Chapter 29

"Let's welcome our new president. The daughter of Henry Morgan and Mikaela Morgan, Hillary Morgan!"


Tumayo ang lahat sa kanilang upuan at pumalakpak. Isang ngiti ang aking iginawad. Tapos na ang speech na aking inihanda. Nasabi ko na sa lahat. My inspiration why I take this position and the importance of this company for me.


I'm now the president of Morgan Corp. Lahat ng bumati ay malaki ang ngiti na ginagawad sa akin. Most of them are employees and other have higher position. Ang mga may malalaking puwesto ay mediyo matanda na. Ang ilan pala ay kaibigan noon ni Mom at Dad. All my negative thoughts earlier were replaced by a positive thought since they all welcome me warmly. Lalo na ang mga matatanda.


"We are waiting for you to be the president. Your parents must be proud now," Mr. Torres said and gave me a kiss on the cheek.


"Yeah. Probably...." I chuckled.


Nagusap kami ng ilang sandali bago ako umalis. May mga nagpakilala sa akin habang naglalakad ako papunta sa lamesa nina Tita Mayala.


Ngiti at pasasalamat ang aking tugon. Unang bumungad sa akin ang yakap ni Tita Mayala paglapit ako sa lamesa nila. Her husband gave me a hugged too. They look happy. Siguro ay mediyo mababawasan ang trabaho nila ngayon. They want to merge with Morgan Corp but I refuse. Ako ang tutugon sa mga utang na kanilang kinuha para maibangon ang kompaniya na noon pa iniingatan ng aking mga magulang.


I will pay all my stepfather depts too.


"You should rest tonight, Hill. Bukas ay maaga ka para sa naghihintay na trabaho."


Umupo ako at uminom lang ng wine. "Mmm-hm but I need to enjoy this night."


"Your niece is right, Maya. Let her enjoy the night." Tito Loyd winked at me.


Walang nasabi si Tita Mayala. Naupo na rin sila. Habang abala sila sa pakikipagusap, nilibot ko ang tingin sa paligid para hanapin kung nasaan ang aking pinsan. He is nowhere to be found. Sumingit ako sa usapan ng dalawa. It's about business.


Kalaunan ay hindi ko na napigilan na tanungin kung nasaan si Lance.


"Tita, nasaan si Lance?"


"Oh. Kausap niya kanina ang mga kaibigan na dumalo rin." Nilibot niya ang tingin.


"Nandoon." Tinuro ang may hindi kalayuan. I saw him with his friends....


Shit! Imposible kung nandito si Claine! Damn it. Yeah... It is possible.


Mediyo nagaalangan pa akong tumingin muli sa kinaroroonan ng aking pinsan. Gusto ko sanang umalis pero nakarinig ako ng mga pamilyar na boses ay bigla akong nanigas. Huli na dahil nandito na sila. Tumayo ang dalawa sa aking tabi para salubungin ang mga ito.


They know what I did to their dearest friend a long time ago. If they despise for that then I should face it. Wala naman akong magagawa. Hindi ako makakatakas.


Napalunok ako bago tumayo at humarap sa kanila. Nakita ko ang mukha ni Zack, Eugene at Kyle. They are smiling. I can't tell if that is genuine smile.


Wala si Claine...


"Hi. Long time no see?"


Hindi ko alam kung pekeng ngiti ang igagawad ko sa kanila. I chose the real one. I have no intention to give them a fake smile. Napailing si Zack at Eugene. Parehas nila akong nilapitan at niyakap.


Geez. They don't despise me after all. A big relief with that. Kahit sila man lang ay mapatawad ako. Baka napatawad nila ako dahil sa dahilan kung bakit ko iyon nagawa. Hindi naman ko naman sila nasaktan.


"We missed you, Hill. Ilang taon na ay hindi pa rin nagbabago ang ganda mo."


I rolled my eyes to Zack, hiding my smile. Hindi pa rin nagbago huh.


"Mas gumanda nga e... "


I blushed. Nakalimutan ko na babaero pala ang mga ito.


Tumikhim si Tita Mayala. "Maiwan ko muna kayo." May multo na ngiti sa mga labi ni Tita Mayala habang sinasabi iyon.


Nang makaalis sila ay naupo na kami nina Zack, Eugene at Kyle. Kyle was obviously happy to see me. He just smiled. Ang aking pinsan ay iniwan kami. He's looking for someone. Gaya ng sinabi ni Zack. They didn't change at all. Still being friendly and talkative, especially Zack and Eugene. Kahit ilang buwan lang kami naging magkakaibigan ay parang matagal ang pinagsamahan namin.


"Kamusta ka naman sa America?" tanong ni Eugene.


Tahimik silang nakinig sa kuwento na sinasabi ko. Lahat ay katotohanan. Hindi gaya noon na may mga bagay akong nililihim. They deserve to know the truth.


"May kapatid ka pala... "


"Oo. His name is Perth. Twelve years old."


Katahimikan ang sumunod na nangyari. I know what they are thinking.


Gusto ko man hindi buksan ang usapan na ito pero gagawin ko. Hindi nila gustong tanungin ako tungkol kay Claine. Siguro ang iniisip nila ay sinaktan ko si Claine at wala naman talaga akong nararamdaman noon sa kaniya dahil ginamit ko lang siya. Hindi ko naman sila masisi.


I used him. But my feelings for him was real. Until now.... The feelings don't fade away and always hurting me for leaving him that way. Masakit din isipin na hanggang ngayon ay nasa isipan niya pa rin na ginamit ko lang talaga siya. He thinks that I'm a heartless person. All of them... they think I'm a heartless person. They don't want to ask me about Claine because of disappointment. Kung maririnig nila ang totoo galing sa akin ay mas lalo lang sila madidisappoint.


"Si Cla-Clay... Kamusta siya?"


Napaiwas bigla ng tingin si Eugene. Habang si Kyle at Zack naman ay nasa akin lang ang tingin at mukhang nabigla sa sinabi ko.


"O-okay lang naman siya. He's doing alright." Bahagyang tumawa si Zack sa huling sinabi. The awkwardness....


Ngumiti ako. "You think he forgave m-me now?"


Tumikhim naman si Kyle at siya ang nagsalita. "He will... "


He will huh. Kailan kaya?


"Oo naman, Hill. Baka kapag nagkita kayo muli ay mawawala ang galit noon." Kumindat sa akin si Eugene, kasabay nito ang pagtawa nilang dalawa ni Zack.


Gusto ko man magtanong ng marami ay hindi ko ginawa. Ang huli naming paguusap ay natuon sa negosiyo. They look professional and serious when it comes to business. Ako naman ay... may malalim na iniisip. Tuluyan na kaming nagpaalam sa isat isa nang matapos ang selebrasiyon para sa pagupo ko.


Si Perth ay nasa bahay nina Tita Mayala. Iniwan ko siya roon. Tinawagan ko siya ay okay lang naman daw sa kaniya kung doon siya matutulog.


"Okay. I will fetch you tomorrow then."


"Yes. After lunch? You have a work, right?"


"Yeah. After lunch. See you...."


I heard him chuckled. "Bye. Love you."


I smiled. "Love you too."


The call ended.


Tomorrow will be my first day to work as president. I expected it was a rough day, and it does. Sana pala ay nakinig ako kay Tita Mayala. I enjoyed the night but here I am... sleepy and tired.


Isang kalmot sa aking leeg bago pinatong ang mga papeles sa lamesa. Hindi ko alam kung pangilang kalmot na ang nagawa ko. Kung hindi sa leeg ay sa ulo. It is tiring. Inaalala ko pa ang mga dapat kong gawin sa susunod na linggo. I don't know what to do. Kung gawin ba ang mga papeles na binigay ng sekretarya ko o ang planuhin ang gagawin sa susunod na linggo.


Isang katok muli ang narinig ko. Napapikit ako ng mariin. Sumilip si Lara sa pintuan, may dala na namang panibagong folder.


"This is from-"


"Just put it here... " Pinaglapat ko ang dalawang kamay sa lamesa.


"Okay, Ma'am." Marahan ang paglapag nito. She knows what I'm thinking.


Pinagpatuloy ko ang trabaho. Mediyo dinalian ko dahil susunduin ko pa si Perth. Natapos ko na lahat nang matapos ang tanghalian. Naglunch ako sa office bago tuluyang umalis. Dala ko ang sasakyan ni Miya. And I remember I will buy a new car next week.


Isang katok sa gate nila ay bumukas na. Diretyo akong pumasok. Sa may mini court ako napunta dahil doon maingay ang paligid. I saw Perth playing basketball with Lance. Nangunot ang noo ko. Hindi siya pumasok sa trabaho?


"Lance? Wala kang trabaho ngayon?" bungad ko nang makalapit ako.


"Half day."


Umupo muna ako saka nilingon si Perth na abala sa pagdri-drible ng bola. Nakapagtataka dahil hindi siya sa condo niya maglaro.


"Ate Hill. Nandito ka na pala!"


Tumabi sa akin si Lauren. Nagusap muna kami habang ang dalawa ay naglalaro ng basketball.


Ganoon lagi ang nangyayari kada araw. Dahil naging abala ako sa mga sumunod na linggo, pinaubaya ko muna si Perth kina Tita Mayala. Doon na siya minsan natutulog. Nagaaral na rin siya kaya hindi ko maasikaso. Tita Mayala told me that it's okay.


"Grabe! You are too busy. Kahit text ko ay hindi mo mareply'an."


Bumuntong hininga ako.


She's right. I can't even reply to her messages. Nagaaya na pumunta sa bar o di kaya ay magdinner sa mamahaling restaurant. I have no time for that. For the last few weeks, I have been busy. Ngayon ay pinaunlakan ko siya. Napunta kami sa isang restaurant. Pagkatapos nito ay babalik muli sa trabaho.


"Si Waldo naman ay may girlfriend na! In love na ata yung isang yon! Tss." Muli siyang napainom ng wine.


What the heck is wrong with her? Kanina pa siya inom nang inom ng wine. Iba sana ang inaya niyang maglunch.


"Were here to eat lunch. Not to..." She knows what I mean.


"Tsk. Ngayon mo lang naman akong samahan."


"Kahit na, Miya. Hindi nga kita sasamahan kung hindi mo ako pinilit. This lunch is supposed to be an important one. Not to waste to get drunk."


Her eyebrows raised. She seemed offended. Dinaan niya ito sa irap para mawala iyon. Guilt crept inside me.


"So best friends just hang out with important one? Is that how it works?"


Oh gosh. I know her point but I'm talking about my expensive time today.


"Miya you-"


Nanlaki ang mata nito habang nakatingin sa likod ko. Napainom siya ng wine. Sa uri ng tingin niya sa akin ay may guto siyang sabihin. Hindi ko alam kung para mawala lang ang usapan na to o importante ang nakikita niya.


Sa huli ay hindi ko pinatulan ang ginagawa niya. Kahit dumiin ang titig nito.


"You know what. I'm go-"


"Claine is here, Hill," she hissed.


Nanigas ako sa aking kinauupuan. Nilingon ko ang aking likuran kung totoo ang sinabi ni Miya. And she's right.


I saw Claine with... Ariene and my cousin. Nakasoot ito ng grey button-down shirt and black slacks. Kagagaling lang sa trabaho, katulad ko. Ariene was wearing a mini skirt. Sa uri ng pananamit niya ngayon ay naiiba noon. She seemed confident wearing skirt. Ang iksi pa nga.


Nanuya ang lalamunan ko sa nakita. Si Miya ay nangingiti. Kung hindi ako nagkakamali, nanguuyam.


"Wow. Dito talaga kayo magkikita muli."


Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Kinuha ko ang bag sa lamesa.


"Let's go. I have some meetings to attend."


She chuckled. Tumayo na rin siya. Tinawag niya ang isang waiter para makapagpayad. Hindi ko na siya hinintay pa na matapos.


Naglakad ako at kahit alam ko na malalagpasan ko ang lamesa nila. Alam kong nasa akin ang tingin nilang tatlo. My cousin just sat there and drink on his glass, hiding his smirk while Ariene gave me an insulting look.


I met his gaze when I glance at their table. I saw how his cold eyes darted on me. Hindi ako nakahinga sa bawat lakad ko. Nang makarating na ako sa parking lot ay nanghihina kong binuksan ang bagong sasakyan na kakabibili ko lang kahapon.


Naupo ako at pinakalma ang sarili. I realize something.


The rage is very evident on his eyes. I saw it. He hates me.


Comment