[ 36 ] His Kindness

Mandy's P.O.V

"Oh mandy gusto mo?" Lumingon ako sa nag salita si Leo may hawak siyang Halo-Halo

Aga aga pa ah!

"Ayoko. Diba kakanta ako bukas." Sagot ko.

"Oo nga pala! May napili ka nabang kanta?" Si Jewel na ngayon ay may hawak na Halo-Halo ngayon ko lang napansin na lahat sila ay may hawak na Halo-Halo mukhang binigyan sila nila Leo at Mate.

"Wala pa." Sagot ko. "Teka bakit ba kayo may mga ganyan!?" Tanong ko. Kakapasok nga lang namin eh!

"Tsk! Hindi ka ba naiinitan Mandy? February na oh!" Si Ryker.

"Ito nalang sayo." Sabi ni Steven sabay lapag ng Shomai sa desk ko. Agad naman ako natakam sa amoy non kaya kinuha ko' na.

Ang sarap! Ma init init pa!

"Wala ka paring naiisip na kanta bestie?" Tanong ni Allen. Ilang lang ang sagot ko dahil busy ako sa pagkain.

"Aba! Dapat mag isip kana bakla!" Si Ken.

"Nakita niyo yung Court kanina? Ang daming mga pulang kaartihan." Napalingon kami sa nag salita si Lerwil.

"Tanga. Malamang may ganoon talaga yon! Bukas na Valentine's eh." Sabi sakanya ni Chelsie.

"Alam ko tapos ka date mo Cellphone mo ang sakit naman non." Balik pangaasar sakanya ni Lerwil nakarinig naman kami ng tawanan nila Steven.

"Hoy! May ka date yan non! Kahit sa Cellphone." Si Maggie

"We? Sino?" Tanong ni Wesly.

"Hindi mo na namin i rereveal." Sabi ni Jewel.

"Hanggat wala pang sila? Eh pano naman si Lorenzo?" Tanong ni Yuan. Buti talaga wala pa ang F5.

"P-pinagsasabi mo!?" Iritang sabi ni Chelsie. Nag tawanan lang sila. Bigla ko tuloy na alala si Mr. Singit pagkatapos kong mag pasalamat sakanya kahapon umalis na' ko may sinabi pa sya pero hindi ko na narinig kung ano yon.

"May mga ka date na ba kayo?" Tanong ni Leo.

"Hindi naman kailangan non." Sabi ko sakanya.

"Buti pa' ko meron." Sabat ni Wesly.

"Sus. Sa Internet mo lang naman nakilala." Pangaasar ni Steven.

"Wo'y teka? Pa chismis." Si Ken.

"Hahahahaha may nakilala kasi sya sa Internet na babae. Maganda raw eh." Kwento ni Mate.

"Naka video call mona?" Tanong ni Jewel na mukhang interisado. Tumango naman si Wesly.

"Oo ganda tsaka ang bait."

"Taga saan naman?" Tanong ko. Sana all nahanap na ang true love.

"Texas..." Nakangising sagot nya. Napaubo naman kami.

"Sa una lang masaya!" Sigaw ni Maggie.

"Pero ano bang relationship niyo? M.U?" Tanong ni Jewel tango lang ang sagot ni Wesly. Sana all pumapag-ibig.

Pero okay lang. Sa una lang naman masaya.

"Buti nag kakaintindihan kayo?" Nakangising tanong ko.

"Anong akala mo sakin Mandy? Hindi marunong mag english?" Asar nyang sabi. Nag tawanan naman kaming lahat.

"Tsk nakakasawa yan! Sa umaga nag go-good morning ka hanggang gabi tas ipapa alala mo na kumain sya sa gabi naman sasabihan mo pa ng good night sweet dreams." May bahid ng inis na sabi ni Chelsie.

Wew! May experience na kasi!

"Sus. Nasaktan ka lang eh. Kaya nacocornyhan ka sa mga ganto." Natatawang sabi ni Wesly. Handa na sana siyang murahin ni Chelsie ng umingay ang paligid.

Mukhang nandito na ang F5. Bigla na naman bumigat ang paghinga ko!

"Good morning F5!"

"Good morning Girl's."

"Kyaaaahhhh! Binati ako ni James!

"Ako ang binati nya!"

"Tanga mga be! Ako yon!"

"ANG GWAPO MO RENDELL!"

"Can you be mine Alex?"

"Uhm, i'm taken.."

"Hala!?"

"For real?"

"Sino naman yon?"

"Hala bakla Taken na si Alex!" Niyuyog ni Ken ang balikat ni Jewel na tulala sa F5 na naglalakad papasok sa Room.

Kanya kanya naman kami ng Comfort.

"Ayos lang yan Jewel."

"Bawi ka nalang Next life!"

"Tangina mo talaga Yuan."

"Wala pa naman sinabing pangalan eh."

"Malay mo Jewel sinabi nya lang yon para tigilan siya ng mga Estudyante. Palusot kumbaga."

"What if meron nga!?"

"Hindi ka nakakatulong Mate."

"What if ikaw pala yung gusto nya?" Tanong ko dahilan para mapalingon siya sakin mula sa pag ka tulala.

"A-ako?"

"Oo. Kasi diba close naman kayo. Pero mahirap pa'din mag assume." Mahinang sabi ko. Nakakatakot ba'ka may makarinig eh.

"Hindi naman kami. Super close." Sabi niya.

"Ano ka' ba! Hindi pa na'tin sure! Gusto mo tanungin ko?" Nag hahandang tumayo si Leo para tanungin si Alex ng pigilan siya ni Jewel.

"Hindi na. Huwag na. Hindi pa'din naman natin sure tsaka kung meron man ano namang pake ko?" Sabi nya. Pero nakita namin ang pasimpleng irap nya kay Alex. Wow.

"Oh sige sabi mo eh." Hindi siguradong sagot ni Leo.

——

"Na eexcite na ko para bukas! Yung susuotin na'tin ha? Ready na dapat yan!" Si Ken. Kumakain kami ngayon sa Cafeteria.

"Hindi na ba talaga pwedeng palitan yan?" Tanong ni Chelsie.

"Tsk. Sige na bakla! Tsaka hindi na pwedeng palitan yon!" Si Maggie.

"Ano yon kakanta ako na' ka bistida?" Ngumiwi ako.

"Hahahahahahaha ayos lang yon bakla! Wala ka naman ka date di mo na kailangan mag gown." Natatawang sabi ni Ken nag tawanan naman sila. Mga bwisit.

"Ang F5 mga bakla!" Pagagaw ng pansin samin ni Ken lumingon ako sakanya. Nakaturo sya sa entrance ng Cafeteria. At papasok nga roon ang F5! si Kurt agad ang hinanap ng mga mata ko nakita ko sya sa gilid poker face lang habang may headset sa ulo.

Umingay din ang paligid.

"Ang F5."

"Narinig mo ba ang chismis be!?"

"Oo! Taken na raw si Alex!"

"Legit ba?"

"Hindi ko nga alam eh."

"Hina mo talaga sumagap ng chismis be."

"Kurt! Kainin mo ko charot."

"Hoy! Ang harot mo be!"

"Fafa james!"

"Rendell anong size ng paa mo?"

"Lorenzo! Duo tayo!"

"Anong duo?" Bulong ni Chelsie.

"Hahahahaha malamang lahat ata gustong maka duo yan si Lorenzo sa ML o kahit saan." Si Jewel. Buti nga okay na to eh. Sabi nya kakalimutan nya nalang yung sinabi ni Alex kaninang umaga. Akala nga namin si Alex kakalimutan nya. Nung tinanong naman namin kung may gusto ba sya kay Alex namula lang sya at iniba ang topic namin.

"Pero mas bet ko yung duo sa kama." Biglang sabi ni Ken. Binato sya ng tumatawang si Maggie ng tissue.

"Naglalaro pala si Lorenzo o Renzo ng mga ganyan?" Tanong ko. Kasi diba? Isang singer at member pa ng F5 mag lalaro ng ganyan. Pero hindi naman sa ayoko syang mag laro tao lang naman sya. Pwede nyang gawin kung anong mga gusto nya.

"Oo. Minsan ko nadin syang nakalaro. Magaling." Nakangising sabi ni Chelsie. Bakit parang nararamdaman kong proud na proud ka sakanya!?

"Tsk. Minsan mo lang syang makalaro kasi si Fafa Niven lagi mong ka duo tama ba ko huh?" May pangaasar sa ngisi ni Maggie.

"Huh? Hindi ah. Hindi naman nag yaya si Lorenzo eh."

"Hindi? Sige tawagin ko." Si Ken. Bigla syang tumayo sa upuan nya. At sumigay ng "Fafa Lorenzo! Lorenzo!! Duo raw kayo ni Bakla—"

"A-aba hoy!" Suway ni Chelsie namumula nadin ang mukha nya. Pero huli na. Dahil nakalapit na si Lorenzo sa lamesa namin.

"Ano yon?" Tumingin sya kay Chelsie.

"A-ano kasi.." Para nang bulate si Chelsie sa upuan nya dahil ang likot nya. Kita ko parang kinukurot kurot nya si Maggie.

"Duo raw kayo." Si Jewel na ang nag salita. Tinuro pa nya si Chelsie.

"Hmm. Sige sige Dm nalang kita mamayang gabi." Nakangiting sabi ni Lorenzo. Nang maka alis sya.

"Bakla! Tuturuan kita pano humaba ang convo niyo!" Nakangising sabi ni Ken.

"Tigil tigilan mo nga ko!" Asar na sabi ni Chelsie pero namumula naman ang mukha. Ewan ko sayo.

"Hahahahahaha ayaw mo non? Imbis na mag laro kayo. Mag pupuyat kayo!" Pangaasar pa ni Ken. Nagtawanan naman kami nang tumayo si Chelsie at nag paalam na mag C-cr lang. Ewan ko sayo. Hahahahahaha.

Pagkatapos ng Klase ay umuwi na dumiretso na agad ako sa Sasakyan ko. Wala pa'din kasing club ngayon. Halos wala na nga kaming ginawa nitong hapon dahil busy ang mga teacher's.

Ito ako at nag dridrive pauwi nang mag red light. Huminto lahat ng sasakyan pero may isang nakapukaw ng paningin ko.

Ang sasakyan sa Unahan ko.

Ang sasakyan yon ni Kurt! Huwag na kayong mag taka kung pano ko yon nalaman! Dahil isang beses ko nayang nakita nung nasa parking lot ako nakita ko kasi syang sumakay dyan.

May pulibing lumapit sa sasakyan nya. Mukhang nanghihingi ng pera. Tinitigan kong mabuti ang nangyayari imbis na baliwalain ni Kurt ang pulibi ay buksan nya ang bintana ng sasakyan at inabot ang.

Isang libo!

Sa pulubi. Halatang nag papasalamat ang pulibi dahil panay ang yuko nya. Wow mabait ka din pala.

Nakangiti akong umuwi sa bahay. Mabait din pala si Kurt ano? Akala ko pati puso nya nag yelo na din hindi padin pala.

Speaking of Puso kanina pa tumatambol tong puso ko. Muling nag flashback sakin ang mga sinabi ni Doc Henz. Inlove na nga ba ko?

Kaya ba ko umiyak dahil hindi tinanggap ni Kurt ang Frame na gawa ko? Nag slow mo dahil hindi ako nahilo o kung ano. Feeling ko safe ako nung hawak nya na ang kamay ko nung Retreat namin? Kaya ba hindi na ko umiiyak o nasasaktan kapag iniisip ko si Kevin at yung ginawa nyang panggagago sakin?

Kaya ba? Kaya ba?

Mukhang hindi ko na kailangan pang mag isip kung ano ang kakantahin ko para bukas dahil alam ko na ang sagot.

I think I'm in love again.

Comment