Hanggang sa huli by SB19

Sa aking puso'y nag-iisa
Mayroong himig na
Kumakatok sa pinto ng aking ala-ala


'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata
Ngayon, ikaw na lang ang nakikita


Ang ala-ala ko'y 'di nagbago
Sa panaginip ko ay naroon ka


At kahit na ang mundo ay mag-iba
Ako'y laging nandirito
'Di man ako para sa 'yo
Puso'y hindi magbabago
Walang iba, walang iba
Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa 'yo
Sa iyo hanggang sa huli


Siguro nga'y nararapat na ika'y limutin na
Pag-ibig ko'y isang hangin na 'di mo madarama


'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata
'Pagkat ikaw pa rin ang nakikita


Tanging pag-asa ko'y biglang naglaho
Ngunit pag-ibig ko'y di nawala


At kahit na ang mundo ay mag-iba
Ako'y laging nandito
'Di man ako para sa 'yo
Puso'y hindi magbabago
Walang iba, walang iba
Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa 'yo
Sa iyo hanggang sa huli


Kung pinagtagpo tayong dal'wa'y para sa isa't isa
At kung nasabi ko ba ang lahat noon ay may magbabago ba?
Sa aking bawat paghinga, dalangin ay makapiling ka
At kung ito na ang huli, nais kong malaman mo na


Mahal kita
Mahal kita
Mahal kita


Walang iba, walang iba
Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa 'yo
Sa iyo hanggang sa huli

Comment