Kung kailangan mo ng kaibigan
Narito kami’t sa ‘yo’y naghihintay
Hinding-hindi ka namin iiwanan
Hanggang kamataya’y ipaglalaban
Marami na kaming pinagdaanan
Pagod, puyat, sakit ng kalooban
‘Di mabilang araw na nag-iiyakan
Sa ibabaw ng lahat katuwaan
Higit sa kapatid ang aming turingan
Tunay na kaibigan, tapat ang samahan
Kapag nagkikita ayaw maghiwalay
Laging inaabot ng madaling araw
Isa ang dahilan at nagkasama
Layon ng pusong maglingkod sa Dios Ama
Matibay na buklod ng pagkakaisa
Buong kagalakang susunod sa Kanya
Marami na kaming pinagdaanan
Pagod, puyat, sakit ng kalooban
‘Di mabilang araw na nag-iiyakan
Sa ibabaw ng lahat katuwaan
Walang iwanan hanggang kamatayan
Walang bibitaw kahit nahihirapan
Walang iwanan hanggang kamatayan
Walang bibitaw kahit nahihirapan
Tulung-tulong sa ‘ting pagdadalahan
Pasaning mabigat t’yak na gagaan
Marami na kaming pinagdaanan
(Walang iwanan hanggang kamatayan
Walang bibitaw kahit nahihirapan)
Pagod, puyat, sakit ng kalooban
(Walang iwanan hanggang kamatayan
Walang bibitaw kahit nahihirapan)
‘Di mabilang araw na nag-iiyakan
Sa ibabaw ng lahat katuwaan
Tulung-tulong sa ‘ting pagdadalahan
Pasaning mabigat t’yak na gagaan
Walang iwanan hanggang kamatayan
Walang bibitaw kahit nahihirapan
Walang iwanan hanggang kamatayan
Walang bibitaw kahit nahihirapan