Chapter 7

I strongly punch the punching bag. All the emotion I want to release, frustration and irritation. Mas binilisan ko ang pagsuntok. Alam kong nakatingin sa akin ang taong kanina pa ako pinapanood.


"Calm down, Hill...." Miya tease. Kanina pa siya nakaupo.


May kasamang lalaki kanina pero mukhang wala na yata. Tsk flirting...


Napagdesisyonan namin kanina ni Miya na pupunta kami mag workout. And right now, here we are, we are at the gym. Malapit lang sa condo ni Miya. Sa labas din lang ng building kung nasaan ang condo niya. Pagkatapos ng nangyari kahapon ay hindi na ako sigurado sa plano. Umuwi si Claine kahapon pagkatapos ang hindi magandang paguusap namin. Siya lang naman ang hindi nagpaganda ng usapan. Hindi ko ba alam sa konting paglapit ko lang sa kaniya ay naiirita na siya.


I don't know what is wrong with me or he is the only one who really has the problem. All the boys that I have met is good at me but him, it was bad. I got the beauty alright, I thought my beauty would be enough to capture him, but I was wrong. Miya told me that he like girls that is genius like him, simple, descent and lovely. Well, I'm lovely but not simple genius or descent. Base on her ex-girlfriends, Miya is right to her description of what he likes.


Tumigil ako sa pagsuntok dahil sa pagod. I rested my head to the punching bag while holding its side. My breath is heavy and I'm sweating. Nang medyo normal na ang aking paghinga ay pumunta ako sa tabi ni Miya upang makaupo. She teases me with her expression. Binalewala ko ang pangaasar niya. Kinuha ko ang towel sa gilid para punasan ang pawis sa aking leeg at noo.


Habang pinupunasan ko ang aking leeg, kinuha ko ang inumin ni Miya dahil uhaw na uhaw na ako.


"Was it...him?" Miya asked while smiling.


She is asking kung si Claine ba ang dahilan kung bakit ko sinusuntok ng malakas ang punching bag. Usually, kasi hindi ganoon ang pagsuntok ko, Miya knows me well. Naikwento ko kahapon ang paguusap namin ni Claine, imbes na damayan niya ako ay tinatawanan niya ako at inaasar. Pero hindi naman lahat ay dahil kay Claine. The biggest frustration was my stepfather.


Wala pang mensahe ang aking step father nagmula nang magkita kami sa mansion sa Batangas. Doon pa niya talaga gustong makipagkita. Kung tutuusin ay matagal ng siyang nahuli. Pero nasa kaniya ang buhay ng kapatid ko. Kapag nahuli siya ay tiyak na alam na ang mangyayari sa kapatid ko. Hindi niya kasama ang kapatid ko, pinapatago niya ang kapatid ko sa kaniyang ibang tauhan. Hindi ko alam kung nasa ibang bansa o nandito sa Pilipinas.

Umiling ako sa sinabi ni Miya. She smirked.


"Tsk. Ayaw kong pagusapan ang lalaking iyon Miya," irita kong sabi.

She pouted but there's smile in those lips. Umirap ako.

Pagkatapos ng klase namin ay pumunta kami dito sa gym. Mukhang gumagabi na kaya agad kaming umuwi. Natulog ako sa aking kuwarto nang makauwi. I am tired. Hindi na rin ako kumain ng dinner dahil sa pagod beside kumain kami ni Miya ng maraming merienda sa canteen bago kami nagpunta sa gym.


I woke up in six am with sore body, cause of sudden work out for sure. Dahan dahan akong naglakad dahil masakit ang aking mga paa at braso. Hindi pa gising si Miya kaya ako na ang nagluto ng pwedeng makakain. I cook crumbled egg and fried hotdog. Medyo sunog ang hotdog at maalat naman ang crumbled egg.


Gosh this is why I hate to cook!


Konti lang ang kinain ko dahil sa hindi maganda ang lasa ng niluto. Naligo ako ng matagal dahil maaga naman akong gumising. Naabutan ko si Miya sa kusina na nakakunot ang noo habang kumakain. Pinipigilan kong tumawa nang pumunta ako sa tabi niya. Nakita ko na ito palagi kapag ako ang nagluluto at siya din naman kapag nagluluto.


"Miya, are you okay?" tanong ko habang pinipigilang tumawa.


She looked at me and give me a sign that she is okay but sarcastic though.


"Ang sarap ng niluto mo Hill. Sobra...." sarkastiko nitong sabi.


Mukhang pinipilit na kumain dahil gutom na gutom siya. Madaming kinakain si Miya pero hindi siya tumataba. Katamtaman ang hugis ng kaniyang katawan. Pero kung tutuusin ay mataba dapat siya base sa kinakain niya. Wala naman siyang choice kundi kainin ang niluto ko.


Hinintay ko siyang maligo bago kami nakapunta sa school. Naghiwalay kami agad dahil magkaiba kami ng klase. Ganoon palagi ang nagyayari sa araw-araw, pumunta sa school pagkatapos ay uuwi. Scene everyday are Deja vu. Kaya ayaw kong maging estudyante. Boring! Pero ngayon ibang senario. Pupunta ako sa bahay nila Lance. I remember Zack told me yesterday na may overninght sila ngayong sabado. I'm excited. Really excited...


Nagsoot ako ng pinamili namin ni Miya noong isang linggo. I wore high waist short at pinailalim ko ang loose shirt ko dito. The short is a bit revealing muntik ng makita ang pwet ko sa kaikli nito. Hindi ito ang unang pagsosoot ko ng ganito. I always wore this kind of short when I am in Amerika. Pero ang pinakaayaw ko na suot sa pambaba ay skirt. Magsoot na lang ako ng short basta wag lang skirt.


Wala si Miya ngayon sa condo. Maagang umalis, nagpaalam sa akin kanina na may pupuntahan lang daw. I bet may ka date iyon. Sa mga nakaraang araw ay hindi siya sumasabay sa akin paguwi, palaging sinasabi sa akin na may pinuntahan lang daw. Well Miya is the type of girl who always date boys. Noong nasa Amerika kami ay madami siyang boyfriends, oh well not all are her boyfriends, some are her flings.


Umalis ako sa condo ng hapon. Kinuha ni Miya ang kaniyang sasakyan. Wala akong taxi na makita. What the hell... Ngayon pa na wala akong masasakyan. Thirty minutes na ang nakalipas ay wala paring taxi. Tinawagan ko si Lance para sunduin ako.


"Hello, Lance...." bungad ko ng sagutin niya ang tawag ko.


"What?" iritado niyang sabi sa kabilang linya. Mukhang naistorbo ko yata.


"Pakisundo mo nga ako.... Pupunta ako sa bahay niyo."


Napabuntong hininga siya sa sinabi ko.


"Okay..." huling sabi niya sabay patay ng tawag.


Hindi ko alam kung saan nakuha ni Lance.ang pagiging masungit. Ngayon alam ko na kung bakit si Claine ang best friend niya sa apat na lalaking kaibigan niya. Parehas ang ugali!


Ilang minuto ay may dumating na sasakyan. Nangunot ang noo ko dahil hindi ito ang sasakyan ni Lance. Baka iba.... Pero nang tumunog ito ng malakas ay nagulat ako. What the hell! Bumukas ang tinted nitong bintana. Namilog ang mata ko ng iba ang inaasahang makita. Claine on his SUV car. Iritado itong tumingin sa akin.


"Sasakay ka ba o hindi?" he said while rolling his eyes. Napatingin pa siya sa aking soot at nagsalubong ang kilay. Mukhang naiirita na naman na makita ako. Why so rude?


Noong mga nakaraang araw ay minsan ko na lang siya makita na kasama niya ang mga kaibigan. Eugene told me na busy daw sa course na kinuha niya. Civil Engineering? I cannot blame him. Mahirap ang course niya. At graduating pa.... Naalala ko kapag nagkikisalamuha ako sa kanila. Kapag nahuhuli ko siya na nakatingin sa akin ay nagiiwas siya ng tingin sanhi ng pagigting ng panga niya. Kapag ako naman ang nahuhuli niya na pinagmamasdan siya ay di ako nagiiwas. I would smile but he just clenched his jaw.


"Oh okay..."


Umikot ako para makasakay na. Umupo ako sa front seat at nagsimula na niyang pinaandar ang sasakyan. Pag kaupo ko ay namangha ako sa linis ng kaniyang sasakyan. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng sasakyan niya. Unang masasabi ko ay manly. Black and gray.


Maraming tanong ang nasa isipan ko sa pagsundo niya sa akin. Kaya hindi ko napigilan na tanungin siya.


"Bakit ikaw ang sumundo sa akin?"


Hindi siya sumagot, seryoso lang siyang nakatingin sa daan. Gusto ko siyang bigwasan dahil sa attitude niya. Kapag tinanong ko pa siya at hindi sumagot...


"Bakit ika-" he cut me off with his sudden move.


Itinigil niya ang sasakyan, nandito na pala kami sa harap ng bahay nila Lance. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan. Mukhang hindi ako kayang makasama sa loob ng kaniyang sasakyan ng matagal.


"Your cousin beg me.... " He said coldly.


Lumabas siya sa sasakyan ni hindi man lang ako pinansin.


Beg?! Wow.... Big word. Ang pinsan ko ay nagmakaawa sa kaniya para sunduhin ako? The heck! sana sinabi niya kanina iyon para naglakad na lang ako!


Sa labas ay nakita ko rin sina Eugene at Zack na pinaparada ang sasakyan. Kadadating din nila. I saw the girls were with them.


Lumabas ako ng sasakyan ng lalaking iyon at malakas kong isinara dahil sa gigil. 

Comment