[ 18 ] Day 1 Puting Bato

Mandy's P.O.V

"Mukha kang zombie bakla." Sabi sakin ni ken.

"Mga 1 na kasi ako naka tulog eh" sagot ko.

"At bakit one?" Si maggie.

"Dahil hindi maka tulog?" Patanong kong sagot.

"Yon lang ba talaga?"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Sabi ko nga yon lang talaga."

"Hoy! Senyorita Jewel! Bumangon kana!" Sabi ni ken kay jewel tulog pa kasi tsk kahit kailan tulog mantika.

"F-five minutes pa!" Inaantok na sabi naman ni jewel, naka balot pa din siya nang kumot.

"Wala ka sa Condo mo jewel bumangon kana." Si chelsie, bumangon naman si chelsie at umupo kinusot kusot pa ang mga mata, sabog sabog din ang buhok.

"Arrghhh kasi anong oras na ba?" Tanong niya.

"6:30 palang." Sagot ni maggie tumango naman sakanya si jewel, tumayo ako mula sa pagkakaupo pero agad akong natumba dahil nakaramdam ako ng hilo shit naman, agad naman lumapit sila bakla pala tulungan ako umupo ulit.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni chelsie. Napakamot ako sa ulo nang maalala na hindi pala ko kumain kagabi.

"Nahilo ako eh, wala din pala kong kain kagabi." Halos pabulong kong sagot sakanya.

"Oh ayan! Tas nag puyat kapa!" Iritang sabi ni ken habang may kung anong hinahanap sa bag, nang makita ay binigay niya sakin tinapay at prutas.

"Huwag muna ang prutas bakla wala ka pang umagahan." Sabi ni jewel kaya tinapay muna ang kinuha ko at binuksan sabay kain.

"Hahaha kaya pala nagmukha kang zombie puyat na nga wala pang kain." Si maggie, inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Nasan ka ba?"

Napalingon kami kay chelsie nang marinig namin ang boses ni niven aba mukhang mag ka duo na naman sila!

"Ha? A-no nag reretreat kami ngayon." Sagot naman nitong si chelsie.

"Hmmm, Nasa ka nga ngayon?"

Agad kong sinamaan ng tingin si ken ng hinatak hatak niya ang buhok ko na parang kinikilig, tumitili din siya na walang boses parang tanga.

"Andito kami sa Mount Puting Bato, nasa tent ako." Sagot ni chelsie.

"Sinong kasama mo?"

"Sila mandy tara na nga kanina kapa tanong ng tanong invite mo na ko." Di na namin na rinig sinabi ni niven dahil nag earphone na tong si chelsie tsk.

"Mandy, Ken, Maggie, Chelsie, Jewel!." Si ken na ang nag prisinta na lumabas ng tent narinig kasi namin si ma'am shena na tinawag kami hayss.

"Mukhang hahabol sila chelsie at niven sa valentines ah." Parinig ni jewel di naman siya naririnig ni chelsie kaya ayos lang haha.

"Manhid chelsie natin." Si maggie.

"Tsk, malay niyo wala naman palang feelings." Sabi ko, magsasalita pa sana si jewel ng bumalik na si ken galing sa labas.

"Mga 7:00 daw lumabas na tayo dahil kakain na." Bungad na sabi niya tumango tango naman kami anong oras na ba?

"Anong oras na ba?" Tanong ko.

"6:35." Sagot ni maggie tumango ako at humiga ulit.

"Diba may gagawin tayong mga activities?" Rinig kong tanong ni jewel sa mga bakla.

"Oo, ano kaya?" Tanong din ni maggie.

"Baka naman mag hu-hunting tayo ng mga gwapo—"

"Gago ka talaga." Putol ko kay ken at nag tawanan kami tsk kahit dito ba naman yan padin nasa isip niya.

"Ano chelsie? 7:00 na oh! Nag cecellphone ka pa din." Sabi ni ken may chelsie na nag lalaro padin hanggang ngayon 7:00 na kasi.

"Wait lang una na kayo sunod ako." Sagot naman niya, tumango nalang kami at lumabas na, nakapag ayos na din ako ng buhok jacket at itong jogging pants padin suot ko. Pag labas namin nandito na din ang iba napatingin ako kay audrey na nag lalagay na ng lipstick alam niyo? Kung ibang tao ako tas malalaman ko si audrey ang nasa likod ng you know ni Roven Malacad, pinagkalat ko na yon para sumikat ako pero hindi hindi ko yon ginawa kasi ako si Mandyson Zein Valdez mabait ako hahahaha pero legit kung ikaw nasa sitwasyon ni audrey tas pag kakalat na ganto ganyan ang sakit lang kasi bilang babae dapat kahit ganon nirerespeto padin—

"Tulala ka diyan bestie." Si allen at umupo siya sa tabi ko

"Tsk pangit mo kasi." Natatawang sabi ko.

"Anong connect?" Takang tanong niya

"Oo na wala bwisit ka!"Mag sasalita pa sana siya ng nag salita na si ma'am sa unahan kainan na kasi, tumayo na ko at pumila feeding ang peg. Nang maka kuha ako ulam pala namin ay sinigang na baboy sarap hahahaha.

"Mamayang 1:00 sasabihin ko na ang first activity niyo ang nag isip pala at nag plano nito ay si SSG President Jerald Alabin wala nadin kasing araw pag mga 1:00 dito." Pagkasabi non ni ma'am tumango tango naman kaming lahat si Jerald pala huh. Ewan ko pero tumayo ako at lumapit kay jerald nang makita niya ko ngumiti siya at kumaway and oopps nasabi ko na ba na bakla din siya.

"Kailangan mahal na reyna?" Tanong niya

"Hahahaha by partner ba yung activity mamaya?" Tanong ko.

"Yes why?"

"Hindi ko na tatanungin kung ilan ba na mag ka partner pero sana pres p-artner kami ni kurt." Halos pabulong kong sabi.

"Aba syempre pwedeng pwede, pero.."

"Pero?" Tanong ko

"Pa autograph muna mahal na reyna!" Nakangiting sabi niya napailang nalang ako.

"Ballpen oh kahit ano?" May inabot siyang marker at sa jacket niya gusto mag pa pirma kaya wala akong magawa kundi doon pumirma.

"Hindi ka dapat nag papa autograph dapat sa F5." Sabi ko sakanya.

"Ano kaba! Syempre tapos na ko don!" Sabi niya at tumawa napa ilang nalang ako, ano kayang activity gagawin mamaya?

Comment