Chapter 39

Tumatakbo ako habang sinusundan si Perth.


"Perth!" tawag ko.


Ang heels ng sandal ko ay isa sa mga nagpapapaingay sa paligid bukod sa sigaw ko. Iba ang inaasahan ko na magiging problema ko ngayon. Sa totoo ay... mediyo mas mabigat sa inaakala kong problema. The thought of meeting my grandmother is the biggest problem but I was wrong.


Pilit kong tinatatagan ang sarili, mediyo nanghihina ako at... natatakot.


Nakita ko siyang huminto. I slowly walk towards him. I couldn't rush this kind of situation.


Nasa daan kami. Madilim ang paligid. Natatakot ako sa maaring mangyari sa kapatid ko. Kakaunti lang ang bahay sa lugar na ito kaya posibleng tumakbo siya sa mga puno.


"You lied!" he screams.


Naging mas maingat pa ang paglapit ko sa kaniya. Nang tuluyan nang makalapit ay napailing ako sa sinabi niya.


"I didn't-"


"Yes, you are," aniya sa mas mahinahon na boses.


He is scared and I am too. Pangamba rin at galit. But then it was hard to see the other emotions. Hindi ko alam kung saan siya natatakot. Kung sa katotohanan man o sa ibang bagay.


Did I break his trust? Kasi natatakot na isipin niya na isa ako sa mga tao na hindi na niya dapat pagkatiwalaan.


"Let's get out of here, Perth and I'm going to explain. Not here, okay? It's dark," pagmamakaawa ko.


Umiling siya. "Explain it to me now."


Huminga ako ng malalim.


Maybe explanation is all he needed to understand the thing that confusing him. Pero paano kung hindi niya kayang tanggapin? He will probably think worse than being the son of a man who killed her mother, our mother....


"Okay. I will-"


"My father was the person who killed our mother and he's the person who... " Hindi niya matuloy dahil sa naalala sa mga panahong nasa kamay siya ng kaniyang ama.


Tumulo ang luha ko at tumango. Masakit iyon na isipin pero iyon ang totoo.


"Why did he... " Tinignan niya ako sa mga nagsusumamong niyang mata.


He was too eager to hear my answers.


"And you used Claine to save me, right?"


Damn it. He really knew everything.


"Yes... " Napatango ako.


My tears are pouring like a liquid. Parang pamilyar ito.... Yes... This is very familiar. I felt this feeling before. Naranasan ko na, naramdaman ko na.


"That's how you hurt him. That's how... " aniya at tumango. Naiintindihan ang sinabi ko sa kaniya noon.


"I'm the reason why you stole money and did some illegal things-"


"Perth! I did wrong but it's all my fault, okay? You're out of it."


Umiling siya at niyakap ako. Pareho kaming umiiyak. Napailing ako. Mali ang iniisip niya. Hindi niya kasalanan ang mga ginawa kong mali. And it hurts to see him blame his self.


"I'm sorry Ate... " Binaon niya ang kaniyang mukha sa aking tiyan.


It's been a long time since he cried like these. Seeing him like this just hits different. Iba ang epekto nito. It is painful. I can't even look at him like this. I don't want to repeat how I beg him to talk to me, how I beg him to stop thinking his experience from his father. Ayoko ng mangyari iyon.


"No... It's not your fault." Lumuhod ako para magpantay ang tingin namin.


"It is not your fault." I caressed his cheek.


Suminghot siya at niyakap lang ako sa leeg. He says more sorry. Wala akong nagawa kundi sabihin na hindi niya kasalanan ang lahat ng nangyari. Isa lang ang may kasalanan kung bakit iyon nangyari sa nakaraan.


I did used Claine but I have a reason, maybe a valid reason. I did steal money. I hurt Claine and his family. Nagsinungaling ako. May mga kaibigan ako noon na pinagsisinungalingan ko, marami. But then I think I had a valid reason for doing some of it. Gusto kong malaman kung kanino niya nalaman ang mga iyon. I want that person to know my reason why I did it! Sana inisip niya na bata pa ang kapatid ko kaya hindi niya maiintihan ang lahat ng iyon kung bakit nangyari.


Nakabalik na kami nang tapos na ang party. Buhat ko si Perth. He's not asleep but he's tired. Agad ko siyang pinatulog sa guest room. Tahimik ang lahat nang matapos ang makababa ng hagdan galing sa taas.


Lahat ng kamaganak ko ay naroon pa sa malaking living room.


Agad na lumapit si Tita Mayala. "Is he okay?"


Tumango ako. Iilan sa kanila ay bumuntong hininga.


"We are worried Hill so we wait until you come home. Anong nangyari?" Tita Mila in her concerned tone.


"He....He knows..." Hindi ko kayang sabihin.


Kahit ako hindi ko kayang tanggapin.


"Oh... I thought.... Hindi niya pa alam?" taka na tanong muli ni Tita Mila.


I shooked my head. They know what I'm talking about.


Hirap na hirap ako sa ganitong sitwasyon. Kaya hindi ko kayang harapin ang mga kamaganak na naghahanap ng sagot. Nagpaalam ako pagkatapos kausapin ang ilan sa kanila. I assured them that I'm okay.


My grandmother come near to me when I'm about to walk out. Lahat ay tahimik at pinagmamasdan kaming maiigi.


"I need to talk to you. Follow me." Mariin niyang sabi.


Nauna siyang naglakad. I glance at her daughters who nodded, it was sign that I should follow the order of their mother. Sinundan ko siya. Napunta kami sa isang silid na walang gamit kundi maliit na chandelier sa taas.


"I know your still angry Hillary. Galit ka sa mga sinabi ko noon hindi ba?"


I clenched my jaw. Hindi na ako nagsalita. The answer was obvious. Tumango siya, alam na rin ang sagot. Galit ako sa kaniya dahil doon.


"Well, I say those words because I love your mother so much, Hillary. Hindi ko kayang makita ang bunga ng pagmamahalan ng mama mo at ang mamatay tao na iyon!" Tinuro pa niya ang hintuturo sa kung saan.


Nagulat ako sa pagsigaw niya. Her voice that I heard is far from the Zoella that I knew. Her voice is still soft even when she is angry.


But right now, is different...


I still didn't say anything.


Napailing siya. "I was mad at your mother back then. She's stubborn..." Napaiyak siya. "She's my daughter that I can't even hold because of her stubbornness. Nakikita ko siya sayo. She's my younger daughter. I loved her so much Hillary. All of her sisters knew it."


Napatingala siya para pigilan ang pagbagsak ng luha. "There are times that her sisters are mad at her because I gave everything she wants. Kahit gabi gabi umaalis siya dito, I still gave her everything. Kahit aatakehin ako sa puso sa mga gabi na umaalis siya. Nang magpakasal siya.... I was happy cause she chose the right man for her. The hotel is the only thing I could give."


So, she owned the hotel before and gave it to us.


Nagsimulang tumulo ang luha ko. I don't know how to response. Ilan sa mga sinabi niya ay kasalungat sa mga impresiyon ko sa kaniya.


"Pero nang mamatay ang Daddy mo at nagpakasal muli sa lalaki ay nagalit ako. That man is a murderer, there were a record and multiple crime that he did but your mother did not listen to me. She married him. Nagmula doon hindi ko na kayang kausapin ang Mama mo. Umalis kayo sa bansa na hindi ko na kayo nakakausap. And I can't accept that she died... because of that man. Sinisi ko yung sarili ko. And I want you to know that I told the all-painful words years ago because of hatred."


Malungkot siyang ngumiti. I can see the regret of what she did. But is that an enough reason?


I guess this is the closure... Ito na iyong matagal kong hinigintay. Nagkamali rin ako. Kahit man lang sana kinausap ko siya pero mas pinanaig ko ang aking pride. May kasalan din ako...


"I beg for your forgiveness for it." Suminghap siya.


Naglakad na ito paalis pero agad ko siyang napigilan sa salitang lumabas sa bibig ko.


"I'm sorry too... " My voice broke.


I mean it.


She smiled and walk towards me. She hugged me tightly. Napaiyak ako. I missed Mom because of this. This is what I'm longing for how many years.


"I'm sorry... I was blinded because of hatred Hillary. Hindi ko naisip na inosente ang kapatid mo. I want to thank you for saving him."


We stayed hugging for a while.


When I was a teenager, I hate her. Lagi ko siyang hindi binibisita dito sa mansion dahil ayoko ko siyang makita. I was invited all the time there are occasion but I refused to come. It was a waste of time for me. Lagi akong may palusot. I was lonely even there are many relatives behind me. But I never felt complete.


Pero dahil sa meron ako ngayon mediyo naging kompleto ako. Especially when Claine and I have a relationship. Meron man kulang sa buhay ko, iyong naranasan ko noon na matulog na magisa, pumunta sa school na walang magulang, walang magulang sa graduation, walang magulang sa bahay.


Iba pa rin talaga kapag ang malabong mga bagay nagiging malinaw. They will open your eyes to make things better.


"I want to talk to Kuya Claine." I heard my brother.


Nilingon ko siya. Nandito na kami sa Manila at iyon ang unang sinabi niya. Claine would be glad... Matagal na niyang hinihintay na makausap ang kapatid ko.


I hide my smile. "Really?"


Tumango siya. Ngumiti ako. I hugged him but I remembered something. Gusto man na kalimutan pero parang hindi ko kaya na palampasin.


"Perth... "


"Hmmm?" Kumalas siya sa yakap at tinignan ako.


"Who told you?"


Alam niya ang tanong ko. Alam niya rin ang sagot.


Matagal ko ng gustong malaman kung sino ang nagsabi sa kaniya. Nasa party lang ang taong nagsabi noon. I just can't understand why he or she told my brother about it. I'm thankful that Perth understood it when I explained. Lalo lang nawala ang aking takot at pangamba.


Pero bata pa siya para isipin ang mga bagay na hindi niya pa kayang tanggapin.


Umayos siya sa pagupo. "That's not important anymore."


"Perth." Mediyo may pagbabanta sa boses ko.


The hesitation was evident on his expression.


"Her name is Ariene... "


Nanlamig ako sa narinig. Posible na si Ariene pero...


Aaminin ko na may naging kasalanan naman ako sa kaniya. Ariene was never been my friend. Our connection is tough. Nagsinungaling din ako sa kaniya. Her accusations were... maybe... true. Ginamit ko si Claine pero hindi sa iniisip niya. I did want to get the sympathy of Claine but I never used him because they think I struggle financially. Nalaman rin siguro nila ang mga kamalian na ginawa ko noon kay Lance. Maybe, Lance warned them especially to his best friend, Claine.


May naging kasalanan ako sa lahat ng kaibigan ng pinsan ko. I did used them all. May naging intensiyon ako para lumapit at makipagkaibigan sila. Naging open sila kahit ang ilan sa kanila, katulad ni Ariene ay hindi ako gusto. May maling napapansin na sila kaya ganoon na lang ang pagkadiskurso nila sa amin Ni miya.


But even in those bad things that I did to them, that is not enough reason to involve my brother. Sirain na nila ang lahat sa akin wag lang ang kapatid ko.


Alam ko naman ang kahihitnatnan ng mga nagawa ko sa kanila pero hindi sa paraang madadamay ang kapatid ko at ang mga kamaganak ko.


I don't want to involve my relatives in my plans and all those bad things I did because they don't deserve to be part of its consequences. Wala akong nagawa kundi hindi sabihin sa kanila ang mga desisyon ko. My cousin was still disappointed but then I didn't regret my decisions. Si Ariene, siguro galit siya sa akin dahil sa ginawa ko kay Claine. Pero alam kong hindi lang yon ang kinakagalit niya sa akin.... May iba pa siyang dahilan para kagalitan ako. She has a feeling for Claine and yet Claine couldn't never give it back. That's the other reason why she told my brother the things that my brother shouldn't know. Pero huli na ang lahat.


Promised was a promised. I promised myself that I would never let go. Hindi ko kayang bitawan dahil lang sa may atraso ako sa kanila.


Isang katok ay bumukas ang pintuan ng office ni Claine. Unang bumungad si Ariene... Her smile faded. Nakataas ang kilay na para bang nanghahamon. Her expression scream confidence...


"Ariene who is it?" Claine on his calm voice. The calm is opposite from my behavior right now. It is rough... The rage is there. She can see it on my face.


Binuksan niya ng maigi ang pintuan. I saw Claine sitting on his swivel chair. Kumunot ang noo niya.


"Hill?" napatayo siya.


"I want to talk to you." Diretyo ang tingin ko kay Ariene.


Kitang kita ko ang panguuyam sa kaniya. She just raised her eyebrows in a sarcastic way. It just pisses me more. Para bang konti na lang ay mapuputol ang pinipigilan kong pasensiya.


"Ako?" Tinuro niya ang sarili, nakangisi.


"Yes."


I clenched my fist. Lumapit si Claine. I just glance at him with my cold expression.


Hindi dapat ako magalit sa kaniya pero... sa nakikita ko ngayon... may dahilan ako para magalit sa kaniya.


May dalawang lunch box sa lamesa niya... So, they ate lunch together huh. Kaya hindi niya gusto na sumabay sa akin. Hindi naman dapat ako magselos pero.... iba pa rin naman.


So, this time I'm the one who fooled.


"I knew from the beginning that she would play and hurt you, Claine. Just can't believe she had the guts to come back here and begged for your forgiveness."


Nandidiri niya akong tinignan. "Hindi ka pa rin nagbago. Your still desperate...." With disgusting stare.


"Ariene... stop it. Leave-"


"No, Claine! Hindi ako makakapayag na andito itong babae to! She ruined everything we had in the past. She ruined you! Tapos... lalapit siya sayo na parang walang ginawa na kasalanan?"


Claine clenched his jaw, hindi nakapagsalita. I can sense anger from him. Hindi ko alam kung para sa akin o sa sinabi ni Ariene.


"Nandito sila ng kapatid niya na parang-"


"Ariene!" Claine also stop him but my right hand was is enough for it.


Bago niya pa matuloy ang sasabihin niya ay isang malakas na sampal ang pinakawalan ko.


Nakaparte ang bibig niya habang hinahawakan ang pisngi. The force of the slap was hard. Ito ngayon ang unang beses na sasampalin ko ang isang kapwa kong babae. Nakasampal na ako pero hindi ganito kalakas. I slapped some boys in the past. Naalala ko ang pagsampal ko noon sa mga lalaking nagtatangkang hipuan ako. I also punched and that is what I do most of the time.


Pero dahil babae si Ariene, respeto na rin sa mukha niya.


"Don't ever brought my brother again. I warned you. Kung hindi..." I looked at her from head to toe. "Hindi lang yan ang makukuha mo."


Kitang kita ko ang pula ng mukha niya. My palm was also getting red because of the slapped. Wala akong pake sa kahit anumang bagay ngayon. I just wanna warned her. Iyon lang.


I storm out of that office and headed to the elevator.


I sighed heavily. Nang nasa parking lot na ako ay agad akong naglakad patungo sa aking sasakayan. Pero bago pa ako makapasok ay may sumigaw na sa pangalan ko.


"Hillary!"


It was Clay...

Comment