Part 12

JEMA:


" buti naman pumayag ka nang magpaligaw jema," aba e tumatanda na kame ng mama mo single kaparin. si papa habang kumakain kame ng almusal, ang aga aga yung status ko na naman yung topic nila, my gosh.


" alam niyo po mama at papa parang pakiramdam ko gusto niyo na akong paalisin dito sa bahay e". maktol ko sakq sumubo nung hotdog na nasa plato ko.


" gusto lang naming makita at makilala kung sino man ang taong mamahalin mo anak," baka mamaya mapunta ka sa basagulero paano kapa maipagtatanggol ng tatay mo kung wala na kame," seryosong sabi ni mama kaya napangiti naman ako, nakakatouch naman ang parents ko.


" tama ang mama mo jema," kaya sabihin mo kay atty. Wong huwag loloko loko. si papa kaya natawa ako, kung makapagbanta naman si papa akala mo naman boyfriend ko na yung tao.


" Papa nanliligaw palang yung tao," baka mamaya niyan hindi na tumuloy yun kasi natakot na," tumatawang sabi ko pero seryoso lang silang dalawa na kumain.


" Atty. yung matapang kaya impossibleng susuko sa panliligaw," daldal ni mama saka inubos yung kape sa tasa niya. Haha  kung nakita lang nila kung paano mamula at mautal si deans kagabi baka matawa sila at isiping hindi siya abogado.


Uo nga pala hindi na ako nakapag message back sakanya kagabi, bigla kasi akong inantok nung matapos akong magshower," saka tamad talaga akong magcheck nang phone ko kung wala naman akong mahalagang inaasahang message o tawag.


" Hindi pala kame dito mag didinner mamaya jema ha," birthday nung isa sa co teacher namin e nag aaya sa bahay nila," si mama bago sila lumabas ng bahay kaya tumango naman ako, hays nakakalungkot na namang kumain mag isa mamaya. hhmmm tawagan ko nalang si doricel mamaya ayain kong mag foodtrip.


Pagkatapos kung kumain, umakyat na ulit ako sa kwarto ko para makapag bihis na dahil oras na naman para pumasok sa trabaho. Same routine na naman, napatingin naman ako sa phone ko nung umilaw, my God 50messages at puro kay deans galing, hindi ba siya napapagod mag type ng message?"


" hey goodmorning sunshine🙂 don't skip breakfats ha. Be safe. basa ko sa isang message niya, teka yun ba yung last so ibig sabihin yung 49 messages kagabi pa niya message..


" i can't sleep my love, namimiss kita," isa sa message niya kaya napangiti ako, may pagsweet pala ang mga abogado akala ko lagi lang silang seryoso.


"yung totoo hindi kapa ba pagod?" kasi naman kanina kapa tumatakbo sa isip ko," message niya ulit kagabi, jusko para akong teenager na nagbabasa ng message ng katextmate ko ay kachatmate na nga pala ngayon.


" Goodnight my baby," see you in my dreams," last message niya kagabi i mean kanina dahil 1am na yun.  baby? kanina my love," gusto ba niyang gamitin lahat ng indearment?"


" deans sorry hindi na ako nakapag message back sayo kagabi," tapos this morning hindi rin ako nag check nang phone, sorry talaga hindi lang talaga ako mahilig mag check ng phone. Good morning din sayo," message ko sakanya saka binitawan yung phone ko kailangan ko na din magbihis baka matraffic pa ako.


napanganga naman ako nung makita ko kung sino yung nasa labas ng gate nung buksan ko, si deans lang naman nakasandal sa kotse niya at may dalang sunflower boquet. Ang aga namang gwapo sa kalsada nito haha..


"hi dra. Goodmorning," nakangiting bati niya nung lumapit sa akin,wow ha dra. na ngayon kagabi my pa love at baby siya. teka baka naman wrong send yun, naku wong sinasabi ko sayo wag na wag mo akong gagawing collection mo sasamain ka sakin.


"flowers for you," ok wala na siyang mata dahil sa ngiti niyang abot tenga..


" ang aga ha," natatawang sabi ko kaya napakamot siya ng ulo.


" of course this is my first day courting you baby," sabay kindat niya sa akin kaya pakiramdam ko bigla akong namula, ayan na naman yung mga banat niya.


" ang agang bola Attorney Dennis Wong," mataray na sabi ko kaya napasimangot siya.


" im just telling the truth Dra. Jema Galanza." seryosong sagot niya kaya nailing ako, dadaanin pa ako sa pagiging abogado niya.


" bakit nga ang aga mo?" wala kabang trabaho?" tanong ko, bumuntong hininga naman siya.


" i told you already," gusto lang kitang makita this morning," nakangiting sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay, ang dameng alam ha.


" ok ok," honestly akala ko kasi galit ka, o kaya naman baka nagbago na yung isip mo na payagan akong manligaw." malungkot na sabi niya, bigla naman akong naguilty sa narinig ko, ganun na pala yung iniisi niya sa hindi ko pagsagot sa mga message niya kagabi.


" sorry deans," hindi lang kasi talaga ako mahilig mag check nang phone. seryosong paliwanag ko, ngumiti naman siya.


" it's ok Jema," nag alala lang talaga ako kasi you never answer may message. ay hala hindi din yata siya nagcheck nang phone niya, hindi niya nabasa yung message ko sakanya kanina,sabagay nagdidrive nga naman pala siya.


"  so lets go na, sabay na tayo," pupunta din kasi ako nang ospital today para kausapin yung client ko na naka confine ngayon. paliwanag niya kaya tumango ako, kaya naman pala dumaan dito at sa ospital din ang punta niya.


nailing nalang ako habang nagdidrive dahil nakikita ko siya sa side mirror na nakasunod lang sakin, ang gwapo ng body guard ko charr.


" saan ka deans?" tanong ko sakanya nung makababa na kame pareho sa sasakyan namin, nandito kame sa parking lot ng ospital.


" sa puso mo", nakangising sagot niya, pinanlakihan ko naman siya ng mata kaya natawa siya


" haha sa 3rd floor dra." tumatawa pang sagot niya kaya inirapan ko siya, para siyang si papa may pagkabully din yata.


habang naglalakad kame sa hallway napapaikot nalang ako nang mata pag naririnig ko yung bulungan.


" ang gwapo naman nun," kilala kaya siya ni dra. galanza", isa lang sa narinig kong bulungan ng madaan naming nurse station, ang aga aga mga marites.


" oh ulo mo Atty. Wong lumalaki na dahil sa mga naririnig mo. mataray na sabi ko, kumunot naman yung nuo niya, bakit wala ba siyang narinig sa mga bulungan?


" baby dito na ako," see you when i see you, bye," saka siya mabilis humalik sa pisngi ko at patakbo pang pumunta sa may elevator, aba ang loko nagnanakaw na nang halik," pwede ko kaya siyang kasuhan?" haha charr pero ang bango niya ha.

Comment