namin si ma'am naman pabitin.

Mandy's P.O.V

"Baka naman may kaibigan si ma'am na mga canibal tapos ipapakain niya tayo!" Bulong bulong na sabi ni yuan na nasa tabi ko lang.

"Ano naman ang naiisip mo at may mga canibal dito yuan?" Tanong ko sakanya.

"Ganoon naman diba mandy? Kapag may mga puno may mga ganoon?" Tanong niya sakin.

"Hindi din yuan pwede din may nga gumagawa ng milagro dito! Hahahah." Sabi ni ken kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Huwag mo nalang pansinin sinabi non ah? Baliw na yon eh, naka isang araw na nga tayo dito eh may kumagat ba sayo?" Tanong ko. Umilang naman siya, hayss nako yuan, anyways nag lalakad pala kami ngayon dito sa gitna ng gubat kanina pa, wala naman kahit anong sinasabi si ma'am at ang malupit pa niyan wala siyang kasamang tour guide yung iba nga iniisip na baka na liligaw na kami kaya tahimik si ma'am, tsaka ang layo nadin namin sa campsite kaya ewan kung saan kami pupunta, at kung ano ano pa sinasabi ni yuan.

"Malayo pa ba ma'am?" Tanong ni lerwil.

"Malapit pa kumalma ka baka wala kang 50k pag balik natin sa school!" Sigaw ni ma'am dahil nasa unahan siya. Napakamot naman ng ulo si lerwil tsk takot din pala siya.

"Mag push ka naman natatalo na oh." Bulong ni chelsie na nasa gilid ko kaya sinilip ko ang nilalaro niya mobile legend tsk mukhang mag kalaro na naman sila ni niven. Hindi ba siya nag sasawa diyan? Ako nga nung maka glory na tinamad na. Sabagay simula nung nag break sila nung ex ni chelsie lalong na adik to sa mobile games.

15 minutes ago....

"Wow!"

"Ang ganda naman dito!"

"Worth it naman pala lakad natin!"

"Agree!"

"Hoy picturan mo ko ha!"

"Mamaya."

"Ngayon na!"

"Mamaya na nga pakain ko sayo camera mo eh!"

"Edi wag! Damot mo! Lunodin kita diyan eh! Bwisit na to!"

"Ang ganda naman pala dito." Sabi ni ken habang tinitignan ang ilog yes nasa ilog kami.

"Oo nga gagi ang linaw ng tubig." Sangayon ni maggie habang kinakaw-kaw ang kamay niya sa tubig, kaya lumapit ako at tinigdan din.

"Hmm. Mas malinaw pa to sa mukha mo bakla ah." Sabi ko.

"Wow! Nakakahiya sayo bakal huh! Mas maganda lang labi mo kesa sakin." Mabilis na sagot niya at winisikan ako ng tubig pero agad akong umiwas, Winisikan ko din siya tumama yon sa mukha niya hahahaha.

"Hahahaha! Mukha kang kambing bakla!" Sabi ni jewel habang tumatawa.

"Hindi pwede yon! Walang baklang kambing no!" Imbis na mainis sa sinabi ni jewel, sinabayan pa ni maggie.

"Ayaw mo non! Nag iisa ka lang." Sabi ulit ni jewel.

"Hoy! Mga bakla tignan niyo! Hanggang tuhod ko yung tubig!" Napalingon kami kay chelsie nasa ilog siya at sumusulong medyo malalim din pala ang ilog na to.

"Hoy mga kambing! Tawag na tayo ni ma'am pag uusapan na yung sa activity na gagawin!" Sabi ni ken, kaya lumapit na kami. Ang saya tumambay sa mga ganto yung tamang chill ka lang yung kahit isang araw kalimutan mo muna mga problema mo mag pahinga ka muna, mahangin kasi dito pwede ka nga mag sabit ng duyan sa mga puno.

"Simple lang ang laro! Magpapaunahan kayo maka punata doon!" May tinurong isang malaking puno si ma'am nakatabingi yon at halos mahulog na sa ilog sa sobrang bigat halata naman talagang nabibigatan na yung puno, malapit din kasi sa ilog nakatayo yung puno kaya ganon. medyo may kalayuan din.

"Pero syempre gagamit kayo ng bangka! May group din to kung sinong ka group mo nung first activity yun din ang magiging ka group mo ngayon malinaw ba!? Ang first place na mananalo o unang makakapunta sa puno na yon ay mananalo ng 50 thousands pesos sa second place naman ay 30 thousands pesos. Anong akala niyo another Singapore o Boracay trip ang price." Mahabang paliwanag ni ma'am.

"Oo nga pala ma'am! Tanong ko lang diba nanalo kami ng 50k sa first place pag hahatian ba namin yung pera?" Tanong ni lerwil.

"Hindi buo yon." Sagot ni ma'am kaya napasuntok sa ere si lerwil.

Saya mo diyan?

"Apat na grupo muna ang sasali dahil apat na bangka lang naman ang na arkila namin! So lumapit dito kung sino sino ang tatawagin ko,Chelsie, Lorenzo, Yuan, Sanya, Wesly, next! Kein, Lea, Jasmine, Hector, Cydian, next! Sheila, Alexander, Jewel, Angel, Bea. Kung sinong mauunang makapunta sa tinuro ko kanina ay siyang makakalaban sa susunod okay!"

"Kaya mo yan jewel!" Pambalakas ng loob ko sakanya. Ngumiti lang siya at nagpagtulong na kay manong na sumakay sa bangka.

"Go bakla! Huwag ka muna mag phone ha!" Si ken kay chelsie, ngumiti lang din siya tulad ni jewel at pumunta na sa bangka. Lumapit ako kay steven naka upo siya sa bato at nakatingin sa mga maglalaro. Mukhang hindi niya ko napansin.

"Ehem! Ehem! Ehem! 50k 50!" Kunwaring ubo ko na nakaagaw naman ng pansin niya, tumawa ako at naupo sa tabi niya.

"Libre naman." Sabi ko pa at tinignan sila chelsie na nag uumpisa na mag sagwan.

"Kung ikaw padin ang lider ng gang natin kahit hindi kapa mag parinig bibigyan kita." Sagot naman niya at tumawa ng malakas ng makita ang itsura ng mukha ko, steven steven sabi ko nga diba jojowain ko to kung di kami magkaibigan gwapo eh, matangkad na payat, payat pero may muscle angas pero masakit manapak.

"Tsaka mas malaki pa allowance mo kaysa sa 50k nayan." Dugtong pa niya.

"Sus.. Parehas lang naman tayo no." Pag amin ko, model kasi mommy niya at daddy naman niya ay engineer.

"Kailan pala mababalik ang grupo?" Tukoy niya sa gang.

"Panuodin mo na lang." Sagot ko. Maghintay kalang steven malapit na.

Jewel's P.O.V

"Tulungan na kita." Napalingon ako sa nag salita si alex! Nakangiti siyang lumapit sakin at tinulungan akong sumakay sa bangka, dapat nga kay manong ako magpapatulong ih.

"Salamat." Sabi ko ng makasakay ngumiti lang siya.

"One! Two! Three! Go!" Pagkasigaw ni ma'am non nag sagwan na kaming lima nasa gilid ako. Marunong naman ako nito eh.

"Go! Go! Team alex!"

"Goo!! Bakla!!"

"Jewel!!"

"Yuaaannn!!!!"

"Go team kein!!"

"Chelsiee!!"

"Suso kaya mo yan!"

"Libre mo kami pag nanalo ka!"

Sigaw ng mga classmates ko at alam ko na nakisigaw din sila bakla.

"Bilisan mo naman mag sagwan sheila!" Rinig kong sabi ni bea kay sheila. Tss.

"Oo na!" Iritang sagot naman ni sheila sakanya. Bahala kayo!

Napahawak ako sa phone ko nasa bulsa ng maong short ko. May tumatawag kasi, kinuha ko yon habang nagsasagwan padin gamit ang kanang kamay, nang makuha agad kong tinignan kung sino yon.

Javen calling...

Wrong timing naman oh!

Napahigpit ang hawak ko sa phone kailangan kong sagutin to magagalit yon. Sasagutin kona sana ang tawag ng may sumagi sa bangkang sinasakyan namin at naging dahilan ng paguga ng bangka nabitawan ko ang phone ko dahil don at

BOOM!

NAHULOG SA TUBIG ANG PHONE KO!!

"Hala gago nahulog!" Gulat na sigaw ko. At tatayo na sana para kuhain yon pero isang kamay ang pumigil sakin.

"Ako na kukuha, patuloy lang kayo sa pag sagwan." Nakangiting sabi ni alex, tumango ako at nag simula nang mag sagwan, medyo kalayuan pa naman lumipad phone ko.

"Ate jewel baka sira nayon." Sabi ni angel sa tabi ko.

"Hindi yon, water proof yon." Sagot ko at nag focus na sa pag sagwan.

"Salamat." Sabi ko kay alex ng makabalik siya, tumango lang siya at nag patuloy sa pag sagwan, hindi kona sinilip ang phone ko dahil baka may mang bangga nanaman samin.

Di ko tuloy nasagot tawag niya.

Sa huli ng pagsagwan namin ay talo kami dahil nauna ang grupo nila  kein.

"Talo tuloy." Bulong ko, na gu-guilty tuloy ako. Kaasar naman dapat kasi pinabayaan ko nalang yung tanginang tawag na yon.

"Ayos lang yon, masaya naman." Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ni alex sa tenga ko, narinig ko siyang tumawa bago ako lagpasan. Pero sa huli napangiti ako.

Mandy's P.O.V

"Yes tayo na lalampasuhin natin sila lerwil." Nakangising sabi ni ryker habang tinititigan ang grupo nila lerwil. Kami na kasinang mag lalaro ngayon, inaasar pa namin si jewel dahil tumalsik ang phone niya sabi niya tumawag kasi boyfriend niya.

"Kumalma ka boi! Mamanalo tayo." Si james.

Close na sila?

"Mananalo tayo." Paguulit ni ryker at sumakay na sa bangka. Ang kalaban pala namin ngayon ay ang grupo nila Kein dahil sila nanalo kanina at ang grupo nila Lerwil.

"One! Two! Three! Go!" Sigaw ni ma'am kasabay ng sigaw ng mga classmates namin.

"GALINGAN MO BAKLA!"

"GO MANDY!"

"KURTT!"

"L. O. V. E KURT!

"BESTIEE!"

"FAFA JAMES!!"

"Mahal kita Audrey!"

"Lerwil!"

Nag focus ako sa pag sagwan at binibilisan ko pa ito kailangan manalo kami!

Napalingon ako sa grupo nila lerwil ng mag sigawan sila, binagga pala sila lerwil ng grupo nila kein! Hindi ko mapigilang tumawa ng pakalakas lakas!

Ang pangit ng bagsak sa tubig ni lerwil!

"Hahaha hahaha! Kaya pa lerwil!" Malakas kong tawa at nag patuloy sa pag sagwan naiwan na ang grupo nila dahil kay lerwil, lumingon siya sakin at pinakyuhan ako kaya lalo akong natawa.

"Hahahahahah hahahhaha hahahahha! Deserve—WAAAAHH!!" napahiyaw ako at napatigil sa pagtawa ng may humatak sakin mula sa likod at

NAHULOG AKO SA TUBIG.

TANGINA MO LERWIL!

"Hoy! Hahahaha mandy anong ginagawa mo diyan?" Pangaasar pa niya at nauna na sa pag sagwan, inis akong tumayo at mabilis na lumapit sa grupo ko na hinihintay ako, basa na tuloy ako asar, napatingin ako kay kurt na nasa unahan at seryoso lang na ang sasagwan mukhang determinado siyang manalo. Dapat ako din.

Give me your hand

Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang boses niya, nababaliw nako, nag focus ako sa pag sagwan at sa huli nanalo ang grupo namin First Place!

Gabi na at nakabalik na kami sa campsite namin, halata ang saya sa lahat, kasi si kurt na naka poker face lang pero sabi nga ng iba hindi nag sisinungaling ang mga mata, kita ko sa mga mata niya na masaya siya. Nag pa buffet si ma'am kaya lalong sumaya ang mga classmates ko. Lahat nag kakamay habang kumakain, natuwa nga ko marunong pala mag kamay ang F5 lalo na si kurt.

Give me your hand.

Nabulunan ako nang muling marinig ang boses niya sa utak ko! Agad naman akong inabutan ng tubig ni ken na katabi ko.

"Dahan dahan lang kasi Mandy kaya ka tumataba eh." Marinig ni lerwil kaya nag tawanan sila.

"Bwisit ka." Iritang sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain. Napalingon na naman ako kay kurt kumuha kasi siya ng kanin eh nasa harapan ko yung kanin napatitig ako sa mukha niya.

Give me your hand

Napaayos ako ng upo ng marinig ko na naman yon tangina naman oh!

"Para kang natatae mandy." Napalingon kami lahat kay yuan, tumahimik lahat at kanya kanyang react ang mga classmates ko.

"Kumakain eh!

"Yuan naman!"

"Sarap sarap ng kain eh!"

"Bad trip to."

"Yuaaan!!"

Tsk! Kumakain yuan eh.

Comment