Part 14

JEMA:


" bakla nasan kana?" si doricel  sa kabilang linya.


" nandito pa sa ospital bruha nasan kana ba?" tanong ko pabalik, day off ko kasi bukas at ang bruha gustong mag over night sa bahay dahil wala din daw siyang photo shoot bukas.


" nandito pa din sa condo haha," baliw talaga to akala ko naman nasa bahay na.


" bruha ka akala ko ba on the way kana kanina?" pagtataray ko sakanya natawa lang naman siya.


" alam ko namang nasa ospital kapa eh," sige na maliligo lang ako tapos aalis na,kakauwi ko lang din galing studio. daldal niya saka binaba yung tawag kaya nailing ako. Hindi ko na yata matandaan kung paano kame naging mag bestfriend ng baliw na to haha.


Pagkatapos naming mag usap nag ayos na din ako ng gamit ko para umuwi, nakakapagod na maghapon pero worth it  naman dahil nakakatulong ako sa mga may sakit.


" come in," seryosong sabi ko nung may kumatok sa office ko.


" hi dra. are you busy?" nagulat pa ako nung makita kung sino yung pumasok.


" did i disturb you?" nakangiting sabi niya kaya tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sakanya, humalik naman siya sa pisngi ko na kinangiti ko," sanay na ako sa ganung gawa niya. Pakiramdam ko naman nawala yung pagod nung makita ko siya.


" hindi naman," actually pauwi na din ako. sagot ko kaya ngumiti naman siya.


" really," you look so tired bb," pag aalala niya sakin nung makita niyang bagsak balikat akong naupo sa couch, nag stick na siya sa tawag sakin na bb short for baby daw.


" madame kasing pasyente ngayon deans," sagot ko kaya tumango siya


" maybe i take you home na bb," iwan muna yung kotse mo dito ipapakuha ko nalang sa driver mamaya. seryosong sabi niya saka ako inakbayan kaya sumandal ako sa balikat niya.


" wag na deans kaya ko pa naman," ramdam ko naman yung pagbuntong hininga niya.


" no but's bb, your tired na," ako nang maghahatid sayo pauwi. seryosong sabi niya hindi na ako kumontra dahil alam ko namang hindi ako mananalo sakanya.


" ok boss," natawa naman siya sa sagot ko.


" so shall we go?" tanong niya kaya tumango ako saka tumayo para kunin yung gamit ko.


habang naglalakad kame sa hallway naririnig ko na naman yung mga bulungan kaya napanguso nalang ako, paano ba naman kasi si deans na naman yung pinagbubulungan nila.


Pagdating sa parking lot pinagbuksan niya ako nang pinto ng kotse, gentleman naman.


" flower's for you bb," nakangiting sabi niya nung kinuha yung sunflower boquet na nasa backseat ng kotse niya.


" thank you deans," saka ko inamoy yung bulaklak, perfume na naman niya yung nilagay niya.


" do you want something to eat ba bb?" we can buy," seryosong tanong niya habang nagdidrive, my gosh nakalimutan ko pupunta nga  pala si dori sa bahay.


"hindi na deans mag oorder nalang ako mamaya, muntik ko nang makalimutan pupunta pala sa bahay yung bestfriend ko," sagot ko sakanya kaya napatingin siya sa akin.


" you have no work tomorrow right?" tanong niya.


" yes day off ko bukas," sagot ko.


" oh i see," im busy for tomorrow bb ha, bukas na yung hiring sa hawak naming kaso. seryosong sabi niya kaya tumango ako.


" ok lang deans para kang batang laging nagpapaalam sa nanay," natatawang sabi ko kaya napalingon siya sakin na nakanguso hahah.


" gusto ko lang naman mag update," parang batang sabi niya kaya natawa ako, ewan ko ba hindi ko lang siguro akalain na may ganito siyang side, napaka caring and sweet niya pero kung titingnan mo siya base sa looks niya jusko matatakot kang kausapin siya dahil napakaseryoso at laging salubong ang kilay, ganun siguro talaga siya syempre abogado kaya dapat siguro nakakatakot yung dating niya.


" uo na po alam ko naman yun, ako bukas sa bahay lang kasama ni dori alam mo naman ako tamad lumabas," sabi ko sakanya tama namang nakarating na kame sa bahay.


"pasok ka muna deans," aya ko sakanya nung makababa ako sa kotse niya,napansin ko naman na nandito na yung sasakyan ni doricel baka nasa loob na siya.


" maybe next time bb," rereviewhin ko pa kasi yung case para bukas, you naman matindi ang kalaban namin ngayon. seryosong sabi niya kaya napahinga ako ng malalim, trending news nga yung about sa kasong hawak nila dahil balita na sa tv pati sa social media, kilalang tao kasi yung sinampahan ng kaso.


"ok if you say so," mag iingat ka sa pagdidrive ha and update me pag nakauwi kana, seryosong sabi ko sakanya kaya ngumiti siya.


" yes bb i will," saka siya humalik sa pisngi ko.


" ilove you dra," malambing na sabi niya kaya pakiramdam ko yung puso biglang bumilis yung tibok, first time kung narinig yun sakanya simula nung nanligaw siya, ang laging naririnig ko sakanya i miss you.


" thank you deans," nahihiyang sagot ko hindi ko kasi alam kung anu ba dapat ang   isagot ko.


"I will wait for the day when you say you love me too," nakangiting sabi niya saka hinawakan yung isang kamay ko, dahil yung isa hawak yung bulaklak na bigay niya.


" maybe soon deans," nag eenjoy pa naman tayong kilalanin ang isa't isa diba. nakangiting sagot ko kaya mabilis naman siyang tumango.


" yes of course," dont worry bb hindi naman ako nagmamadali. sagot niya.


" o sige na uwi na baka matraffic kapa, ayaw mo namang pumasok muna sa loob," seryosong sabi ko kaya napakamot siya ng ulo.


" tomorrow be after ng hiring pupunta ako dito,"


" pano bb i have to go na, mag rest kana din ha," huling sinabi niya bago umalis.


hindi naman mawala sa labi ko yung ngiti habang naglalakad papasok ng bahay, pag bukas ko nang pinto nagulat pa ako dahil nakaabang ang bestfriend kong baliw na nakataas ang kilay, problema nito?"


" kailangan talaga sa harap nang gate may landian," mataray na sabi niya kaya natawa ako, nakita pala niya yun.


" gaga anong landian," tumatawang sabi ko saka siya nilampasan.


" hoy wag ako bruha, para akong nanunuod nang pelikula," daldal niya saka hinarap sakin yung camera niya.


" nakikita mo ito?" yang mga tinginan niyo jusko talo pa glue sa lagkit," daldal niya kaya lalo lang akong natawa, malagkit ba yung glue?" hindi ba madikit yun.

Comment