May Awa ang Dios by Louise Lyle Robles

Kalungkutang bumabalot sa ‘king kalooban
Kay hirap, kay bigat ng nararamdaman
Paano kaya ito malalagpasan
May bukas pa kayang naghihintay


Sa t'wing tila ‘di na makakayanan
Pagsubok na aking pinagdadaanan
Ang tanging pag-asang pinanghahawakan
May awa ang Dios
May awa ang Dios


Kayakap sa bawat gabing dumadaan
Pagtitiwala sa magagawa ng Maykapal
Umaasang sulirani'y malulunasan
Dalangin nawa'y kaawaan


Sa t'wing tila ‘di na makakayanan
Pagsubok na aking pinagdadaanan
Ang tanging pag-asang pinanghahawakan
May awa ang Dios


Salamat sa makapangyarihang awa
Na nagbibigay-lakas sa akin


Sa t'wing tila ‘di na makakayanan
Pagsubok na aking pinagdadaanan
Ang tanging pag-asang pinanghahawakan
May awa ang Dios


Sa t'wing tila ‘di na makakayanan
Pagsubok na aking pinagdadaanan
Ang tanging pag-asang pinanghahawakan
May awa ang Dios
May awa ang Dios


May awa ang Dios
May awa ang Dios

Comment