Chapter 1

"Hillary!" sigaw ni Miya habang kumakaway sa akin. Pinasadahan ko ang suot niya. Eww!


She is on a new uniform. That is unusual, ang palagi niyang sinusoot noon ay boots at jeans. I am very surprise about her outfit today at kapag nakita ito ni Waldo ay paniguradong luluwa ang mata niya.


Tumawa siya sa reaksiyon ko at siya naman ngayon ang tumingin sa damit ko. She gives me a disappointed look. Hinawakan niya ang ang laylayan ng leather jacket na suot ko.


I told her that I do not want to wear a uniform and right now I felt guilty not wearing it. Okay, she looks good but I felt bad for her. Kung iisipin kong ako magsusuot ng ganiyang damit ay hindi ko kakayanin. Like wearing a skirt.... Oh gosh!


"Ang sabi mo magsusuot ka ng ganito?" she said referring to the uniform that she is wearing right now.

"Gosh! Miya, sa tingin mo papayag akong magsuot ng ganiyan?" turo ko sa suot niya.


She rolled her eyes.


"Andun sa plano yun Hill," frustrated na sabi niya. "Lahat ng mga kaibigan niya disente tapos lalapit ka sa kanila na parang gangster. Hindi yun cool sa kanila, tsk."

"Okay," tipid kong sabi na mas lalong nagpairita sa kaniya.


Sineniyasan niya akong tanggalin ang leather jacket. Really?


"Tanggalin mo na lang ang jacket mo," utos niya kaya iyon na ang ginawa ko para matapos na argumento patungkol sa suot ko.


Nagtungo kami sa isang cafeteria at doon muna tumambay bago mag attend sa klase. Parehas kami ng kursong kinuha pero magkaiba kami ng set. I am at set C and she is at set D. Pero sana sa mga ilang subject ay magkaklase kami.


Nagaral kami noon sa UCLA pero dahil pinapauwi siya ng parents niya ay napilitan siyang umuwi dito sa Pinas. At ako magbabakasiyon lang sana ako sa Pilipinas pero may pinapagawa na naman ang pinaka ayaw ko na tao sa buong mundo. I hate to think that he is my mother's second husband.


Bumili muna ng pagkain si Miya at naiwan akong magisa sa mesa. Habang pinaglalaruan ang aking cellphone ay nakita ko ang pinsan kong may kasama. That is his friends for sure. Tumayo ako at nagtungo sa kinaroroonan nila. Nakaupo na sila sa isang mesa nang makalapit ako.


Nakakunot ang noo ni Lance habang nasa gilid niya ako na nakatayo. Dahil sa atensiyon na binibigay niya sa akin ay napatingin din ang mga kaibigan niya.


Oh, this is my surprise for him. He thinks nasa Amerika pa ako! Ang nakakagulat ay nagaaral ako sa pinagaaralan niya. How ironic is that.


Tumawa ako sa reaksiyon niya.


"Hey couz it's me," natatawa kong sabi sabay upo sa bakanteng upuan na nasa gilid niya.


"Bakit di mo sinabi na andito ka Pilipinas? And....what are you doing here?" naguguluhang tanong niya.


That sounds off. I chuckled a little bit. His reaction says it all. Pansin ko rin ang naguguluhang reaksiyon ng mga kaibigan niya.


"Sumabay ako kay Tita Rita papunta dito. Kahapon lang ang flight kaya.... yun."


He seems pissed with my answer.

"Then WHY ARE YOU HERE?" he whispers, every word he utters is emphatic.


I chewed my lip at bumaling ako sa lalaking nakatingin rin sa gawi namin na galing sa pagbabasa ng libro ay natuon dito atensiyon niya. That is him.


His eyes are directed into mine. The side of his lips rose. I smirked.


"Simple, magaaral ako dito," tamad kong sagot sa aking pinsan na ngayon ay naglaglag ang dalawang balikat sa sagot ko.


He shook his head in disbelief.


"You didn't even inform us Hill!" galit niyang bulyaw.


Tinaas ko ang dalawang kamay ko. Chill...


"Look, hindi ko na nasabi dahil busy ako, besides masakit ang ulo ko kaya nagpahinga ang ginawa ko kahapon," paliwanag ko.


Hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. He closed his eyes tightly. Mauobusan yata siya ng pasensiya ng wala sa oras.


"So... Kaibigan mo sila?" sumulyap ako sa mga nakaupo.


Of course! I know that this are his friends. Information is the key. Lance just role his eyes. Naupo na sa inuupuan niya kanina. Mukhang ayaw ng maki-pagargumento pa.


"Yeah," tipid nitong sabi sabay tamad na sinulyapan ang mga kaibigan.


Five boys and three girls. Pinakilala niya ako sa kaniyang mga kaibigan. I smiled at them.


Ngumiti ang nasa harapan ko, he is Zack.


"I'm Zack," pakilala nito sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko ito and sa katabi niya is Eugene.


See? I know them.

"Eugene," tipid nitong sabi. Sa tabi naman ng pinsan ko ay si Kyle.


"I'm Kyle."

Sa katabi ni Kyle that is Fara katabi ni Fara si Isabelle sa katabi ni Isabelle si Viviane.
Ngumiti lang ang mga babae sa akin hindi man lang nagpakilala. How rude.

Sa kabilang banda ang katabi ni Eugene ay si Paul na pinagtutuunan ng pansin ang cellphone. And the last one that is Claine nakatuon sa libro ang atensiyon. He does not even glance at me. Mas importante pa ba ang librong iyan kaysa sa akin?


I know their names, their places and who they are. That is part of my mission.


Magsasalita na sana ako pero nabigla dahil may humawak sa aking balikat. Akala ko ay si Lance, ang pinsan ko. Pero ng tumingin ako ay si Miya pala.

I forget about her. Damn.

Tumingin ako sa aking relo. I am late.


"What the hell Hill kanina pa kita hinahanap!" naghihingalo sa pagod si Miya.


Nang tumingin siya sa mga taong kasalamuha ko ay agad ko siyang hinila at nagpaalam sa aking pinsan. Nang mediyo malayo na kami ay doon bumagal ang lakad namin kasabay nito ay binitawan ko ang kamay niya. Tinuro niya ang pinanggalingan namin kanina na may pangaakusadong tingin.


Oh well she knows them first before me. She is the one who has done the research.


"You...." tinuro niya ako sabay ngisi. Hmm... what a coincidence Hill, yung pinsan mo ay kaibigan ng-" hindi nya naiutloy dahil sa banta ng aking tingin. She raised her two hands.


"Alright. Alright..." agap niyang sabi


"Dalawa lang tayo ang dapat na nakakaalam Miya," I said before turning back.


She just smirked. Humarap ulit ako sa kaniya.

"My cousin is nothing to do with my plan, Miya." Tumango siya. "He's out of the league," tumango siya ulit.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Kita na lang tayo mamaya," she said and I just nooded. Naglakad na ako papunta sa aking klase.


Miya is my bestfriend. She is like a sister to me. Noong naninirahan kami sa Amerika ay siya ang tanging sandigan ko kapag may problema. We were ten years old when we met. Kapitbahay namin sila sa Amerika. Katulad ko ay filam din siya, ang Mama niya ay pinay at ang tatay niya ay foreigner like my father. Her mom is my mom's bestfriend. Kapag sa tuwing nagaaway sila ng aking step father ay ang Mama ni Miya, si Tita Flor ang sandigan ni Mom. Ang pamilya ni Miya ay mayaman pero kung iisipin ay simple lang siya. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay ma pa gamit, damit o patungkol man sa mga sasakyan.


We are bestfriend for eleven years at kahit kelan hindi niya pinaramdam sa akin na nagiisa ako. Kagaya ngayon ay tinutulungan niya ako sa plano ko. Nagtransfer siya ng university para makasama ako. Magaling siya kung ang pinaguusapan ay patungkol sa mga computer at sa imbestigasyon. Ang tatay niya ay isa sa mga tumutulong upang mahanap ang aking kapatid. Ang papa niya ay isang general sa ibang bansa at nakikipagtulungan sa mga agent sa Pilipinas. Miya and Tita Flor convinced Tito Matthew to help me with my mother's justice and to find my brother. At hanggang ngayon ay tinutulungan parin nila ako.

I owe them.

Miya's parents treat me like I am their own. At kapag may masamang nangyari sa kanila dahil sa akin ay hindi ko mapapatawad ang sarili. 

Comment