Chapter 25

"Waldo!"


Kung makasigaw si Miya ay parang isang dekada na hindi namin nakita si Waldo.


"Damn. I miss you girls..."


"Miss ka na rin namin, Waldo." Niyakap ni Miya si Waldo.


Nakatayo ako habang pinagmamasdan ang dalawa. Nasa tapat na kami ng NAIA. Ang magulang ni Waldo ay wala pa kaya nandito muna kami sa labas upang hintayin sila. Nauna pa kami talaga ni Miya kaysa sa pamilya ni Waldo. Miya was so excited to see him so she woke up early and drugged me here.


"Hillary." Tinawag ako ni Waldo nang mayakap niya si Miya. "Miss me?"


Lumapit ako sa kaniya upang mayakap siya ng mahigpit. He chuckled and hugged me back.


"Of course, I miss you, Waldo. It's been a month's eh."


Nang bumitaw ako sa yakap ay nakita kong pinipicturan kami ni Miya. Nakangiti ito habang hawak ang cellphone. Nilahad niya ang cellphone niya. "Picturan mo rin kami, Hill."


Kinuha ko ang cellphone niya at tinutok sa kanila. I take three shots. Hinintay naminna dumating ang magulang niya. Ilang minuto kaming nagusap bago dumating na ang magulang niya. His parents were very emotional when we are inside their car. Naiiyak ang kaniyang ina habang ang ama nito ay tumatango sa mga sinasabi ng asawa. Waldo's parents are old. Akala ko noong una ay lola at lolo niya pero nang tinawag sila ni Waldo no Mom at Dad ay doon ko napansin na magulang niya talaga.


"May girlfriend ka na ba, Waldo?"


Nagkatinginan kami ni Miya. Panay ang asar namin sa kaniya kanina dahil wala itong naiuwi na girlfriend. May girlfriend raw pero nasa America.


"Yes, Mom. She's in America."


"Bakit hindi mo dalhin sa Pilipinas at ipakilala sa amin?"


Nilingon kami saglit ng ina ni Waldo, para bang naghahanap rin ng sagot sa amin.


We don't know his girlfriend. Alam namin ni Miya na purong amerikana iyon kaya malabo na makapunta dito sa Pilipinas.


"She's just my girlfriend, Mom. Not my fiancé." Binuksan ni Waldo ang pintuan ng sasakyan, ayaw ng pagusapan pa ang girlfriend nito.


Nagpipigil kami ni Miya ng tawa dahil sa sinabi ni Waldo. He's not serious man... Answer pa lang ay alam mo ng hindi seryoso sa relasiyon. That's why he's our friend. Bumati sa amin ang simoy ng hangin nang bumaba kami sa sasakyan. Maraming puno sa labas ng bahay nila Waldo. Their house is very classy. Mukhang matagal na dahil sa uri ng pagkakagawa nito.


"Waldo kahit na! Girlfriend mo yun. Batang to. Dapat nga ay asawain mo na para magkaapo na kami ng Dad mo. Ano ba ang ginawa mo sa Amerika at hindi ka naturuan ng uncle mo na magseryoso sa ganiyang bagay. Matanda ka na."


Kahit nasa loob na kami ng bahay nila ay pinapangaralan pa rin si Waldo.


"I'm just 22, Mom." Inis na sinuklay ni Waldo ang buhok nito.


"Pwede ka namang magasawa kahit sa ganiyang taon," singit ni Miya.


"Oo nga." Ako naman.


Nagtiim bagang si Waldo dahil wala na siyang kakampi. Pagod niyang tinignan ang ama. Ang ama nito ay busy sa pagpasok ng mga gamit niya, kasama ang ilang kasambahay. Hindi na tumulong si Waldo dahil sa pagod na ito at ngayon ay may sermon pa.


"Noong mag-asawa kami nitong si Wendel ay matanda na kami. Buti nga at nagkaanak pa kami. Kaya mas mabuti na magasawa itong si Waldo ng maaga para hindi matulad sa amin," kwento ni Mrs. Buendia sa amin ni Miya.


Kumakain kami ay iyon pa rin ang topic. Hindi rin naman siya masisisi. Waldo must provide grandchild for his parents. Iyon naman talaga ang gusto ng magasawa.


The lunch is enjoyable. Si Waldo lang ang hindi nagenjoy dahil sa mga pangaral ng kaniyang ina. Nang matapos kaming kumain ay agad din kaming umalis ni Miya. Hinatid kami ni Waldo. Hindi dala ni Miya ang sasakyan niya kanina dahil nababagot itong magpatakbo ng sasakyan.


"How's life here?"


"So good, Waldo. Ang sarap mamuhay dito sa Pilipinas. Itong si Hill ay may boyfriend na. Sa wakas."


I glared at Miya. She's teasing me now huh.


"That's not surprising." Tawa ni Waldo.


"Serious relationship, Waldo."


Nagulat si Waldo pero napangisi kalaunan. "Ang pagtira sa Pilipinas pala ay binabago ang dating kaugalian."


Geez. Kung makapagsalita ang isang to ay akala mo hindi magbabago ka pag dito na nanirahan. Magiging isang workaholic ang isang to. Malay ko ay hindi na ito magiging babaero?


"Tayo... Hinatayin mo ring baguhin ka ng Pilipinas. Baka mamaya ay hindi ka na makatikhim ng maraming babae. Baka isa na lang, Waldo."


Isang buga ng napakalakas na tawa ni Miya ang narinig. Nakisabay ako sa kaniya. I got Waldo there.


Nagpaalam na kami ni Miya nang maihatid na niya kami. It's friday. Wala kaming subject ni Miya ngayon kaya nasundo namin si Waldo. Agad akong humiga sa aking kama nang makapasok ako sa aking kuwarto. Nawala ang antok ko kanina pero nanumbalik nang makauwi. Claine are with my cousin's condo. He texted me earlier to fetch me later. Kaya natulog muna ako bago sasama sa kaniya mamaya.


It was four pm when I woke up. Isang katok ang nagpagising sa akin. Tumaas ang kilay ko nang si Miya ang bumungad. May multong ngiti ito.


"What?"


"Your boyfriend is in the living room. Waiting for you. And your cousin too."


Bakit nandito rin si Lance?


Tumango na lang ako kay Miya bago pumasok muli para makapagbihis. Ayoko namang magmukhang pangit sa paningin ni Claine. Narinig ko ang panunuya ni Miya sa labas.


"Wear sexy clothes, Hill. Aalis muna kami ng pinsan mo at maiiwan kayong dalawa dito."


So yeah... I wear sexy clothes. A above the knee halter dress. This is not the first time to wear this kind of dress but the feeling to wear it is different.


Katulad ng sinabi ni Miya ay umalis sila ng pinsan ko. I saw Claine reading some newspaper. Nang tumikhim ako ay napalingon siya. Kaagad niyang napansin ang aking suot. His eyes are so intense when he met my gaze. Hindi ko maipaliwanag ang reaksiyon niya.


Shit. It is embarrassing for me. Baka ano pa ang isipin niya. Umupo ako sa tabi niya para humupa ang nararamdamang hiya.


"Hindi mo gusto?" tanong ko nang hindi pa siya nagsalita.


"I like it... "


Kinagat ko ang labi sabay lingon sa kaniya. "Really?"


"Yes. I like it." Bumuntong hininga ito. "Can you stand?"


Sinunod ko ang utos niya na nagaalinlangan. Nang nasa hita niya ang tingin nito ay nagiwas siya ng tingin at tumango na lang bago tumayo.


"That's okay for me. Let's go." Hinatak na niya ang aking kamay bago umalis.


We're having a date. Habang nasa biyahe kami ay panay ang tanong ko sa kaniya kung saan kami pupunta. Dinner lang naman raw sa isang restaurant but I'm doubting. Kung sa restaurant ay kanina kami sana nakapunta. It's already thirty minutes left but where not in the restaurant. Kaya nang mediyo tumatagal ang biyahe ay tumahimik ako at nagisip. Two weeks na lang bago ko maibigay ang gusto ng step father ko. I must get it before this weekend. Jay texted me that I must focus on my mission. May lead daw sila sa lokasiyon pero hindi pa iyon sigurado.


"You, okay?" Claine suddenly asked when he noticed that I'm quiet.


I smiled. "I'm okay. Mediyo inaalala lang ang isang subject sa major."


"What subject? Maybe I can help."


Umiling ako. "Hindi na. Tapos na ang exam so no need."


He nodded then hold my hand. "Alright, just ask me when you need help so I can help you."


My heart hurts so bad. Hindi dahil sa misyon ko o ano man patungkol dito. My heart hurts so bad because of Claine. Paniguradong mamimiss ko siya. Two weeks is counting. Am I ready to leave this country when I will get my brother? Leave Claine?


I sighed then held Claine tightly. Biglang tumigil ang sasakyan. Malaking gate ang tumambad sa amin. My heart is racing when I have a hint where we are.


Shit. Please not here. Not the mansion of Claine. But I'm supposed to be happy, right? Hillary, you supposed to be happy! Kasi makukuha mo ang pinakapakay mo!


"Were here," anunsiyo ni Claine. Ngumiti ito sa akin pagkatapos ay may guard na sumalubong sa amin.


"Sir Claine?" isang lalaki nang buksan ni Claine ang bintana. "Akala po namin ay bukas pa ang dating..."


Napatigil ito at napatingin sa akin saka tinuloy ang pagsasalita."-niyo. Ang lola niyo ay kausap ngayon ang ilan niyong kamaganak."


Shit. Relatives of Claine are here. I need to calm down and focus. This it. I need to get those damn papers. Titulo ng lupa at isang kasong tungkol sa pulitiko. Imposibleng wala dito yon hindi ba? But why I'm forcing myself if I know already the truth. It's here.


Nang bumaba kami ay hawak ni Claine ang kamay ko. May lumapit pa na dalawang kasambahay. Panay ang lingon sa akin. Nang bumaba ang tingin sa magkahawak naming kamay ni Claine ay nagbulungan ang mga ito. Kausap pa ni Claine ang lalaki kanina kaya nandito muna kami sa labas.


"Sige. Aalis ba kayo kaagad ngayon, Claine?"


Nilingon ako ni Claine. "Can we stay here tonight?"


Ngumiti ako at tumango.


"Hindi. Bukas kami aalis."


"Sige, ipapark ko na ang sasakyan mo kung ganoon?"


Tumango si Claine at binigay sa kaniya ang susi ng SUV nito. Ang mga kasambahay naman ngayon ang nagsalita.


"Nagaantay na si Lolita at ang bisita sa loob, Claine," ani ng isang matandang babae.


"Alright. Tell them were gonna be there for a minute."


Tumango ang dalawang babae. Bago sila umalis ay nilingon nila ako. I smiled but they didn't do the same. Si Claine lang nginitian nila.


"Restaurant ito Claine?" tanong ko nang umalis na ang dalawang babae. I wanted to mock him but I did in good a way.


"I just want to surprise you... " He held my waist, our body pulled closer. "Gusto kitang ipakilala. My grandmother was bugging me to brought you here. May family gathering kasi kami bukas, don't worry, hindi tayo magtatagal. And I didn't ask for your permission, I'm sorry..."


Umiling ako. Masaya nga ako. "No. I'm happy, Claine. Thank you for bringing me here. I want to meet her.


He chuckled. "Hmm... Let's go inside then. My cousins are here too."


Tumaas lang ang kilay ko. "I want to meet them too."


Tahimik kaming naglakad patungo sa loob ng mansion nila. Kahit mediyo kabado ako ay nanatili akong kalmado. Hindi pansin ni Claine iyon kaya mas kumalma ako. He doesn't know what I'm planning tonight.


"Claine." Isang matanda ang yumakap kay Claine. "Hijo, bakit hindi mo sinabi na ngayon ka dadalaw? Ang akala ko ay bukas pa? At bakit hindi mo kasama si Ariene?"


"Tapos ang klase ng maaga kaya ngayon na lang. Ariene will be here tomorrow, may klase siya sa gabi. And I brought my...." Hinawakan ni Claine ang kamay ko at linapit sa tabi niya. "My girlfriend, Hillary... "


Her grandmother turned her gaze to me. I was feeling nervous but when she slowly smiled, I was assured that she likes me.


"Hillary... Aba, napakaganda pala ang nobya mo Claine." Sinuri nito ang mukha ko. "Hindi ko masisi ang apo kung bakit ikaw ang unang nadala niya dito."


I slowly turned my head on Claine. Nagkatinginan kami saglit. Ang mga mata nito ay mapupungay. Ngayon pa lang alam kong malalim na ang nararamdaman niya sa akin. What the fuck? Ako ang unang dinala niya dito?


Binalik ko agad ang tingin sa matanda. I just smiled shyly.


"Pumunta na tayo sa dining area at kumain na. Baka pagod pa kayo sa biyahe. Linda! Nasaan na si Benny? Tawagin mo na at kakain na. Pati yung mga bata sa taas tawagin niyo at kakain na!"


Hinawakan ni Claine ang baywang ko, iginiya niya ako papunta sa kanilang dining table. Sa isang malaking mesa, nakaupo ang mga alam kong relatives ni Claine. Unang lumapit kay Claine ang isang lalaking may katangkaran. Nagkamustahan sila ng ilang saglit at palingon lingon sa akin.


"Si Ariene ay bukas dadating. Bakit ibang babae ah? Akala ko si Ariene?"


Kahit bulong iyon ay narinig ko pa rin.


"Tsk. I told you to stop telling me that kind of shit, Frank."


Natigil ang dalawa nang dumating ang lola ni Claine. Nagsiupuan na ang lahat na kadadating lang rin. Pati ako ay umupo rin. Lahat ng tingin ay nasa akin kaya naiilang ako. Tumikhim ang matanda kaya nagiwas sila ng tingin. Ngumiti lang sa akin ang matanda.


Nang magsimula kaming kumain ay panay ang lakbay ng kamy ni Claine sa hita ko habang kinakausap niya ang pinsan niya palang si Frank. Minsan ay nagtatanong sila sa akin. Konting tango lang ang tugon nila sa sagot ko.


Claine's family are not that big. May tatlo lang na babae na may isang anak o di kaya ay dalawa.


"Business ad? You have a family company?" A woman in her late forty's asked me when I answer her question "What's your course?"


"Yeah, we have but my aunt was handling it."


Natuon ang atensiyon nilang lahat sa amin ng babaeng kausap ko. Tahimik lang naman si Claine sa tabi ko. His hand on my lap is now holding my hand. Tapos na kami kumain kay heto, tinatanong ako ng maraming bagay.


"Who's your aunt? Maybe I know her... "


"Mayala Velez..."


"Oh... Si Ayala." Iyong isang babae na mediyo matanda na.


"Your grandma is Zoella?" Ang lola naman Claine ngayon, a bit shocked.


"Yes... " I forced a smile. Sana ay hindi nila nakita na peke yung ngiting iyon.


Tumango ang iba na parang may nalaman sa akin na maganda. They have a high expectation since their nephew is very precious to them.


"So why Ayala is handling your company?" tanong nong unang nagtanong kanina. Strikto ang mukha nito. Kaya mediyo kinakabahan ako pero dahil sa tanong niya parang nawala ang kaba ko.


This is very easy question but hard to answer.


"My parents are both died so..."


Humigpit ang hawak ni Claine sa kamay ko. Ang iba ay napasinghap. Yes, right. Claine and I lost our parents when we are child.


Malungkot na ngumiti ang lola ni Claine sa akin bago mariin na tinitigan ang anak na babae. "Stop asking now Genevive. You're ruining the night."


"I'm sorry..." Genevive gave me an apologetic look and I just nodded.


It's alright. Si Claine ay ngumiti sa akin. "Ganoon talaga siya."


"Don't try to ruin my image to her, Claine," banta ng Auntie niya.


Tumawa ang ilan kaya sumabay rin ako. Claine's family is very kind. Especially his grandmother. But.... I need something to do tonight. Ang mahalaga ay hindi ako nagpapanggap sa pamilya ni Claine Hindi ako nagpapanggap na maging mabait. Hindi ako nagpapanggap dahil sa isang dahilan na hindi ko kayang aminin. But I'm here for another reason. I need to do it. Aalis kami bukas at walang kasiguraduhan na babalik pa kami rito.

Comment