Part 17

DEANS:


"i'm useless, anong kwenta ng kakayahang meron ako kung sariling pamilya ko hindi ko nailigtas, mas mabuti pang mawala ito sa pagkatao ko," galit na sigaw ko habang isa isang binabasag yung bote ng alak sa table na nandito sa viranda gamit ang isip ko. Damn this life.


"sir may bisita po kayo," magalang na sabi ng isa sa kasama ko dito sa bahay.


"ilang beses ko ba sasabihin na ayaw kong tumanggap ng bisita," galit na sigaw ko kaya napalunok siya.


"sabihin mo umalis na kung sinuman yan," sabay talikod ko sakanya para pumasok sa kwarto ko pabagsak ko pang sinara yung pinto.


It's been a month mula ng mawala si mom at dad, and after that naging miserable na ang buhay ko ni ayaw kong makipag usap kahit kanino kahit pa sa mga kaibigan ko, even to jema na halos walang araw na hindi pumunta dito sa bahay pero never ko siyang hinarap. Natatakot ako na pati siya mawala din dahil minahal ko siya, i'm afraid to losing someon i love again kaya mas mabuti nang hindi na siya lumapit pa sa akin.


"Deans open the door kausapin mo ako," it's Jema napahinga nalang ako nang malalim nung marinig ko yung boses niya.


"Just leave me alone Jema," sigaw ko pabalik saka ininum yung alak na nasa minnie table ko dito sa kwarto, for that one month nandito lang ako sa bahay umiinom ng alak.


"Deans please naman huwag naman ganito kausapin mo naman ako," naiiyak nang boses na sabi niya.


"Leave," tipid lang na sagot ko habang nakasandal sa pinto ng kwarto ko, gustong gusto ko na siyang makita i want to hug her.


"Yan ba ang gusto mo deans?.


"Fine kung yan ang gusto mo oras na umalis ako ngayon dito sa bahay mo never muna akong makikita at hinding hindi na ako makikipag usap pa sayo," ramdam ko sa boses niya yung hinanakit, what would i do now?


"Please don't leave i need you Jema," nung buksan ko yung pinto ng kwarto nakatalikod na siya at hahakbang na palayo.


"Diba ito yung gusto mo?" yung iwan na kita at lumayo sayo." halata sa boses niyang umiiyak siya kaya niyakap ko siya mula sa liko.


"I'm sorry,"


"Natatakot lang ako na pati ikaw mawala sa akin, na magaya ka sa parents ko na nawala ng dahil sa akin."


" Deans ilang ulit ko bang sasabihin sayo wala kang kasalanan sa nangyari hindi mo kasalanan yung nangyari kila tito at tita, hanggang kailan mo ba sisihin yang sarili mo deans? seryosong sabi niya saka humarap sakin kaya napayuko ako.


"I don't know Jema, i feel guilty for what happened to them,"


"Wala akong nagawa para mailigtas sila,"   pigil na pigil yung pag iyak ko, napapagod na akong umiyak ito nalang yung tanging nagagawa ko mula ng mawala ang mga magulang ko.


"Please deans patawarin mo na yang sarili mo sa nangyari dahil hindi mo naman ginusto yun," seryosong sabi niya kaya nag angat ako nang tingin saka bumuntong hininga.


"You don't understand me Jema." siya naman yung napabuntong hininga sa sinabi ko.


"Then explain para maintindihan kita," sagot niya siguro ito na din yung time para malaman niya yung sekreto ko.


"Fuck," inis na sabi ko nalang dahil yung gusto kong pagalawin gamit ang isip ko hindi ko na magawa, what happened?"


"Bakit my problema ba?" tanong ni Jema kaya napabuntong hininga ako.


"bakit hindi na ako makapag pagalaw ng gusto ko gamit ang isip ko at hindi na din ako makapag invisible?.


"Deans," tawag ni Jema kaya napabalik ako sa wisyo, nawala naba sa pagkatao yung kakaibang kakayahan ko?.


"Kumain kanaba?" tanong niya kaya mabilis akong umiling nakaupo ako dito sa bed ko at siya naman nakatayo sa paanan ko na parang iritang irita sa loob ng kwarto ko.  Sino ba namang hindi maiirita sa dumi at kalat na nandito.


Iiling iling siyang pumasok sa banyo at paglabas niya may dala siyang rasor kaya kumunot yung nuo ko, anong gagawin niya sa rasor?


"Tumayo ka dyan deans dito ka maupo," utos niya sakin saka hinila yung rocking chair na nasa harap ng salamin ko dito.


"What will you do?" tanong ko kaya napabuntong hininga siya.


"Basta dito kana maupo bilis na nagugutom na ako," reklamo niya na parang bata kaya kahit hindi ko alam kung anong gagawin niya sumunod nalang ako.


"Wait marunong kaba?" tanong ko nung maisip ko kung anong gusto niyang gawin, she want to cut my hair.


" Uo naman hindi lang pag oopera ang alam ko noh", mataray na sabi niya kaya nailing ako.


"Tingnan mo naman kasi yang buhok mo mas mahaba pa sa buhok ko, pati yang bigote at balbas mo hay naku ewan ko sayo", pagsusungit niya habang ginugupitan yung buhok kaya hindi naman ako umimik dahil ang nasa isip ko ngayon bakit hindi ko na magamit yung kakaibang kakayanan ko.


"Finally it's done," masayang sabi niya saka inangat yung ulo ko para tumingin sa salamin, hindi ko namalayan na tapos na pala dahil iba naman yung nasa isip ko.


"Why are you doing this Jema?" tanong ko sakanya kaya napatingin siya sakin.


"Ang alin?" tanong niya.


"Lahat ng ito, bakit hindi mo ako iniwan? tanong ko napahinga naman siya ng malalim.


"Diba sabi ko hindi kita iiwan kasi..."


"Kasi ano?" tanong ko dahil hindi niya tinuloy yung sasabihin niya.


"Mahal kita," seryosong sagot niya kaya napangiti ako saka siya niyakap sa bewang dahilan para mapayakap siya sa akin.


"Really?" nakangiting sagot ko kaya tinaasan niya ako nang kilay, pero nanlaki yung mata ko nung bigla niya akong hinalikan sa labi halik na puno nang pagmamahal.


"Deans nasan ka?" kinakabahang tanong niya kaya nagulat ako hindi ba niya ako nakikita?"


"What?" hindi mo ako nakikita e nakayakap ako sayo." seryosong sabi ko pero nataranta ako nung bigla siyang nahimatay.


"Bb wake up," pag aalalang sabi ko saka siya pinahiga sa bed, bumalik naba yung dapat kanina ko pa pinakita sakanya?


"bb," pang gigising ko parin sakanya pero hindi siya magising, akala ko ba mahilig siya sa fantasy bakit siya nahimatay?.

Comment