Part 16

JEMA:


" Dra. Galanza please proceed to emergency room now," rinig kong sabi sa intercom ng ospital habang naglalakad sa hallway galing sa pasyenteng dahilan kung bakit hindi natuloy yung day off ko today.


" Paging dra. Galanza please proceed to emergency room now," patakbo naman akong pumunta sa emergency room, nung malapit na ako bigla akong kinabahan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.


Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung makita ko si deans na nakatayo sa side ng ospital bed na puro dugo yung damit, anong nangyari sakanila."


" bb please save may parents im begging you do everything to save them," umiiyak na sabi niya nung makita ako.


" i will do my best deans," sagot ko saka pinuntahan yung parents niya, pinalabas naman sila ng mga nurse dahil bawal sila dito sa loob.


After almost two hours na paggamot ko sakanila hindi din nila kinaya na pinagtaka ko dahil mababaw lang naman sana yung sugat nila at wala namang maselang parte ng katawan nila ang tinamaan kaya pina laboratory ko yung balang tumama sa kanila at tama ako may lason yung balang tumama sa katawan nila kaya kahit hindi grabe yung naging tama sakanila hindi na nila kinaya. Paano ko sasabihin kay deans na wala na ang parents niya?


kinakabahan  akong lumabas ng emergency room dahil alam kung hindi magandang balita ang sasabihin ko kay deans.


" bb they are safe right?" salubong agad sa akin ni deans nung makita akong lumabas ng emergency room, napahinga ako nang malalim sa tanong niya.


" im sorry deans tito and tita didn't make it, hindi nila kinaya yung lason sa balang tumama sa katawan nila," sagot ko dahilan para matulala siya ng ilang sigundo pero nung makabawi mabilis tumakbo sa loob ng emergency room.


" deans," habol sakanya ni vincent pati ako patakbo din bumalik sa emergency room.


" Dad wake please,"


" Mom this is not a good joke please wake up," umiiyak na sabi ni deans, ngayon ko lang siya nakitang ganito. Hindi ko rin mapigilang maluha sa nakikita ko ngayon.


" Dad, Mom" malakas na sigaw niya kaya nilapitan na siya ni vincent i know him pinakilala na siya sakin ni deans before pati si jericho.


"Deans stop it," awat sakanya ni vincent nung inaalog alog niya yung katawan ni tito at tita.


" tell me vince panaginip lang ito diba?" umiiyak na sabi niya kaya napayuko si vincent.


"No deans this is real," sagot ni vincent kitang kita ko naman yung pagbabago sa mukha ni deans, galit na galit siya at kuyom ang mga kamao.


" Where are you going," habol sakanya ni vincent nung mabilis siyang lumabas nh emergency room pati ako humabol din sakanila, hindi ko alam kung anong kayang gawin ni deans dahil sa galit niya.


" I will make them pay for what they did to my parents," galit na galit na sigaw niya kaya lahat ng makasalubong namin napapatingin sakanya.


"Stop it deans don't do that you are not a criminal," si vincent kaya napatigil ng paglalakad si deans pero hindi siya lumingo.


" Do you think magugustuhan ni tito at tita yang gusto mong gawin?" tanong ni vincent kaya humarap si deans na blangko ang mukha, hindi ko mabasa kung anong nararamdaman niya ang lamig ng aura niya at ang alam ko lang galit na galit siya.


" They are gone vincent," malamig na sagot niya.


"They killed my parents," saka  siya tumalikod at naglakad ulit pero hinabol ko siya.


" Deans please huwag mong ituloy kung anuman yang binabalak mo," pakiusap ko sakanya habang nakayakap sa likod niya, wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kame ng mga tao dito sa ospital kailangan ako ni deans ngayon kaya gagawin ko lahat para matulungan siya.


"Balikan na natin sila tito at tita please," pinapakiramdam ko lang siya habang yakap parin siya mula sa likod, hindi siya nagsasalita puro malalim na paghinga niya yung naririnig ko at ramdam na ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso niya.


"They are gone Jema iniwan na nila ako," dun na siya umiyak kay pinaharap ko siya sakin para yakapin, hinayaan ko lang siyang umiyak sa balikat ko mas makakatulong sakanya kung iiiyak niya para mabawasan yung bigat sa dibdib niya.


"Dra. ikaw munang bahala sakanya ako nang bahala mag asikaso kila tito at tita," si vincent kaya tumango ako.


" Deans tara sa office ko," saka ko siya hinawakan sa kamay wala naman siyang nagawa kundi sumunod sa akin.


Tulala lang siyang naupo sa couch na nandito sa office ko.


"Uminom ka muna nitong tubig deans," seryosong sabi ko pero tiningnan lang niya ako saka umiling, napabuntong hininga nalang ako sa nakikita ko ngayon.


"This is my fault," seryosong sabi niya habang nakatingin lang sa pader nitong office ko.


"Wala kang kasalanan deans," sagot ko saka naupo sa tabi niya.


"Kung hindi dahil sa akin buhay pa sana sila ngayon," seryosong paring sabi niya kaya hinawakan ko yung kamay niya pero hindi niya yun pinansin sa pader pa din siya nakatingin.


"Huwag mong sisihin ang sarili mo deans dahil hindi mo kasalanan at wala kang kasalanan sa nangyari," pagpapagaan ko nang loob niya pero hindi siya umimik.


"Yung ibang tao nagawa kong ipagtanggol at protektahan pero yung sarili kong magulang hindi ko nagawang protektahan," sabi niya habang tumutulo yung luha niya, hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang loob niya dahil sobrang mahal niya si tito at tita kaya hindi madali para sakanya itong nangyari.


" I am useless Jema and because of that mag isa nalang ako and i deserved this for being useless."


"Hindi ko sila naprotektahan, this is all my fault," saka niya tumayo para sana lumabas ng office ko pero mabilis ko akong humarang sa pinto at niyakap siya.


"Nandito pa ako deans," hindi ko na napigilan yung luha ko habang yakap siya, awang awa ako sa nakikita ko sakanya ngayon.


"Im sorry Jema pero ayaw na kitang madamay pa," seryosong sabi niya pilit inaalis yung kamay ko sa pagkakayakap sakanya.


"Mahal kita deans kaya kahit ayaw mo damay na ako dito, hindi kita iiwan," umiiyak paring sabi ko at mas lalong hinigpitan yung yakap ko sakanya.


"You don't know what you're saying Jema,  mapapahamak ka lang ng dahil sa akin." hindi na ako umimik kundi mas hinigpitan ko nalang yung yakap sakanya  baka sakaling sa paraan na ito maramdaman niyang hindi siya nag iisa.

Comment