[ 39 ] Finally!

Mandy's P.O.V

Tatlong araw na ang lumipas pero hindi padin lumilipas sa school ang chismis na Inlove na nga ko. At umabot yon sa Facebook! Kanya kanya silang opinion kung sino daw ang lalaking nagugustuhan ko. Umabot pa yon sa Twitter, may mga nag babardagulan na nga. Ang iba ay sinasabi na isa sa mga Member ng F5, ang iba ay sinabi na ba 'ka si James yon.

Nag reply lang si James ng "HAHAHAHAHA." May alam kasi siya kung sino. Ganto kasi yon kahapon nahuli nya kong nakatitig kay Kurt! Nginisiha nya ko! Ayon mukhang alam nya na nga. Alam ko namang hindi nya sasabihin yon kay Kurt eh.

Nagpasa nadin pala ako kay Ma'am Nica nang mga napicturan ko. Natuwa naman sya dahil hindi raw late ang pagpasa ko non.

Ngayon ay papunta kami dahil may laban si Chelsie laban sa Online Games. May ka partner sya si Niven. Malaki din ang price 100k kung mananalo kayo. Pero sabi din ni Chelsie batikan yung makakalaban nila. Pero may problema.

"Baka naman busy lang yung tao." Pampakalma ni Maggie.

"Paanong busy? Sinabihan ko na sya nung naka raang araw dito sa laban na 'to, pero tignan nyo! Buong araw syang hindi nag online kahapon sa ML at sa COD, pati sa Facebook!" Gigil na sabi ni Chelsie habang naka tutok ang mata sa kalsada, sya ang nag mamaneho ng sinasakyan naming SUV.

"Malay mo nag practice lang siya." Sabi ko naman, Wala kasing pa ramdam si Niven kahapon pa kaya asar na asar tong si Chelsie. Baka raw ganyan baka raw ganto. Tsk!

"Ha!? Practice hindi nya na kailan non dahil magaling na sya!" Inis na sabi ni Chelsie na para bang pinapatay na si Niven sa utak nya.

"Ayon sinabi din na magaling." Bulong ni Ken sa likod ko.

"Baka busy?" Si Jewel. Muli na naman kaming nakarinig ng malutong na mura ni Chelsie.

"Busy?? Ngayon pa talaga! Kaaaar naman yon oh! Hindi ko na talaga i duduo yon.." Inis nyang sabi.

"Grabe bakla! Kung maka react ka naman dyan para kang na ghost!" Nakangising sabi ni Ken.

"Anong pinagsasabi mong na ghost? Alam nyang importante sakin 'tong laban na tapos ano? Missing in action sya!"

"Tama na nga, matagal pa naman tayo bago makarating sa mismong venue nang paglalabanan niyo diba? Chill ka muna, malay mo nga nag practice lang talaga yon." Pamkalma ko na mukhang epektibo dahil umaliwalas na ang mukha ni Chelsie.

"Sana nga nag practice lang yon nako kung hindi." Bulong bulong pa nya.

"Diba bukas na birthday ni Jhelsie?" Tanong ni Maggie

"Oo, pagkatapos nga nang laban ay mamimili ako ng mga handa ewan ko ba don sa bata na yon! May catering naman gusto pa lutuan ko ng mga kung ano ano. Samahan niyo kong mamili ah." Si Chelsie.

"Oo naman." Sagot namin.

——

"Woooaaa bakla!! Dito na ba talaga gaganapin!?" Manghang sabi ni Maggie.

"Oo.." Sagot ni Chelsie, nasa malaking bilog kasi kami, parang Moa? Para nga kaming nasa concert hahahaha. Marami na ring tao.

"Miss. Chelsie Hakati Aquino?" Napalingon kami sa nagsalita. Isang Lalaki ito na naka tuxedo. Mukhang siya ang host.

"Ako nga.." Sagot ni Chelsie.

"Uhmm Miss. Aquino—"

"Just Chelsie."

"Okay Nice to meet you Chelsie at may mga kasama ka?—" Isa isa kaming pinakilala ni Chelsie ngumiti lang ako.

"Sumunod kayo sakin.." Sabi ulit ng Lalaki—hindi manlang kasi nag pakilala. Habang nakasunod kami sakanya. Maraming nakakakilala kay Chelsie. Nag sisigawan ang mga tao na naghihintay mag umpisa ang laro.

"Chelsie!!"

"Pakshit ang ganda nya!"

"Baka damdamin mo pag namura ka nyan.

"Pa autograph!"

"Lagi akong nanonood ng mga live stream nya!"

"Pre! Pre ang ganda nung babaeng hanggang balikat ang buhok!"

"Oo nga shit ang tangkad pa!"

"Witwew.."

"Hahahahaha Sana all famous.." Si Ken.

"Hahahahahaha ganyan talaga." Natatawang sabi ko. Nangmakarating na kami sa pupuntahan ay napa-wow nalang kami. Pumasok kasi kami sa kwarto at ang nilalaman nito ay isang malaking lamesang bilog na may butas ang gitna parang donut. Pabilog pala itong kwarto at ang kisame ng kwarto ay glass kaya kitang kita ang mga taong nag hihiyawan sa labas. May malaki ding TV na nasa taas.

"Wow ang ganda naman dito." Si Maggie.

"Dito po kayo." Turo ng lalaki sa mga sofang pula. Agad naman kaming naupo roon. Si Chelsie ay naupo roon sa bilog na lamesa, namay upuan na gaming chair. Si Chelsie palang ang nandoon. Ay hindi mukhang nandito nadin ang mga kalaman nya.

Napalingon kami sa dalawang lalaking pumasok, ang isa ay matangkad na payat may salamin din sya sa mata at mahahaba ang mga daliri sa kamay.

"Sheeet gwapo.." Bulong ni Ken sa gilid ko. Nakatanggap naman sya ng kurot galing kay Jewel. Napailang nalang ako.

Ang isang kasama nung payat na lalaki ay matangkad na mukhang laging nag e-exercise dahil batak na batak sa sakanya ang suot nyang T-shirt. Makapal ang kilay nito at may katangusan din ang kanyang ilong. Naupo silang dalawa sa karap ni Chelsie. Nag shake hands pa silang tatlo.

"Ah Chelsie wala pa ba ang kakampi mo?" Tanong ng host. Tumingin si Chelsie sa phone nya mukhang tinitignan kung nya kung nag online na si Niven.

"Bwisit.." Bulong nya, mukhang hindi pa din nag oonline si Niven. Muli syang humarap sa host.

"Wala pa. Hintay lang muna saglit lang ’to." Sabi nya. Tinanguan lang sya ng host at umalis na. Tumayo muna si Chelsie at madilim ang mukhang lumakad papalapit samin.

"Ano na?" Si Jewel

"Wala pa din eh." Iritang sagot ni Chelsie at naupo rin sa sofa.

"Yon ba yung nag practice!? Kainis! Kung pwede ngalang na ako nalang mag laro eh! Kayo hindi bwisit." Dugtong pa nya.

"Palitan nalang kaya natin?" Tanong ni Ken.

"Sino namang papalit!?"

"Edi sino pa? Si Lorenzo—"

"Hindi na kailangan nandito na 'ko." Gulat kaming napalingon sa nagsalita. Isang lalaki na may katangkadan ang nagsalita naka polo at jeans ito. Hinihingal din sya.

Teka? Parang pamilyar sya—

"Niven!" Sigaw ni Ken. Ngumiti sakanya si Niven. Si Niven ba talaga 'to?

"Hi.." Sabi pa nya.

"Punyeta! Anong ginagawa mo rito?" Gulat na sabi ni Chelsie napatayo pa sya mula sa pagkakaupo.

"Diba may laban tayo." Sagot sakanya ni Niven tinuro pa nya yung mga kalaban nilang nakatingin din sakanila, nagtititigan sila.

"Sana all nagtititigan." Bulong ni Ken sa gilid ko. Hahahahaha

"Ano ngang ginagawa mo rito? Akala ko nasa Singapore ka—"

"Umuwi na nga ko, kahapon lang pagod kaya hindi ako nakapag online, tara na nga may tatapusin pa tayong laro..." Hindi na nakapag salita pa si Chelsie dahil hinatak na sya ni Niven papunta sa lamesang parang donut.

"Ay may pa hatak na." Si Maggie. Nag tawanan naman kami. Huminto lang kami nang nagsalita na ang host sa umahan mukhang mag uumpisa na ang laban, 2 vs 2 ang laban. Kung sino ang manalo sakanya mapupunta ang 100k.

"Yes! Umpisa na!"

"Sino kayang mananalo?"

"Tanga bat ako tinatanong mo!"

"Manood nalang tayo!"

"Goo Chelsie!"

"Goo bakla!"

"Niveeeeeen!"

Nagsuot na ng headset ang mga maglalaro. Nakatingala lang ako sa TV para mapanood ang nangyayari sa loob ng laro, ganoon din ang mga taong nanonood. Ling ang gamit ni Chelsie habang si Niven naman ay thamuz. Maganda ang napili nila. Habang ang kalaban naman ay yung payat na lalaki ay Cecelion ang napili habang yunh kasama nya ay Hanabi.

"Kaya, kayanila?" Tanong ni Jewel.

"Kaya yan. Thamuz naman si Niven eh, pero malamang sa malamang uunahin nila si Chelsie." Sabi ko.

"Tama ka dyan bakla. Kapag malaki na stock ng Cecelion delikado, bantay lang talaga dapat si Niven." Dugtong ni Maggie.

"Bawal naman push diba? Farm lang. Kaya mananalo yan sila." Sabi pa ni Ken

——

"Shit.."

"Nice nice.."

"Tangina!"

"Fvck!

"Yung blue buff!!"

"Yes!! Kaya mo yan bakla!"

"Dito Chelsie."

"Oo!"

Double kill!

"Yes! Mag clean na muna ng mga minion para matapos na."

"Okay.."

"VICTORY!!" Sigaw nila Niven at Chelsie, napatayo naman kami sa tuwa! Grabe ang tension ng laban! Nakipag kamayan ulit sila sa kalaban. Yes nanalo sila! 100k ehemm!

"Congrats!" Sabi namim sakanila.

"Ahm may pupuntahan ka pa ba?" Tanong ni Niven sakanya.

"Oo, mag may bibilhin pa ko sa Mall." Sagot ni Chelsie.

"Samahan na kita."

"Ay hindi na kasama ko sila Mandy—"

"Nag chat si Mama pinapauwi na 'ko." Sabi ko habang nagkukunwaring may binabasa sa cellphone.

"May pupuntahan pa kami bye mga bakla!" Umalis na din si Ken at Maggie.

"Uhm, May gagawin pa 'ko sa Condo ko bye." Nawala nalang din naparang bula si Jewel.

"Pano ba yan! Niven, Chelsie! Mauna na 'ko mag sasaing pa 'ko sa bahay.." Lumapit ako kay Niven at tinapik ko ang balikat nya.

"May tiwala ako sayo.." Sabi ko. Ngumiti sya.

"Bye Chelsie!" Paalam ko.

"Tangina nyo!"

Comment