Part 8

JEMA:


" anak puro ka nalang trabaho", libangin mo naman yang sarili mo, pag wala ka sa ospital puro aklat naman yang hawak mo", paano kapa makakapag asawa niyan?". si mama habang kumakain kame nang almusal si papa pumasok na sa trabaho, parehong teacher ang magulang ko pati ibang mga tita at pinsan ko teacher din, sa pagkakatanda ko ako lang ang naiba ang kurso sa pamilya namin, ako lang ang nagdoctor.


" ma bata pa ako wala pa sa isip ko yung pag aasawa", grabe ka sakin ma parang gusto muna akong ipamigay". nakangusong sabi ko pero tinaasan lang niya ako nang kilay, ay attitude ang aking mahal na ina.


" naku jema panong bata?, malapit ka nang mag 27 diba?" aba doctor ka at alam  mung may edad ang panganganak. masungit na sabi niya kaya mas lalo lang akong napanguso, anaka talaga?, agad agad.


" ma naman nahawa kana kay papa lagi akong kinukulit sa apo", reklamo ko kaya napabuntong hininga siya.


" jema nag iisa ka naming anak  kaya sana naman makita muna namin ang apo   namin bago kame mawala ng papa mo". seryosong sabi niya kaya ako naman yung napabuntong hininga, ang aga aga kung anu-anong iniisip ni mama nakakaloka.


" ma bata pa kayo ni papa", huwag kayong mag alala bukas na bukas magpapabuntis na ako". pigil na tawang sabi ko dahil nabitawan niya yung hawak niyang kutsara't tinidor saka ako sinamaan nang tingin.


" Jema". pikon na tawag niya sakin kaya natawa ako, gusto nang apo tapos ngayon magagalit naman, ang labo mong kausap ma ha.


" haha joke lang ma", hayaan niyo po pagnakilala ko na yung magiging tatay ng apo niyo kambal agad bubuuin namin o kaya triplets para minsanang iri. natatawang sabi ko wala tuloy siyang nagawa kundi umiling dahil sa mga pinagsasasabi ko.


" puro ka kalokohang bata ka", sige na papasok na ako, bilin nga pala ng papa mo kanina ikaw daw muna ang mag grocery dahil nagpaalam magbakasyon nang dalawang araw si cindy. huling salitang sinabi niya bago tumayo, tamang tama may bibilhin din naman ako mamaya isasabay ko nalang yung pag grocery bago ako umuwi pagkatapos ng trabaho.


pagkatapos kung kumain nag ayos na din ako nang sarili ko para makapasok sa trabaho, tulad nang dati at araw araw na routine ng buhay ko, trabaho bahay, bahay trabaho ewan kuntento na ako sa ganitong takbo nang buhay ko, tamad naman kasi akong maglalabas. Lagi nga akong inaasar nang mga kaibigan ko masyado daw boring tong buhay ko, so what kung boring masaya naman ako.


habang nasa biyahe naman ako iniisip ko na yung trabahong naghihintay sakin sa ospital, marami na naman nga pala akong pasyente ngayong araw, speaking of pasyente ngayon pala ang discharge ni mr.wong este deans. Pagdating ko palang nang ospital medical record file na agad ang sumalubong sakin na nakapatong sa table, nailing nalang ako dahil sa dame nito, ubos na naman ang maghapon sa pag iikot, but it's worth it naman dahil masaya akong nakikitang mabilis makarecover ang mga pasyente ko. Sinuot ko na yung white coat ko then i check all the medical record, uunahin ko nang puntahan si deans para maasikaso na din yung papers nila for discharge, inip na inip na yun dito kahapon gusto nang lumabas pero hindi ako pumayag dahil hindi pa ganun katuyo yung sugat niya, sabi nang mommy niya masyadong matigas ang ulo kaya nagagalaw niya dahilan para dumugo na naman yung sugat niya.


Habang naglalakad ako sa hallway puro bati ng guard at nurse ang naririnig ko. Goodmorning dra. Galanza haha pati yata pagbati sakin same routine na din dahil yan lagi ang naririnig ko twing umaga, wala naman akong ginawa kundi ngitian sila at batiin pabalik.


Bago ako pumasok sa kwarto ni deans inayos ko muna yung sarili ko", wow ha bigla akong na curious sa sarili, pagpasok ko natulala naman ako nung mapatingin ako sa taong nakaupo sa ospital na nakasalamin at may nakapatong na laptop sa lap niya, my gosh mas lalo siyang naging gwapo pag may salamin siya bagay na bagay sakanya.


"dra ikaw pala so pwede naba akong lumabas today?" tanong niya na nagpabalik sakin sa wisyo, jusko jema nakakahiya ka kailangan talaga matulala.


"  ahh yes deans". ichecheck ko lang yang sugat mo then ibibigay ko na sa nurse yung mga gamot na kailangan mo para maayos na yung discharge paper mo. sagot ko sakanya saka huminga nang malalim para kumalma yung sarili ko, inalis naman niya yung laptop na nasa lap niya saka yung suot niyang salamin.


" dont tell me nagtatrabaho kana?" tanong ko nung makalapit ako sakanya para tingnan yung sugat niya, ok naman hindi naman na dumugo natakot yata siya sa sinabi ko kahapon na mag eextend pa siya dito sa ospital kung dudugo parin yung sugat niya.


" honestly yes", maraming kailangan tulungan, you know yung mga taong walang kakayahang ipagtanggol yung sarili nila dahil malalaking tao yung sangkot, kaya yung mga inosente pa ang napaparusahan at yung totoong may kasalanan ang napapawalang sala. mahabang paliwanag niya habang pinapalitan ko nang bandage yung sugat niya. Ang lalim naman nung sinabi niya, kaya siguro nangyari sakanya to dahil sa prinsipyo niya, sana marami pang tulad niya na nasa tama ang pinaglalaban.


" parang hindi na yata bago yang ganyang pangyayari dito sa atin deans", sagot ko dahil totoo naman yung sinabi niya na pag makapangyarihan at mayamang tao yung nakabangga mo sigurado ikaw ang talo dahil kayang kaya nilang baliktarin at paikutin ang batas.


" yeah", you're right, kaya nga gusto ko nang lumabas dito para kahit paano makatulong ako sa mga taong walang kalaban laban sa mga taong mapagsamantala. wow as in wow lang talaga nakakabilib yung prinsipyo at paninindigan niya, napakaswerte mga taong matutulungan at tutulungan niya dahil sigurado ako hindi siya titigil hanggat hindi niya naipapanalo yung kasong hawak niya basta alam niyang tama.


" dont worry today makakalabas kana, you can do your work pero huwag mo munang pwersahin yang part ng may sugat ha baka dumugo, and yang arm sling mo huwag mo munang alisin para hindi magalaw galaw yang dibdib mo. paliwanag ko sakanya nung matapos kung palitan ng bandage yung sugat niya.


" thank you dra. nakangiting sabi niya kaya ngumiti din ako saka tumango.


" pano i have to go na marami pang pasyenteng kailangang puntahan. paalam ko sakanya saka kinuha yung medical record file na dala ko, tatalikod na sana nung magsalita siya.


" dra can i get your number?" nahihiyang tanong niya, bakit kailangan yung number ko?.


" ha? why?" tanong ko kaya mas lalo lang siyang napakamot ng ulo.


" ok give me your phone. sabi ko nalang nung hindi na siya nakapagsalita, natawa   pa ako nung taranta niyang kunin yung phone niya, at kakamot kamot ng ulo na inabot sakin.

Comment