[ 32 ] Happy Second Anniversary! part 2

Mandy's P.O.V

"Mukhang kinain mo a'ta sinabi mo mandy?" Nakangising sabi ni Ryker.

Tsk.

"Bat ngayon ka lang?" Tanong ni Steven.

"Ano bang nginangawa niyo dyan! Saktong 3:30 lang naman ang dating ko ah." Pagtatanggol ko sa sarili. Nandito na pala kami sa Entrance ng Amusement Park.

"Nasan na pala sila?" Tukoy ko kila Harvey.

"Hi mandy."

"Yo! Boss!"

"Walang pagbabago!"

"Oo! High blood padin hahahaha!"

"Mandy." Bati sakin ni Zybiana, tinignan ko ang buhok nya.

"Hindi ko pa'din pinapalitan ng kulay?" Tanong ko habang hinihimas ang buhok nyang kulay Grey.

"Hahaha Wala mandy! Ayoko din." Nakangiting sabi nya at yumakap sakin. Agad naman akong yumakap pabalik.

"Lalo kang gumanda baklang Zy!" Nakangising sabi ni Ken. Isa isa ka silang niyakap mula kay Zybiana, Kenji, Rodge, Khalil at Harvey.

"Bakit pala dito mo naisipang pumunta ang Grupo Boss?" Tanong ni Rodge.

"Wala lang. Kasi last year nasa Bar tayo nila Jewel." Sabi ko.

"Edi walang alak ngayon?" Tanong ni Mate.

"Bahala kayo kung gusto niyong uminom sa Silver's Lion House."

"Mandy! Tara na!" Bago pa' ko makaangal hinatak na ko ni Yuan papasok sa Amusement Park. Napailang nalang ako.

Letiral na bata talaga.

"Mandy! Mandy! Doon tayo sa Horor House." Napawi ang ngiti ko sa sinabi nya. Hindi sa takot ako ah. Magugulatin lang.

"Mandy pagbigyan mo na yung bata." Nakangising sabi ni Lerwil. Tsk alam nga pala nilang lahat yon.

"Sinong bata?" Tanong ni Yuan. Ang mata nya ay sa mga nag lalakad.

"Wala tara na nga..."

--

"Siguraduhin niyong ma vivideo niyo pagkagulat sa mukha ni mandy ah." Sabi ni Wesly ng papasok na kami. Handa na sana akong malutong syang murahin pero-

"Yeeeyyy! Yeeeyyy! Horor House! Horor House!" Sigaw ni Yuan.

"Wala pa tayo sa loob." Natatawang sabi ni Khalil.

"Hahahahaha hoy! Allen hawakan mong mabuti yan si Yuan ba' ka mawala yan sa loob." Paalala ni Jewel bago kami tuluyang pumasok. Humawak ako kay Zybiana na nasa harapan ko. Ang dilim

"WAAAAAAAHHH!" Sigaw ng pamilyar na boses.

Si Lerwil.

"Hahahahaha! Takot din pala to!"

"Tangina mo!"

"Hahahahaha wala pa nga eh."

"Hahahahaha..."

"Ang tinis ng boses mo!"

"Danica anong masasabi mo?"

Natatawa ako pero ng biglang bumukas ang ilaw nakita ko sila. Yung iba mag kakayakap mukhang hindi nila alam kung sino ang nayayakap nila dahil sa dilim! At dahil nakita nila ang kayakap nila kanya kanya silang pagpag ng katawan animoy nandidiri.

"Hahahahaha mga bakla pala kayo eh!" Asar na sabi ni Lerwi sakanila sa gilid nya ang tumatawang si Danica. Mumurahin sana sya nila Leo at Ryker pero muling namatay ang ilaw!

At-

"AAAAAHHH! TANGINA MO SINO KA!" Tili ko ng may humawak sa paa ko!

"Mandy dito." Si Steven. Nag papatay sindi ang ilaw kaya nakikita ko na sya. Nandito pa pala sa tabi ko si Zy. Handa na sana kaming lumakad pero muling namatay ang ilaw.

"Tangina! Naman patay sindi ampt." Mura ni Ryker.

"Ang sexy nung White lady kanina." Natatawang sabi ni Mate.

"Hanggang dito ba naman Mate?" Natatawnag sabi ni Harvey.

Muling bumukas ang ilaw.

"Kenji pre catch!" Sigaw ni Leo sabay hagis ng kung ano. Nasalo naman yon ni Kenji. Handa na sanang tignan ni Kenji kung ano yon ng mamatay ulit ang ilaw.

"Pre bakit magaspang to. Ano bato?"

Nakarinig ako ng mahihinang tawanan nila Leo at Steven.

Nang bumukas ang ilaw.

"GAGO ANO TO!" Sigaw ni Kenji sabay hagis ng bungo. Na mukhang may natamaan dahil

"Ouch-Yuckk!!" Sigaw ng babae.

"Babe okay ka lang?" Tanong ng Boyfriend niya.

Humagalpak naman ng tawa sila Leo. Mga gago!

"Tara na tara na!" Sigaw ni Chelsie.

"Hanggang ilang stage bato?" Tanong ko. Nag lalakad na kami ngayon hagdan. May mga pekeng gagamba don pero hindi ko magawang tignan dahil nandidiri ako. May mga kung anong sulat din na na'ka sulat sa dingding.

"2 rounds. Pangalawa na na'tin to. Bali susunod nito la' basan na." Sagot ni Khalil.

"Bakla! Ang gwapo nung na' ka maskara kanina!" Sabi ni Ken na nadito sa gilid ko.

"Tsk pano mo naman nalaman eh kakasabi mo lang na' ka maskara." Sabi ko sakanya.

"Tsk ano ka'ba! Parang hindi mo naman kilala yan bakla! Lahat nakikita nyan! May takip man o wala!" Tumawa si Maggie. Napailang nalang ako may sasabihin pa sana ako ng muling mamatay ang ilaw. Kanya kanya kaming sigaw!

"Tangina! Ano ba!" Sigaw ko ng may lumabas na Manika sa gilid ko.

Ampangit pa ng itsura!

"WAAAAHHH!"

"Bakla nandito yung gwapong sinasabi ko sayo kanina!"

"Yuck ano to!"

"Bakit basa!?"

"AAAAAAHHH!"

"MAAWA PO KAYO SAMIN!"

"Gago Yuan pinagsasabi mo dyan?"

"What the fck!"

"Don't touch me!"

"Arrghhh!"

"Tangina mo kanina kapa hawak ng hawak bigwasan kita dyan eh!!"

"Leo Ryker! Nandito yung sexyng White lady!"

"Tangina yan padin nasa utak mo!"

"Oo nga pre sexy!"

"Witwew!"

Hinihingal ako nang makalabas na kami.

"Tangina nakakapagod namang takbuhan yon!" Si Rodge

"Isa pa!" Sigaw ni Yuan.

"Ayoko na."

"Nakakapagod kaya."

"Same."

"Ikaw nalang kung gusto mo."

"Roller Coaster nalang tayo." Sabi ni Zy nang makabawi ng lakas. Tinuro nya yung mga taong pumipila sa Roller Coaster.

"Nakakahilo yan." Si Wesly.

"Wala gago wag kang KJ." Hinatak na sya ni Mate para makapila.

"Pre doon ako tatabi sa mahabang buhok ah." Sabi ni Mate may tinuro siyang babae na na' ka talikod. Pumipila din. Nang humarap

"Wag na pala." Bawi ni Mate. Tumawa naman ako. Bakla pala yung babae!

Nang kami na lima kami magkakatabi nina Zy, Chelsie, Jewel at Danica. Habang ang iba naman ay nasa likod pumwesto yung iba din ay nasa unahan tulad nila Steven, Allen, Yuan, Mate at Leo.

"Ayan na! Ayan na!" Sigaw ni Yuan ng marahan na kaming umandar. Sa una chill lang ang pag andar namin nang biglang pumasok kami sa tunnel.

"Ano to!? Bakit may basa na naman!"

"Bobo tubig yan may tubig sa gilid natin!"

"Oo nga.."

"Tangina ang dilim!"

"Ano ba yon ang baho!"

"Si Wesly umutot!"

"Kadiri ka naman pre!"

"Wala hangin ambaho!"

"H-hindi kaya ako yon!"

"Bwisit kha! Ambhaho!" Inis kong sabi habang pinipisil ang ilong.

--

"Nakakapagod.." Bulong ni Ken at naupo sa sa tabi ko. Kakalabas lang namin sa Roller Coaster. Yung iba nagsuka lalo na si Wesly.

"Punta na tayo sa Silver's Lion House. May pagkain doon at alak." Sabi ko sakanila. Nag pa diliver kasi ako sa Restaurant nila Kenji. Sinabi ko din kong anong oras idedeliver kays sure akong nandoon na yon.

"Tara na gutom na ko." Bagot na sabi ni Leo.

"Lagi ka naman gutom eh." Natatawang sabi ko.

Comment