Part 4

JEMA:


"hoy bakla ok ka lang ba?" tanong ni doricel bestfriend ko pero inirapan ko lang siya, nandito siya sa  bahay ngayon mang iistorbo daw alam na alam kasi nito ang araw ng off ko. Photographer si dori ewan ko ba kung paano ko naging kaibigan to.


"para kang tanga gurl doctor ka pero hindi mo kayang gamutin yang sarili mo",   sabay irap niya sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin kinukwento ko kasi sakanya yung nangyari kanina pero ang gaga pinagtawanan lang ako nakakainis.


"bakit ba kasi ayaw mong maniwala totoo naman kasi yung sinasabi ko", pikon na sabi ko paano ba naman kasi tawa parin siya ng tawa parang tanga lang nakakainis.


"hoy bakla ka sino namang matinong tao ang maniniwala sa kwento mo jusko epekto na yan ng pagbabasa mo nang mga fantasy book", mataray na sabi niya kaya napabuntong hininga nalang ako, paano ko ba mapapaniwala tong bruha na to, totoo naman kasi yung nangyari kanina at imposibleng magawa yun ng ordinaryong tao hello kotse yun noh at kitang kita ng dalawang mata ko na na masasagaan na talaga pero sa isang pikit lang biglang boom buhay ako.


"bahala ka nga kung ayaw mong maniwala alis dyan sa bed ko umuwi kana nga". taboy ko sakanya kaya sinamaan niya ako nang tingin tse mas matapang ako sayo.


" wow ha kung makataboy ka dyan parang hindi tayo friend", ngusong sabi niya pero inikutan ko lang siya ng mata, friend eh ayaw mo ngang maniwala sakin.


"kasi naman bakla tigilan mo na yang pagbabasa ng fantasy book kung anu-ano tulog nakikita mo", daldal niya saka kumuha ng chips na nasa side ng bed ko buti nalang pala bumili ako ng chips kanina kung hindi kanina pa to nagrereklamo na walang makain..


"tse pagbabasa na nga lang libangan ko aalisin mo pa, ikaw nalang kaya ang umalis", taas kilay na sabi ko pero ang bruha inukutan lang ako nang mata saka kinuha yung camera niya, ganyan naman kameng dalawa pag nandito sa bahay eh gagawin niya yung gusto niyang gawin ganun din ako walang pakialaman sa mga ginagawa namin habang nagchichikan kameng dalawa.


napatingin naman ako sa mga picture na nilalabas niya pero napako yung mata ko sa isang picture na nasa harap niya, hindi ako pwedeng magkamali siya yun, yung taong nagligtas sakin kanina..


"dori siya to", daldal ko sabay kuha nung picture nang lalaki na naka pormal attire ang gwapo niya pero long hair ha.


"siya ang aling jemalyn", masungit na sabi niya sabay agaw nung picture na hawak ko.


" yang nasa picture siya yung nagligtas sakin kanina", excited na kwento ko pero parang wala lang sakanya kainis naman to basag trip talaga kanina pa.


"kaya naman pala, hindi nakakapagtaka jemalyn tagapagligtas talaga yan", daldal niya kaya nanlaki yung mata ko seryoso ba siya tagapagligtas yung taong yun kaya ba niya nagawang iligtas ako kanina


" hoy baklang to kung san naman umabot yang imahinasyon mo, tagapagligtas siya dahil attorney yan hindi superhero", pagtataray niya kaya napanguso ako, kung anu-ano na naman nga kasi yung tumaktabko sa isip. curious ako sa taong to gusto ko siyang makilala

Comment