[ 58 ] Just a day.

Mandy's P.O.V

"Hindi na po ba talaga siya pwedeng makapasok ng school? Tulad ng mga ginagawa ng iba?" Tanong ko sa Mama ni Clyber, si nanay Zenya. Bumisita kasi ako kay Clyber dahil sabado ngayon at wala namang pasok kaya naisipan kong dumalaw, nakita ko silang nag aalmusal na dalawa. Pinakilala naman ako ni Clyber sa Mama niya.

Umilang naman si Nanay Zenya.

"Siguro, kung gagaling siya maari pa siyang makapag aral sa paaralan tulad ng gusto niya. Kaya labis labis ang pag dadasal ko sa diyos na pagalingin ang anak ko." Kwento niya, kita ko ang kalungkutan sa mga mata niya nandito kami sa garden ng hospital, maraming batang nag tatakbuhan na parang wala silang sakit na nararamdaman.

"Siya lang po ba ang anak niyo?" Tanong ko bigla.

"Oo Mandy, mag-isa nalang akong nag palaki sa kanya, namatay na kasi ang ama niya." Natahimik naman ako.

"Alam mo?" Lumingon ako sakanya, hindi siya nakatingin sa akin sa mga batang nag lalaro pero may maliit na ngiti sa labi niya. "Ikaw ang una niyang kaibigan, lumaki na siya sa hospital. Hindi siya nakikihalubilo sa mga kaedad niya dahil nga sa sakit niya. Ramdam ko sa pag kwento niya sakin tungkol sayo alam ko na masaya siya. Masaya siya na may kaibigan na siya, kaya Mandy maraming salamat sa pag papasaya sa anak ko."

Ngumiti ako.

"Sigurado po akong mas lalakas ang anak niyo kapag gumaling na siya. Hayaan niyo po lagi akong nandiyan sa tabi niya habang sinasamahan siyang gumaling. . ." Nag ngingiti kong sabi, nagulat naman ako ng yakapin niya ako. Pero agad din namang nakabawi at yumakap pabalik sa kanya.

"Kanina ka pa?" Natatawa kong sabi kay James, nandito kami ngayon sa garden at nakaupo sa upuan na may maliit na lamesa sa harap namin. May juice doon.

Hindi ko alam kung bakit pumunta dito si James, pag kauwi ko lang galing sa pag dalaw kay Clyber nakita ko siyang kinakausap ni Mama. Saglit akong sumilip sa balcony ni Kuya, at nadoon nga siya nakamasid sa amin na parang may gagawing masama.

Lalaking 'to.

"Hindi naman.." Sagot niya habang nangangamot ng ulo.

"Problema mo? Ano palang napunta mo rito?" Tanong ko. Bumuntong hininga siya bago ubusin ang juice sa baso.

"Kasi.." Pinutol niya.

"Kasi??" Kunot noo kong tanong ko.

"S-s-sino ano.." Tumikhim siya. "Anong pangalan noong bagong transfer na kulay grey ang buhok?" Buong tapang niyang sabi, pansin ko rin ang pamumula ng buong mukha, leeg niya..

Nag blu-blush ba siya? Hahahahahahaha

Sino daw? Babaeng grey ang buhok? Wala namang ibang may kulay ang buhok sa amin kundi si Zybiana.

"Si Zy?" Tanong ko na may ngisi na sa labi.

"Zy??" Bulong niya.

"Oo Zy, Zybiana type mo ba?" Hindi siya sumagot pero sa pamumula ng buo niyang mukha alam ko na ang sagot. "Type mo nga??" Humalakhak ako.

"Oo.." Pag amin niya, huminto naman ako sa pag tawa.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko.

"May boyfriend ba 'yon?" Balik niyang tanong.

"Hindi ko alam.." Sagot ko pero alam ko namang wala 'yon, hahahahahaha.

"Bakit hindi mo alam?"

"Malay ko ba doon, baka may ka m.u unahan ka." Muli akong natawa ng magdilim ang mukha niya.

"Hahahahahaha kalma, pero pano kung wala?" Tanong ko

"H-hindi ko alam, ewan."

Mukhang gulong gulo pa siya sa nararamdaman niya.

"Kamusta pala ang photo shoot?" Tanong ko.

"Maayos naman naming natapos, sobrang hirap at nakakapagod. Oras oras mag papalit ng damit, buti nga hindi strict ang kumukuha sa amin ng litrato."

"Papa 'yon ni Audrey syempre." Sabi ko.

"Hahahaha oo, next month na ang lunch ng magazine na 'yon."

Ngumisi ako bigla.

"Balik tayo kay Zy—"

"Mandy naman, hindi ko pa nga alam nararamdaman ko." Problemadong sabi niya. Mabilis naman akong natawa sa itsura niya.

Umalis din naman so James pag katapos non, alam niyo nararamdaman kong may gusto si James kay Zy or baka crush? Ewan. Sino ba naman kasi ang pupunta dito para tanungin lang ang pangalan ng isang babae? Kung tutuusin maraming paraan para malaman niya, pwedeng mag tanong tanong siya kina bakla o sa iba pa naming mga kaklase pero hindi niya ginawa sa akin pa siya lalapit para tanungin?

Pero mahirap paring mag assume.

Umakyat na ako sa kwarto at mabilis nahagip ng mata ko ang papel na nakaawang sa di kalakihan kong book shelf. Kinuha ko 'yon para sana ibalik muling iipit sa mga libro pero naging pamilyar sa akin ang papel na 'yon.

Agad dumilim ang mukha ko ng binuksan ko ang papel, ito ang sketch ni Clyber. Isa sa mga kumidnap sa amin noon.

Bwisit na mukha 'to, kailan ka ba mawawala sa mundo?!

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nag chat sa groupchat ng Silver's Lion para pumunta sa hideout. Ako naman ay mabilis na nag palit ng damit at sumakay ng motor ko.

Nang makarating ay nag park na agad ako sa gilid ng bahay may mga nakita rin akong mga motor doon, may sasakyan din. Agad akong pumasok sa bahay walang katao tao sa sala, agad akong dumiretso sa baba at nakita sila doon na kanya kanya ang ginagawa.

Sila Bakla at sina Zybiana, Danica at Jewel ay nag gi-girl talk. Sa sulok naman ay si Chelsie na busying busy na nag cecellphone. May nag bo-boxing naman sa ring at 'yon ay sina Mate at Leo. Nasa may kusina naman si Yuan at may kung anong ginagawa sa ref habang si Allen ay kakalabas lang ng Cr sapo sapo niya ang tiyan, si Yuan naman ay natawa ng malakas.

Ano na namang ginawa non? Hahahahahaha.

Pumalakpak ako ng tatlo para makuha ang atensyon nila. Agad silang napalingon sa gawi ko.

"Ayan na pala si Bakla!"

"Baklaaaaaaaaaaa!"

"B-bestie aray, ang sakit ng tiyan ko kasalanan mo 'to Yuan!"

"Bakit? Nag pra-practice lang ako pangarap ko maging Chef.."

"Manahimik ka! Ang sakit din ng tiyan ko."

"Mandy."

"Heyy boss."

"Kung sino pa ang nag chat na pupunta siya pa 'yung huling makakadating.." Bulong bulong ni Lerwil agad naman siyang nakatanggap ng pingot galing kay Danica.

"Manahimik ka nga." Bulong pa ni Danica.

"Mananahimik na nga, baka madulas pa ako at masabing girlfriend na kita." Sagot sakanya ni Lerwil. Agad naman kaming napasinghap si Danica naman ay namumula ang buong mukha habang senisermonan si Lerwil..

"Kasi naman eh.. Yang bunganga mo talaga papaputol ko 'yan!"

"Wala ka ng mahahalikan Danica baby."

Agad naman kaming nakarinig ng mga nandidiri.

"Cringe.."

"Nasusuka ako wait."

"Mas nasusuka pa ako dito kaysa sa niluta ni Yuan."

"Eww."

"Bakit naman puputulin bibig ni Lerwil?"

"Ano 'yan lowkey relationship?"

"Hahahahaha tama na 'yan." Suway ko sakanila.

"Kailan ba naging kayo?" Si Jewel ang nag tanong.

"Actually kagabi lang." Sagot ni Danica.

"Naks, stay strong." Masaya kong sabi.

"Bakit mo pala kami pinapunta Mandy?" Tanong ni Steven kalaunan.

Kinuha ko ang papel mula sa dala kong bag, binuklat ko 'yon at hinarap sa kanila.

"Itong sketch na nakikita 'niyo isa sa mga kumidnap sa amin ng Lola ko..."

Comment